longpostnirin

Ang lahat ng tao may libog sa katawan. Yung iba magaling lang mag tago at mag deny, meron namang medyo latebloomer pa at wala pang muwang sa kaberdehan pero sa takdang panahon mararanasan din nya yon, meron din naman bata palang mulat na sa kaberdehan. Mas maganda kung bukas ang isipan natin tungkol sa sex pero hindi naman ibig sabihin gawin ito ng maaga ang akin lang eh hindi masama maging malibog basta ilugar at marunong rumespeto tandaan rin na walang bastos sa open minded.

Napansin ko nitong mga nakaraang araw napapadalas sa balita yung Bullying bakit kaya ngayon lang ito nagsilabasan? eh noon pa man usong uso na yan.Pero bago ang lahat ano nga ba ang BULLYING? Ang Bullying ay isa sa mga problema ng mga estudyante.Eto yung inaalipusta,inaasar,tinatakot,pinapahiya o sinasaktan ang biktima (Bullied) ng mga Bully.Pero minsan hindi na ito binibigyan ng atensyon dahil ang tingin ng ilang tao ito ay simpleng away o asaran lang.Minsan ay itinatago nalang ng biktima na may ng bubully sa kanila dahil sa rason na natatakot sila o gusto nilang sarilihin nalang ang problema hanggang sa hindi na nila ito makayanan.

Naalala ko nung highschool ako isa din akong biktima ng bullying.First year hanggang grumaduate ako ng highschool binubully ako ng mga classmate ko.Alam mo yung pakiramdam na para kang pinandidirian at tuwang tuwa sila kapag napapahiya ka at sa lahat ng kilos mo para sakanila eh papansinin?yan yung nararamdaman ko nun eh ang sakit.Tapos lagi ako nilalayuan wala akong masyadong kinakausap nun lagi lang ako nasa sulok mag isa at kapag may tatabi sakin aasarin din nila sasabihan ng kung anuano kaya wala masyado kumakausap sakin nung mga panahon na yun at sa friendster o facebook ko nalang binubuhos mga nararamdaman ko sa school.Simula nung lagi nila akong inaasar ayaw ko na magsasalita sa school yung tipong wala na akong tiwala sa sarili ko na may magagawa akong tama kasi nga pinapamukha sakin “Tanga ako” at dito rin pumasok sa utak ko na ayaw ko ng pumasok para saan pa? para asarin nila paulit ulit? palagi akong umiiyak nung mga panahon na yun hanggang sa napikon ako at sumabog na yung nararamdaman ko.Naalala ko nun practise namin yun para sa JS prom at binubully ako ng  3rd year sinabihan ako ng kung ano anong masasakit na salita pangit ko daw tatanga tanga  at walang nag mamahal sakin mga ganon tapos napagdidiskitahan pa yung buhok ko.Nung una lumalayo nalang ako kasi masama ang timpla ng araw ko baka di ako makapag tiis pero pinagpatuloy nya hanggang dumating sa point na nasampal ko siya ng magkabilaan na hindi ko inakalang magagawa ko yun kasi takot ako maguidance eh kasi gusto ko grumaduate ng malinis yung record.Nung nasampal ko siya sa maraming tao nagulat yung teacher ko tinanong ako bakit ko nagawa yun at pinaliwanag ko lahat iyak pa nga ako ng iyak nun habang pinapaliwanag hanggang sa pinakalma na ako ng teacher ko at sinabing maguusap kami tungkol dun at wag ako magalala kasi hindi naman daw makakapekto ito kasi alam naman niya pinagtanggol ko lang sarili ko.Naalala ko yung sinabi ng teacher ko sakin “Alam kong mabait ka pero wag mo hayaang tapakan ka nalang ng iba matuto kang lumaban at ipakita mo sakanila  na hindi ka masisindak.” .Nung araw na yun pumunta ako ng guidance para ireport yung pambubully sakin kaso hindi natuloy ewan ko ba siguro tingin nga nila simpleng away bata lang.Simula nung nakausap ako ng teacher ko tungkol dun lumakas na loob ko kahit papaano kaya nung nag college na ako onti onti kong binago mga kamalian ko nakisama na din ako at natuto na lumaban kaya eto ngayon sinisipag na pumasok at hindi na nag iisa sa sulok.

