madaling

Simple lang naman ang buhay eh.

Pagod ka, magpahinga ka.

Ayaw mo na, sabihin mo na.

Sawa ka na, itigil mo na.

Nasasaktan ka na, umiwas ka na.

Nahihirapan ka na, ihinto mo muna.

Nagmumukha ka nang tanga, wag mo nang ulitin pa.

Gusto mo nang sumaya, magdesisyon ka na.

Madaling sabihin, mahirap gawin,

Pero kung may tapang ka, hindi imposibleng gawin.

Papercut - Zedd ft Troye Sivan

[Verse 1]
Now we’re staring at the ceiling
You’re so pretty when you’re mad
All that I can hear is breathing
Oh, oh
And we’re stuck inside the silence
In a cold, cold world
We’re too proud to say we’re sorry
Oh, oh

[Chorus]
Right now it feels like we’re bleeding
So deep that we might not get back up
Our words will tear through the surface
Like a paper, like a papercut
Right now, don’t know why I love you
But by the morning when we wake up
I reach for you and remember
It was just a paper, just a papercut

[Verse 2]
I find refuge in the distance
Even when we’re breaking down
Can we pause it just for one kiss?
Oh, oh
Cause I never meant to hurt you
And I know you feel the same
Still the only one I run to
Oh, oh

[Chorus](x2)

HINDI SPECIAL SKILLS ANG MAGMAHAL”

Masyadong basic at effortless ang magmahal. Ito ang pinakamadaling gawin dito sa mundo. Hindi yan isang special skills. Kaya mong mahalin ang isang taong isang linggo mo lang nakikilala. ( Yung jowa nga ng kaibigan ko nirasyunan lang ng pagkain napamahal na agad sa iba. Malala eh. ) Kayang-kaya mong mahalin yung hipon na lumalandi sa’yo sa chat. Kayang-kaya mo ulit mahalin yung taong ilang beses kang sinaktan kase may masteral degree ka sa pagpapakatanga. Madaling magmahal lalo na kung ginugusto mo yung pakiramdam na nagmamahal ka. Kaya hindi mo dapat ipagmamalaking dakila ka dahil lang sa umibig ka. Maliit na bagay lang yan. Ang pinakamahirap gawin? To stay in love.

Sa dinami-dami ng taong nakakasalubong mo kapag tumatawid ka ng kalsada, nag-aabot ng pamasahe mo kapag sumasakay ka sa jeep, nakakasalamuha mo sa trabaho at mga naglalabasang nakakaakit na larawan sa newsfeed mo, makakakita at makakakita ka ng mas higit sa kanya. ( Yung mas yummy, mas mabait, mas sweet, mas malaki dede, mas bibigyan ka ng oras, yung mas malapit.)

Darating ka sa puntong mararamdaman mong “parang medyo mahal mo na lang siya.”  From “hayok sa pag-ibig” to “medyo mahal na lang”. Alam mong mahal mo pa rin pero hindi na tulad ng dati. Unting-unting nababawasan pero alam mong hindi nawawala. Falling out of love? Yun na nga siguro.

Pero ang pagmamahal ay hindi lang naman basta tungkol sa ‘nararamdaman.’ Hindi ka nagmamahal dahil lang sa rasong dito ka masaya o dahil gusto mo lang sumaya. Dahil kung ganun, gusto mo lang makinabang. Nanggagamit ka lang ng ibang tao dahil lang gusto mong sumaya. ( Eh di sana nagpa-footspa ka na lang. Masaya din yun sa feeling.)

Ang pag-ibig ay isang maya’t-mayang pagpili. Ang pagpiling mas tingnan ang kung anong meron sa kanya dahil kuntento ka na kesa sa mga pagkukulang niya na pwede mong makita sa iba. Isang pagpiling hindi dahil sa yun ang tama at kailangan o dahil sa isa lamang siyang bahagi ng pagpipilian. Patuloy mo siyang pinipili dahil sa kanya mo pa rin gustong manatili.

‘Cos staying in love needs commitment.

