leyowthegreat

13 ang bilang ng unang batch, at para makatipid ginamit namin ang ang government Id’s ni mikel at ni may tas yung 3 student id.. P473 bawat isa hindi na masama kumpara sa P600. Nakadiskwento ang lahat kayo ayos  na rin kahit papano. May meal stab pala ang students kaya yun may libre kaming tatlo pero dahil marami ang estudyante sa amin, sa kabutihang loob na rin ng lahat para makadiscount ang bawat isa ay mas pinili nga namin yung promo sa mga government employees. Medyo may konting problema dahil may tatlong meal stabs at 9 ang students sa amin. Inisip kong punitin na lang para walang lamangan kaso grasya yun eh kaya para walang lamangan ay napagkasunduan na ibigay na lang sa organizers. Napaliwanag at sumang ayon naman ang lahat. 

Tirik ang araw ngunit hindi namin alintana ito dala ng pananabik na rin siguro. Medyo may ilangan pang nagaganap pero kailangan basagin ang katahimikan. Tulad ng nakaugalian magandang pagkakataon iyon para mas makilala namin ang isa’t isa. Pagpasok sa EK ekstreme tower agad yung unang aya ni mikel (torpengromantiko).  Grabe yung mabagal na pagtaas tas biglang bagsak.. ay powtek kahit yung hindi nagmumura ay napamura talaga ng pasigaw.. Gising na ang kamalayan ng lahat. Ito na yun andito na kami nung oras na yun pero simula pa lang yun ng mas ekciting na pagtitipon tipon..

Itutuloy..

(photo credit to leyowthegreat)

Day 1 of 1: Bacolod To Manila.
Alas 2:00 ng hapon na kami naka alis ng airport, akalain mo ba naman na lumakas ang ulan. Tila bang wala ka ng makikita at maaaninag sa runway kundi ilaw na lang na nagsisilbing guide. Impunto 2:15 ng hapon nag take off ang eroplano kahit umuulan ng malakas. Para bang buwis buhay yung ginawa ng piloto. Andami pa naman naming pasahero. May bata, binata, dalaga, nanay na, madre at kung anu ano pa. Yun na nga nag take off na, jusko habang nasa himpapawid na parang hinahalukay ung bituka at buong katawan mu dahil sa pressure. Shempre di mawawala ung ear pocket pressure. Tila bang bingi ung pakiramdam mu at ang sakit sakit ng tenga mu. Huhu! Habang nasa himpapawid na kami kasama ko sila Mikel (torpengromantiko) at Allen (kwentonimayang). Kwentuhan lng kami hanggang sa makaidlip. Ayun ramdam mu ung pag ikot ikot at gewang ng eroplano. May pataas at pababa (parang ispagetti song lang, haha), my pakaliwa at pakanan. Almost isang oras at kalahati yung lakbay namin sa ulap. Impuntong 3:15 ng hapon lumapag kami sa NAIA Terminal 4. Antay na naman ulit kasi wala pang runway parking area ung plane. mga 3:45 pm na yata kami nakababa ng plane tska dali dali kaming nagtaxi papuntang MRT station Taft. Hinatid ko sila Mikel at Allen sa LRT station muna para makapag Tsamu sila. Ako umuwi muna sa bahay ng tita ko sa Makati kasi pagod na pagod. Hehe. Ayun basa ng pawis at malagkit. So eto na ngayon, sa Manila na kaming tatlo. Magkikita kita na lang kami bukas kasi sa taguig lang naman nag stay sila Mikel at Allen at ako Makati lang. Sabay sabay tayong pumunta sa EK at magsaya kasama ang TEKMU barkada. Kita kits!

“One of the boys” yan si alex, akala ko yung una maarte toh, well hindi naman ako nagkamali may konting arte pa rin sa kanya pero ang pakikisama talagang solid kung solid.. and the rest of the gang talaga namang aakalain mong matagal na kaming nagkasama. Wala pang isang araw pero miss ko na agad lahat ng nakasama kahapon..

Hindi sa ayaw namin sa masikip o may kasama sa shuttle kaso may oras kaming hinahabol kanina kaya ayun “taxi” ang ending.. powtek nagulangan ata kami kanina.. P900 tas sa amin pa ang toll fee. anyway naging smooth naman ang biyahe.. kasama ng mga kaibigan na dati sa computer screen ko lang nakikita tapos may dumagdag pa na bagong kaibigan. Ayun naging makulit at masaya ang buong biyahe papuntang EK..

(photo credit to leyowthegreat)

All my bags are packed and IAM NOT READY TO GO. Uwi na ko Bacolod bukas. Naku naman nakakabitin yung Rest Day at Leave ko sa work. Back to reality na tomorrow night. Haist! Work na ulet. Kita kits tayo sa mga susunod pang meet up. Mamimiss ko kayong lahat. Sa lahat ng nakita at nakausap ko dun at sa mga makikilala pa lang, keep in touch ha. Yung kwento ko pagbalik ko na lang ng Bacolod para buong buo. I love you all! Yun yun eh! TEKMU 2013

Preppin’ Up for the Big Event on Saturday. All are set. Bags are packed. Flight was booked. See you tomorrow Manila. Together, We will invade Enchanted Kingdom with the rest of the Tumblr Gang. See you! :)

Its All About Living The Good Life: Magandang Umaga Kaibigan. Pasyal pasyal muna sa Bonifacio Global City bago umuwi ng Bacolod. Mamimiss ko yung mga bago kong kaibigan (seriously). Mga Tekmumates ko, Keep In Touch ha. Sa susunod ulet na meet ups. Kita kits! Love! Love! ;) Mwah!