Sana nga matigil na yang Bullying na yan kasi nakakaapekto ito hindi lang sa pagaaral kundi sa mismong pagkatao ng biktima.At kung sino naman ang mga bully ngayon smoothsmooth lang wag masyadong hard sa pangttrip malay mo nakakasira ka na pala ng pagaaral ng pinagttripan mo.Sa biktima matuto kang lumaban para matuldukan yang paghihirap mo.

Salamat sa may ari ng ginamit kong litrato.

Habang ako ay nag papasa ng resume online nag babakasakali makahanap agad ng trabaho para hindi ako matengga ng matagal sa bahay habang nag aantay ng graduation day, napapaisip nanaman ako ano nga ba kahihinatnan ng buhay ko sa hinaharap?, matutupad ko kaya ang mga pangarap ko o magiging pangarap na nga lang ba talaga?

Ano kayang mangyayari sa akin matapos ko matanggap ang mahiwagang diploma na aking inaasam? 

Ako yung taong punong puno ng pangarap, Yung tipong out of the blue bigla nalang ako matutulala at mag iisip paano kaya kung ganito… ganyan… ang buhay ko, masaya kaya ang pakiramdam kung nasa *ganito/ganyang sitwasyon* ang buhay ko? ayan lagi naiisip ko lalo na kung madaling araw at nag mumuni-muni ako o kaya naman tuwing umaga papasok sa school o nagbbyahe sa bus at saktong naka dungaw sa bintana.

Sa dami ng pangarap ko minsan parang exaggerated na masyado pero wala naman masama dun diba? libre lang naman mangarap bakit hindi pa natin lubos lubusin buti nga sa pangarap mayaman ako samantalang ang wallet ko ay salat sa hirap.

Ngayong gagraduate na ako syempre unang una pinapangarap ko ay makahanap ng angkop na trabaho na magagamit ko yung mga pinag aralan ko at maiimprove pa ito habang nakakatulong sa kumpanyang tumanggap sa akin syempre dapat sa trabaho give and take hindi yung take nalang ng take dapat isshare mo din yung skills mo sa iba at willing ka din namang matuto sa mga maishashare nila.

Sana matanggap ako sa studio o kaya naman sa film productions let’s be specific … gusto ko makapag trabaho sa ABS-CBN o kaya naman sa Viva Films,Star Cinema bilang isa sa mga tao sa likod ng camera, pangarap ko kasi maging direktor simula nung bata pa ako  idol ko nga si Direk Laurenti Dyogi,Wenn V Deramas, Cathy Garcia Molina eh

nakikita nyo naman siguro yan sa intro ng movie diba? 

pero paano nga ba ako makakapag apply kung wala pa akong valid ID? alam ko naman isa sa requirement yun hindi lang  skills at personality kaya isa sa mga pangarap na alam ko matutupad ko ay ang mag ka valid ID tulad ng postal,NBI,driver licence kahit hindi PA marunong mag drive at syempre ang passport hindi lang para sa trabaho kundi isa din sa pangarap ko ay ang makasakay ng airplane kahit sana pa boracay lang ngayong summer oh.. pero syempre dahil mapangarap nga ako gusto ko libutin ang buong mundo at unang una sa listahan ko ay ang Paris at Macau.

At pag natapos ako mag lakbay sa mga bansang gusto kong puntahan oras na para umupo sa aking silyang umiikot-ikot samahan pa ng table na malaki na may nakapatong na Mac at  batong may nakaukit na pangalan na “ KATRINE CUSTORIO - C***** ,CEO” pangarap ko din mag tayo ng isang kumpanya kung saan magbibigay sainyo ng high quality picture at design ngunit sa abot kayang presyo, sa company na itatayo ko gusto friendly atmosphere at parang family narin ang turingan sa empleyado at kung may mag aapply man gusto ko easy lang ang interview hindi nakakaba kung may skills at maganda ang pagkatao pasok ka agad wala ng chos chos pa at wala akong pakilam sa kung mayaman ba siya o mahirap basta pasok sa qualification go go lang! at siyempre kung maganda ang tinatakbo ng company ko hindi ko rin naman kakalimutan ang kinalakihan kong family business syempre kung papalarin man ako makaangat sa buhay hahatakin ko rin ito pataas iuupgrade ko mala mineski ang aming computer shop at gagawin ko pizza hut ang aming home made pizza na may maraming branches worldwide at nationwide!!

