kin kas

#Throwback: Nakita ko nanaman yung first chat mo sakin na seryoso. Nung umiiyak ako kasi pinaiyak ako ni Apollo kasi inaasar ako don sa dati kong ka-M.U. Ayoko magkwento sa'yo kasi first, we’re not friends and second, hindi naman kita gusto kausap about sa mga serious stuff. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Pero sabi mo nga sa'kin dati, papansin ka na sakin dati pa kasi crush mo ko (oy sinabi mo yan!) kaya wala eh epal ka tapos sineen ko lang yung tinanong mo sakin kung “Bakit ka umiiyak?” Tapos yan sinagot mo sakin.

Nahiya naman ako sa ‘Puta’ kaya nagreply na ko baka sabihin mo snob ako. Hindi ko pa alam na may seen na din pala sa twitter, punyeta. Nalaman tuloy na hindi talaga ako magrereply. Hahahahahaha. Cute mo, noh? Hahahahaha. @dakilanggutom

4

“Ii! Tev-tor morlar ka’a kin-tukh svi’salan, wu-tevunlar fam-su’uth u rala t’laplar. Vesh tevunlar ka’a sahr-mon-tukh t’slor-miid svi’pid-shal t’pla-kur t’Vaarduh svi’wilat welhutau yellar svi’rarav t’oko-savensu spes, vaik heh ko-te’krusu.

I’vi dungi-va’boshau monek na’nash-veh?

I Kihndluhr, Vaarduh, Ko-te-kor t’yellar s’okunel Evuhrwait ki’abu’aberau el’rular t’oko-savensu ka’a wan, heh mastevau glu’svi’duv ek’yut; heh sa’mu’gel’es t’zhai-kur-shasol ti fi’puhshaya-pral sva’etek, heh ihz wein-tor ek’zer t’Kaalasiryuh ek’wak. I pakik, pakik Vahlihmaar na’eifa s’she’nak!

Rom-halan! Sos’eh du dungi-tal-tor Vahlihmaar. Dungi-tal-tor sos’eh ruhm-du. Rom-halan!”

“Ah! Like gold fall the leaves in the wind, long years numberless as the wings of trees! The years have passed like swift draughts of the sweet mead in lofty halls beyond the blue vaults of Varda wherein the stars tremble in the song of her voice, holy and queenly.

Who now shall refill the cup for me?

For now the Kindler, Varda, the Queen of the stars, from Mount Everwhite has uplifted her hands like clouds, and all paths are drowned deep in shadow; and out of a grey country darkness lies on the foaming waves between us, and mist covers the jewels of Calacirya forever. Now lost, lost to those from the East is Valimar!

Farewell! Maybe thou shalt find Valimar. Maybe even thou shalt find it. Farewell!”

Namarie or Galadriel’s lament by Tolkien of course. For @vegan-yeti-strikes

Baby ko,

Hindi ko na kailangang may dumating na mas higit pa, basta wag ka lang mawawala. Kasi kahit na may darating pang mas maganda, hindi ko na siya gusto pang makilala. Kasi sayo ako sobrang masaya. Kahit wala ng dumating pang iba, kasi para sa'kin sobra sobra ka na. Para sa akin perpekto ka na. Ikaw ang sagot sa kahilingang matagal ko ng binulong sa Kanya. Kaya hindi ko kayang mawawala ka pa.

Ang tanging importante lang ay tayong dalawa, kahit wala ng dumating na mas higit pa. Ikaw ang dahilan kung bakit sobrang saya ng puso ko. At hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino.

Nagmamahal,
Z

Lord, bakit ganun? Bakit ako?

Lagi ko siyang tinatanong lagi kung bakit ako? Am I worthy? Pero isa lang ang lagi niyang sinasabi sakin yun ay “Hindi ako nagkamali sa aking mga tinawag.”

Lord, inaamin ko naman po na hindi talaga ako rooted ng word niyo. I cannot give what I don’t have. Pero alam ko may gagawin ka sa'kin this time and I’m praying and expecting for a “TRANSFORMATION” sa aking spiritual life.

You’re holding my life in your hands. All my dreams and all my plans are in you, Lord. Not my ways, but your ways. Not my plans, but your plans. Not my will, but let your will be done!