Pero pinakamahirap pa ring magdesisyon ~*kung saan nga ba talaga kayo kakain*~

2

Nakakamiss rin pala yung mga panahon na palagi kayo magkausap. Yung mga tagpong kahit wala na kayo mapag usapan, hindi pa rin kayo nagsasawa. Nakakamiss yung mga kwento niya at mga joke niyang korni. Nakakamiss yung boses niyang sintunado sa tuwing kinakantahan ka niya bago matulog. Kung minsan hindi mo sinasadya, natutulugan mo siya.

Palagi kayong magkatext umaga hanggang gabi. Minsan nga inaabot pa ng madaling araw. kahit paulit ulit nalang yung pinaguusapan, paulit ulit pa rin yung nararamdaman niyong saya at kilig.

Hanggang sa nagbago ang lahat. Hanggang sa nawala na ang saya at tamis ng pag uusap. Kung dati wala kayo ibang pinoproblema, ngayon puro nalang away ang pinaguusapan niyo. Yung dating Masaya sa tuwing nagkukwentuhan kayo, bigla nalang tumamlay. 

Nakakamiss lang yung mga panahong yun. Hindi naman sa hindi ko naiintindihan na nagsawa siya, na napagod siya, alam ko naman un. Nakakalungkot lang naman isipin, syempre namimiss mo siya. yung kung ano kayo dati.

..i just woke up 2am in the morning…i was then realize that im hungry….kaya un diretso nalang sa pantry..kuha ng Nissin Ramen ..lagyan ng mainit na tubig, wait for 3 minutes, tapon sa bowl.. kuha chopsticks, kain…xetx!!!! ang sarap ..lalo na anlamig…  chowchow!!!!

Madaling kumalimot ng tao kung tutuusin. Ang mahirap dito e kung paano mag uumpisa ulit. Kung paano ulit magtitiwala at kung paano ulit malalaman na totoo na pala yung pinapakita ng tao sa ‘yo dahil sawang sawa ka nang maiwan at masaktan.
GIVE ME ALONE! GUSTO KONG MAPAG-ISA.

Yung gigising ka ng madaling araw tapos ikaw yung maghahanda ng sarili mong almusal. Magluluto ka ng “limited edition pritong itlog” habang ginoogle mo kung gaano kadaming tubig ang ilalagay kapag magsasaing. Hanggang sa narealize mong nakalimutan mo palang baliktarin sa kawali yung niluluto mo kaya itlog na nga lang sunog pa.

Papasok ka sa trabaho para maging ganap na OFW tapos pag-uwi mo sa bahay, makikipagmatigasan ka sa mga hugasing pinggan sa lababo. Pero ikaw pa rin ang talunan kaya obligado kang kudkudin ng scotchbrite yung tumigas na kanin sa kaldero. Kulang na lang isampa mo pati yung paa mo sa lababo dahil mas attached pa yung dumikit na bahaw kesa sa senyo ng jowa mo.

Tapos pag day-off, lalabhan mo yung tambak na labada na sinuot mo sa loob ng isang linggo. Hindi mo alam kung paano gamitin yung washing machine sa unit mo dahil di ka sure kung panlalaking washing machine ba yun.

Pagkatapos mo magpahinga, mag-iisip ka na naman ng lulutuin mo mamayang gabi. Andami-daming laman ng ref mo dahil afford mo naman lahat ng gusto mong kainin. Pero ang ending, magdede-lata ka na lang dahil tinatamad kang magluto. ‘You are what you eat’ daw.  ( So di na ako nagtataka kung bakit itsurang de-lata na yung katawan ko.)

Tapos biglang magsskype ang nanay mo para kumustahin kung okay ka naman daw ba. And you be like, “Okay lang ako 'nay. Ang cute po ng mga camel dito.” Hahaplusin mo yung screen ng laptop at may tutulong luha sa left cheeks tapos 5-seconds delay sa right dahil feel na feel mo yung distance.

