lamesa restaurant

Along Came Love (12 - Finale)

,,,,,,,,,,,,,,,

Nakaupos si Dianne sa garden at nakatitig sa envelope na nakalatag sa lamesa. Mula nang ilapag nya iyon doon ay hindi na nya inalis ang tingin nya rito’t hindi rin nya malaman ang gagawin.

“Where’s Moe?”

Napatingin sya’t nakita si Robby. “Rob.”

Umupo si Robby sa harapan nya. “Why are you doing this to him?”

Dianne stared at him. “What do you mean?”

“You know what I mean.” Hindi kumibo si Dianne. “Hindi kasalanan ni Elmo ang nangyari sa ate mo, sa iyo. He had enough pain, We’ve been blaming him for so long. Hindi sya naging masaya, not until Julie came. Why do you have to do this?”

“I’m not doing anything. Natatakot ako Robby. Hindi ko kaya nang ako lang, at alam ni Moe iyon.”

“Why do you have to make him choose?!” inis na tanong ni Robby. “I never knew you’re this selfish, Dianne.”

Sarkastikong natawa si Dianne. “Coming from you, I’m a bit surprised.”

“Don’t put this on me. Moe and I have our differences, we hated each other but we’re still brothers. And I care for my little brother.”

Dianne looked away. “I have to be transferred there, Rob. I want to live.” Then she looked at him again. “I’m scared, so scared.”

Tinitigan ni Robby si Dianne. He took a deep breath and told her, “You know that he will choose you. Hindi lang dalawang tao ang masasaktan mo, Dianne. You’ll break his heart, too.”

“I have no choice.”

“Of course you do.”

“Why are you acting like this?” tanong ni Dianne. Robby didn’t say anything. “Tell me. Are you in love with Julie? Or should I ask, all this time, you’ve been in love with her?”

,,,,,,,,,,,,,,,,,,

Pagdilat ni Julie’s sabay nyang naamoy ang mabagong ulam na niluluto sa baba. Napakunot-noo sya’t saka bumangon. Day-off ni Chelsea sa araw na iyon kaya bigla syang nagtaka.

Naghilamos sya inipit ang buhok saka lumabas ng kuwarto. Pagbaba nya'y nakita nyang abalang nagluluto sa may kusina si Elmo, at punong-puno ng mga pinamili nito ang lamesa.

“Uy.”

Lumingon si Elmo at nginitian sya. “Hey. G'morning!”

“Ano'ng ginagawa mo?” Nilapitan sya ni Julie. “May okasyon ba? Ba’t andami mong binili?”

“Ahm, wala naman. I just… I just want to cook for you.”

“As if namang mauubos natin ‘to lahat? Pang-isang linggo na namin 'to ni Chelsea e. Wala naman kaming ref.”

“Oo nga 'no?” Saka natawa si Julie habang pinapanood si Elmo na parang batang nagiisip kung ano'ng gagawin nya sa lahat ng mga nabilli nyang pagkain.

“Ano bang nakain mo’t bigla mong naisipang ipagluto ako?” Elmo looked at her. 

“Uhm.. nothing. I just… I just miss you, I guess.” saka ito ngumiti.

“Magkasama lang tayo nung isang araw, naka-miss ka naman agad. Tulungan na nga kita dyan.” palapit na si Julie sa may stove nang bigla syang yakapin ni Elmo mula sa likuran. Natigilan sya sa pagkilos.

Ipinatong ni Elmo ang ulo nya sa balikat ng nobya at niyakap ito nang mahigpit. “Hey.” bulong nya. “Lately, alam mo bang.. lagi na lang kitang nami-miss. Like right now, I’m holding you and you’re so close to me… and I still miss you. Ano bang gagawin ko? Nasa buong sistema na kita. Paano na lang ako kapag…nawala ka?”

Hindi sumagot si Julie. Humarap sya kay Elmo at naiwang nakayakap sa katawan nya ang mga kamay nito. They looked into each other’s eyes, and saw nothing but love. Marahang natawa si Julie. “Napakadrama mo naman. Daig mo pa mga bidang babae sa pelikula.”

Elmo smiled. “Seryoso ako.”

“Alam ko.” Ipinatong ni Julie ang mga kamay nya sa dalawang balikat ni Elmo. “Ako din, lagi kitang nami-miss. Alam mo nakakainis ka, kahit kay Robby hindi ako naging ganito. Hindi ako mapalagay kapag hindi kita nakikita. Lagi kitang iniisip. Lagi kitang hinahanap. Kung ako nasa buong sistema mo…ikaw, ganun din sa akin. Hindi…hindi ako mawawala, dahil hindi kita iiwan." Elmo smiled as tears began to form in his eyes. At napansin iyon ni Julie. "Hoy, okay ka lang ba?”

