laughtrip

Ano yung nakaka-putanginang ginawa mo sa buhay mo?

1. Pinanghilamos ko yung PHCare coolwind sa CR. Putangina ang lamig ng mukha ko pagtapos. Punyeta - John Albert Inson

2. Tapos nagising ako alas dos ng madaling araw naghanap ako ng makakain sa ref. May nakita akong buns kaya humanap ako ng palaman para may lasa naman. Yung akala kong peanut butter, pinalaman ko dun sa tinapay. Tangina tohl, nagulat ako pagkagat ko ang lansa. Bagoong pala puta. Tangina bakit kasi sa garapon ng peanut butter nilagay. -John Albert Inson

3. Napahiya ako sa klase nung grade 4 ako eh kasi kasalanan ng teacher namin sa math yun, pinaupo ako sa pinakadulo tapos nagpa assignment siya,magdala daw ng graphing paper, tangina pagkarinig ko talaga dragon paper kasi hindi ko talaga alam yung graphing paper na yun, tapos sinabi ko sa nanay ko bumili ng dragon paper ayun bumili ng poster ng dragon, puta kinabukasan mukha akong tanga, lahat sila may graphing paper ako putangina special eh poster ng year of the dragon -Carlo Felipe

4. Nakasakay ako sa dyip at pag abot ko ng bayad ko ang nasabi ko pabili,tangina…. -Gilbert Cruz

5. Imbis na “MANONG PARA PO” sasabihin ko sa drayber, nasabi ko “MANONG BA-BYE PO”. -Nhiko Medenilla

6. Nung highschool ako trip ko sa gilid padaanin yung candy para buo pa yung plastic tapos kuha ko ng bato na kasing laki ng candy (Maxx bali haha) tapos yun ipapalit ko saka ko iaalok sa iba. Eh hindi pinatulan ng mga kaklase ko kaya nilagay ko muna sa bulsa ng pantalon ko. Tapos nung kinagabihan nagulat ako minura ko ng nanay ko. Bakit kako sabi nya nakuha nya yung CANDY sa pantalon ko nung lalaban nya diretso kain di man lang tinignan. Kaya daw pala sipsip sya ng sipsip walang lumalasa tawa ko ng tawa sa tabi ko pa ng kanal napulot yung bato na yun hahahahahahaha. -Don Jervin Galvez

7. 1st year highschool ako non at mahilig kaming maglaro ng bangsak ng mga classmate ko. One time naglaro kami tapos sumali ako kahit taeng tae na ako, nagtago ako sa likod ng drum na malapit sa C.R. Sa sobrang excitement ko at kaba na baka makita ako ng taya ay biglang bumulwak ang tae ko sa brief ko. nagpunta kaagad ako sa kubeta para linisin at itapon yung brief (itinapon ko sa likod ng inodoro). Nung akala kong okay na ang lahat, bigla akong nakita ng classmate ko sa cubicle at nakita nya yung nakakalat na tae so ang ginawa ko ay dineny ko at sinabing hindi ako ang gumawa nyan. Pero may pagkakamali pala ako dahil di ako naging maingat kasi lahat ng brief ko that time ay may pangalan ko (ewan ko ba sa ermats ko kung bakit nilalagyan ng pangalan) at di nagtagal nakita ng classmate ko yung brief na may tae na may pangalan ko sabay sigaw na napatae daw ako. - Ace Edwin Lacanilao

8. Yung nakitulog ako sa ibang bahay tapos natae ako. So nung tumatae na ko di ko napansin na kulang yung tubig sa drum. Sapat lang na panghugas ng pwet. Nawawala pala supply nila ng tubig pag gabi tangina. Kaya yung tae ko palutang lutang sa inidoro. Eh may susunod pang gagamit naiihi na daw. So ginawa ko kumuha ako ng sando bag tapos dinakot ko yung tae tapos binulsa ko. At lumabas ng cr na parang walang nangyari. Nag paalam ako sa tropa ko na bibili lang ako ng yosi. Tapos gusto pa kong samahan so sinungitan ko sabi ko wag na tangina. Tsaka humanap ng tyempo sabay tapon ng tae tangina di ko malilimutan to. -Dirkz Labares

9. Noong 1st yr pa ako. Wala pa kasi akong hilig sa computer games noon nag sign up ako sa ragnarok ata yun tapos nung patapos na ako mag register nakita ng classmate ko na mali yung sinusulat ko sa e-mail address. Yung sinulat ko address ng bahay namen. Pvtang ina yun -Jimbert Baximen

10. Grade 5 nag cutting class ako potangina nung umakyat ako ng bakod na may screen. sumabit yung short ko, nawakwak pota parang naging palda, ayun in the end umuwi ako. potangina napalo pako. kaya hindi ko na inulit. salamt sa screen na bakod natauhan ako ng maaga. -Jhon Nohj

11. Kailan lang to nangyari…sarap ng ligo ko, buhos dito buhos dun pakanta kanta pa ako. Nagbukas ako ng sachet ng shampoo, kuskos ng maige, ang bango eh kakaiba madulas. Natuwa ako kaya inubos ko lahat sa buhok ko. Aba tangina after ko magbanlaw at itatapon ko na yung sachet, nabasa ko “Lactacyd Teens - Feminine wash” ayun Tangina! amoy bagong hugas na pepe ang buhok ko.

Lesson: “importante ang pagbabasa kahit sa paliligo, dahil hindi lahat ng naka sachet ay shampoo” - Mark Atas

Credits sa fanpage na nag patopic neto. Tawa ako ng tawa kakabasa ng mga comments. At napansin ko na karamihan sa nag comment eh mga lalake. Share ko lang din sa inyo ng matuwa din kayo. 😂😂

May Bitter Kay Donya Ina

Donya Ina Fanpage, may nag-post…

Person 1: Hey Inay, na mukhang anay. Puro ka paki-explain pero mukha mo'y di ma-explain. Break it down yoooh! (44 likes)

Donya Ina: Anak, Mukha nga akong anay. Pero ako naman ang iyong nanay. Pag uwi mo dito sa bahay. MATA MO LANG WALANG LATAY! Paki-explain! Lab U! (61 likes)

Person 2: Hahaha!! PAG UWI MO NG BAHAY, BASAG ANG MUKHA MO KAY NANAY, KAYA MAGTAGO KA NA SA KAPITBAHAY, BAKA SA KATAWAN MO SA OSPITAL AY MARATAY!! Break it down, yow!! (52 likes)

Donya Ina: Anak, Huwag kang umastang parang nanay. Dahil mas mukha ka namang tatay. Paki-explain! Lab U! (34 likes)

Hahaha! Dami ko'ng tawa dito eh, sensya na :))