Seriously, ang hirap maging independent. Pero sa kabila nun, masarap pa rin sa pakiramdam kapag alam mong bumangon ka sa kama mo na suot mo yung damit na ikaw mismo ang naglaba, nag-almusal ka ng sunog na itlog na ikaw mismo ang nagluto at pinggan mo yung ginamit mo na ikaw mismo ang naghugas. Dun pa lang, pwede mo ng sabihin sa buong mundo na handa mong harapin ang pinakamalaking production number ng buhay mo na hindi ka dumedepende sa iba, dahil kaya mong mag-isa. ;)

Hugot sa Madaling Araw

Yung siya yung dahilan kung bakit ka napupuyat tuwing gabi. Yung kahit alas dos na ng madaling-araw, napapangiti ka pa rin sa tuwing nakikita mo yung sagot niya sa'yo. Yung minsan mga salita, minsan boses niya. Yung hindi ka mapakali sa tuwing sasagot ka sa mga tanong niya. Yung hindi mo napapansin yung paglipas ng oras. Yung taong dahilan kung bakit ka masaya bago matulog. Yung kung pwede lang sana, hindi na matapos ang gabi. Sana wala nang good night. Sana wala nang goodbye.

Pero ganun siguro talaga, lahat natatapos. Lumulubog ang buwan at sumisikat ang araw. Yung wala ka nang magagawa kundi alalahanin na lang yung boses niya. Yung lahat ng mga napag-usapan niyo. Yung umaasa ka na lang na sana… maulit pang muli.

Minsan bigla ka na lang mapapaisip na kailangan mo pala talaga ng kahit isang taong makaka appreciate sa ‘yo para maramdaman mo lahat ng nangyayari sa 'yo. Yung taong mag pupush sa 'yo to do more. Hindi yung mga taong nakapaligid sa 'yo kung saan mo mas nararamdamang mag-isa ka.

Minsan nakaka excite kapag may mga bagong tao sa buhay mo na dadating. Para bang na eexcite ka ulit sa mga panibagong mangyayari. Then all of a sudden, bigla silang mawawala sa buhay mo. Minsan, ang nakakainis pa dun ay ipaparamdam nilang hindi sila tulad ng iba. Pero minsan, mas nagiging malala pa sila doon sa mga naunang nawala.

Minsan mapapaisip ka na malungkot ka pala talaga. Tipong natutunan mo na yung mga bagay na dapat matutunan dahil naiwanan ka na rin naman dati. Tapos yung mga panibagong mawawala e yung mga wala ng ma contribute sa 'yo dahil nga sa natuto ka na.

Wala lang, minsan talaga ang labo ng buhay. Minsan, nahuhuli mo ang sarili mong gising sa madaling araw na walang kausap at nakatunganga at inaalala ang lahat kung bakit sila nawala.

SUPALPAL REPLIES KAPAG MAY NAGSTATUS NG "ANG LAMIG NG PASKO KO. PENGE KAYAKAP PLEASE."

Dahil magpapasko na naman, marami na namang bitter dahil single pa rin sila. Mega status ng, “Ang lamig ng pasko ko, penge kayakap. :(” Ginawang excuse ang December para humarot. So narito ang solusyon para matigil na ang kanilang kabalbalan sa lalong madaling panahon.

SUPALPAL #1

“Ang lamig ng pasko ko. aww. :( " 

"Badassbitch. Papanong di lalamig, eh nakapanty ka lang?”

SUPALPAL #2

“Ang lamig ng pasko ko..huhu. May ilang araw ka pa para landian ako. Go!" 

"Buhusan ng lugaw ang barubal na ito!”

SUPALPAL #3

“Ang lamig ng pasko ko.. penge kayakap :(" 

"Hi. Ano bang address mo? Gusto mo puntahan kita… tapos sunugin ko bahay mo para mainitan ka?”

SUPALPAL #4

“Ang lamig ng pasko ko.. aww. :(" 

"Sintomas ba yan ng Ebola o sadyang libog ka lang?”

SUPALPAL #5

“Ang lamig ng pasko ko. haixt. :(" 

"Gusto mo bang painitin ko? Eto plantsa yakapin mo!”

