mag wheel

#wheels_jon
MONEY! 🤑
#designo_motoring
#adv1
#novitecgroup
Specs:
20/21 ADV5.0 Mv2 CS
Brushed face / gloss black windows
Hidden hardware
#adv1 #adv1wheels #mclaren #570s #570Gt #british #exotic #designomotoring #novitec #carbonfiber #carbon #blacklist #dubirtint #dubirtint

Different types of manliligaw

Originally posted by allthereactions

Sa dinami-dami ng tao sa mundo ngayon, marami ng nagsisilipanang manloloko. Hindi natin ma-distinguish kung sino ang seryoso at manggagantsyo. Kaya girls, alamin nyo muna kung ano nga ba ang mga types ng manliligaw na nambubulabog sa bahay este sa puso mo.

1.) Mr. All-in-one

Gwapo, mayaman, matangkad, marunong mag-gitara at naka wheels! (hindi po ito yung naka-wheel chair. Tigilan nyo po ako) . Kilala sa buong baranggay at habulin ng mga chickas. Sila yung tipo ng manliligaw na overwhelming ang confidence sa sarili na hindi maba-basted kaya pag na-basted isa lang ang linya nyan, “Kala mo kung sinong maganda, eh pagtyatyagaan ko lang naman!”

2.) Mr. Joker

Gagawin ang lahat para mapatawa ka lang. Sila yung tipo na manliligaw na pinipilit kang patawanin kahit alam nila sa sarili nila na inaamag na ang mga banat lines nila o kaya sinasabi nila na joke lang na mahal ka nya pero deep inside sa sarili nya ay totoo pala! 

3.) Mr. Breezy

Best line nya ang mga katagang “Actions speaks louder than words”. Wala kang ka-alam alam na nililigawan ka na pala. Kaya pala ang bait-bait nya sa’yo pero akala mo mabait lang talaga sya. 

4.) Mr. Atat

Hinding-hindi ka tatantanan na sagutin mo na sya and he will like “Bebs, mahal na mahal kita, kailan mo ba ako sasagutin?” At ganun nanaman ang tanong nya kinabukasan. Sila yung tipo ng manliligaw na napipikon ka na katatanong nya kung kailan mo ba ibibigay ang napakatamis mong oo.

5.) Mr. Flower boy

Sila ang type ng manliligaw na mabulaklak ang bibig pero deep inside nila, inuuto ka lang. They will be like, “Ibigay mo lang ang matamis mong oo, ipapakita ko sa’yo kung ano ang pakiramdam kung paano sumaya dito sa mundo na kasama ako.” Beware girls, kung nagpauto ka sa mga linya nila, asahan mong makakalimutan nya na ‘yan.

6.) Mr. Extra Ordinary

Linya nila ang ang “Give me a chance. Ipapakita kung gaano kita kamahal.” Kahit sinasampal mo sa mukha nya ang katotohanan na hindi mo sya type ay hindi sya titigal na ligawan ka. Sya yung masugid mong manliligaw since preschool. 

7.) Mr. Personal a-shit-tance

Eto ang type ng manliligaw na handang ipagbili ka ng ngapkin sa tindahan, Handa syang ipagbuhat ka ng bag tuwing uuwi ka galing ng school. Handang bumuntot sya sa’yo kapag may lakad kayo ng barkada. In short, handa syang magpaka-aliping sagigilid sa’yo. Pero humanda ka na kapag sinagot mo sya. 

8.) Mr. Move-on

Kapag binasted mo paniguradong bukas, may nililigawan nanaman syang iba at ito pa ang malala, hindi ka nya papansinin.

9.) Mr. Sweet Words

May pagkakatulad sila ni Mr. Flower boy pero mas matindi ito mang-uto at mangbola. Napaka sweet ng mga words nya na ikaw naman, tuwang-tuwa kapag pinupuri ka nya. He will be like, “Ang ganda naman ng kuko mo.” “Ikaw ang may pinakamagandang balakang sa buong mundo.” at marami pang ibang pang-uuto para sagutin mo lang sya.

10.) Mr. Stalker

Hindi mo palang sinasagot pero napaka over-protective nya. Gusto nyang malaman kung anong ginagawa mo, kung nasaan ka, kung sino ang mga kasama mo at kung kumain ka na ba!

11.) Mr. Two Face

Sila ang mga tipo na may girlfriend pa palang iba pero nilalandi ka na at kapag sinagot mo sila, they will be like “Makikipag break na ako sa kanila.” Pero sinama kalang pala sa collection nya,

12.) Mr. Romantiko

Napaka korni ng way nila ng panliligaw. Manghaharana, makikisama sa barkada, liligawan ang parents mo at laging may dalang chocolates at flowers kung dadalaw sa bahay nyo pero madalas nakakapagpakilig ng nililigawan dahil sa kanyang malinis na hangarin. :)