At syempre hindi lang naman puro trabaho party party din naman pag may time, Isa sa pangarap ko ay ang makapag bar kasama ang mga kaibigan ko o kaya naman ay may roadtrip o kaya naman food trip sa mga kilalang restaurant syempre dahil professional na kami mag lelevel up na yung dating Mcdo meet up namin tapos mag boboracay kami tuwing summer kasama ang mga nabuong pamilya kung meron man at mag oovernight sa hotel na maganda yung may jacuzzi.

Sa usapang HART HART <3 <3 naman  sana tuwing monthsary o anniversary date namin makaranas ako nung date na may kandilang nakasindi at nakaformal kami ng taong mahal ko at kapag big time o stable na kaming dalawa sana naman yung nakasakay na cruise habang kumakain at may background music pang may hawak na violin tapos bigla siyang tatayo sa kinakaupuan at agad agad na luluhod sa aking harapan habang ang isang kamay nya ay may inaabot na box na maliit sa kanyang bulsa at nang buksan ito ay may nilalaman na infinity ring at hahawakan ang aking kamay at aayain ako magpakasal at ako naman ay mabibigla at mapapayakap habang sinsabi ang aking magiging desisyon at uuwi kaming masaya sa aming pinagipunang bahay na Modern house na wood at bricks ang nangingibabaw sa design at may salang mataas ang kisame na may chandelier sa gitna at may malaking flat screen tv may ps3 at malambot na sofa na masarap higaan sa tuwing manonood ng tv, habang sa kusina naman ay napaka linis at punong puno ng pagkain ang ref syempre may nutella at chocolates at sa pag akyat naman sa 2nd floor may dalawang kwarto isa ay ang master bed room kung saan kami matutulog isang malaking kama na may lamp shade sa gilid at may table para patungan ng Mac book air sa kwartong ito ay meron ding aircon at tv at sa bawat paligid nito ay may nakasabit na litrato, At sa kabilang kwarto naman ay ang magiging kwarto ng aming magiging anak 

Oo pangarap ko din naman magkaanak pero hindi lang ngayon saka na pag tamang oras na.

Malayo na narating ko sa aking pangangarap naputol lang ito nang nag ring ang aking cellphone at nang binasa ko ang text na natanggap ko napangiti ako dahil yung taong mahal ko at pangarap kong makasama hanggang sa oras na mawala ako sa mundong ibabaw ay nag text ng “ Happy 34th Monthsary ” .

Anong gusto mo maging pag laki mo?

Isa sa mga madalas tanungin sa atin nung bata pa tayo ay ang tanong na “Anong gusto mo maging pag laki mo?”

diba tama naman ako,sure akong naitanong na din sa inyo yang tanong na yan maraming beses na nga siguro eh

Naalala ko nung bata ako tinanong ako nyan gusto mo bang malaman ang sagot ko? (magbasa ka kung gusto mo, kung ayaw mo sige okay lang)

sa tanong na yan marami akong sinagot bakit? marami kasi akong pangarap eh..

Nung una akong tinanong nyan batang bata pa ako non naalala ko naglalaro pa ako ng doktor doktoran nung panahon na yon

ang sagot ko gusto ko maging Nurse kasi idol ko yung Nurse ng Lolo ko sa PGH Cathy pa ata pangalan non eh,

tapos naalala ko nung Elementary days ko naman tinanong ulit ako kung ano gusto ko maging pag laki ko?

sagot ko naman gusto ko maging Cardiologist (sosyal na hahaha) bakit? gusto ko mapagaling yung taong may sakit sa puso lalo na yung mga batang may sakit sa puso nakakaawa,

nung grade 6 naman ako uso nanaman yung tanungan na anong gusto mo maging paglaki mo? dahil magtatapos na ako noon ng Elem. ang sagot ko naman nun ay Film Director 

