lolo mac

Hi Wednesday :”> Perfect day for me. 

Naapprove agad study plate ko sa Visual PerceptionNatapos ko agad yung Pre-Final ko sa Filipino3rd to the highest sa Pre-Final sa Comm ArtsSa PE naman, hindi nagklase. Nag-practical exam kaming mga Fine Arts student at 2 sa IT. Nakakatanga ho kasi yung pinapagawa ni Sir Millante. Nakakatawa pa yung mga boys. nagpagulung-gulong na sa sahig. Syempre huli ang FA girls, pinaalis lahat ng boys except kina Jayson at Rinze. Ayun, mukha akong tanga. “Flexible” ang tawag sa akin nina Mhabel. Si Jayson naman pinagtatawanan ako, “lalake” daw ako. Makahawak pa sa batok ko si koya eh.

Dapat uuwi na kami nina Ate Jhenine at Jayson, pero nagkayayaan sa7/11. Eh di tambay kami. Ako, Cloi, Mhabel, Ate Jenine, Jhana, Rinze at Jayson.

Maya-maya, may lumapit na matanda sa amin, tas kinausap kami. Nakain syang ice-cream nun eh. Sabi nya, bibigyan nya daw kaming pito (7) ng tig-i tig-isang ice cream kung mahuhulaan namin yung age nya. Bawat isa, dalawa ang hula. Dapat bago mauubos yung ice cream nya eh mahulaan na namin. Syempre, katal kami. So, nanghula kami. Nahulaan ni Jayson!! 69yrs old. Ayun, binigyan kami ng 150php. Ugh. Heaven :”> Di namin expected na tototohanin ni Lolo. Ayun, kaming tatlo nina Rinze at Jayson ang bumili. (2L Coke, Pick-A, Cracklings) yan yung binili namin. 144php lahat. Eh di pudtrip na kami.

Maya-maya. Nagpahula na naman si Lolo. Kapag nahulaan daw namin yung first letter ng name nya, bibigyan nya kami ng 200php. Nahulaan na naman ni Jayson!! Tas nagkwento si Lolo about sa mga anak nya. tas nun, nagpahula na naman sya. Kapag daw nahulaan namin yung name nya, gagawin nyang 500php yung ibibigay nya sa amin. Clue is ginagamit daw ng babae yung name nya. *Isip-Isip* MODESTO!! Fuck. Tama hula namin. Akala namin nagbibiro si Lolo, pero totoo. Binigyan nya kami ng 500php. Yun oh! Hahaha. Tas nag-bless na kami, kasi 9pm uuwi na daw sha. 

Naghiwa-hiwalay na kami. Habang naglalakad sa Crossing, siksikan. Nauna si Ate Jenina, tas sumunod ako tas si Jayson. Hilung-hilo na ako, napakapit ako kay Ate Jenine. Napansin ko, iba kulay ng suot. Faq. Ibang babae pala, napalingon ako kay Jayson. Si tanga, tinawanan ako hanggang sa makasakay ng jeep. Yun pala sa Ate Jenine nasa likod ni Jayson. Haha.

-THE END-

Sadyang masaya lang kasama ang mga tangahin kong classmates :-)