kiko and kai

@tropicojewels01 is sending me these pickup lines and one of them was “your hand looks heavy. let me hold it for you.” so, naturally, i wrote this.

__________


“Your hand looks heavy,” Kai said, smirking. “Can I hold it for you?”

“What?” Cinder said, her eyes lifting from the lifeless android in front of her long enough to give him a confused look. She pursed her lips in thought. “That’s kind of an odd request, but, yeah, sure. I guess.” She took a screwdriver and unscrewed the mechanical limb. She snipped at the optic nerves and handed it to him. “Just make sure you don’t drop it.”

Kai stared blankly at the hand. “Oh,” he said, disappointed she didn’t catch up on the pickup line. “I’ll just, uh, go put this with the foot.” At least now he had two of Cinder’s limbs

  • Thorne: Yeah, I have to agree with the walking thesaurus on that one.
  • Jacin: Do not ever call me a thesaurus.
  • Thorne: ...
  • Thorne: It's just a metaphor dude.
  • Iko: His people are completely literal; metaphors are gonna go over his head.
  • Jacin: Nothing goes over my head. My reflexes are too fast. I would catch it.
  • Cinder: I'm gonna die surrounded by the biggest idiots in the galaxy.

Honestly, I think I could really love Kiko if it was platonic or maybe if W&N1 isn’t already trying to insist they have “romantic tension.” He’s still insulting her constantly, can’t there be relationship development at least before MM so blatantly tries to shove this ship’s “romance” at us?

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 16

Nakarating na sila sa unang isla. It is small, as what Toffer said but it’s breathtaking. The sand is white and sobrang linaw ng tubig.

Nanatili sa bangka si Elmo. Nawala kasi siya sa mood magpakasaya because of what Toffer said earlier.

“Akala mo kung sino. Confident masyado.” he thought.

Pinagmasdan niya ang mga kasama as they walk along the shore and take turns in taking pictures. Napansin niyang masyadong malapit sa isa’t isa sina Julie at Toffer at mas nag-iinit ang dugo niya.

“Pogi, di ka ba sasama sa kanila? Mukhang nagkakasiyahan sila dun oh.” sabi ng bangkero.

“Ha? Hindi po. Masama po pakiramdam ko eh.” pagdadahilan niya.

“Bakit? Hindi ka ba sanay sa alon?” tanong nito.

“Po? Sanay naman po. Kaya lang po umaga na kasi ako nakatulog kagabi at maaga rin nagising kanina. Kaya masakit po ulo ko.” sagot niya.

“Ganun ba?”

“Opo.” at saka na sila tumahimik muli. Sabay nilang pinagmasdan ang mga nasa isla. He even saw Maqui waving at him saka niya ito nginitian.

“Girlfriend mo?” tanong ng bangkero.

“Sino po?”

“Yung kumakaway kanina.”

“Ah. Hindi po. Pinsan ko po siya.” he said.

“Ah. Pero may girlfriend ka?” tanong uli nito.

Natatawa man si Elmo dahil sa dami ng tanong ng bangkero ay hindi naman siya naasar dito. Atleast he has someone to talk to.

“Wala po.” he said.

“Wala?! Sa gandang lalaki mong yan wala kang girlfriend?” gulat na tanong nito sa kanya. Napailing siya tsaka napangiti.

“Wala pa po.” he said.

“Ah. Edi may nililigawan ka?” tumango siya. “Bakit hindi mo sinama dito?”

“Kasama ko po. Kaya lang, mukhang mas masaya siya sa iba eh.”

*****

She’s enjoying their adventure. Unang isla pa lang feeling niya nasa paraiso na siya. The clear blue water, the white sand and the colorful shells on the shoreline.

“Look at this Julie oh!” Toffer said habang may hawak ito. Nilapitan siya ni Julie and saw that he was holding a little starfish.

“Aww. That is so cute!” she said. Kinuha niya ito kay Toffer saka niya ito pinicturan. “If only I could keep you.” she thought.

“Gusto mo ba mag-uwi ng starfish?” Toffer asked.