I am ecstatic to be part of GYG (Global Youth Generation) Core Group here in Jeddah, Saudi Arabia. Greater things are yet to come! There’s no turning back! I just want to thank you for the fresh anointing that you have given me. This is all for your glory alone!!! 👆 As you have said in your word, “For many are called, but few are chosen.” - Matthew 22:14

I think the strongest prayer I’ve ever prayed is a single phrase I declared with complete honesty: God, I have no idea what you’re doing, but I trust you. 🙏

“For just as the heavens are higher than the earth, so my ways are higher than your ways and my thoughts higher than your thoughts.” - Isaiah 55:9

I. AM. MADE. FOR. GREATNESS

“HINDI PA AKO READY”.

Linyang naririnig ko lang noon kapag nakikipaglaro ako ng JAKENPOY at MATAYA-TAYAAN. Ngayon naririnig ko na din s'ya galing sa bibig ng mga taong PAASA.

“Mahal kita.” , “Special ka sa'kin.” “Nandito lang ako palagi.” “Di kita iiwan. At kung ano ano pang matatamis na salita. Yayakapin at hahalikan ka pa. Hanggang sa may mangyari. Pero kapag tapos na s'ya at nailabas na ang kanyang maramot na pagnanasa, iiwan ka nalang na parang basura at sasabihan ng, "HINDI PA AKO HANDA.”

Nakaka-GAGO diba?

Minsan naisip kong napakasarap palang ipulupot at ipaikot ikot ang sintas ng sapatos sa leeg nila at doblehin ang knot. O kaya naman ipang dikdik ng paminta ang matitigas nilang puso para may pakinabang naman ito. Isama na din ang matitigas nilang mukha na masyadong nagmamalinis. Linis na daig pa ang kuskos, babad at bleach.

Pero hayaan nalang natin sila. Dahil totoo ang KARMA.

Nung minahal kita, hindi ko naman inasahang mamahalin mo rin ako. Ang gusto ko lang naman noon ay ang makita ang mga ngiti mo. Ang tumigil ka na sa pagluha mo, kasi hindi naman yun nararapat sa'yo. Minahal kita ng hindi ko sinasadya. At lalong hindi ako noon nagparamdam para aking maramdaman ang iyong pagmamahal.

Minahal kita dahil gusto ko lang na makita kang masaya. Gusto ko lang naman na manatili sa tabi mo sa kabila ng mga problema. Gusto ko lang naman hintayin ka kahit saan ka pa pupunta, para lang makasiguradong ligtas ka. Gusto lang kitang batiin, para malaman mong mas maganda ka pa sa umaga. Gusto ko lang makausap mo at paglabasan ng mga problema mo, para maramdaman mong may taong nag-aalala sa'yo. Gusto ko lang na hawakan ang kamay mo sa mga panahong natatakot ka, para maramdaman mong meron kang kasama. Gusto kong kausap ka para lang makipagasaran sa'yo at kapag napikon ka na susuyuin na kita. Gusto ko lang na kulitin ka ng kulitin.

Pero ibinigay ka sa'kin ng Diyos. Pinagbigyan niya ako sa hiling ko na ibigay ka nalang sa'kin. Kaya ngayon hinding hindi mo na ako mapapaalis sa tabi mo. Mahal na mahal kita, yayakapin kita at hindi na kita bibitawan pa. Mamahalin kita at wala na itong katapusan pa. Mamahalin kita ng sobra sobra at wala ka ng magagawa pa, kasi alam mo naman kung gaano ako katigas ang ulo ko. Oo, minahal kita nung una, pero hindi para mapasaakin ka. Pero tingnan mo, ngayon sa akin ka na.

Kaya kahit na gaano pa kahirap kakayanin ko. Kahit gaano pa karaming problema hindi ko susukuan ang relasyon na to. Hindi ako madaling mahalin pero nananatili ka pa rin. Matigas ang ulo ko, pero hindi ka pa rin nauubusan ng pasensya. Nakakainis ako pag miinsan, pero hindi mo pa rin ako binibitiwan. Kahit na minsan nakakapagod na ako, hindi mo pa rin ako sinusukuan. Pinipili mo pa rin ako kahit na masakit ako sa ulo. Kahit na mas madaling bitawan nalang ako, hindi mo ginagawa ito, at mas lalo mo pang hinihigpitan hawak mo.

Minahal kita kahit wala akong hinihinging kapalit, pero binigay ka sa'kin at ako'y minahal mo rin.