(ohaa~ biglang umayaw sa medisina kasi pang richkid pala yung kursong yon at di biro kailangan din mag aral ng matindi) gusto kong mag Film director kasi nung time na yon nahilig ako manood ng local  films/movie,drama kahit hindi ako nagssine pirapirata lang yan tayo eeh!,

tapos nung Highschool naman ako hindi na ako tinatanong nun syempre malaki na ako di lang halata,ang tanong naman ay anong gusto mong kunin pag college mo?

gusto ko naman kumuha ng Advertising Arts dahil may drawing drawing at film making din plus photography edi pinush ko yun buong HS umaasa akong mag aAdvertising Arts ako sa FEU okaya UST kaso lang nung 4th year na ako wala ehh.. biglang naglaho lalo na nung nakita ng nanay ko yung tuition 43k+ edi no choice kailangan sa ibang school ako sinubukan ko mag TUP same din kukunin ko sana

kaso wala ehh di pinagpala eh ginago ko ba naman yung exam :)) paano nga ba ako papasa non miniminimaynimo ko yung sagot,hanggang nag summer na inisip ko talaga kung anong kukunin kong kurso?

kung ano ba talagang gusto ko maging trabaho

dito na pumasok sa isip ko yung kurso ko ngayon ang Multimedia Arts edi ayan na kinuha ko unang school ko ay sa CIIT ayos na ayos ako dyan,ganado kunwari pero ginagago ko lang din wala eh pinangunahan ng galaan at kalandian eh ayon nagkaroon ako ng kaso dyan sa unang pinasukan kong school (kung ano man yun para sa akin hindi masama yun) at di na rin kinaya yung tuition tumataas eh tapos trisem pa masakit sa bulsa MMA eh.. pagka tapos nun naisip kong mahirap pala mag drawing kaya nagshift ako nag vocational ako ng basic photography sa una interesado talaga ako maging Photographer

pero tinamad ako bandang huli boring yung prof eh hindi ko makuha kung anong gusto ko eh pero tiniis ko yung 6months nakagraduate naman.matapos dun sa 6months na photography

 naisip ko nanaman yung tanong na anong gusto sa future (naiba na di na pag laki kasi tanggap ko na na hindi na ako lalaki)

sinipag nanaman ako sa arts so ipagpapatuloy ko ang Multimedia Arts ngunit subalit datapwat hindi ko nanaman na push ng todo yung level ng skills na gusto ko

at nadismaya ako kaya eto nanaman ako ngayong bakasyon nag iisip nanaman ipagpapatuloy ko ba tong Multimedia Arts para maging isang Multimedia Artist/Graphic Designer/Photographer

sa future oh mag sshift nalang ako sa Psychology? Ang gulo ko diba? well ganon talaga eh…

pero kung pwede lang dagdagan yung IQ at kasipagan ko tapos maging richkid ako gusto ko talaga maging CARDIOLOGIST kaso wala talaga e kapos eh hanggang pangarap ko nalang

maging Dr.Katrine Custorio-C*****,MD

basta makapag tapos lang ako at makapag trabaho ng matino solve na ako

Pero sa damidami ng sinabi ko,ano nga ba gusto ko maging pag laki ko (kung lalaki man ako)?

Gusto ko maging mabuting asawa at mapagmahal na ina xDDDDD~

ehh ikaw ba anong gusto mong maging pag laki mo?