“Ha? Hindi na. Mamamatay lang sila.” she said.

“Haha. Ikaw bahala. Pero if you want pwede naman. May aquarium sa yacht. Pwede mo ilagay dun pansamantala.” sabi ni Toffer. Tumango na lang siya tsaka naglakad palayo sa mga kasamahan.

She took a quick glance back at the boat they rode para makalapit sa pampang and saw Elmo talking to the boat driver.

“Nagseselos ka nga ba talaga?” she asked habang nakatingin sa binata. She was caught staring nang mapalingon iyon sa gawi niya kaya agad siyang umiwas ng tingin. “Shit nahuli pa ko.” she whispered.

“Bff!!” she heard Sef called. Lumingon siya dito at nakitang sumesenyas na ito na babalik na sa bangka. She nodded and jogged towards them tsaka na sila sumakay uli sa bangka.

“Di ka sumama, ang daming starfish!” she heard Maqui said to Elmo.

“Ah. Masakit kasi ulo ko eh.” Elmo said.

“You okay friend? Seasick?” Sef asked.

“I’m fine. Di naman seasick. Masama na talaga pakiramdam ko since this morning.” she heard Elmo said.

“Maybe that’s the reason why he doesn’t want to swim.” she thought to herself.

Lumingon siya sa gawi ni Elmo at nakitang malayo ang tingin nito. His eyes look tired and his shoulders slumped. Halatang wala sa mood. Gustuhin man niyang lapitan ito ay naisip din niyang baka sungitan lang siya ni Elmo. Kaya she opted to stay beside Toffer na abala sa pagtingin sa mga kinuha nitong starfish.

“What’s that for?” she asked him.

“Ah. Dinidisplay namin sila sa hotel.”

“Oh. Okay.” sabi niya tsaka na tumingin sa malayo.

Paminsan-minsan ay susulyap siya kay Elmo pero he stayed in his position. Parang napakalalim ng iniisip. Parang may malaking problema.

“Moe, okay ka lang?” Maqui asked, concerned. Marahang tumingin sa kanya si Elmo and smiled at his cousin weakly.

“Yeah. I’m fine.”

“No you’re not.” she thought.

*****

Nang makarating sila sa sumunod na isla ay bumaba si Elmo pati na rin ang bangkero. Low tide kasi kaya nadaong nila ang bangka sa pampang.

“Mang Kiko, matagal na ba kayong nagttrabaho para kay Toffer?” he asked.

“Hm. Mga 2 taon na siguro. Bakit?”

“Kamusta naman po siya bilang amo?” he asked again.

“Si sir? Sa totoo lang, suplado yan eh. Hindi yan nakikisalamuha sa mga nagbabakasyon dito sa isla. Puro trabaho lang inaatupag at gusto pa niya pulido lahat. Tsaka alam ko, kung wala namang utang ang tatay ko sa pamilya ni sir, di naman ako sa kanya magttrabaho.” kwento ng bangkero sa kanya.

“Utang ng tatay niyo? Bakit po?”

“May utang kasi ang tatay ko sa mga Cordero. Sa pamilya ni sir. Ayaw na sana pabayaran ni Don Manuel dahil kaibigan na niya si tatay pero kinontra ni Sir Toffer. Gusto niya bayaran namin yun. Kaya ang inisip niya, magttrabaho kaming mga anak ni tatay sa resort.”

“Ah. So madami po kayong magkakapatid na nagttrabaho sa kanya?malaki po ba utang niyo?” tanong niya. Ewan ba niya kung bakit naging interesado siya sa buhay ni Mang Kiko. Siguro dahil parehas sila ng situation. That they are both alone and that no one cares about them.

“Sisenta mil ang utang namin sa kanila. At bilang pambayad, magttrabaho kami sa kanila habang buhay.” kwento nito.

“Grabe pala.” he commented.

“Pero ayos na din yun. Kaysa kunin nila sa amin yung lupa namin.” sabi niya.

“Pero hindi naman po siya dapat kumontra. It’s his dad’s money. Not his.”

