kinikilig lang kasi kababasa ng

by: David Angeles de los Santos [MGISP]

Kapag ba ikaw nasabihan ng ganyan, di ka ba kikiligin? Pero depende rin kasi yun kung ano ang papel ng taong nagsabi nun sa buhay mo. Halimbawa:

  • Mahal mo yung nagsabi - malamang abot sa langit ang kilig mo no. Sa sobrang kilig mapapatumbling ka talaga. At mapapa-oo bigla-bigla, wala nang pakipot-kipot pa. Wala eh, mahal mo eh.
  • Kaibigan mo lang nagsabi - nandun pa rin yung kilig, kasi nakakaflatter masabihan ng ganyan eh, kaso hindi talagang bongang-bonga. Maghehesitate ka eh, tapos matatakot kang tumangi kasi matatakot ka na kapag ba tinanggihan mo, baka pati friendship nyo mawala.
  • Ayaw mo sa dun taong nagsabi - zero kilig factor. Wala kang mararamdaman at imbis na maflatter, mandidiri ka. Wag itangi kasi mayroon talagang mga tao na kahit hindi natin alam kung bakit pero sadyang ayaw natin sa kanila. Kaya kahit nakakakilig nung line, kabaligtaran ang magiging effect nun sayo.

Sasabihin ko sanang:

Pero mas nakakabilib yung taong nagsabi nang linyang yan no. Nakakabilib yung katapangan niya na i-offer ang sarili niya para sa taong mahal niya. Nakakabilib yung pagbaba niya ng pride niya para lang sa taong tinitibok ng puso niya. Ang sarap siguro sa pakiramdam ang mahalin ng taong ganyan.

Pero naalala ko nung sinabi ni Dave yan, di nga pala siya sincere. Ginagamit niya pa si Maggi nung panahong yun. Kainis no. Nakaka-iak. Pag-ganyan. Ikaw sobrang kilig na, abot langit ligaya mo, pero yung taong nagsabi nun sayo di naman pala sincere.