Tumango si Elmo. “Yeah. I’m just happy.”

Ngumiti si Julie at saka hinalikan si Elmo sa pisngi. “Alam ko na kung ano'ng gagawin natin sa mga pagkain binili mo.”

Tinulungan ni Julie si Elmo na maaos ang maluto lahat ang mga pinamili nito. Saka sila bumili ng mga lalagyan at inumin at dinala ang mga pagkain sa malapit na orphanage sa barangay nina Julie.

Tuwang-tuwa ang mga bata pati na rin ang mga volunteers sa mga pagkain at inuming dinala nila. At sinabayan na rin nila ang mga ito sa pagkain.

“Hindi ko alam na may bahay-ampunan pala rito.” si Elmo.

“Tumira ako dito ng tatlong taon.” sambit ni Julie. “Tapos umalis ako.”

“Lumayas ka?” Tumango ito. “Bakit?”

“Mahirap kasi.”

“Ang alin?”

“Iyong pakiramdam. Iyong pakiramdam na kahit napakarami mong kasama, kapag sumapit iyong gabi at natutulog na ang lahat mare-realize mo na…nag-iisa ka pa rin. Walang pamilya. Walang nagmamahal.” Julie looked down and looked at her food. “Kapag ganon mahirap ang mangarap…kasi wala kang ibang nakikita sa hinaharap mo kundi ang sarili mo lang, walang ibang kasama.”

Elmo looked at her. “I’m sorry.”

Ngumiti si Julie at tinignan sya. “Alam mo ba kung bakit ayokong ituloy ang pagbubuntis ko nun? Kasi alam kong darating iyong punto na iiwan ko lang ang batang iyon sa ganitong lugar. At wala syang kasalanan para maranasan lahat ng naranasan ko. Sa matagal na panahon, gabi-gabi kong pinapanaginipan ang batang ako, at naaalala ko lahat ng mga takot ko.” At saka nya mangiyak-ngiyak na sinabi.. “Masakit ang pakiramdam ng iniiwan. ayoko na ulit iyong maranasan.”

Elmo stared at her and then he looked away, feeling hurt and heavy inside. Saka nya pinagmasdan ang mga batang naroon at saka nilingon si Julie, na nakangiti nang pinapanood ang mga bata. At saka muling bumigat ang pakiramdam nya at saka sya umiling-iling.

“I can’t go.”

Nagtaas ng tingin si Fernan. “What?”

“I can’t leave her.” sambit ni Elmo.

“Julie?” Tumango ang binata.

“How about Dianne?”

Napapikit si Elmo saka umupo sa harapan ng ama. “I don’t know.”

“You promised her na ikaw ang mag-aalaga sa kanya. And she’s in her worst condition right now.”

“I promised Julie I will never leave her. Na hinding-hindi na nya ulit mararanasan na iwan sya. I love her, dad.”

“I know, son. But Dianne needs to be transferred as soon as possible. This is her only chance. Do you want to lose her, too?”

Hindi sumagot si Elmo at saka na lang sinubsob ang mukha nya sa mga palad nya.

Abala sa pagpupunas ng lamesa si Julie nang may biglang lumapit sa kanya. “Hi.”

Nagulat sya nang makita nya ang kaibigan ni Elmo. “Dianne.”

Pinayagan sya ng manager nya na mag-break saglit para makausap nya si Dianne. Pumwesto sila sa pinaka-sulok na lamesa ng restaurant.

“Ano'ng ginagawa mo rito? Alam ba ni Elmo na-”

“Nope. Tumakas lang ako. I’ll have my last chemo session in two hours. And I need some air before I’ll have that last shot.”

“Ku-kumusta na pakiramdam mo?”

“Right now, good. Most of the time, I can’t even describe the pain. But somehow, having Moe around helps making me feel better. Thanks for letting him stay with me longer that he stays with you.”

“Kaibigan ka nya at nangako syang aalagaan ka nya. Wala namang problema sa akin iyon.”

Dianne smiled. “You’re a very nice girl. Both Robby and Moe are so lucky to have you in their lives.”

Alam ni Julie na may sinadya talaga si Dianne sa kanya kaya’t diretso na nya itong tinanong. “Dianne, may sasabihin ka ba sa akin?”