SUPALPAL #6

“Ang lamig ng pasko ko.. kakamiss ng may kayakap. :(" 

"Sus. Kunware ka pa. Miss mo lang lumamon ng turon eh.”

SUPALPAL #7

“ohmygee. Ang lamig ng pasko ko. :(" 

"Malamang! December ngayon eh. Try mong magpasko ng April para mainit.”

SUPALPAL #8

“Ang lamig ng pasko ko. :(" 

"Palusot ka pa! Ayaw mo lang maligo.”

SUPALPAL #9

“Ang lamig ng pasko ko. huhubels. :(" 

"Ayon kay Kuya Kim, dahil sa lumalalang Global Warming, magtutuloy tuloy daw yang nararamdaman mo hanggang summer. Goodluck.”

SUPALPAL #10

“Ang lamig ng pasko ko. :(" 

"Open-minded ka ba pagdating sa business?”

SUPALPAL #11

“Ang lamig ng pasko ko. :(" 

"Wag ako. Wag kami. Na kay Willie ang jacket.”

SUPALPAL #12

“Ang lamig ng pasko ko. :(" 

"Pasensya na daw ha sabi ng Global Warming. Siya na daw mag-aadjust para sa'yo.”

SUPALPAL #13

“Ang lamig ng pasko ko.  Penge kayakap. :(" 

"Gusto mong idikit kita sa likod ng ref?”

SUPALPAL #14

“Ang lamig ng pasko ko. :(" 

"Huuy. Nahohorny ka na naman. Pagtiyagaan mo na lang ulit yung doorknob!”

REALTALK:  Baduy mang sabihin at cliche mang pakinggan, still, there’s more to life than love. Pero darating ka din sa puntong ‘yon ng buhay mo na may magpapainit ng malamig mong pasko hanggang may magpasnow ng summer mo. Malilito na lang ang PAGASA at mahihiya ang Global Warming sa inyo. Darating yan kahit hindi mo iimpose. :)

Kapag galit siya sayo, asahan mong wala siyang masasabing maganda.  Asahan mo ang pabalang na pagsagot, galit na mga mata at boses at maging pagtaas ng tono ng kanyang pananalita. Hindi ka makakarinig ng mga malalambing na salita habang ganyan siya, walang I love you, kumain kana ba o ingat ha. Ihanda mo ang tenga mo sa masasakit na salita na maari niyang sabihin sayo. Dapat handa mo siyang pakinggan kung bakit siya nagkakaganyan kung kasalanan mo talaga. Huwag na huwag mo siyang tatalikuran habang nagkakaganyan siya, kung ayaw mong magkagulo kayo lalo. Tandaan mo, iba mag-isip ang galit na tao. Huwag kang sumabay sa galit niya, ibaba mo ang pride mo, makinig at itikom ang iyong bibig. Ipaliwanag mo ang mga bagay na dapat niyang malaman. Aminin ang nagawang kasalanan, humingi ng patawad hanggang sa maging okay siya ng tuluyan, iparamdam mo na sinsero ka at hindi na uulitin ang kamalian. Palawakin ang isipan at maging ang pisi ng pasensya dahil hindi madaling paamuhin ang gutom at galit na leon. Maaring tumagal ang galit ng ilang oras o araw, depende sa kung paano mo ipapaliwanag ang lahat at kung paano ka hihingi ng dispensa at patawad.

13 PA-HUMBLE REPLIES FOR “GANDA MO NAMAN BES!”

Number 1 rule pangkalawakan, kapag nag-upload ka ng selfie at may nag-comment ng “Ang ganda mo naman po.”, “shet. Iba ‘to!”, “how to be you po?”, “notice me senpai.”, wag lang basta i-like ang comment o dedmahin. Sira keyboard mo beh? Galawang pang-celebrity lang yun na may 20,000k followers and above. Yung kahit alas-tres ng madaling araw na sila mag-upload ng selfie, umaabot pa din ng 800 likes ang DP. Ganyan.

Bilang tunay na maganda, dapat may reply para kunware humble. Tska wag puro ‘’Thank you.” Utang na loob mo ba yung ganda mo sa iba? Dapat iba naman.

