ko hahah

Valentine’s weekend

So last week pumunta akong Manila para ispend ang Valentine’s weekend kasama siya. Pinasyal niya akong UPD, sa college niya, tapos ipununta ko rin siya bahay namin, ipinakilala siya kay mama, kuya at lola, tapos nung supposed-to-be last day ko which is nung 14, pumunta kaming UP fair. Sinundo ko siya sa dorm niya tas dinalhan ko siya ng ecuadorian rose na rainbow yung color. (Ang mahal pero mas mahal ko siya tho hahah) tapos tangina niyakap niya ako tas bigay ng donuts HAHAH ALAM NIYANG CHOCO BUTTERNUT FAVE KO AHAHAHA. Naglakad lakad muna kami around UP, umupo sa gilid ng sunken garden, tinignan ang paglubog ng araw habang magkahawak ang mga kamay. Tas diretso na kami sa fair mismo, actually di kami gaano nakikinig ng music, kumain lang kami, naupo sa isang gilid at nagkuwentuhan lang ng nagkuwentuhan. Tapos tinatawanan namin mga propaganda ng mga Reds nung night na yon (well, wrong move sa amin, malamang Mabaya yung day na yun and USC organizer nung night na yun hahaha) eh pareho kaming from blue orgs. HAHAHA. Tapos siyempre malungkot nanaman ako nung patapos na yung gabi at kelangan niya nang bumalik ng dorm kasi matagal nanaman kaming di magkikita. Yung tipong ayaw mo nanag matapos yung gabi at ayaw mo nang kumalas mula sa mahigpit na pagkakayakap niyo sa isa’t isa, pero kailangan eh. Kaya yun. Pero last minute, napagdesisyunan kong ipagpabukas nalang yung biyahe ko non pabalik ng Baguio. So nung 15 sobrang stressed niya na sa acads and sinurprise visit ko siya sa school, pero bago yun, bumili mun aako ng unan na pokeball (since paborito niya pokemon) at pumunta akong dorm nila para iwan kay ate guard para masurprise siyang paguwi. Tapos bumili din ako paborito niyang buko juice para ibigay sakanya para makita siyang hindi stress kung sakali. So pagkasabi ko sakanya, mineet niya ako salabas at nagrant lang siya ng isang buong oras na paglalakad lakad namin around UP, pagod na pagod na ata sa chem 26 kaya yun, pinilit ko muna siyang pakalmahin at pasiyahin. Nung medyo okay na siya, sabi ko kelangan ko nang umalis pabalik ng Baguio, so ayun, isang mahigpit na yakap at isang halik ang pabaon namin sa isa’t isa sa aming muling paghiiwalay. 

ayan mahirap ang LDR pero kung gusto niyo talaga at mahal niyo talaga ang isa’t isa, magagawan ng paraan. SO LABAN LANG MGA BEH HAHAHAH

10:07PM MNL


FCK. I feel soo sleepy. Tinatamad ako mag work huhu. Espiritu ng Outlook, saniban mo ko. Dumating ako sa office ng 8:30PM. Pagbukas ko ng laptop, nag open ako agad ng facebook at IG haha. Tinitigan ko lang ng saglit yung emails ko tapos wala na. Hahah ayoko sila intindihin, kasi wala ako maabsorb XD Yung utak ko lumilipad sa weekend na paparating. 

Sa tulog naka focus ang utak ko hahaha. maygahd.

Kaya umorder ako sa SB ng grande, cafe americano, with extra shot ng expresso para pang malakasan. Aasa na lang ako na sana antukin ako after shift. 

Pagkatapos, gutom rin ako. Hansel lang kinain ko. Feeling kawawa ako kahit hindi naman haha. Dumating kasi yung taga Marketing dept from UK na ubod ng gwapo. Parang David Beckham ang peg ni kuya bes. Nabusog ako kakatingin sa kanya mehehehe. Parang sto. nino.. sarap hawakan (tangina harot ko haha) 

Yun lang.