lournal

whhuuutt thhheee!?

grabe na tlga ang mga tao ngayon ! dami ng malandi sa mundo :)) supposed to be hindi dapat ako magreact . masyado kasing kapansin pansin silang 2 . yung girl kakabreak lang nila ng bf niya . DI BA NIYA ALAM ANG THREE MONTH RULE ? siguro pag nabasa mo to sasabihin mo FRIENDS LANG KAMI ! duh! sinong g*** maniniwala sa inyo ? may gf yung lalake oh! then dapat iwasan mo yung mga ganyang bagay kasi baka simulan pa ng away . kaibigan din kita! at kabarkada ko yung ex bf mo . hindi mo ba alam na umiiyak yung ex mo kasi nakikita kayong dalawang magkasama . gusto niyang sugudin yung lalake at gustong sapakin sa ngala ngala! :)) eto naman kasing lalakeng to di makuntento sa isa may gf na nga! ang haliparot mo boy! advance na advance ka! sayang yan kagwapuhan mo! sinasabi ko to kasi naaawa ako sa gf nung haliparot na lalake! at sa babae nman te 3 month rule! gawin gawin din! thank you sa inyo ! may natutunan ako at di ko na maaatemp na gawin kasi alam ko na ang kakalabasan . 

happiness! :D

simula nung nangyari yun nagbago na ang lahat ! as in lahat ! siguro tingin ng iba negative ang ginawa ko pero para sa akin positive ito . yung pakiramdam na hindi ka na umaasa sa kaligayahan mo sa kanila . sabi nga ni dianne pansin daw niya na umiikot lang daw ang mundo ko sa kanila at hindi ko napapansin yung iba . at this time narealize ko tlga na tama yung ginawa ko . pinakawalan ko yung sarili ko sa mga taong wala nman talagang pakeelam sa akin . yung hinangad lang nila yung kaligayahan nila . ang masasabi ko lang masaya na ako kung ano meron ako ngayon . kahit na tinapon ko yung years ng pagkakaibigan na yun . still im strong . :D 

I'm a monster on the floor I can't quit .

todo practice kami ngayon para sa linggo ng wika ! sana maganda yung sayaw namin . dami pang problema ngayon . yung costumes tas may nagkasakit pa sa amin . hindi na daw makakasayaw . grabe ! excited na ako sa friday kaso nangangamba ako baka di nmin magawa ng maayos . aayusin pa namin tom . nagkaproblema kasi eh . nakakapagod pero masaya ! SOBRA! 

i Always speak how i feel, and i'll never be sorry for being real.

Minsan kailangang tanggapin na kapag may bf/gf na ang ating mga kaibigan, hindi na tayo ang nagiging priority. </3 

shempre ok lang sa magbabarkada na isa sa amin  na mag karoon ng karelasyon . sino bang pipigil sa kanila . wala nman akong karapatan na pigilan sila sa gusto nila . di ba di ba?! ang dating barkada solid . ngayon walang wala na . may kanya kanyang mundo na . shempre pagka nagkaroon ka na ng bf/gf shempre kailangan may time ka sa kanila . pero kailangan ba talagang ibigay mo lahat ng time sa kanila ? may nagagawa kang di mo alam na nakakasakit ka na pala ng iba . ang sukatan pala ng pag kakaibigan ngayon pag magkasama lang tuwing recess . HAHAHAHA! grabe natawa ako dun . 

dati ok lang sa akin pero ngayon may nagbago tlga. dati kapag aalis kami . isa lang sa amin ang di sasama sira na yung lakad . ngayon ok lang kahit kulang tuloy parin kahit anong mangyari . basta ang dami na talagang nagbago ngayon . sobra! 

