kwentoniabarai

Telepono

 Labasan ng School,  mag aalas kwatro ng hapon, araw ng biyernes, sa may Tindahan malapit sa gate. 

tinanong nya ako kung ano kung ano ang plano ko, wala akong masabi na kahit ano. hindi ko din kasi alam ang gagawin kaya nasambit ko nalang:

“Ikaw, ano ba ang gusto mo?”

 hindi rin sya kaagad nakapag salita. nakatingin lang sya sa akin habang yakap yakap ang mga libro sa kanyang dibdib.

“ikaw, ano ba ang plano mo?…”

sobrang blanko ng utak ko nung mga panahon na yon, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot.

“gusto mo bang ituloy?”

malamlam na tanong nya sa akin.

“bakit ako? ikaw, desisyon mo yan”

sagot ko sa kanya.

nangilid ang luha nya habang patuloy na nakatingin sa akin ng matuwid.

“…”

“…”

“bakit ako lang?”

bigla akong nanlamig, pakiramdam ko may biglang sumibat sa dibdib ko habang nakakapit sya sa aking balikat at umiiyak.

nakatingin ako sa malayo, pinipigilan kong tumulo ang aking luha. bata pa ako para sa gantiong bagay. hindi ko alam ang tamang gagawin. hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. 

bumalik tayo ilang araw bago ang lahat ng ito.

————————————————————————

Classroom, corridor, alas -dose ng  Tanghali, lunch break.

Hinihintay ko ang kanilang dismisal.  maaga kaming pinalabas  dahil wala ung last prof namin. sabay kami mag lulunch kagaya ng nakagwian, pero parang may kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw. hindi ko alam pero ramdam ko kung ano man.

“oi, bakit parang ang seryoso mo?” pabirong tanong ko sa kanya.

“wala..” sagot nya sa akin.

natapos kaming mag lunch pero di sya nag sasalita. 

hindi kami nag kibuan mag hapon. hindi ko alam pero bakit ako kinakabahan?

————————————————————————

Alas Dose ng gabi, loob ng dorm,somewhere in Morayta.

tinext nya ako, mag kita daw kami sa isang fasfood malapit sa dorm nya. tinanong ko kung bakit, hindi sya nag reply. sinubukan ko syang tawagan.

“Hon, may roon bang problema?”

hindi sya nag salita. 

bigla nalang syang umiyak, di ako nakakibo. 

bumaba ako ng dorm, pumunta sa isang fastfood na malapit sa dorm naming dalawa. 

nakita ko syang nakaupo sa isang sulok. namumugto ang mata, halata na kanina pa sya umiiyak.

nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit. patuloy lang ang tulo ng luha nya habang nakakapit sa akin. 

tumingin ako sa kanya at pinunasan ang kanyang luha. tinanong ko sya muli…

“bakit ka umiiyak?”

sumagot sya

“mayron tayong problema" 

..

"eto ang problema…” habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha.

inabot nya sa akin ang isang pahabang bagay na nakabalot sa tissue paper, at agaran syang umalis.

pagbukas ko nito, pregnancy test ang laman, na may dalawang guhit.

natulala ako sa aking nakita. hindi kaagad ako nakagalaw. napatitig nalang ako sa aking hawak hawak. nanginig ang aking buong katawan. gusto ko sana syang habulin, pero parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. para akong computer na nag hang. habang patuloy na nakatitig sa kawalan. 

umuwi ako ng dorm na wala sa sarili, hindi ko makuha syang tawagan o i text manlang, hindi ko alam kung anong dapat sabihin, hindi ko alam kung anon dapat gawin.

————————————————————————

sakayan ng jeep, alas sais ng umaga, sa may kanto ng P. Campa

papasok ako ng klase, hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. simula kagabi hindi pa kami nag usap. blanko pa din ang utak ko.

 

sumakay ako ng jeep at pumasok.  pag dating sa school, hindi ako dumaan sa room nila. hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita. maghapon akong tulala at wala sa sarili. iniisip ko kung anong mga posibleng mangyari. 

 

napag isip-isip ko na mag kita kami pag katapos ng klase. hindi maaring iwasan nalang namin ang ganitong bagay.

 

inabangan ko sya sa may gate.

————————————————————————

 Labasan ng School,  mag aalas kwatro ng hapon, araw ng biyernes, sa may Tindahan malapit sa gate. 

tinanong nya ako kung ano kung ano ang plano ko, wala akong masabi na kahit ano. hindi ko din kasi alam ang gagawin kaya nasambit ko nalang:

“Ikaw, ano ba ang gusto mo?”

 hindi rin sya kaagad nakapag salita. nakatingin lang sya sa akin habang yakap yakap ang mga libro sa kanyang dibdib.

“ikaw, ano ba ang plano mo?…”

sobrang blanko ng utak ko nung mga panahon na yon, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot.

“gusto mo bang ituloy?”

malamlam na tanong nya sa akin.

“bakit ako? ikaw, desisyon mo yan”

sagot ko sa kanya.

nangilid ang luha nya habang patuloy na nakatingin sa akin ng matuwid.

“…”

“…”

“bakit ako lang?”

bigla akong nanlamig, pakiramdam ko may biglang sumibat sa dibdib ko habang nakakapit sya sa aking balikat at umiiyak.

nakatingin ako sa malayo, pinipigilan kong tumulo ang aking luha. bata pa ako para sa gantong bagay. hindi ko alam ang tamang gagawin. hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

————————————————————————

hindi ko inakala na dadating ako sa punto na yon, na sa isang sandaling kapusukan nauwi sa isang seryosong bagay, pareho kaming may kasalanan, di man namin ginusto pero pinili namin pareho.

wala pa akong kakayahan na gampanan ang respunsibilidad at wala din ako s tamang edad para akuin ang mga bagay, mahirap, oo mahirap. pero kakayanin namin pareho.

para sa amin…

para sa aming tatlo.