lange jan

WHEN MANONG ASKED, “SAAN ANG BABA?”

1. “To infinity and beyond!”

2. “Sa pinakamalapit na McDo. Kakain ng burger tapos magmomove-on.” 

3.  “Kahit saan manong tutal wala namang patutunguhan ang buhay ko.”

4. “Kasasakay ko lang pabababain niyo na agad ako? Pasasakayin tapos sa huli iiwanan din? Pare-pareho kayong lahat. PARAAAAAAA!!!! ”

5. “”Kapag sinagot ko po ba yan, libre na pamasahe ko?”

6. “Ah jan lang ho sa bertdeyan ng pinsan ko may konting inuman.”

7. “Bakit niyo tinatanong? Getting-to-know each other ito ‘no? Tapos ano, magkakadevelopan, magiging tayo tapos sa huli bubuntisin mo lang? Tapos mag-isa kong palalakihin ang mga supling natin? Gago ka pala eh! Hinde. Ayoko!”

8. “Dun po sa lugar na walang mga panget.” *looking to all the pasaheros*

9. “13° 47’ 0" North, 121° 2’ 0" East to be exact. 

10. “Diyan lang po sa may boundary… ng friendzone.”

11. “Depende po kung saan bababa itong cute na kaharap ko.” *sabay buka ng legs*

12. Dun po sa Hopeless Place ni Mareng Rihanna so I can find love din.” 

13. “Thank you for that wonderful question Manong. But i do believe that we find love right where we are so bababa na po ako ngayon. That would be all. Thank you.”

14. “Purok 7. Block 5. Kalye Pinaasa. Barangay Sinaktan Walang Forever. Magbbreak din kayong Lahat!!!”


Tapos kapag inabot na ni Manong ang sukli, sabay sigaw.

“#CHANGEISCOMING!!!!!”

anonymous asked:

I get it na it made you feel uncomfortable. But the question is.. kaya mo bang i-sacrifice yung friendship niyo dahil lang jan? You can tell her na "uy friend, di ako kumportable na ginawa mo yun. Bakit mo ba ako hinalikan?" Kung ano man ang isasagot niya, please keep an open mind. Kung may feelings man siya sayo.. wag ka sana ma-awkward. Let her know na di kayo same ng nararamdaman. Kasi sa totoo lang, ma-aappreciate niya na naging honest ka. Mas mag ggrow kayo as friends.

Agree! Pero kung best friend ko to, sesegweyan ko din siya, “Hoy! Alam mo ba, lasing ka kagabe! Nanghahalik kang ungas ka ah. Bakla/Tibo ka ba?” Syempre, magdeny man siya or hindi, nasabi mo na may ginawa siyang kabalbalan. Kase best friend mo siya eh. Promise, kung ako nasa sitwasyon mo, gagawin ko talaga yan.

Basta kase ang mahalaga, malaman niyo yung side ng isa’t isa. Yun lang naman siya. 

Tama, Anon! “Kasi sa totoo lang, ma-aappreciate niya na naging honest ka. Mas mag ggrow kayo as friends.” :)

Huwag kang magpapaapekto sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao sayo.
  • Mas kilala mo ang sarili mo, kaysa sa kanila.
  • Kung talagang wala ka namang ginawang masama sa kanila, wala kang dapat ipag-alala.
  • Hindi mo kailangang makipag-away sa iba para lang mapatunayan na hindi totoo yung sinasabi nila sayo. Lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan.
  • Kung ayaw man nila sayo, madami pa namang taong nagmamahal sayo, si God, family mo, at mga kaibigan mo.
  • Gawin mo pa din yung mga bagay na makakapagpasaya sayo, huwag mong hayaang diktahan ka nila kung ano lang yung mga gagawin mo.
  • Buhay mo yan. Ikaw magdedesisyon kung ano yung gagawin mo jan. Maikli lang ang buhay kaya dapat kung ano yung makakapag pasaya sayo, yun yung gagawin mo.

Kung talagang may pake siya sayo, rereply at rereply yan sayo. Eh kaso, ikaw na nga tong lumunok ng pride mo kahit masakit sa kalooban mo eh hindi ka parin magawang ireply. Yung feeling na tinipon mo lahat ng kahihiyan na natitira sa katawan mo at gawin yung bagay na alam mong 50/50 ang posibilidad kung may mapapala ka ba talaga o wala sa kanya. Hay nako! Mapapaisip ka na lang ng kung ano-ano kung bakit di siya nakareply. Walang load? Lowbat? May katext na iba? O talagang wala lang siyang pake at hinding hindi ka talaga rereplayan kasi nga hindi siya interesado at wala siyang balak makipag-usap sayo! Tapos! Parang ganun?? Ganun ba yon?
Simple lang naman ang paliwanag jan eh, kung talagang importante ka sa buhay niya at gusto niya makipag-usap sayo, rereply at rereply yun.. Kung wala siyang load, magpapaload. Kung di talaga makaload, makikitext sa ibang tao. Kung lowbat, magch.charge at itetext ka after how many hours. Kung wala talagang pag-asa sa text, i cha-chat ka. Marami naman sigurong paraan diba? Kaya “kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.”
Talagang ayaw ka lang niyang maka-usap. Pero ba’t ganun? Parang ang sakit-sakit naman? Ano to? Seenzoned sa chat pati ba naman sa text? Or siguro in real life narin para masaya….Na kapag nagkasalubong kayo eh babalewalain ka nalang. Alam mo na nakita ka niya tas pagpapalapit na kayo sa isa’t-isa ay iiwas siya ng tingin o di kaya'y lumipat sa ibang daanan.. Bakit? Bakit gan'to? Pwede bang sabihin niya nalang sa akin ng diretcho? Na ayaw niya akong makausap. Na ayaw niya akong makita o marinig. Na napaka-annoying ko kaya sana tumigil na ako. Sana sinabi nalang niya para di na ako nahihirapan nang ganito……
Sana nga..kasi pagod na pagod na ako…