litratongtotoo

3

Porque Heartbroken kelangan groggy-ma-eyebags-haggard-emo-depressed at kung ano anong kalokohan pa?

Iba ako, dinadaan ko ang emosyon ko at chinachannel sa tawa. Ang feelings parang energy lang yan according sa Law of Conservation of Energy! (Tangina, susyal no?)

Ang feelings hindi nacrecreate o nadedestroy pero nacoconvert yan sa ibang form.

At heto, pinili kong maging masaya.

Kasi wala namang iba pang magpapasaya sa sarili ko, kundi ako.

At ang kasiyahan ko ay nasa palad ko. (Wag bastos! Hindi yun ang tinutukoy ko)

- - - - - - - - - - - - - -

Salamat sa mga nagpasaya at tumulong sakin habang down ako at nag-trend ng: #VernonNaglasingDahilBroken

Mehel ke keye.

P*** para kay T*t*

Kung may isang bagay na matino or hindi kalokohan na ginawa ko dito sa pagkatagal tagal ko sa Tumblr, yun ay ang sumama ako sa PPKT or Piso para kay Toto.

Di man ako nakasama sa panglilimos na actually ang gusto kong ma-expi ay nasama naman ako sa Damas. At hindi ko inexpect ang sumunod na kaganapan.

(Tabang walang katulad, I know, wag pangalandakan overrated na LOL)

Ang batang yan ay si Aya. Isa sa mga dancers ng Damas na sobrang na-attach ako. Cute kasi niya no? Naalala ko sa kanya ang pamangkin kong si Jus.

Dahil di nila ma-pronounce ang Vernon (Punyeta, sa starbucks nga nagiging bernon, vergon, vermon, bernard at fernon), ang tawag nila sa akin ay Kuya Longganisa dahil sa suot ko sa ulo na mukhang longganisa.

Kyut diba? :3

Madami akong masayang ala-ala sa araw na ito.

Meron ngang one time….

GILBERT: Pogi ba si Kuya Vernon?

BATA: Uhhhh…

*nanlisik ang mata ni gilbert*

BATA: OPO! JUSKO! OPO! SIYA NA TALAGA! 

Joke!

BATA: Opo!

At tandaan natin ang bata ay di nagsisinungaling! Hihi. Deal wid et.

At na-aalala ko pa na tinawag ng mga bata si….

Na…

Jollibee! (Bati tayo kuya pot! Peace! Hihi.)

Pero among sa kasiyahan, games, sigawan ng mga bata at mga sumasabog na lobo na nadala hanggang sa panaginip ko ay may mga bagay na tumatak sakin tulad ng…

BATA: Kuya, alam mo ba bat nanalo kami sa games?

AKO: Hindi, baykit? :3

BATA: Kasi nag-pray kami ng dalawang beses ngayon!

AKO: Big wurd.

Joke lang ang big wurd. Pero na-amaze ako sa values ng mga bata. Na meron padin talagang nagdadasal at nagprepray, hindi tulad ng nakikita sa kung saan saan na hinubog ng mundo at bansa natin.

Sobrang saya ko di lang dahil sa…

  • Gimme Gimme Gimme shake ni Marj at Gilbert…
  • Ang pagiging talentless ko sa pag-shape ng balloon di tulad nila kuya tv at aldrin…
  • Ang panggagaya ko sa pagiging ngo ngo ni russell…
  • Si julia… julie…. julietpoh…
  • Ang feeling na lahat nagtutulungan ang LAHAT as in LAHAT para sa mga bata…
  • Ang pagkanta nila ng Welcome to the Family, Thank you for the music at yung isa pang kanta na naluha ako na tulo luha sa left eye muna then right eye.
  • At kung ano ano pa na nakalimutan ko due to signs of aging….

At naging medyo emosyonal ang PPKT para sa akin. Lalo na nang hiwalayan na…. 

JUMA: Kuya Doktor ka?

AKO: Hindi pa. Pero balang araw! Hehe.

AYA: Eh Kuya Longganisa, kelan ka babalik?

AKO: Bibisita ako promise! Basta habang wala ako, magaral kayo ng mabuti!

AYA: Sabi mo yan kuya ah! Apir!

*Inabot ko ang pinkie ko at nagpromise sila*

JUMA: Mamimiss kita Kuya Longganisa. :’( Wag mong kakalimutan ang pangalan ko ah?