In example,

#1

Huyyy. Ang ganda mo bes.”

“Wala na bang iba bes? Nakakasawa na.”

#2.

“Ganda mo gurl!”

“Sorry. Napressure ka ba?”

#3.

“Shet ohhhhh. Ang ganda bes!”

“Atin-atin lang yan bes. Wag mo naman ipangalandakan.”

#4.

“Ay iba. Paganda ng paganda.”

“Don’t state the obvious bes.”

#5.

“Ganda mo po.”

“Ayyyy. Ngayon ka lang na-inform?”

#6.

“Paganda ka ng paganda bes.”

“Dapat sinasanay mo na sarili mo bes.”

#7.

“Ang ganda mo talaga.”

“Hayaan mo bes, gaganda ka din.”

#8

“Sobrang ganda mo naman bes!”

“Bes, sapat lang. Wag OA.”

#9

“How to be you po?”

“You can never be me po.”

#10.

“Bes, how to be you po?”

“Vsco filter A6 +1 exposure lang bes tapos 30 degrees paling sa kaliwa bes.”

#11.

“Ganda talagaaaaaa!!!”

“Bes, andaming nakakabasa. Next time sarilinin mo na lang.”

#12.

“Bes! Kahit saang anggulo maganda talaga!”

“Sus. Maliit na bagay.”

#13.

“Ang ganda talaga oh”

“Pag-pasensyahan niyo na. Yan lang ang nakayanan.”


( Applicable only kay bes. )

Papercut Lyrics

Zedd - Papercut ft. Troye Sivan 

[Verse 1]
Now we’re staring at the ceiling
You’re so pretty when you’re mad
All that I can hear is breathing
Oh, oh
And we’re stuck inside the silence
In a cold, cold world
We’re too proud to say we’re sorry
Oh, oh

[Chorus]
Right now it feels like we’re bleeding
So deep that we might not get back up
Our words will tear through the surface
Like a paper, like a papercut
Right now, don’t know why I love you
But by the morning when we wake up
I reach for you and remember
It was just a paper, just a papercut

[Verse 2]
I find refuge in the distance
Even when we’re breaking down
Can we pause it just for one kiss?
Oh, oh
Cause I never meant to hurt you
And I know you feel the same
Still the only one I run to
Oh, oh

[Chorus](x2)

Ang mga babae magaling magtaray, magalit, mag isip ng kung ano ano, madaling magtampo, pabago bago ng isip na parang nakaprogram na maging MONSTER kapag nagalit. Minsan kapag kinausap mo hindi kikibo. Sila yung tipo na parang linta kung dumikit, napaka arte. Parang BALIW, Mahilig manood nang mga love story, kasi dun lang sila nakakakita ng TRUE LOVE, kapag nanood may paiyak-iyak pa. Sila yung tipo na naniniwala na may lalaki silang mahahanap na katulad ng mga character sa napapanood nila. Madali silang bolahen, pasayahin, utuin, mahina sila pagdating sa pag-ibig. Kahit ilang beses kapa makagawa ng kasalan, iiyak lang sila then papatawarin kana. They put so much trust in you, giving chance kahit hindi mo deserve. Sila kasi yung tipo na hindi ginagawang experience lang ang pagkakaroon ng karelasyon, they take it seriously. They fall so deep, kaya kapag break up sila ang mas nasasaktan. they will endure pain, ng mahabang panahon.

Kaya kung magmamahal ka ng babae, maging lalaki ka naman, yung lalaking may backbone, yung kayang panindigan lahat ng pangakong binitawan mo sa kanya. Yung kayang manindigan hanggang sa huli. Yung kahit na may makita kang pangit sa kanya you will love her more. Ipadama mo sa kanya na sya lang yung babaeng mahal mo, yung tipong feeling nya safe na safe sya kapag kasama mo sya. Keep pursuing her, wag na wag kang mag sasawang intindihin sya. Ilayo mo sya mga bagay na alam mong male.

Become a man that will bring the best in her, not a man that will change her heart like a monster.