ligya

Nakakatuwang isipin na merong mga bagay  sa mundo na nagagawa natin ng dahil sa pagibig. yung mga bagay na madalas hindi mo ginagawa pero ng dahil sa pagibig, lahat kakayanin mo, titiisin mo, lahat  gagawin mo para lamang sa taong pinakamamahal mo.

 Nakakatuwang isipin na lahat ng sakripisyo  nagagawa ng isang nagmamahal. kahit yung mga imposibleng bagay pipilitin mong mangyari. sobra sobrang pagmamahal ang binibigay mo na halos wala ka ng itira para sa sarili mo. yung kahit kahit anong sabihin o  isipin ng ibang tao wala kang pakialam basta ang mahalaga kung anong meron kayong dalawa. lahat ng butas papasukin mo, ni ultimo dagat lalanguyin mo makasama mo lang yung taong nagbibigay ng lakas ng loob sayo. ang sarap magmahal sobra..