lampangsuperheroo

Merry Christmas Part I
  • Kaye, Josh, Eythan, Miggy

Tang ina niyo. Yun lang. De joke. Hi sa inyo. Alam niyo naman na sobrang thankful ako kasi nakilala ko kayong apat. Alam kong nagkalat tayo sa Toronto, Doha, Lipa, Caritan, at San Gabriel. Naks. Kelangang mas specific yung places para kunwari iba’t ibang lugar talaga. Ayon lang, alam niyo namang may tinatago yung isa sa atin kaya sana malampasan niya yung pinagdaanan niya. Nandito lang kaming apat na magdadasal lagi para sayo. Salamat kasi lagi kayong nakikinig sa pinagsasasabi ko kahit walang katuturan. Kahit ako nalang lagi nag-iingay, di parin kayo nagsasawa na tawagan ako. Pinaramdam niyo sakin na hindi hadlang ang distansya para maiparamdam sa isang tao ang tunay na pagkakaibigan. Boom. Friendzoned kayong lahat. Pinagsama sama ko na kayong apat kasi we are one. De, kasi naman iisa lang ang gusto kong sabihin sa inyo. Gusto ko lang malaman niyo kung gaano kayo kaimportante sa akin. Superhug. MOA!

  • Adu

Yow strawberry farm! Kakakilala lang natin nung nag-skype tayo nila Josh pero kung anu-ano na ang pinag-uusapan natin tapos biglang close agad. Hindi ko alam kung bakit komportable agad akong mang-alaska nung kakatawag sa skype. Hindi ako magaling sa bolahan di katulad ng ulo mo hugis itlog. Pasasalamatan nalang kita sa lahat ng tawa na nabigay mo sakin. Salamat. Salamat. Maraming Salamat. At may picture ako na ginaya ko yung ngiti mo pero di ko muna i-a-upload. 

  • Crey

Hi Crista Reyna! Kahit ang kokorni ng jokes mo, natitiis ko pa naman. Ang hindi ko lang matiis ay ang pagmamaltrato mo sakin! Duw. Ayon, salamat sa pagkakaibigan na walang katuturan kundi kakornihan. Hindi ko alam kung naaalala mo pa na nung nag-skype tayo, ang mic lang na nandyan ay yung pang magic sing. Wala lang, natawa lang ako. Pati dun sa painosente bureche pose. Tapos yung papatahanin naman daw kita pero wala akong load. Fail ampota. Wag mong ipagkakalat yung private blog ko. 

Merry Christmas sa inyong lahat!

youtube

Eto nga pala yung video na ginawa ko noong birthday ng pinakamamahal ko. Wala, share lang kasi karamihan sa inyo, malaki ang inambag para magawa ko ito.

Salamat sa lahat ng nagpadala ng photos at TA sa akin at sa kanya. Pati sa bestfriends kong sina Kaye, Kev at Josh na gumawa ng video para sa kanya. Basta mahal na mahal ko kayo lahat. Hirap isa-isahin. Salamat Tumblr ;)