kwentongutot

Dream Date. :")

Nakakatuwa siguro yung first date mo ay formal. Yun bang nasa restaurant kayo, “Resto ni Aling Easter” mga ganun ba. Haha. Tapos romantic kasi candle light dinner. May wine kayong grape juice kasi mabait kayo, di kayo umiinom. Then naka formal clothing kayo na appropriate naman sa inyo, pwede na yung mga John Lloyd look then pa skater skirt with matching skaters ang babae. Waht. Ang maganda dito sa Resto ni Aling Easter ay sobrang sweet ng mga kakain na ipaghihimay ng lalake ng ulam yung babae, tapos susubuan pero sa sobrang sweet, nakakamay kayong dalawa. Hihi. Oha, first date pa lang wala ng kaartehan. Hart hart.

Star City or Enchanted Kingdom.

Sa ngayon, gusto ko lang magpakasaya. Yun bang sasakay ako sa mga rides na alam kong lalabas ang puso ko pero sasakyan ko pa rin kasi nga DIVERGENT ako. Lol. De, seryoso. Gusto ko yung feeling na nasa langit/ere ka na kahit gusto mong sumigaw, walang lumalabas sa bibig mo. I miss that feeling. Naalala ko pa yung dati na gusto ko sumakay ng ride pero may gusto akong kasama para ma over come yung fear niya pero wala eh, divergent talaga ako.