at kung ano man ang isasagot mo…

salamat sa pag babasa :P

Kolehiyo

Dahil sa may nabasa akong blog na tips para sa mga kukuha ng Accountancy naisip kong magblog din tungkol sa pagkuha ng course sa college.
Para sa mga freshmen ngayon pasukan malamang ngayong bakasyon palang ay naiisip nyo na kung ano manyayari sa pasukan yung tipong
naatat ka na pumasok (KUNWARI!) alam ko miss mo na yung baon mo  at pakikiapag daldalan sa classmate mo,Pero ikaw ba ay may naisip
ng course na kukunin?,kung wala pa simulan mo na mag isip para hindi ka magsisi sa huli.Ang pag pili ng course ay hindi biro
promise wag mong idaan sa “Mini mini mayni mo” dahil ako na nagsasabi sayo kung ayaw mo yung kinuha mo mag sasayang ka lang ng pera
at oras,Di biro yung ginagastos ng magulang natin para sa tuition magkano na tuition ngayon ang tataas tapos hutaena minsan yung mataas
na binabayadan mo di pa sulit,bakit? kasi minsan may prof, na tamad upo lang ng upo (hay nako Prof na mag tuturo ang kailangan namin hindi watcher)
pero college na eh talagang may ganyan,hindi na tulad ng Highschool na babatuhin ka pa ng teacher pag hindi ka nakikinig.
Mabalik lang sa usapang kurso minsan yung magulang natin yung pumipili ng kurso dahil sa mga rason na gusto nila maging ganito-ganyan(doctor,nurse blah blah)
ka sa future,Pero teka sino bang magaaral ikaw o yung magulang mo?para sakin hindi ako pabor na sila mag desisyon kasi ikaw naman yung magaaral eh
dapat suportahan ka nalang nila sa kukunin mo at dapat kung saan ka interesado at sa tingin mo kakayanin mong kurso yun ang kunin mo,
kaya ngayon palang pagisipan mo na kung ano ba talagang gusto mo at tandaan mo wala din sa school yan aanhin mo yung school mong maganda kung hindi ka naman nag aaral diba?

Maraming nauusong sayaw ngayon na ginagaya ng mga kabataan.Isa na dyan yung tinatawag nilang Gimme Gimme Gimme nung una ko itong napanood hindi maganda ang reaction ko sa sayaw na yon.Una sa lahat seductive ang dating nya at hindi maganda panoodin ng mga bata lalo na kung yung nagsasayaw eh maikli masyado manamit o nakabra at short lang.Tinanong ko sa sarili ko…Uso kaya yung hiya sa  sumasayaw non? lalo na kung ippost pa sa FB o youtube o kung saan man makikita ng public syempre naglilipana ang mga manyak mababastos yung sumasayaw pagkatapos nun eh magagalit sya kung bakit may nambabastos kasalanan din naman nya yun.Eh ano naman kayang mararamdaman ng Boyfriend nung sumasayaw (kung may bf) syempre diba parang saklap non publiko nakikita sumasayaw ng ganon yung GF nya at pinagnanasaan ng iba.Hindi naman sa KJ ako pero ayun yung pananaw ko sa sayaw na yun.

