mag iisang taon na

anonymous asked:

Mag-iisang taon na kami ng boyfriend ko sa May. Ilang beses niya na akong niloko, but I stayed dahil mahal na mahal ko siya. Binalik ko tiwala ko, kahit wala siyang ginawa to gain it back. Tapos ngayon, nahuli ko nanaman siya. Gusto ko na makipagbreak pero di ko magawa. Napamahal narin ako sa pamilya niya at mga kaibigan niya. Nahihirapan na ako. Help please :(

Cheating is not an accident. IT’S A CHOICE. Ang mga lalakeng manloloko at paulit ulit nanloloko, iniiwan yan. Bakit ka pa nagsstay kung IKAW LANG naman mag-isa ang nagmamahal. Hindi nga siya gumawa ng way para bumalik yung trust mo eh, you did it on your own way at yun ang pinaka putanginang magagawa ng isang babae. Ang mag-isang pinupulot yung bawat piraso ng nasira at nabasag niyang puso. Nakakalungkot isipin yung idea nang ganung scenario.

Ate, andoon na ako. Mahal na mahal mo at naattached ka na sa family and friends niya. Pero kase hindi naman yun ang punto eh, ang punto kase dito is HINDI KA NA MASAYA SA RELASYONG MERON KA NA AKALA MO MAGIGING HAPPY ENDING NOONG UNA. Bottomline is, you’re not happy anymore. Nasasaktan ka sa mga nangyayare and to think na naging unfaithful siya, doon palang durog ka na eh. Tapos multiple times pa nangyari? Hindi na po iyong tama. If you’re already loosing yourself while loving a person, it’s not love.

You have to leave him. Uunahan na kita, WALANG MADALI. Pero kailangan eh. Hindi natin aalisin yung thought na mahal na mahal mo siya, kailangan mo lang umalis kase hindi na GOOD yung sitwasyon para sayo. At uunahan ko na ulit, the moment na makikipag break ka sakanya, expect mo na maraming promises nanaman ang lalabas sa bibig ng putanginang yan just to make you stay again. I beg you not to believe a single word from him. Mag 1 year palang kayo, teh. Ganyan na ang nasasaksihan mo, what more 3 more years pa. Worst, mag asawa na. MINSAN KA NALANG IKAKASAL, MASISIRA PA. Make your wedding day, your last wedding day of your life.

Kung iniisip mong naattach ka na sa pamilya niya. Be honest, hindi ka na masaya. Respect them pa din. But you have to do what you have to do.

Eto yung 2nd day ng retreat namin. Naglaro kami ng spin the bottle. Tas nung natapat sakin nagdare ako. Unang dare sakin magkiss ng siko. Haha shet. Pangalawa, sabe sakin ng teacher ko ” Pano kung kayo lang dalawa ni Patrick dito, ano ssbhin mo sa kanya ? ” Si Patrick ung bestfriend ko since grade one na nagtapat sakin nung 3rd year kami. Tas tinry ko naman. Sinubukan ko kung magwowork kami. Kaso wala. Natakot ako kasi baka masayang ung 9 years na friendship namin dahil dun. Parang naiwanan ko siya sa ere. Isa pa, masyado niya kong nasakal non. MU lang kami non. Alam niya na kaya kami nagbreak ng ex ko dahil nasakal ako. 1 yr and 6 months kami nung ex ko. At sa kanya ako laging naiyak non pag hirap na hirap na ko. Isang text ko lang rereplyan nya ko pag kelangan ko sya. Kasi kahit nung mga bata palang kami siya na ung lagi kong kasama sa mga problema ko.

So ayun bago pa ko magsalita naiyak na ko. Sabe ko ” Gusto kong magsorry kasi nasaktan kita. Alam ko nasaktan kita ng sobra. Natakot kasi ako. Baka masayang lahat. Hindi mo lang alam nasaktan rin ako nun lalo na pag may naririnig tungkol sayo. Hindi ko lang pinapakita. Alam ko rin na ako ung naging masama sa tropa kasi ako ung nangiwan. Sorry. “

Tapos non napaiyak narin ung iba. Tas pagalis niya sa gitna nung circle pinunasan niya luha ko. Tas nung paguwi namin nung last day, katabi ko si Jezreel.

Siya: Sabe ni Pat gusto niya sagutin ung mga sinabe mo. Kaso walang chance. Ang dami dami mo raw sinabeng dahilan pero nung time daw na tinanong ka niya kung bakit, wala kang masabe.

*napaiyak ako*

Ako: Ang sakit rin sa side ko. Ang tagal ko nang nagsorry pero hanggang ngayon nagguilty parin ako. Kasi parang habang buhay na nila akong sisisihin sa nagawa ko.

Tapos hanggang pag uwi ko napaiyak ako. Nagopen nako kay Alesi. Napaiyak talaga ako. Tas kanina magkasama kami. Imbis na magalit siya sobrang nicomfort niya ko. Kinwento ko lahat nung nangyare nung retreat. Pero di talaga sya nagalit. Pinakinggan lang niya ko at inintindi kasi alam niyang sobrang hirap na ko. Pinaramdam niya na may kakampi pa ko. Tinawagan niya ko kagabe sabe niya wag na daw akong umiyak. Narealize ko na sobrang swerte ko kay Alesi. Lagi bukas ung tenga niya para pakinggan ako at ung isip niya para intindihin ako.

Hanggang ngayon, oo, naiiyak pa rin ako. Mag iisang taon na ung issue na un pero wala parin sgurong closure. May mga tanong na wala pa ring sagot. Pero kelangan kong iwanan na ung pangyayare na un kasi masaya na ko sa buhay ko. Masaya ako kay Alesi.