kwentongpakyu

Noong bago pa lang ako sa tumblr, sobrang nabibigla ako pag may nagtatapat sa akin ng gender niya. Una mapapa-SHIT ako o si kaya “PUTA” kasi nga kumbaga na-culture shock nga ako. Paano ba naman, nabuhay ako sa hindi liberated na lugar tapos dito sa tumblr boom.

Noong bago pa lang ako sa tumblr, akala ko all friends last. Kumbaga e pag nakausap mo na, close na kayo tapos hanggang dulo na yun. Ayun pala, joke lang. Ako kasi yung taong ma-effort sa kaibigan, siguro dahil na nga sa bahay lang ang playground ko. Ayaw ko kasi dumating ang araw, wala na ngang friends dito, wala pa ring friends sa cyberworld.

Noong bago pa lang ako sa tumblr, natuwa ako kapag may nagiging crush. Hanggang crush lang. Hindi ko inakala na may makakalandian pala ako o di kaya e next level pa. Pero habang tumatagal, natutunan kong nag eevolve pala ang tao. Mula sa crush, nagiging landian na. Tapos may masasasaktan, may mananakit. Ngayon, ang love, nagigng hobby nalang.

Noong bago pa lang ako sa tumblr, naniniwala pa ako sa FOREVER. Akala ko mapa-friends or love mo, anjan lagi para sayo pero ngayon, natutunan kong walang permanente sa mundo, tanging sarili mo lang talaga maasahan mo.

Noong bago pa lang ako sa tumblr, tahimik at bulag pa ako sa mga katotohanan. Ilang beses man nasaktan dahil sa Tumblr, nagpapasalamat parin ako kasi may umalis man, may dumarating naman. May sakit man, sa huli may ginhawa parin. At higit sa lahat, asahan mo ang sarili mo.

Noong bago pa lang ako sa tumblr, sabi ko, dito na ako forever pero naalala ko, hindi na pala ako naniniwala sa FOREVER.

TANGINA FRIEND.

“Alam mo Eythan ang swerte mo, ang dami mong friends, daming kakilala. Super effort ka pa sa kanila. Sana maging friend mo din ako.”

WELL FUCK. Oo, inaamin ko, marami akong friends, FRIENDS bilang label lang. Ang dami nila, mga kakilala ko. May FRIENDS na grupo sila na akala ko in good terms kame yun pala pinag-uusapan na ako. May FRIENDS na sabe lagi daw nariyan tapos pag kailangan mo, wala, mahirap hagilapin at snob ka pa. May FRIENDS na makakilala lang ng ibang tao, iiwan ka na. May FRIENDS na porket kailangan ng appreciation post, ka-close na alam nang madaming connection, at kung anp-ano pang kunya-kunyariang flying colors e FRIEND ka pero after everything, wala na.

KASI TANGINA NG MGA NANINIWALA PA NGAYON SA FRIENDS FOREVER.

Naniniwala ako. Marami akong friends na never pa ako ni-ditch. Na kahit anong sabihin ng ibang tao at kung ano man ang mali kong magawa, friend pa rin ako. PERO BILANG NALANG SILA. Yung iba jan, FRIENDS FOR SALE. Kunyare nasa tindahan, hanap hanap ng bibiling malaki ang presyo. Tapos dun na sila. Tapos iiwan ka sa ere. Tapos minsan makakilala ng love life, kakalimutan ka na. O maging friend yung kaaway mo dati, di ka na rin FRIEND.

TANGINA ANO PO.

Tangina kasi din. Bakit ba naman kahit gaanong katalino ng tao, asa parin tayo na lahat ay TRUE FRIENDS. Matalino nga pero naloloko. bakit, sa pag-ibig lang ba ito nagyayare? HINDI. Kasi iba ang friends pero gaya ng love, pag sila nawala at niloko ka, masasaktan ka.

TANGINA FRIEND.

BLOG. Wala lang, gagawa lang ako ng matinong post kasi inaamag + puro picture ko na blog ko. HAHA. Grabe tagal ko na ding may tumblr. Di ko sure kung 2009 or 2010 blogger ako, basta nag delete ako ng blog ko noon eh tapos boom. Inabot nako ng 2013 tapos 2014 na next year. MALAMANG. Haha. Nga naman, ang tambayan pagkagaling school tpaos puyat puyat para mag post, makipag-usap at mag tweak ng layout. Minahal ko talaga tong blog kong ito lalo na yang putanginang GIFs na yan na hirap na hirap ako. Hahaa. Yun lang. Hi.