“Ganun talaga dito Elmo.” sabi ni Mang Kiko.

“Mang Kiko!” narinig naming sigaw ni Toffer. Lumingon kami sa kanila at nakitang kumakaway na siya.

“Tara na po. Baka pupunta na tayo sa huling isla.” Elmo said. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Julie. Hindi niya alam bakit pero parang malungkot ang mga nata nito.

“Yung nililigawan mo, maganda no? Wag mo na pakawalan yan. Tsaka tignan mo oh. Hindi naman nakangiti yung mga mata niya. Sigurado ka bang masaya kay Sir Toffer yan?” biglang tanong sa kanya ni Mang Kiko.

“Po? Uhm… Siguro po. Nakakalimutan na nga ako eh.” matamlay na sabi niya.

“Sigurado ka? Kasi kanina ko pa siya nahuhuling nakatingin sayo eh.”

“Sa akin po? Nako. Baka hindi naman.”

“Sigurado ako Elmo. Halata sa mata niyang mahal ka niya. Alam mo ba yun?”

*****

Hindi pa rin nakikisalamuha sa kanila si Elmo. He keeps on distancing himself at kay Mang Kiko lang laging sumasama.

“What’s the matter?” Toffer asked. They’re gathering firewoods para mamaya sa bonfire nila.

“Ha? Wala.”

“Are you sure?” he asked. Ngumiti naman si Julie at saka tumango.

“Wooooow!” narinig nilang sigaw ni Maqui. Paglingon nila ay may hawak sila ni Sef na malilit na pagong. “Bakla, alagaan natin! Moe look oh! Parang si Kent lang!” she yelled sabay taas ng hawak niyang pagong so that Elmo could see it. Ngumiti lang naman si Elmo saka na nagpatuloy sa paglalakad palayo sa kanila.

“Oh. Nakakunot nanaman noo mo.” Toffer said.

“Eh kasi naman. Ano bang drama ni Elmo bakit lumalayo siya sa atin?” she couldn’t help but ask. Gusto sana niyang makasama iyon. Especially sa pictures para naman may memories sila together but he isn’t joining them.

“Ewan ko. Baka nagpapapansin sayo?” Toffer replied.

“Well, effective coz I’m starting to get worried.” she said and crossed her arms over her chest.

“Why not ask him?” Toffer suggested.

“Bahala siya.” sagot niya sabay martsa palapit kanila Maqui.

“Look, Jules. Baby turtles!” masayang sabi ng dalawa.

“Where did you find them?” she asked.

“Over there bff.” sabi ni Sef sabay turo sa isang maliit na butas. “Kaya lang mukhang waley na eh. 4 na lang nakita namin eh.”

“Alagaan natin!” Maqui said excitedly.

“Kanino naman yung isa?” Julie asked.

“Kay Moe. He once had a pet turtle. Si Kent. Sobrang spoiled nun sa kanya and he loved that turtle very much.”

“What happened?” tanong ni Sef.

“Ayun. Nawala siya kasi nung nililinis ni Moe yung aquarium niya, di niya napansing nakalabas dun sa planggana. Nakalabas ng gate and eventually nawala si Kent.”

“Oh. Well, let’s all keep them.” Julie said.

“Aaaaaah!!!” nagulat sila when they heard someone shout.

“Sino yun?!” Maqui asked. Nakita nilang tumakbo si Mang Kiko papunta kay Elmo who is now sitting on the sand while holding his foot. “Elmo!!” she cried. They all rushed to him and saw his foot bleeding.

“Arghh.” he cried.

“Anetch ang nangyari?!” Sef was panicking.

“S-sea urchin.” he said.

“Nako. Kailangan magamot agad ito. Tara na sa bangka Elmo.” sabi ni Mang Kiko.

Hindi makapagsalita si Julie. She just stared at him. Gustuhin man niyang lapitan ito para siya ang gumamot sa paa niya, ay hindi niya magawa. Masyado ng nagkukumpol sila Maqui, Sef at Mang Kiko.