“Yes, I have.”

“Puwede mo na akong diretsuhin.”

Tinitigan na muna sya ni Dianne bago ito nagsalita. “I’m leaving. I need to be transferred to Texas for my treatments. Ang sabi ng daddy ni Moe, I could have a chance. They could treat me better there.”

“Talaga? Ahm, kailan ang alis mo?”

“In two days. I…someone will accompany me there. I need somebody to look out for me.”

“Oo naman, kailangan mo talaga ng-” Napatigil bigla si Julie nang may bigla syang napagtanto. Nakatingin lang sa kanya si Dianne. At kita nya sa mga mata nito ang bagay na naiisip nya. 

Nagpakawala sya ng buntong-hininga. “S-si…Elmo?”

“I need him, Julie. You don’t have any idea how scared I am right now, at hindi ako matapang tulad mo. I can’t handle this battle along. And Moe, he’s been my wall, my strength..since we’ve met. I need him now, more than anything, more than anyone. Julie, mas kailangan ko sya more than you need him.” Unti-unting nagbaba ng tingin si Julie at mahigpit na pinaglapit ang mga kamay nya. Bilang nanikip ang dibdib nya’t muling bumalot ang kakaibang takot sa buo nyang katawan. “Julie, please.”

Muli syang tumingin kay Dianne. “Dianne. alam mo ba…kung ano ang hinihingi mo sa akin?” Hindi kumibo si Dianne. “Ang hinihingi mo sa akin ay ang nag-iisang taong nagbibigay sa akin ng mga dahilan para mabuhay.” kasabay niyon ang pagpatak ng mga luha ni Julie. “Kahit kailan, huwag na huwag mong sasabihin sa akin… na mas kailangan mo sya.”

At hindi na napigilan ni Julie ang sarili nya’t tumayo sya’t tumalikod. Palakad na sya palayo nang, “Julie!” Napahinto sya ng tawag ni Dianne. Nilingon nya ito.

“He loves you, so much…I know that. He will come back to you. But please, let him stay with me.” At nagsimula na ring umiyak si Dianne. “I’m dying, and I want to live. Help me.”

Hindi sumagot si Julie. At kahit na ayaw nya'y tumalikod sya ulit at saka iniwang nag-iisa si Dianne.

,,,,,,,,,,,

Nakaupo si Julie sa may stairsteps at yakap-yakap ang mga binti nya’t nakapatong ang baba nya sa mga tuhod nya. Mag-iisang oras na syaroon at sa ganung puwesto. Parang lumulutang ang isip nya’t blanko ang nararamdaman nya. 

Saka nya ulit naalala ang mukha ni Dianne habang nag-uusap sila kanina. Pumikit sya’t sumukob sa mga tuhod nya. Nagtungo sya sa condominium building kung saan nakatira si Elmo.

“Julie?”

Napaangat sya ng tingin at nakita si Robby. “What are you doing here?”

“Si Elmo…hindi ba sya uuwi?”

Tinitigan sya ni Robby at pagdaka'y umupo ito sa tabi nya. “Nasa ospital pa sya. Malamang hinihintay pa na umayos ang pakiramdam ni Dianne. Hindi ka ba nya tinawagan?”

“Tinawagan. Hindi ko sinagot.”

“Bakit? Nag-away ba kayo?”

Hindi iyon sinagot ni Julie. Nilingon nya si Robby at pinagmasdan. “Naiinis ako sa iyong dalawang magkapatid. Sinira nyo iyong pangako ko sa sarili na hinding-hindi na ako magpapahalaga sa isang tao dahil iisa lang naman ang kinahahantungan ko pagkatapos e, naiiwan.” Malungkot itong ngumiti. “Ano bang meron sa akin? At parang…ang hirap sa akin na maging masaya?”

“Moe told you?”

Umiling si Julie. “Wala pa syang sinasabi. Pinuntahan ako ni Dianne.”

Malalim na bumuntong-hininga si Robby. “I told Dianne na ako na lang ang sasama sa kanya, but she doesn’t want me to. I always remind her of her sister and she said she can’t remember her while she’s fighting for her life, magiging mahina lang daw sya.”

Nakatingin sa malayo si Julie. “Robby… Mahal ko sya. Hindi ko alam na aabot ang puso sa ganito pero…mahal na mahal ko sya." And Robby knew it’s Elmo Julie’s talking about. "Ano'ng…gagawin ko?”

