koreanobela

Hindi ako makamove on...

Kakatapos ko lang manuod ng Emergency Couple sa iFlix, todo download ako kahit sa LRT nanunuod ako. Hahahahaha

Ngayon gusto ko nang maging doktor. Hahahahaha. Joke. Mej lang naman, simula Grey’s Anatomy pa lang!

Korean Grey’s Anatomy feels!

Iba yung feeling ng may nagkakabalikan, hindi naman impossible pero seldom lang mangyari. Fated talaga kayo.

Nagkahiwalay kayo para maglandas ulit! Sobrang… Huhuhu. Why?! Siguro timing. Tamang panahon, ngayon talaga kayo pinagkatagpo kasi para kayo sa isa’t isa, sa oras na ito at sa mga pagkakataon nariyan para sa inyo.

Nagkahiwalay sila nung hindi sila okay, at ginamit nila ang oras na magkahiwalay sila upang pagbutihin ang buhay nila, which is nice ‘di ba?

Yung linyang “We’ll meet again, when we’re better for each other”

Unexpected, syempre Koreanobela lang yun pero yung destiny na part, sobrang cute.

Nagkita ulit sila unexpectedly and deals with it, naging okay lang sila sa existence ng isa’t isa eventually… Ngayong parehas na silang mga doktor, parehas na silang may narating. Kahit divorced na sila, ay parang hindi parin! Syempre yung mga pinagdaanan niyo, hindi mawawala yun! LOVE HWAITING!!! 💘

Bakit ang cute nilang dalawa, nakakainis lang! Choi Jin-Hyuk x Song Ji-Hyo. Huhuhu.

May cameo pa si Gary. Hahahahaha. Running Man feels! Monday Couple!

May nagkakabalikan story pa pala ngayon. Parang gusto kong maniwala na lahat ng nangyayari ay itinadhana. Every single detail ay siyang bubuo sa future. Parang sa Flash lang, kapag bumabalik siya sa nakaraan, mayroon kapalit, something bigger. Mas malaki ang damage.

Lesson: Huwag balikan ang nakaraan, magbabayad ka. Joke.

Natutunan kong maaring maglandas ulit kayo, pero sana naman, natuto ka na. Huwag mo nang uulitin ang mga pagkakamali noon. Hindi masama ang magmahal, kahit ang magmahal ng parehong tao ulit. Matatakot ka, absolute yun. Nakakatakot sumugal hindi ba? Pero hayaan mo, bigyan mo ng chance. At kung hindi na magwork out, palayain mo. Ang isang tao kapag ginapos mo sa mga bisig mo, dinedeprive mo siyang makaexperience ng mas better. Alam mo namang may mas better sayo, lagi mo lamang gustuhin ang mas nakabubuti para sa ibang tao. Palayain mo, kung babalik sayo… Sayo siya. Kapag mahal ka, babalikan ka 'di ba?

Ano naman yung makakilala siya ng mas better kung ikaw ang gusto niya? Ano palag? Hahahahaha

All in all, umaasa ako sa part 2. Kasi sobrang cute nila. Commended. Hindi ko alam kung kinasal ba ulit sila. Haixt.

C