“Are you okay?” she asked. Tumingin si Elmo sa kanya tsaka ito tumango. “Uhm. Mabuti pa let’s go back to resort na lang. Wag na tayo magstay dito.” she said.

“Mabuti pa nga.” Maqui and Sef agreed. Pinagtulungan ni Mang Kiko at Sef si Elmo na akayin pabalik sa bangka and the three followed.

“Tsk. Bonfire na sana eh.” Toffer whispered.

“Bukas na lang sa resort tayo magbonfire. Elmo needs first aid.” Julie answered.

Di niya alam pero parang nabadtrip siya sa sinabi ni Toffer. Mas importante pa ba ang bonfire kaysa sa kalagayan ni Elmo?

“Yeah.” sabat ni Maqui. “Is the bonfire more important than my cousin’s condition? Ha, Toffer?”

Hindi naman kumibo si Toffer kaya nagpatuloy na lang sa paglalakad sina Maqui at Julie.

“Nakakabadtrip.” Maqui whispered sabay irap sa gawi ni Toffer.

“Chill, Maq. Tara na.” pagyaya ni Julie sa kanya. Sumakay na sila sa bangka and Maqui sat beside Elmo na ngayon ay nakasandal sa pole ng bangka at nakapikit.

“Moe, kaya pa ba?” she heard Maqui asked.

Elmo nodded weakly.

“Are you sure, H?” hindi na natiis ni Julie ang pagtatanong niya. She sat beside him tsaka niya hinawakan ang kamay nito.

“I-I’m f-fine Julie. K-kaya ko pa.” Elmo said. Sinandal niya sa balikat niya ang ulo ni Elmo tsaka na hinigpitan ang hawak sa kamay nito.

“We’re almost there.” she whispered. “Malapit na tayo, H. Tiisin mo ha? I’ll stay here beside you.”

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 17

“Okay ka lang ba? Kaya pa?” Julie asked Elmo. Nasa gitna pa rin sila ng dagat at pabalik pa lang sa resort.

“Y-yeah. Dun ka na kay Toffer.” mahinang sabi nito.

“Tsk. Mang Kiko, may tweezers po ba kayo?” she asked nang makita ang maraming spines ng sea urchin sa paa ni Elmo. Hindi niya pinansin ang sinabi nitong bumalik na sa tabi ni Toffer.

“Bff, I have tweezers here oh.” sabi ni Sef sabay abot ng tweezers mula sa pouch bag niya. “Alcohol pa oh.” he added.

“Thanks.” sabi ni Julie sabay kuha ng tweezers at alcohol kay Sef. “This will hurt a bit pero tiisin mo okay? Baka kasi mainfect to if papatagalin pa natin.” sabi niya.

“Hayaan mo na, J-Julie.”

“Shut up. Let me be, okay?” sabi niya sabay tingin kay Elmo. “Wag kang gagalaw.”

“Tsk. W-wag—”

“Shhh!!!” tinignan niya ng masama si Elmo. “Wag sabi makulit eh!”

Hindi naman na kumibo si Elmo. Dahan-dahang inalis ni Julie ang spines sa paa ni Elmo. Nakikita ni Julie na nangingiwi si Elmo pero halatang tinitiis nito ang sakit.

“Shhhhhiiit!” napapasipol si Elmo sa hapdi. “Madami pa ba?” he asked sabay dilat ng isang mata niya.

“Madami pa. Konting tiis na lang, H. Okay?” Julie replied. Pinagpatuloy na niya ang pag-alis sa spines ng sea urchin and after that ay nakahinga na nang maluwag si Elmo. “See? Feels better right?” she asked.

“Y-yeah…” sabi ni Elmo sabay sandal sa kanya.

“Malapit na tayo sa pampang.” Mang Kiko said. Natanaw na nila ang isla na unti-unting lumalapit sa kanila.

Agad na inalalayan ni Mang Kiko at Julie si Elmo pababa ng bangka while Maqui and Sef followed them habang dala ang mga gamit nila. Toffer on the other hand walked alongside of them.