Sa totoo lang, takot na takot ako. Takot akong mawala ka sa'kin. Hindi ko kasi akalain na dadating yung panahon na matatawag kitang “akin”. Yun na nga, sa akin ka na, at sa'yong sa'yo ako. Pakiusap wag kang bibitaw mahal ko. Marami mang babae ang makausap ko sa araw araw na buhay ko, kahit na gusto pa nila ako, wala akong pakialam, kasi ikaw lang ang mahal ko. Pasensya ka na sa pagiging seloso ko, sobrang takot lang ako na baka palitan nila ako sa puso mo, kahit lagi mong sinasabi na hindi na ako mawawala dyan, hindi ako magiging kampante. Mahal ko, mahal na mahal kita talaga, at wala akong hahayaan na may humadlang o makasira sa ating pagmamahalan.

At naniniwala ako sa karma. Na kung ano ang ibigay mo sa kalawakan ay siyang ibabalik nito sa'yo nang may interes pang kasama. Ilang beses ko nang isinilid sa garapon ang puso ko at itinapon ito sa dagat sa pag-asa na may makakahanap sa kanya at magbabalik sa akin nito ng buo pa. Pero ang tagal na at wala pa akong nakukuha. Kaya kung sakali lang na makita mo ang puso ko na inanod sa aplaya; iniisip kung anong gagawin sa kanya - itatabi, itatapon o ipagsasawalang-bahala, maghihintay ako sa desisyon mo. Maniwala ka sa'kin. Maghihintay ako. Ibalik mo sana.
—  Juan Miguel Severo
Mahal mo pa ba ‘ko? Matatawag pa bang ‘tayo’?

Kumusta? Ang tagal na nating hindi nagkikita ah. Miss na kita. Alam kong kanina lang tayo huling nagkasama’t nag-usap pero ewan ko ba kung bakit ko ‘yon nasabi. Hinahanap lang siguro ng puso’t isip ko yung ‘dating ikaw’. Malambing, mapagmahal, maalaga, at maaalahanin ka naman… dati.  

Mahal mo pa ba ‘ko? Matatawag pa bang ‘tayo’? Feeling ko kasi hindi na eh. Hindi mo na ako tinatanong kung kumain na ba ako. Hindi ka na nag-aalala kung nakauwi na ako. Hindi ka na nagseselos sa tuwing may umaali-aligid sa ‘kin. Hindi ka na sumasama sa mga lakad ko.

Anong nangyari? May problema ba? Sabihin mo naman sa ‘kin oh. Handa naman akong makinig. Pag-usapan natin. Magtulungan tayo. Sabay nating problemahin. Huwag mo naman sanang solohin. Para saan pa na naging tayo?

Mahal mo pa ba ‘ko? Matatawag pa bang ‘tayo’? Sorry ah, paulit-ulit ako. Ilang araw na kasi akong minumulto ng mga tanong na ‘to. Hindi ako makatulog nang maayos. Kung makatulog man, umaga na. Tapos magigising din nang maaga.

Sumagot ka naman oh. Ang cold mo kasi eh. Napapansin ko na bihira ka nalang magparamdam. Alam kong pareho tayong may ginagawa sa buhay pero ganon ka ba talaga ka-busy? Yung tipong hindi mo na magagawa maski ang simpleng pag-ihi? Sandali lang naman akong i-text ha. Wala pang 1 minute.

Mahal mo pa ba ‘ko? Matatawag pa bang ‘tayo’? Siguro nga hindi na. Kasi kung ‘oo’ nga ang sagot mo, hindi mo hahayaang maramdaman ko ang lahat ng ‘to.

Ako nalang pala ang nagmamahal sa ‘ting dalawa. Ako nalang pala ang nagho-hold on. Ako nalang pala ang naniniwala na hindi pa tapos ang love story natin. Ako nalang pala…

Ang sakit.

Kahit anong pang sabihin nila, ayaw ko talagang mawala ka pa. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan balang araw. Ikaw lang ang gusto kong maging nanay ng mga magiging anak ko. Gusto kong mabigay natin sa kanila yung pagmamahal na hindi natin naranasan. Gusto ko silang makitang lumalaki habang hawak natin ang mga kamay nila. Gusto ko nasa tabi lang kita lalo na kapag may problema ka. Hindi ko kayang mawala  ka, kaya pakiusap, wag mo akong iiwan ha?

Hinding hindi ako magbabago, kung magbago man, para sa ikabubuti ko at ikabubuti mo. Hindi ako magsasawang tawagan ka, kahit na wala akong sasabihing iba, kundi ang mga salitang “mahal kita, wala lang, miss lang kita”. Hindi ako magsasawang titigan ka, para maiparating ko gamit ang aking mata, kung gaano kita sinasamba. Hindi ako magsasawang yakapin ka, para maramdaman mo kung gaano ka sa'kin kahalaga. Hindi ako magsasawang ituring kang reyna, kasi yung naman ang nararapat talaga.