“Don’t let him go.” Sagot ni Robby. Tinignan syang muli ni Julie, and they;re now looking at each other. “You know, Jul, I'v never told you this but…honestly, I didn’t want you to leave me, I never wanted you to let me go. Kasi sa lahat ng mga nangyari sa akin, I was…I was the most okay when I’m with you. I..actually…wanted you to fight for me like you want to fight for my brother. But I guess, I wasn’t the one who was meant to be with you. Elmo is. If you don’t want to lose him, don’t let him go.”

Matagal silang nakatitig sa isa’t isa nang,

“Julie.” Sabay silang napalingon at nakita si Elmo.

Robby left them and Elmo took Julie to his unit. Pagpasok nila sa loob ay kapwa sila tahimik at hindi kinikibo ang isa’t isa. Nakatayo si Elmo at nakatanaw sa may bintana habang si Julie nama'y nakatayo sa may tabi ng couch, sa may likuran ng binata.

Ilang sandali rin sila sa ganung sitwasyon nang humarap si Elmo kay Julie. “Julie.” Her eyes met his. And he saw the same look of sadness and loneliness he witnessed the very first time their eyes met. And then he just knew, she already knows. “Julie-”

“Okay lang.” Mabilis na sagot ni Julie. It made Elmo stop. “Naiintindihan ko. Okay lang sa akin.”

“No.” sagot ni Elmo.

“Elmo, okay lang-”

“No!” And it was his turn to make her stop. “It’s not okay! How could you say it’s okay?!” Nakatitig sa kanya si Julie. “I made you a promise, that whatever happens, I will never leave you! That I will be with you for every moment of you life, for every moment of mine, for the rest of my days. I promised you my heart, didn’t I? And will keep that promise. Just tell me to stay…and I will not go anywhere.”

Hindi na napigilan ni Julie ang mga luha nya habang nakatingin sa binata. “Paano si Dianne. Kailangan ka-”

“She’ll be fine.”

“Pero Elmo-”

“Kung papayagan mo akong sumama sa kanya I can’t tell you when I’ll be coming back! O kung makakabalik pa ako.” Napatigil si Julie. “After the treatment, if it will become successful, it will heal Dianne, she’ll be cancer-free…but her brain will be reset. She has a brain tumor, too. The tumor in her stomach will be gone but the operation on her brain will make her forget everything. And her therapy will take years, Julie. And I had to stay with her.” Napaawang ng bibig si Julie at saka napatingin sa baba at inalala ang sinabi sa kanya ni Dianne. “I need him now, more than anything, more than anyone. Julie, mas kailangan ko sya more than you need him.”

Lumapit si Elmo sa kanya’t hinawakan ang balikat nya. “I don’t want to be away from you. I don’t want to leave you.”

naiiyak na tumingin sa kanya ang dalaga. “Kaya mo bang…hayaan syang mag-isa?” tanong nito. “Alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa, ng walang matakbuhan o maiyakan.kaya mo bang hayaang mangyari iyon sa kanya? Sa tingin mo ba, kakayanin nyang mabuhay?”

And Elmo couldn’t hold his tears anymore. He looked down, held Julie’s hands and cried. “It’s not supposed to end like this.” And Julie’s heart got broken into tiny little pieces when Elmo looked at her while crying. “You and me, we’re meant to fall in love. We’re meant to be together. Bakit dapat mangyari 'to?”

Julie touched Elmo’s face and gently wiped his tears with her hands. “Siguro…hindi naman talaga…tayo ang para sa isa’t isa. Siguro…hindi natin napapansin na pinipilit lang pala natin.” And then she cried again. “Siguro…hanggang dito na lang talaga tayong dalawa.” Elmo shook his head.

“I refuse to believe that.”

“Tama si Dianne, Elmo..mas kailangan ka nya.”

“Please. Julie.”

“Mas una kang nangako sa kanya. At mas kailangan mong tuparin iyon.”

“No.” iyak ni Elmo. “Please…don’t let me go.”

Julie faked a smile as so much tears escaped from her eyes. She kissed him, and then she let go. And she looked into his eyes for the last time.

And then she turned around and walked away. Leaving Elmo crying and broken.

,,,,,,,,,,,,,,,,,

Hindi na muling nagparamdam pa si Julie kay Elmo mula nung huli nilang pag-uusap. Nagpalit na ito ng number at lumipat na rin ito ng apartment at pinagtatrabahuhan kasama si Chelsea. Hindi na rin alam ni Elmo kung saan ito hahanapin.

