leeyoodyimcheer

“That Should be Me”

Lintik kasing chicken pox ehh. Isa dapat ako sa bases niyan ehh huhuhu. Sobrang naiinggit ako nung nagpeperform sila ng one minute Group Stunt routine nila. Alam mo yung nanunood ako at sinasabi ko “Shet ako dapat ang sumasalo nung single down na yun…”, “yes nagawa ung one leg hold…”. Haizt, anyway congrats Batchmate Joy at nanalo kayo sa Stuntings niyo kahit hindi ako base T.T.

Bakit nga ba ako naiinggit ng todo? Ehh kasi naman ang dami niyang bagong ginawa.

Ito ung unang kakaiba… 180 Helicopter + 360 Bedtwist… goodness hindi ko maimaigine kung paanong pagpapaikot ng katawan para magawa yan…

At ang favorite naming One Leg Hold from B and A.

At ang pinakamasarap na toss… :))

2

“Bow and Arrow to Seven”

Ganyan ang nagagawa ng Adrenaline rush, nagiging mas flexible. Dapat bow and arrow lang ang gagawin ko ehh, ayun biglang napasiyete pa ako ng wala sa oras. Ang weird nga kasi hindi ko talaga kaya ang siyete pero dahil nga sa adrenaline thingy nagawa ko siya.

Ginawa ko yan sa harap mismo ng mga judges haha nakakatuwa kasi nakangiti sila sa akin, plus ang daming naghiyawan nung ginawa ko yan at saka ako lang ang gumawa niyan sa Eng Meet hahaha.

Yung GIF sa right ay galing sa vid sa SLR ko at yung nasa left naman ay galing sa vid ni Mike.