alam mo yung gusto mong mabalik yung dati pero alam mong malabong mangyari . straight to the point : nagagalit ako sa dalawa kong kabarkada ! oo masamang magalit , pero hahayaan mo bang gawin kang tanga o walang pakeelam sayo . di dapat tawagin na kaibigan yun ! habang tumatagal tlga nakikilala mo mga ugali ng isang tao ! malalaman mo tlga kung totoo tlaga siya sayo . nagkaroon lang sila , wala ng pakeelam sa kaibigan basta MASAYA SILA ! KAPAG KASAMA NA NILA YUNG BF/GF NILA DI MO NA MAAAGAW YUNG ATTENTION NIYAN . PAG SUMAMA KA SA KANILA MAG MUMUKHA KA LANG TLGANG TANGA O ALALAY NG LOVETEAM NILA . OP KA SA KANILA KASI SILA LANG NAG KAKAINTINDIHAN . GO WITH THE FLOW LANG SILA SA MGA NANGYAYARI! hindi nila alam na meron na pala silang nasasaktan ! SO INSENSITIVE! ang bestfriend di ba yun yung nasasabihan mo ng sikreto o problema . well ako di ako ganun ! HINDI NA AKO NAGSASABI NG SIKRETO SA KANILA ! DATI OO PERO HINDI NA NUNG NAOOBSERBAHAN KO SA MGA PINAGSASABI NIYA . alam mo yung feeling na nagsheshare ka sa kanya . ang aabutin mo tlga sa kanya puro negative . oo maganda ang magsabi ng negative in a good way ! pero sa kanya talaga ibang iba e ! “ EWAN KO SA KANYA! ” , “ BAKA NAHAHALUSINATE KA LANG? ”  " DI KO ALAM DUN “ "AHH ” “BAKA ANO LANG” . alam ko limitation ko! alam mo tlga na di siya interesado sa ikukwento mo . NAKAKATAMAD NG MAG SHARE SA KANYA KASI MAGMUMUKHA KA LANG TANGA SA KAKASALITA . yung isa dati kailangan sabay kaming umuwi ! maghihintayan kami ! basta ang importante magkasabay kami . nakakatuwa yun di ba . nung nagkaroon siya ganun parin . magkasabay parin kaming umuwi ! pero nung tumagal na ako nalang ang umuuwi . nagalit kasi ako sa boyfriend niya . ALAM MO YUNG NAGAGALIT KA NA NGA SA KANYA , MAS BABADTRIIPIN KA PA NIYA LALO . kaya yun umiiwas na ako . kasi sila na ang magkasamang umuwi . yung kaibigan ko naman di marunong makiramdam . wala siyang gagawin na aksyon . wala siyang pake basta magkasama lang sila . INSENSITIVE TLGA! mag isa nlng ako palagi umuuwi . kaya naghanap nanlng ako ng kasabay . eto pa sinabi niya “ EHH DI NAMAN SIYA SUMASAMA SA AMIN EH! OK NA YUN KASAMA KO NAMAN SI ANO EH ” tunay na kaibigan tlga . hindi mo na din makukuha yung attention niyan kapag kasama mo na boyfriend niyan . nung di ko na sila pinapansin . sila pa may ganang magalit sa akin pati yung mga karelasyon nila galit sa akin ! di nman daw nila inaagaw yung kabarkada ko! DUH! thats not what i mean! tas sila pa tong may ganang magalit sa akin! AYY DI PALA SILA NAGAGALIT KASI DI DAW SILA MARUNONG MAGTANIM NG SAMA NG LOOB ! WALA LANG PALA SILANG PAKE SA MGA NANGYAYARI! :)) ehh di nman importante sa kanila yun eh . MAY GANA PA YANG MAG SABI NG BALANG ARAW PAGSISISIHAN MO ANG GINAWA MO SA AKIN . :)) GRABE ATTITUDE! AYOKONG MAG SABI SA INYO KASI ALAM KONG LAHAT NG SASABIHIN KO HAHANAPAN NINYO NG MALI . HINDI KO SINISISI NA NAG KAROON KAYO NG BOYFRIEND / GIRLFRIEND! sana man lang marunong kayong magbalance ng time between your friends and your partner ! WALA AKONG PINAGSISISSIHAN SA GINAWA KO! SIGURO NGA DI TLGA KAYO KARAPAT DAPAT NA TAWAGIN KONG KAIBIGAN ! HINDING HINDI NINYO MAIINTINDIHAN MGA PINAGSASABI KO NGAYON PAG NABASA NINYO TO . kaya kong mabuhay kahit wala kayo ! 