“I’m sorry.”

Nilingon nya si Dianne na nakaupo sa hospital bed nito. “For what?”

“For ruining your life, twice.”

“it’s not your fault, Dianne.”

“I can’t believe she let you go.”

“Julie’s not a selfish person. Kahit nung una pa lang na nagkakilala kami, the reason why she doesn’t want to let people in is because…once she cares, she will care too much. To the point na, she will end up loving herself the least. She let me go…for you.”

“I’m sorry.”

Umupo si Elmo sa tabi ng kaibigan. “You could spend your life saying sorry to me, but promise me one thing…you’ll fight. Okay?”

“It seems that it’ll be better if I’ll just die so you can come back to her sooner-”

“Don’t say that. I’ll stay with you and I will make sure that you’ll be you again. Just promise me you’ll fight.”

Dianne smiled. “Okay. Promise.”

“Good.”

“I think my whole lifetime won’t be enough for me to make it up to you.”

“You don’t need to.”

“Soon as I’m better, you can leave me…and come back to her.”

Moe took a deep breath. “I just hope she’s still here when I come back.”

“Guys?” biglang dumating si Robby. “Ready?”

Tahimik lang si Elmo habang nasa sasakyan. Kasamang maghahatid ni Robby sina Fernan, Faye at Alma. Nilingon ni Elmo si Dianne at nakitang nakapikit ito at marahil ay nakaidlip. Robby’s driving and Fernan’s at the passenger seat. Alma and Faye are seating beside each other at the backseat and Dianne and him are at the middle seat.

Napabuntong-hininga si Elmo at tumingin ulit sa may bintana. Walang ibang nasa isip nya kundi si Julie.

At saka nya napansing lumikong bigla ang sasakyan at tumigil sa harap ng isang department store.

“You have five minutes, son.” sambit ni Fernan. Nagtaka si Elmo, ngunit nang lingunin sya ni Robby at ngitian, he understood.

Dali syang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng department store. And it didn’t take him a minute to find what he’s looking for. Julie’s heart might felt his that she found him, too.

Nilapitan nya ito at saka sya ngumiti. She smiled back. 

“It’s good that I’m mad at you right now, it’ll make leaving easier.” sabi nya rito.

“Mahigpit kong binilin kay Robby na isekreto lang nya kung saan ako nagtatrabaho, hindi talaga maaasahan yang kuya mo.”

“Promise me you won’t fall in love with him again, while I’m away.” biglang sambit ni Elmo. Napatitig sa kanya si Julie. “Promise me you won’t be in love with anyone until I come back.”

“Hindi ako gumagawa ng pangako, lalo na kung hindi ko kayang tuparin.”

Elmo looked sad and worried. “You’re the only girl I will ever love, can you just please…be fair?" Tinitigan lang sya ni Julie at saka ito ngumiti. "How could you smile at me like that when you know that I’m leaving and I’ll be gone for God-knows-how-long? It’s funny and painful how you could break my heart just like that, without you realizing it.”

Julie’s smile disappeared and then she looked down. At pagtingin nya kay Elmo'y nakangiti na sya ulit. “Hindi ako masaya na aalis, at lalaong hindi ako masaya na matagal kang mawawala. Pero nararamdaman kong babalik ka para sa akin, at sapat na siguro iyon para…huwag ka nang pigilang umalis ngayon.”

“Julie.”

“Alagaan mong mabuti si Dianne, ha? Huwag kang mag-alala, magiging okay ako.”

“Babalik ako, pangako.”

“Dito lang ako.” Ngumiti si Elmo at saka sya niyakap at hinalikan. Hindi nila pansin ang mga taong tumitingin sa kanila. He kissed her like the first time, he kissed her and gave her an assurance that it’s not a goodbye.

Then he put his forehead against hers. “I love you, Julie. This is not the end.” He kissed her forehead and then he finally walked away.

Hindi na umalis si Julie sa kinatatayuan nya. saka nya napansin ang singsing na nakasuot sa daliri nya na hindi nya naramdamang isinuot sa kanya ni Elmo. Nang tignan nya ito'y may mga letrang JE sa gitna ng singsing at pinalilibutan iyon ng mga munting dyamante. Napangiti sya’t napaluha.

Tumakbo sya palabas ng department store at hindi na naabutan ang sasakyan nina Elmo.

“Mahal din kita, Elmo.”

And for two people who truly love each other, love can wait even it will take forever.

,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,E