Hi Babe Hann, Thank you :) sa time kanina kahit late akoo kasi ee late na ako nagising di tuloy kita napuntahan kaagad. babe alam moo kahit magkasama tayo kanina marami pa akong gusto sabihin na di ko nasasabi pag personal, hindi ko alam bakit ganon! alam ko pwede ko naman isulat to tulad ng dati kong ginagawa pag may gusto ako sabihin na hindi ko nasasabi kaso lang wala ako pen and paper eh, pwede ko naman ipm pero matatambakan  sayang naman kaya eto post ko nalang para kung gusto mo basahin eh go pwede pa balikbalikan( I know di mo gawain ang gawain ko Haha) haba ano? sing haba ng ano mo… Pasensya! (kunwari knkwento ko nalang sayo to. kunwari eh may sagot ka din at alam ko tatawanan at aasarin mo lang ako) hayaan na kung may makabasa ehh wala naman dapat itago me is proud naman sayo, mabadtrip man sila o kiligin wala nasakin yon :)) ang nais ko lang eh sabihin kung ano nararamdaman ko at eto ang way ko. ewan ko anong pinaglalaban ko Ahahaha. gusto kitang makausap pero syempre hahayaan muna kita magrest kasi pagod ka at ayaw ko magbeastmode ka ng tuluyan pag kinulit kita ngayon. Sorry babe ang kinukulit kita lagi at lagi ako nakakagawa ng ayaw mo tapos madalas kitang pilitin tulad ng pagsangayon mo na sexy ako alam ko napilitan kang umoo ahaha pero sorry talaga madalas ko ipilit ang mga gusto ko at napipilitan ka pero minsan wala di umeepekto pag no talaga no edi sad pero naiintindihan ko naman po mga reason bakit No at bakit di pwede pero madalas iinisin muna kita bago ko iaccept na di lahat ng gusto eh hindi pwede. Sorry talaga babe ha? alam ko di ako super junior para mag sorry sorry, parang sirang plaka lang pero gugustuhin mo kaya pakinggan kung paulit-ulit mong maririnig kung gaano kita ka love? hmm.. Kahit hindi tayo parehas ng trip sinusubukan ko din naman tignan yung mga kagustuhan mo minsan nga lang sumasalunghat parin sa gusto ko pero kahit papaano eh nagkakatugma na din yung kagustuhan natin tulad sa brown shoes  dati di ko trip yun ngayon gusto ko na kaso lang yung price range naman natin magkaiba pang H&M ka pang 168 ako  and thank you kasi nakakatry ako iba’t ibang food pag kasama ka, pag magisa kasi ako eh kainan sa kanto kwek kwek o pares lang ako pero keri ko naman mag lasagna. Idk tindi ng pagkakuripot ko ano? pero kahit ganon di naman tipid ang love ko sayo.
I love you kahit minsan hindi halata suportado ko din pinag gagawa mo pero minsan hindi kung alam kong mali o minsan natapat lang sa tinotopak ako kaya No. wala KJ si GF sorry. ang dami dami ko pang gusto sabihin sa totoo lang kaso naisip ko baka maging nobela na ito. alam mo umaasa ako sa 2016 eh mas maging smooth satin sana less tampuhan or sana maintindihan ko na mga bagay bagay na minsan parang ang labo para sa akin. hoping na mas maging ok tayo at sana di mo na ako iiwasan pag galit ka (mas nagaalala ako eh) pero ayaw ko naman nagagalit ka kaya hmmm? sana better gf na ako? ikaw din. di lang dapat ako. sana napapahappy parin kita tulad ng dati. alam ko matagal na tayo pero sana sa mga ganto eh may spark pa kahit alam mo takot ako sa nag spark :)). I love you thank you sa pag papasensya sa kakulitan ko.
marami pa ako gusto sabihin kaso masakit na daliri ko kakapindot ahaha and yea sobrang haba na baka di mo na mabasa. I love you ulit.
btw gusto ko yung smile mo sa pic  sana ganyan rin smile mo pag nabasa mo ito and nvm my face haha.

Habang nag uusap kami ng isa sa online friend ko tungkol sa love life bigla kaming nadako sa usapang regalo tuwing monthsary at anniversary,birthday o kung ano man basta regalo sa BF/GF o nililigawan pa lamang at alam naman natin isa sa patok na inireregalo ay ang bulaklak at nagulat siya nang malaman nya na hindi parin ako nakakatanggap ng bulaklak sa buong buhay ko.

Sa totoo lang naiinggit ako sa mga babaeng pinapadalahan o kaya naman binibigyan ng bulaklak lalo na kung ito ay galing sa kanilang minamahal, ano kayang pakiramdam ng mabigyan ng bulaklak?

Naalala ko nung 18th birthday ko isa sa inasahan kong matatangap ko ay bulaklak o kahit isang pirasong rosas pero sinamang palad ako at hindi ito natupad.

Sana makatanggap rin ako ng rosas o kahit anong bulaklak boquet man o isang piraso wag lang yung nasa kawayan na at may ribbon na may nakasulat na pangalan.

“Ate pabili po marlboro lights/red (at kung ano mang brand)… Dalawa ” *sabay abot ng 6 pesos pero kung gipit pwede na din fortune pula basta may mahithit.

Sabi nila “CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH" pero bakit nga ba madaming nahuhumaling dito kahit na masama ito para sa kalusugan?Sa panahon ngayon kahit nasa Grade 6 palang marunong na gumamit nito at sanay na sanay na pag tungtong ng Highschool o kolehiyo hithit dito buga dyan kahit  hinihika tuloy parin.Sabi nila nakakalma daw yung paninigarilyo,nakakabawas stress at nakakaaliw laruin ang usok nalumalabas sa iyong bibig minsan pag trip mong mang asar bugahan mo nang usok yung katabi mo sa mukha pa para astig! ewan ko nalang kung hindi yun hikain.

Ano kayang dahilan bakit nag sisigarilyo ang tao?

