lumilitrato

BABE…

Habang ginagawa ko itong post na ‘to, alam kong nagtatampo ka. 13th monthsary kasi natin, pero maghapon akong nasa labas, nasa galaan kasama ang pamilya. Pinaghintay kita ng sobrang tagal. Araw dapat natin 'to, pero sinira ko. Patawad po. :(

BABE…

Labintatlong buwan na tayong nagmamahalan. Yung tatlong buwan dun, kasama kita, at tiniis natin ang sampung buwan na magkalayo. Sobrang saya ko at hanggang ngayon walang nagbabago sa relasyon natin. Kung may nagbago man, siguro mas tumatag ang pagmamahalan natin.

BABE…

Alam ko madaming pagkakataon na nagtatampuhan at nag-aaway tayo, may mga problema at hindi pagkakaunawaan, pero alam ko naman na naaayos pa din natin yun at nalalampasan natin lahat ng pagsubok.

BABE…

Gusto ko humingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanan ko sayo. Sa mga oras na hindi ako tumupad sa usapan natin. Sa mga oras na hindi ko nasusunod ang mga gusto mo. Sa mga oras na ako ang mali. Patawad babe. Patawarin mo ko kung minsan naging gago ako at nagpakatanga.

BABE…

Nagtatampo ka ngayon, kaya hindi ko alam kung masasabi kong HAPPY ang monthsary natin ngayon. Pero kahit di mo ako masyadong kinakausap, gusto kita batiin ng HAPPY 13TH MONTHSARY. Sobrang mahal na mahal kita. Ayaw na kita mawala saken. Gusto na kita makita. Gusto na kita makasama ulit. Gusto na kita mayakap ng mahigpit, yung tulad ng dati. Miss na miss na miss na kita ng sobra.

BABE…

Sorry na po. Patawad. I love you so much at miss na miss na kita.