lalims

Hindi na ako aasa sa salita, sa emoji, o sa kahit ano pang mixed signals. Hindi na ako aasa sa mga palitaw na minsan ng lumubog sa kumukulong tubig. Tubig na minsan ay walang linaw, hindi alam kung kailan lilitaw. Hindi na ako aasa sa masasamahan ako sa Mcdo para di kumain mag-isa. Yung tipong kahit anong ka-weirdo-han ang magawa ko, magsawsaw ng fries sa sundae o kaya maka-tatlong extra rice, tatawanan lang ako at di iiwan. Hindi na ako aasa sa pangakong “Ikaw lang at wala ng iba” dahil sa dami ng babaeng nilingon mo, naiwan mo akong nakatanga.

Aasa na lamang ako sa pagpapakita mo, na kahit anong tanggi ko, gagawa ka ng paraan para masilayan ako. Aasa na lamang ako sa boses mo gabi-gabi, kahit walang harana ay ang tinig mo ang magsisilbing musika. Aasa na lamang sa mga sulat dahil iba pa rin kapag ikaw ay naghirap, kalyo sa kamay at kung ano pang salita na sa lalim ay di maapuhap. Aasa na lamang sa personal mong pagpaparamdam, kahit pagod at inaantok, mga mata'y nagsusumamong ako lamang.

Ako ay hindi na aasa sa internet mong pagmamahal pero aasa sa personal mong pag-ibig na matagal ng dasal.

unseencateyes-deactivated201607  asked:

Oh ginoo, ang iyong pagtatagalog ay palalim ng palalim at nakalulunod. Huhu

Oh Binibini, hayaan mo sinusubukan kong gamitin mga salitang kontemporaryo ngunit labis akong nahuhumaling sa mga salitang dala ay lalim na kayang ibaon mga nararamdaman ko. HAHAHA.

Musta araw mo? Ingat palagi.

Kung may pinagdadaanan ka, magshower ka. Habang nasa shower ka, mag-emote ka. Gayahin mo yung mga nasa teleserye. Hayaan mong dumaloy ang tubig sa buong katawan mo kasabay ng pagtulo ng mga luha mo. PAK GANERN! Ang lalim ng realizations kaya trust me, magshower ka na.

Worry.

Dumaan si A kanina para kunin yung notebook na pinabili nya sakin kanina tapos nanghinayang ako kasi di ako nakapag grocery ng mga for snacks nya. Oh diba lakas lang maka sugar mommy? Hindi ano, wala na kasi ako time para magprepare ng foods for him tapos sya din man, di naman na sya nakakadaan sa work kasi madalas late na. Naaawa na ako sakanya kasi lalo sya namamayat tapos ang lalim na ng mga mata nya kasi almost one week na sya walang tulog dahil sa mga aircraft and heli designs na need nya gawin. Tapos namomoblema pa sya sa structures at sa new groupmates nya.

Ang bantot ni A kanina sobrang amoy pawis, halatang halata na nababad sa initan kanina sa PADC. Sinabi ko talaga saknya na ang bantot nya, tapos parang nahiya tuloy sya na yumakap sakin. Ge arte. Haha. Kinuha ko sya ng tshirt. Tshirt ko to be exact. Malaki naman kasi yun tapos unisex. Pinasuot ko muna sakanya tapos minasahe ko sya sa likod habang nagbabasa sya ng notes sa avionics.

Maya maya tinanong ko sya. Sobrang random. Tinanong ko sya kung ano mararamdaman nya kapag nag coitus kami. Ang sagot nya sakin, malulungkot daw sya. Natawa ako kasi alam ko naman yung ang isasagot nya. Ayaw kasi ni A na makipagsex hanggat hindi pa kami kasal. Kiniss ko sya sa cheeks tapos sinabihan ko sya ng maraming i love you. Hindi parin sya nangiti. Alam kong sobrang stress na sya sa dami nyang reviewhin. Kung alam ko lang sana yung mga inaaral nya eh, ako na lang mageexam for him. Matapos nya lang yung iba.

Nagaalala na talaga ako sa pagiging malungkotin nya lately. Meron talaga tong hindi sinasabi sakin. Hays.

Sugat

Akala ko noon, kapag itinapon ko at sinabi ko ng pauulit ulit lahat ng hinanakit ko sa hangin ay magbabawasan lahat ng sakit, poot at hinagpis na laman nitong puso ko. Akala lang.

Akala ko, maghihilom nalang itong nararamdaman ko ng kusa at hihintayin ko nalang na mawala ang hapdi na pinaparamdam nito sa bawat paghinga ko. Ngunit sa bawat araw na nagdadaan lumalalim ang sugat na iniwan mo. at tila ba lumala dahil nababasa parin ito ng mga luha na hindi ko na kaya pang pigilan sapagkat kusa na silang bumabagsak.