AKO: Di ko makakalimutan, sobrang kulit nyo kasi eh.

At muli ko silang binuhat at nilipad. Dahil alam kong di araw araw ay may malaking lalaking katulad ko na magbubuhat sa kanila at gusto ko silang pasiyahin.

Ansarap ng feeling na napapasaya ko sila. Yun kasi talaga ang gusto ko, ang magpasaya. Isang rason siguro kaya pinili kong magsulat ng humor.

Punyatera, naluluha ako habang tinatype ko ‘to.

Basta mula sa araw na ito, nagbago ang tingin ko sa mundo. (Seryoso, wag kang mag-weh jan) 

Congrats kina Kuya Kin, Ran, Jake, Melai and etc. ^____^

Madaming salamat. Sobra.

           At kung tatanungin nyo san umabot ang piso? 

Masasabi kong tagos hanggang puso.

5

Wala lang. Something to share about my course na Bioengineering. Kinuna ko to dati sa laboratory namin gamit ang cellphone camera. Hindi microscopic yung camera ko okay? Tinutok ko sa eyepeice kasi ng microscope. Then ang ganda lang kasi ng kulay ng mga iba’t ibang bacteria na kung alin aling chemicals ang hinalo namen.

Sino bang nagsabi kapag photography kelangan puro tao at scenes lang? 

RF: Gusto ko yung amoy ng books. Mahilig ako sa books pero di yun alam ng karamihan dahil akala nila puro kalibugan at pagpapatawa lang ang alam ko. Sakit no?

Isa yan siguro sa mga escape ko sa buhay bukod sa pagkanta sa stage, ang pagbabasa sa libro sa isang tagong o tahimik na sulok at may sariling mundo. After all, may mga bagay tayo na gusto nating gawin kapag magisa lamang. Alam mo yan. >:)

Divergent nga pala binabasa ko ngayon. Ang KEWL ng book. Wag nyo na tanungin bat ganyan pose ko sa pic nato. HAHA.

2

Hindi ito commercial ng Joy Tissue Paper na sa bukid walang papel uy!

Everytime na umuuwi kami ng Hacienda Dolores, eto ang nakikita ko.

Naalala ko nung bata pa kami ay puro buhangin lang yan. Hindi namin binubuksan yung bintana ng sasakyan kasi kala mo nasa Pokemon kami at laging may Sandstorm. To think ngayon na nagkakaroon ule ng buhay yung lugar na sinabi nilang patay na. Amazing diba?

Meanwhile sa hotel dito sa Hue, Vietnam...

  • Wala pang tulog ng mahigit 24 and more hours at gigising ng 5am sharp.
  • Pinag alay lakad kami ng pagkalayo layo. Literal.
  • Bukas na ang Folklore Category Competition (3pm)
  • Sa Friday na ang Youth Mixed Choirs Category.
  • Kanina pa ako napagkakamalan na Vietnamese at Indonesian. As in kanina pa.
  • May nakilala akong Indonesian na mas madami pang alam tungkol sa mga choir ng Pinas kesa sa iba sa atin.
  • Wala akong maintindihan dito sa Vietnam dahil para jeje ang pagkabasa ng language nila. Yung tipong KAPE naging CA PHE.
  • Milyonaryo ako dito dahil ang 2200 pesos ko ay naging 1 million vietnam dong. Feel na feel ko ang yaman. Kaso… mataas ang bilihin. HAHAHA!
  • I miss tumblr.
5

A quaint island near Quezon Province: Cagbalete Island

Nitong last weekend, nagpunta kaming choir dito for the induction ceremonies para sa new members. Dahil overpopulated ang ibang beaches, dito sa island na ‘to ginanap ang lahat.

White beach, sobrang soft na sand at tahimik ang Island. Napakagandang place para makawala sa ingay ng maynila at makalimutan ang kung ano mang pang MMK na pinagdadaanan mo.

Mababaw ang tubig mapa-high tide or low tide kaya hindi ako nalunod LOL. Pwede ka ngang magpicture-picture, landi-landi or gulong gulong sa buhangin dahil kahit nakahiga ka buhay ka pa naman.

And literal na Island siya. 45 mins away from Mauban, Quezon.

Ang ganda lang dito. :)