SEE YOU SOON ATE IMAN .

APRIL 8 , 2012 - 9pm nanonood lang ako sa bahay ng bigla akong yayain ni ate chel na puputa daw kaming mag aate at magkukuya doon sa bahay nila ate iman . then i ask her why ? then sabi niya dispidida ni ate iman kasi pupunta ng LA . ahhhhh! then sumama na ako kasi last day ko na yun na makikita ko siya . mga 10pm na kami nakadating sa kanila . ayun inuman lng hanggang 2am . laklak dito laklak doon :)) walang akong ginawa sa bakasyon ko kundi uminom ng uminom . yetang buhay to! :)) 3 bahay pinuntahan namin nila ate iman . yung unang pinuntahan namin yung bahay na binili nila na walang tao . di nila ito tinitirhan kasi may nagpapakita daw kaya we decided na dun nalang uminom sa bahay nilang isa . tas lahat ng gamit ni ate iman pinamudmod sa amin . puro branded pa mga ate ko tiba tiba sa mga original bags ! Tas ako puro jeans lng . pero ok lng masaya na ako dun . lagpas two am na biglang nagaya ung mga ate ko na magswimming . grabe natuloy nga , ehh wala naman kaming baong damit pampalit kaya mag aaundies lng kami :))))))))))) 9 kaming nasa kotse nun pinagkasya lng namin papuntang taguig! :)) tas mga 3am nakarating na kami dun ayun naligo kaming under wears lng ang suot . ok lng nman kasi club house yun at kami lang dun ang nagsuswimming . my gosh naka panty pa ako nun ha :)))) nakakahiya! XDDD mga 1hr lng kami nag swimming . well umalis kami dun ng walang suot ng under wears :))))) basa kasi .mga 6am na kami nakauwi .hahahahahahah! naabutan pa namin si mama na nag bebreakfast na! :))  teenage dream talaga kami nun pero mamimiss namin si ate iman SOBRA! 

basa basa din !

sabi sa census may 11 na miylon na tao sa Metro Manila . paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sayo ? maaring nakita mo na siya , pero yumuko ka para magsintas . maaaring katabi mo na siya pero lumingon ka para tignan ang triffic lights. maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab . May mgaswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila .may mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na . pero yung pinaka masaklap , eh yung na sayo na pinakawalan mo pa. siguro di pa nga siya . :( di pa siya yung gusto ko?

di ko alam kung bakit ako naini kay Rk kagabi . siguro sa sinabi ni fat sa akin , pati na yung nalaman ko . naguguluhan tlga ako , hanggang ngayon inis na inis parin ako sa kanya. 

KAHIMANAWARI! :D

grabe! natapos din sa wakas! saya ng linggo ng wika :D sa tinagal tagal naming pinagpractisan yung sayaw na yun nagawa ng maganda! ( MAGANDA BA ? ) :)) grabe yung costume ko kita yung tyan ko :)) nakakahiya tas nung nasa gym na kami sobra init . sobra! ang daming bumabati sa akin na di ko kilala , di ko alam kung bakit nila ako binabati :) may nagsasabi na galingan ko daw , inaasar akong mataba which is true :)) ang saya grabe! enjoy ako . pero di ako nag enjoy sa pagkain . kasi konti lng nakain ko ! bubuhatin kasi ako eh . pero ok lang diet diet din ng konti . woth it yung pagod namin :) 

PARAPAPAM PAM!