Mapait Mapait pa sa ampalaya, parang nilukot na papel, pinag pira pirasong bubog, kasing lalim ng dagat, kasing nakakapaso na init ng araw itong nararamdaman ko dahil hindi ko maipaliwanag. Tapang pauli ulit ko sinasambit na sa lahat ng nararamdaman ko gusto kong ito ang mangibabaw. Tapang ngunit tila tinatalo ako ng Lungkot

Malungkot ako, mahal. Napakalungkot na simula nang iwan mo ako ay hindi ko na nagawang humarap uli sa salamin dahil hindi ko kayang maatim na tignan ang lahat ng masasayang alaala na mayroon tayo noon. Noon, noon, noon ngunit hindi na ngayon. Natatakot ako na ang makita ko ay ang mga sugat na hindi ko malaman kung kailan maghihilom at kung maghihilom pa pero ito ang sigurado, mamanhid man ang buong katawan ko, masanay sa sakit o kahit hindi na maging halata ito, mananatili ang sugat na iniwan mo.

I hardly listen to Silent Sanctuary. It used to be my favorite band naman. It’s just that it brings back 2014 memories. Ayoko lang kasi may maalala, sad or happy memories man. It’s like I don’t want to catch any feelings. Tipong kinakabahan ako, paano kung may marinig akong kanta nila out of nowhere? As in bumibilis talaga heartbeat ko. Napapahinga ako ng malalim. It’s either masaya ako or malungkot, in love or heartbroken man, kanilang songs pinapakinggan ko dati. Pero this time, ang tanga ko kasi as of now pinapakinggan ko songs nila. Okay naman ako. Pero bumibilis tibok ng puso ko. May kirot pa rin lalo na sa song na “14”. Ang lalim kasi ng pinanggagalingan ng mga kanta nila. Tuloy ang lalim din ng pinaghuhugutan ko. Char

Food allergy

So right now, because I’m so bored and I also want to know kung talagang allergy ako sa certain foods. Tinetest ko yung sarili kong blood for Food Detective. Tapos, putspa po, masakit yung prick. Ang lalim ng tusok tapos nagkataon pa naman na bleeder ako, ayaw tuloy tumigil sa pagtulo. Ang lalaki pa ng drop ng blood. Hayssss. 40 mins yung buong test procedure tapos need ko sya bantayan every 10-20 minutes kasi very sensitive. Ayun, feeling ko mamaya hindi na ako makakain kapag nalaman ko na yung mga food na bawal sakin.

Birthday wish ko for you?? Ma-achieve mo lahat ng goals mo sa buhay. Lahat ng dreams mo. Wish ko na sabay nating tahakin ang daan patungo sa ating mga pangarap (ang lalim di ko kinaya hahahaha). I’ll be with you along the way, through every ups and downs, as long as you want me to. Magtutulungan tayo. Sabi mo nga, “wala ng ikaw, wala ng ako, abg meron na lang tayo”.

Sorry din pala kung madalas tayo mag-away, or mas magandang sabihing, “madalas kitang awayin”. HAHAHAHAHA. Sorry na kasi yung mood swings ko, yung pagiging tahimik ko pag nainis/naasar ako. Pero di ako magsosorry kasi ang clingy ko hahaha. Wala eh, ganito ako. Kung ayaw mo naman sabihin mo lang. Pero wag kang magsasawa sa kagagahan ko, kacornyhan, kakulitan, and everything.

Nagnonobela na naman ako hahahaha pero hindi ko alam kung maayos pa ba mga sinasabi ko.

“No relationship is all sunshine but two people can share one umbrella and survive the storm together.” Share ko lang sayo tong nabasa ko somewhere sa twitter : —- )

You know how i can’t stay mad at you. Kahit nag-aaway tayo, gusto ko bago matapos yung araw na yun eh okay na tayo.

part ii

Delubyo

Unti-unti na naman lumalakas ang hangin sa paligid kagaya ng pagmamahal kong hindi na mapigil

Unti unti na namang pumapatak ang ulan kasabay ng aking mga luhang pilit tinatakpan

Unti unti na namang lumalamig ang panahon tulad ng pag-ibig nating tuluyan ng nabaon.

Unti unti na namang bumabaha na tila'y sobrang lalim at ako'y hindi na makaahon.

Hindi na ko makaahon mula sa delubyong dulot mo sa aking puso

Sa bawat punong nagtutumbahan kasabay ng pangako mong tuluyan ng natabunan.

Sa bawat kalat sa lansangan na parang pag ibig nating tinapon mo lang sa daanan.

Sa pagkawala ng mga kuryente ay parang puso at isip kong tuluyan na ngang nagdilim.

Nawalan ng liwanag ngunit alam kong ito'y babalik.
Sa bawat paglubog ako ay aahon muli.
Lilinisin ang bawat kalat ng nakaraan.
At sa iyong paglisan sisikat din ang panibagong araw na magbibigay ng bagong liwanag :)

Masakit sa damdamin bes. Aha man tong cafe na chuy kaayo dire oy. Gikapoy nakog pangita man. Dili baya lalim mangita gyud. Meghed kung dili ka gusto magpakita hala ayaw e. Dali ra gyud kaayo ko kastorya man. Makagurt lang gamay kay kibaw ko nga naa ra ka diri tapos ambot nganong dili ka magpakita sako. Gikapoy nako. Sakit man na mag give up kay gusto kaayo taka adtuan pero ikaw man mismo ang muiwas sako. So murag wala na siguro koy mahimo no? Lain pud kung mamigos ko. Sgem babush.