Mahal ko, ikaw ang nagbibigay ng saya sa puso ko, kaya pakiusap ha? Wag kang mawawala.

Confession #6167: Gustong-gusto na kitang sukuan, C. Kasi alam ko namang mahal mo pa rin siya eh. Pero bakit ganan ka sa'kin? Ang sweet mo. We’re almost lovers, wala nga lang label. From the time that I wake up hanggang pagtulog ikaw katext ko. Anong ibig sabihin ng mga good morning/night messages mo? Ng mga imissyou mo? Ng pag-aantay mo sa akin kada uwian? Ng pagseselos mo? Anong ibig sbaihin ng mga ‘yun kung mahal mo pa rin siya? :(

XII XIX

tanda ko nung huli tayong nag-usap (march 7 2015), sinabi mo no’n na ang pinakaayaw mong characteristic ko ay yung natatandaan ko pa ang detalye ng mga random na bagay na nangyari noong high school tayo.

(nakakairita ‘yon, alam mo? kasi ‘di ko maalala kung talaga bang nangyari ‘yon o gawa-gawa mo lang. minsan kasi hindi ko na alam kung totoo o fiction pa ba yang sinasabi mo sa ‘kin, colleen)

(( wala ka pa ring karapatan na tawagin ako sa totoo kong pangalan pero dahil ikaw yan, ‘di na kita pipigilan pa ))

hindi ko naman tinatanggi ‘yon. naalala ko nga halos lahat ng detalye nong high school, lalo na kapag tungkol sa ‘ting dalawa. para raw akong tanga, sabi ng best friend ko na nong una pa lang ayaw na sa ideya “nating dalawa”. hindi tayo magkaibigan. nagkataon na ako lang ang may lakas ng loob na awayin ka, at nagkataon na ikaw lang ang makapal na mukha na sinubukang “landiin” ako.

nagkataon lang na tayo lang ang nakaintindi sa isa’t isa.

(mahalaga para sa ‘kin ‘yon noon, ang maintindihan. kaya siguro inakala ko na totoong mahal kita)

kayang-kaya kong ilista ang mga bagay na magpapaalala sa ‘kin sa ‘yo, sa atin:

isang piraso ng yellow paper, gusut-gusot at puno ng numero ( nakalimutan mo na siguro noong ginawan mo ng binary code ang pangalan ko )

t-shirt mong joker na sinuot mo noong christmas party 2009 ( na hanggang ngayon nanunuot sa alaala ko ang amoy ng fabric conditioner na ginamit ng nanay mo )

child’s play ( ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang higpit ng kapit mo sa kanang braso ko dahil takot kay kay chucky )

sidewalk sa elvinda ( ano nga? bakit mo ako gustong kausapin? sa tingin ko kasi.. may gusto ako sa ‘yo. wow ha, me after her? seryoso? mas nauna ka naman sa kanya, colleen. kaso lagi lang akong nasa background, ano? medyo. basta. hirap i-explain )

physics ( na lagi tayong magkapartner; ikaw ang taga-solve, ako ang tagasulat at taga-report )

bleachers ( dahil sa ‘yo nanggaling ang see how i fall for you ni kevin santos. oo, trademark mo na ‘yon )

js prom ( maling-mali na inisinayaw kita noon )

scale of 1-10 ( from the scale of 1-10, gaano mo ako namiss? uhhmm.. 7? 7 lang? wag ka nga, as if namiss mo ako. tanungin mo ako, colleen. dali. fine, from the scale of 1– 11 ang sagot ko dyan. )

pansol ( we’ll always have pansol ‘di ba? )

text message ( kilala ko si colleen. hinding-hindi ‘yon gumamit ng hehehe sa text )

isang bench sa freedom park ( ayoko na, naglolokohan lang tayo eh. paano pag nagseryoso ako? don’t be stupid. you and i won’t last. )

red horse beer ( alam ko na hindi ikaw yung nakipagbreak sa ‘kin noon, colleen. okay fine e ‘di break na tayo. fine. )

ineffable ( anong favorite word mo? ineffable. wow, di ba dapat sa ‘ting dalawa ako ang may alam na malalim na salita? math major ako, colleen. hindi ako tanga )

ask.fm ( pag-amin: nasaktan ako sa mga sagot mong hindi ko naman talaga siya minahal. masakit kasi akala ko sa ‘ting dalawa mas minahal mo ako kesa sa minahal kita )