  • Minsan dahil sa problema gusto mag bawas ng stress hindi ko maintindihan kung bakit nila nasasabing pampabawas ito ng stress kung ang kahihinatnan mo naman sa pag gamit nito ay malalang sakit o diba mas nakakastress yun?masakit pa sa bulsa.
  • Minsan naman dahil sa udyok ng kaibigan hindi ka IN kung hindi ka nag yoyosi pa badboy image kumbaga ASTIG daw eh.
  • Minsan trip trip lang para malibang lang ang labi
  • Pero lahat ng ito nag sisimula dahil sa CURIOSITY dito papasok yung mga katanungan na anong feeling ng naninigarilyo?/anong lasa? yung tipong gusto mong subukan yung nakikita mo sa tatay/kuya/kapitbahay/kaibigan mong humihithit ng sigarilyo o kaya naman sa idol mong bigotilyo na kung manigarilyo may hagis hagis effect pa.

Oo masarap gumawa ng bawal at kung trip mo manigarilyo papaalala ko na sayo ang sarap nanararamdaman mo sa tuwing hihithit ka may kapalit na mas malalang problema at kung ikaw ay kasalukuyang nalululong sa paninigarilyo itigil mo na hanggat may oras pa Oo mahirap itigil ang nakasanayan na pero mas okay na iyon kaysa ang buhay mo ang  maagang tumigil.

LOVE!anong napala ko sa LOVE?
Yan ang tanong ko bawat araw na lumilipas nabuhay ako simula ng nag wakas ang una kong maranasan ang tamis ng pag-ibig NOON..,Ngayon Pait na pala..ramdam ko ang kabitteran ko ngayon,kaya naisipan ko iBlog tong kabitteran ko malay natin Bukas makalawa “BETTER” na   mahiwagang tanong para sakin kung ano napala ko sa love.. Oo,may napala ako hindi lang Eyebag na sanhi ng hindi pagtulog sa gabi sa kakaisip sa minamahal Pimples na dala ng pagpupuyat at BROKEN HEART na nagpabago ng ugali ko.. masasabi nating Mabait ako *weeee kung ayaw mo maniwala,edi wag..*ngayon binawasan ko na naabuso siguro gawa ng masyadong pagtitiwala sa minamahal.., naging EMOTIONAL lalo na kung naaalala ang flashback at nakaraan di naman naiiwasan maiyak paminsan pero pilit ko parin tinatayo sarili ko.. Pero hindi lang naman puro Negative ang napala ko nung ako ay ma “BH” short for Broken Hearted.Idinaan ko ang pagka bitter ko sa pag-aaral,ibinuhos ko ang oras ko sa pag-aaral ayon nag bunga naman ng maganda naging isa ako sa magigiting na mag-aaral actually masarap sa feeling ang magets mo ang lesson sa Math an sarap ng feeling pag pinupuri ka ng guro ganon pala yun.. Isa pa sa napala ko ang mga BESTFRIEND ko :) may panahon na ulit ako makipag usap at makipag kulitan ng walang inaalalang mag seselos,Madami ako naging “Best Friend” at lahat sila tinutulungan ako makabangon masaya ako pag kasama sila nalilimutan ko pait ng nakaraan pero minsan di parin maiwasan na maaalala ko…, heto naman sila todo cheer up at sermon “MOVE ON!” yan ang lagi nilang sinasabi… MOVE ON!? parang mahirap gawin..pero sa tingin ko kung gusto ko naman diba magagawa ko at alam kong kaya ko yun.. Magagawa ko yun sa takdang panahon na kaya ko naharapin ang katotohanan na “PAST IS PAST”.. well ayan yung napala ko sa LOVE eh ikaw? ano napala mo sa LOVE? —>Kadramahan ko nung bata pa ako matagal na to eh ni repost ko nalang
Jan.2,2011 

Ang lahat ng tao may libog sa katawan.Yung iba magaling lang mag tago at mag deny,meron namang medyo latebloomer pa at wala pang muwang sa kaberdehan pero sa takdang panahon mararanasan din nya yon,meron din naman bata palang mulat na sa kaberdehan.Mas maganda kung bukas ang isipan natin tungkol sa sex pero hindi naman ibig sabihin gawin ito ng maaga ang akin lang eh hindi masama maging malibog basta ilugar at marunong rumespeto tandaan rin na walang bastos sa open minded.