kkphoto

Mama.

Mahal na mahal ko si mama.
Kung kausapin ko siya, para ko lang siyang kabarkada.
Pero kapag siya'y nagalit, matinding takot ang nadarama.
Sapagkat pag siya'y nagsimulang magsalita, parang isang paring nagmimisa.

Ngunit, lahat ng kung ano ako ngayon ay utang ko sa kanya.
Buhay, pag-aaral, tagumpay at kung anu-ano pa.
Hindi nga lang maikakaila, na sa pagitan naming dalawa, ako ang mas maganda.
Hindi pa rin matutumbasan ang pagmamahal ko sa aking mama. ♥

MERRY CHRISTMAS!

Ilang minuto na lang, pasko na. Birthday na Niya! Kaya, bago pa mahuli ang lahat, SALAMAT. Salamat sa mga readers (as if meron) ko. Sa mga nakakaappreciate ng blog ko kahit papaano. Salamat rin sa mga nakaka-TA ko: kay Lher, bespren Marc, Paula, Kuya Albert, lukrizia, Ate Anj, Ate Alexis, Justin, Madee, Ysai, Carl, kuya Zik, kuya pogi, Drew, Nadine, Judith at Daddy Mart. Shempre, sa family ko: Mommy Rachelle, Daddy Kharlo at Mamu Jazzy (pati sa lolo kong DOTA god). Sana lumaki pa ang angkan natin. Salamat din sa tumblr crush ko sa patuloy na pag-iinspire sa akin para maging isang quality blogger. (Chos.lande) Ayon. Sobrang THANK YOU talaga. SORRY. Sa mga nasaktan ko, mga nainsulto. (Kay bespren) Sorry talaga.

MAHAL NA MAHAL KO KAYO. Dahil sa inyo, naging produktibo at masaya ang 2011 ko. (Teka, arang pang-New Year to) Hinde, basta, God bless you and your families.

Again, MERRY CHRISTMAS! :)

Sila yung mga pinakakaclose ko ngayong year. Nagsimula lang iyon nung retreat. Unexpected din yun. Haha. Pero dahil sa kanila, naging masaya ang retreat ko.

Wala pa kaming naiisip na pangalan para sa grupo namin. BiNaChiJiJuNa. Pucha. Wag na nga.

K. Pakilala mo sila isa-isa.
Si Bien. Ang pinakamatalino sa amin. Walking scientific calculator. Bookworm. Sa kanya nga ako humihiram ng libro e. Rich kid. Hahaha. Nanlilibre yan, mga kaibigan. Sa unang tingin, akala mo siya yung tipong tahimik lang. Seryoso. Pero ang hindi mo alam, sobrang daming maibubuga niyan.

Si Nadlene. Ang pinakamaarte gumalaw sa amin. Inborn yung pinky niya. Palaging nakapilantik. May pinakamaarteng boses din. Kapag nagroRosary, animo'y isang langgam na minamalat kung magsalita. Sa grupo, siya ang pinakapinagpupuntiryahan. Kasi nga maarte gumalaw. Maarte din sa pagkain. Lahat na. Pero tanggap namin siya. Mahal na mahal nga namin yan e. ♥ Mabait kaya yan. Matalino. Idol ko yan pagdating sa math e. Siya yung tipo ng tao na simpleng joke, wagas niya talagang tatawanan. Mababaw siya. Kaya super enjoy kasama. AH. Mahal niya si Erick. OhEm.

Jia. Pinakamagaling mangasar. Joker ng grupo. Kapag humirit yan, asahan mo na yung mga tawa naming iba-iba ang tunog. Maganda si Jia. Matalino. Halos perpekto. Charaught. Maraming kaibigan yan. Meron pa kamong handang magcutting makapunta lang sa classroom namin para makita siya. SANGKAPA. Ah! Masipag. Kumpleto sa mga requirements. Kapag may project, asahan mong siya ang unang magpapasa. Oha.

Sunod si Judith. Ang prime minister. Ang reactor. Sobrang natatawa ako jan kasi sa tuwing may iuutos o kahit may sasabihin lang yung teacher namin, nangingibabaw lagi ang reaction ni Judith.