at

si wesley rodriguez

( minsan gusto kong magsisi na ikaw ang ginawa kong character peg para kay wes. minsan natutuwa ako dahil mas mabuting lalaki at boyfriend si wes kesa sa ‘ yo )

december 19 ngayon

anim na taon na ang nakalipas noong sinubukan nating dalawa. parehas pa tayong tanga noon. ikaw, kakagaling lang sa isang relasyon na ginawa kang rebound. ako, nagpapakagaga sa isang taong hanggang kaibigan lang ang turing sa ‘kin. natagpuan natin ang isa’t isa sa gitna ng kalungkutan at kasawian sa pag-ibig. hindi ko alam kung ano bang meron sa sidewalk na ‘yon at napaisip ako ng oo nga ano, bakit hindi namin subukan? naiintindihan niya ako, naiintindihan ko siya. anong mawawala?

( ngayon, alam ko na ang sagot sa tanong na ‘yon: mawawala tayo sa buhay ng isa’t isa )

apat na december 19 ang nagdaan sa buhay nating dalawa. at dahil ako ang may pakialam sa ‘ting dalawa, malamang ako lang ang nakakaalala ng nangyari sa araw na ‘to

(( parusa raw sa ‘kin ‘yon, sabi ng best friend ko. putanginang parusa naman ‘to ))

hindi ko naman hinihiling na maalaala mo ang mga sinabi mo sa ‘kin sa side walk na ‘yon dati. lalo na hinding-hindi ko hinihiling na balikan ako ulit ( kadiri ka kung ‘yon ang iniisip mo ah )

gusto ko lang malaman mo na hindi ako bitter noong i-unfriend kita sa facebook. sadyang nabadtrip lang ako sa ‘yo noon pero napagtanto ko na dapat matagal ko nang ginawa ‘yon. oo, nakapag-usap nga tayo noong march para sa closure. (( closure? oo na. saradong sarado na )) pero dahil hindi pa rin nagbabago ang trato mo sa ‘kin. kahit hindi tayo magkaibigan hindi mo pa rin ako maseryo-seryoso. ayokong maging kaibigan ang isang tulad mo, mapa sa totoong buhay o facebook man lang dahil hindi dapat tinatawag na kaibigan ang mga taong hindi ka nirerespeto.

( ‘yon daw ang brand mo ng foreplay. putang ina ka bago-bago rin )

gusto ko lang malaman mo na masaya ako para sa ‘yo. nahanap mo na yata ang totoong katapat mo. sana magkaron ka na ng bayag para ipaglaban at panindigan siya. wag na wag mong gagawin sa kanya ang ginawa mo sa ‘kin. mahiya ka naman sa sarili mo.

gusto ko ring magpasalamat sa ‘yo na ako pala ang standard mo sa mga babae. hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit mo nasabi ‘yon ( lasing ka ata noon? ). wag ka na sana maging tanga.

gusto ko ring malaman mo na ikaw ang pinakamalalim na bubog dito sa puso ko. sabi kasi nina sir ricky lee may bubog ang mga writer sa puso nila. wala eh, ikaw ‘tong una. dadalhin kita sa bawat salita at pahina na isusulat ko, mapa-komedya man o romansa. ( mas bagay siguro ang trahedya, ano? tulad nating dalawa ) kasinungalingan ang sinasabi kong hindi na ako magsusulat tungkol sa ‘yo. mas dinidiinan ko ang pagbaon ng bubog mo kapag nagsusulat ako ng malungkot, ng mga bagay na malayong mangyari sa katotohanan. ilang beses ka na ring nagpalit anyo sa mga kwento ko, pero isa lang ang nagiging katapusan: malungkot.

(( hindi ko na ata kayang magsulat ng masayang kwento kapag ikaw ang bida. kaakibat ng bubog mo ang kalungkutan. at ayaw ko itong pakawalan ))

gusto ko ring malaman mo na tsaka lang ako pigilan na magsulat tungkol sa ‘yo kapag tinigilan mo na ako. (( mukhang malabo atang mangyari ‘yon ))

at panghuli

gusto ko lang na malaman mo na ito na ang huling disyembre na iisipin kita. limang taon din akong nalungkot sa araw na ‘to nang dahil sa ‘yo. sana sa susunod na mga taon, bawat december 19, mapapangiti na lang ako pag maaalala ko tayong dalawa.

sana masabi ko na

dito kami nagsimula. hindi man maganda ang gitna at katapusan pero parehas na kaming masaya ngayon.

sana totoong masaya na ako sa araw na ‘yon.

(( pero kahit kailan ay hindi na kita maituturing pa na kaibigan ))