love you yeng

Na-love at first sight-zoned.

Yung unang kita mo pa lang sa kanya, bigla na lang nag-slow motion ang buong paligid at biglang kumanta si Yeng Constantino ng kanta niyang IKAW. Dahan-dahan, papalapit siya sa ‘yo, nakangiti, nangungusap ang mga mata. Wala kang naririnig sa paligid maliban sa kabog ng dibdib mo at ang kanta ni Yeng.

At sa di inaasahang pagkakataon, matutulala ka na lang sa kanya. Nasa harapan mo na siya, nangiti, nakaabot ang kamay. Deep inside, nagwawala na ang puso mo. Deep inside, wagas ang ngiti sa mga labi mo.

Bigla ka na lang sasakay sa Time Machine at susubukang tingnan ang future niyong dalawa. Yes, agad agad. Yung magkahawak kayo ng kamay, magkatabi sa isang park, naglalakad ng sabay, magkatitigan ng mata, wagas ang tawanan, tapos kapag may problema ka, yayakapin ka niya at sasabihing “Nandito lang ako para sa ‘yo. At lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita.”

Umaasa ka sa possibilities ng love. Umaasa ka na matupad yung PERFECT LOVE STORY na matagal mo nang hinihiling. Tapos biglang malolowbat yung cellphone mo at mapuputol ang kanta ni Yeng Constantino, babalik sa present time ang oras, nakangiti siya sa ‘yo, ngingiti ka lang din at matatapos ang araw na Nice meeting you lang ang sasabihin niya. Wala na. Hindi na kayo ulit magkikita.

Tapos back to normal na naman ang buhay mo. Searching for true love. Searching ng ka-Yeng Constantino mo. Searching ng dahilan ng slow motion ng buhay mo. Pero hindi ka mawawalan ng pag-asa kasi fair ang buhay, may someone na naghihintay para i-press ang play button ng music player niya. May someone na itinakda si God for you.