kanina ang saya saya ko! :)) di ko alam kung bakit basta MASAYA AKO ! :)))) grabe ako makapag ingay kanina. panong di ka makakapag ingay , yung mga katabi mo may saltik din! trip namin ni steph at aryanna na kumanta! kahit napaka ganda ng boses ko PUSH parin! :))) ang ginawa lang talaga namin sa loob ng classroom eh yung dumaldal at gumawa ng kalokohan . 2nd subject namin PHYSICS . grabe ang tagal dumating ng teacher namin kaya nagkwentuhan muna kami . sa sobrang tuwa ko ang lakas tlga ng boses ko . wala akong pake kahit maingay ako sa classroom :))))) kahit may sumasaway PUSH parin ako sa pag iingay! :)) tapos may epal ! EPS NA EPS tlga! alam mo yung feeling na di mo na nga kinakausap magpaparinig pa! sabi niya ang ingay daw   kaya ang ginawa niya nag ingay din siya . todo parinig siya ! ehh ako lang nman yung maingay . sinita siya ng isa kong classmate . tumigil na daw siya sa pag iingay . sagot niya “ EH BAT AKO LANG SINASAWAY NINYO YUNG IBA DIN NAMAN MAINGAY HA!” tas bigla siyang binara ni mia . sabi niya “BAKIT MAY PINAPATAMAAN KA BA ? ” . ang sagot niya “WALA” . tas tumahimik na siya . grabe ang tagal tagal ko ng di siya kinakausap tas mag paparinig siya sa akin . may inis ba siya sa akin o wala ? yung lang man ang pumapasok sa isip ko nung time na yun . gusto ba niya papansinin ko pa ulit siya ? gravity ! sana nman wag siyang ganun . nagmumukha lang siyang NAGPAPAPANSIN eh . 

GUSTO KO BAGO DI NA TAYO MAG KITA SABIHIN MO NA KAHIT MINSAN... KAHIT MINSAN JAN SA BUHAY MO KUNG SAAN MAY UMEPAL NA TULAD KO, KAHIT MINSAN JAN SA BUHAY MO AY.... MINAHAL MO ANG BALIW NA EPAL NA TULAD KO! :(
nagseselos ka ba? :(

sabi nga ang pagseselos ay isang sign na mahal mo ang isang tao . pero ang nakikita ko sa kanya ay hindi nman ganun . iniisip ko din na sana tama yan . na sana mahal din niya ako . hahahahaha! ang drama ko . nagkausap kami kagabi ni rk . medyo tipsy na ako kagabi , uminom kasi kami ng ate ko ng baileys! :p then ang sabi niya sa akin pinagpalit ko na daw siya kay monkey . dati rati kami ang naguusap at palaging magkasama . di ko nman kasalanan na mapalapit ako kay monkey kasi siya tong palaging sumasama sa amin . eh si rk nagiging busy sa iba , kaya medyo di ko na siya nakakasama at nakakausap . pinamukha ko tlga sa kanya na siya ang lumalayo at hindi ako pero pinagpipilitan parin niya na tama siya . pinaniwalaan ko nlng yung sinabi niya in a way na binabara ko parin siya . alam ko naman na hindi niya tlga ako gusto . 

anu bang gusto niyang mangyari ? na siya ang samahan ko palagi at itrato ko siya ng katulad kay monkey ? ang gulo niya ha! meron na nga siya . i mean meron na siyang sinasamahan at nakakausap . sabi ko nman sa kanya na nag eenjoy nman siya dun pero gusto niya na lapitan ko siya at hindi si monkey .pag nakikita ko nga silang magkausap aalis nlng ako kasi Mas mabuti ng ako ang MASAKTAN , kasya ako ang MAKASAKIT. di ba di ba! hanggang dito nlng super drama ko tlga! 

“Pag may gusto kang tao, wag kang manguna at umasang may gusto rin siya sayo, para hindi ka agad-agad nasasaktan.”