Teacher: Get one whole sheet of paper.
Judith: Grabe!!!

GRABE ang lagi niyang reaksyon sa mga bagay. Ay minsan SHET.

Aaron: Requirement kasi ‘tong Parac. Gegradan ni Miss Dionisio yan..
Judith: Ay shit!!
Aaron: ..kaya wag ninyong iwawala.

Dabes talaga si Elyse. Sobrang mahal na mahal ko yan. Kaya lang mahal niya si *lalakeng may pusong bato* kaya ayon. Huu. Ligaw.
At ang huli, si Nadine. Ang may pinakamahabang buhok sa grupo. Sunod ako. Chos. Hinde, pero, mabait yang si Nadine. Matalino. Grabe, humahataw sa recitation. Malakas dating. Ohh. May lovelife yan. Si chorba. Basta. Haba ng buhok, te. Literally. Haha. Mabait si Nadine! AH oo. At masipag rin. Ohlala. Kaya mahal na mahal siya ni chorba. ♥

May pagkakatulad kami ngunit mas marami pa rin ang pagkakaiba. At kung anu pa man yun, mahal na mahal pa rin namin ang isa’t isa.
2

Sinundo namin ninong ko. :D Edi, uuwi pa dapat kami sa Zambales kaya ngovernight muna kami dito sa hotel. Haysos. Sobrang bading ng ninong ko. XD OMG. Laughtrip siya pag nagsasalita. HAHA. Grbe lang. Share lang kasi.

Hello!

2

Teacher’s day.

So, walang nangyare. Hahaha. Astig talaga e. Pag elem ka, kelangan lagi kang nanonood kapag may program sa school. Pero, sa high school, siguradong hahanap ka pa ng lugar na pagtataguan niyo para hindi kayo mahuling hindi nanunuod.

Wala napansin ko lang. Edi, ayon, kinikilig ako kasi ang daming lovers sa classroom. YIE. Tapos, ayon. Eto kami, kunwari nanonood pero nagpipicturan lang. Buti nga hindi kami nahuli nung “chair manager”. Yun yung isang coor ng school namin na ayaw atang may nakikitang hindi nakaupo. Lahat e, hinahandaan niya ng seat pag manonood nung program. (rant) Hahaha. Imba lang. K na. Tas nag-uwian. Yey.

At eto ako ngayon. Buti pa talaga lola ko may flowers e. I’m happy for her though. ~

Kasi birthday.

Di ako makakagawa ng bonggang typo kaya ganito na lang. E meron pa bukas pero secret lang yun. Haha. Si, Ysai? Wala. Mahal ko yan. Nabagsakan ba naman ako ng flair bottle sa paa e panong di ko mamahalin yan., Hahahaha. :))) Di. Pero, wala lang talaga. Mahal ko nga. La ko masabi. Maiyak pa ko. ~

2

Pinakamakulit na trio ng taon. LOL. =)) Sobrang saya ko kaya pag kasama ko silang dalawa. :“> Sila yung tipo ng mga tao na hindi mo magegets yung trip.

Si ARRA. Nagkkwento yan nang siya lang ang nakakaintindi. Sobrang kulit. Kasabay ko siya laging umuwi tapos SP ang tawagan namin. Kapag naghihintay kami ng karatig sa kapitolyo, may sayaw pa kaming ginagawa. Madalas kaming mag-date sa may mga unli-rice. Paramihan. =)))

Si JHERIC. Pambansang dancer. Eto, boyfriend ko. Siya yung parang kuya ko na nagtatanggol sa akin sa kahit na anong panganib. Guardian angel/power ranger/fluffy. :”> Yie, sige, tayo na Jheric! Laging nagyayaya yang bumili ng pagkain. At ang newscaster ko pagdating sa boys. Uh-huh! You know… ~

Common lang saming tatlo? Mahilig kaming kumain. Nagbago pananaw ko ngayong college dahil sa kanila. Akala ko nakakapayat, nakakasimot pala ng wallet. Hehez. Wala, masaya e. ü