“Dalin natin sa clinic!” sabi ni Maqui. Nagpapanic siya dahil nakitang medyo namamaga na ang paa ni Elmo.

“Wherelaloo ba ang clinic?” tanong ni Sef na nagpapanic na rin.

“Dun po sa loob ng hotel.” sagot ni Mang Kiko. Tumango na sila and helped in carrying Elmo to the clinic.

“Vinegar and konting water lang ang ilalagay dito para humupa yung pamamaga and yung venom ng sea urchin.” the nurse said. Kumuha na ito ng planggana at saka binabad ang paa ni Elmo sa suka at tubig. “Mahapdi siya pero makakatulong naman.” dagdag nito.

“Uhm. How long will it take before mawala yung maga?” Julie asked.

“Hm. More or less 2 to 3 days. Pero I suggest na you wrap his foot with a bandage na soaked in vinegar. Then itape sa dulo so that it will stay in place. Mamaya ipapakita ko sa inyo kung paano.” she explained. Tumango naman ang magkakaibigan.

After nila sa clinic ay inakay na ni Sef si Elmo para makabalik sa villa nila.

“Thanks.” sabi nito nang makaupo siya sa couch.

“Here. Humiram kami ng crutches para makatulong sayo if you want to walk on your own.” Maqui said sabay lagay sa tabi niya ng crutches.

“Thanks, Maq.” sabi niya.

“May kailangan ka pa ba?” Maqui asked.

“Okay na ko. You guys enjoy. Wag niyo kong intindihin. Pwede ko naman tawagin si Mang Kiko kapag kailangan ko ng tulong.” he said.

“I’ll stay here.” bulong ni Julie kay Maqui. Tumango naman ito saka na sila umalis ni Sef.

Naglakad si Julie papuntang kitchen para magpakulo ng tubig. She was told by the nurse na kailangan ibabad sa mainit na tubig ang paa ni Elmo bago ibabad sa suka para mas mabilis ang paghupa ng maga.

“Bakit nagpaiwan ka pa? Pwede ka namang sumama sa kanila.” she heard Elmo said.

Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lang sa pagkilos sa kitchen. She started preparing their snacks nang marinig niya ang ika-ikang tunog ng paa at crutches ni Elmo.

“Julie, I’m asking you. Bakit nagpaiwan ka pa?” ulit nito.

“Wala kang kasama.” tipid niyang sagot.

“I can take care of myself. You’re missing all the fun dahil saken. Okay lang ako.” he said. Lumingon si Julie sa kanya and saw him leaning on the bar counter.

“Will you stop thinking about me? I don’t mind if I get stuck here with you atleast mababantayan kita. Tsaka pwede sa couch ka lang? Malapit na kumulo yung tubig.” sabi niya at balik-tingin sa stove.

“I’m fine Julie. Ayaw ko lang naman kasi na iwanan mo si Tofu dun.” nagpanting ang tenga ni Julie sa narinig.

“Pwede ba, Elmo! Ikaw nga pinili kong samahan diba?! I opted to stay with you because I want to take care of you! Gusto kitang alagaan dahil sa nangyari sayo pero pucha naman! Bakit ba tulak ka nang tulak saken palayo ha?!” galit na niyang tanong.

“Ayoko lang—”

“Shut up shut up shut up!!!” she yelled. Napahinto si Elmo and stared at her. “Tangina kung ayaw mo ng tulong edi wag! Ikaw na nga inaalagaan ikaw pa nagtataboy. Shit ka talaga!” sigaw niya and stormed out of their villa.

*****

He stayed frozen on his spot kahit ilang minuto na ang nakalipas after Julie’s outburst. Iniisip lang naman kasi niya na hindi na makakapag-enjoy ang dalaga. And he doesn’t want her to blame him for not enjoying her 3 days of relaxation.

Lumabas siya sa porch ng villa at saktong padaan doon si Mang Kiko. Nakita siya nito at kumaway.

“Musta na sir?” tanong nito.

“Ayos na po. Ah eh. Mang Kiko pwede ho ba patulong ako?” nahihiyang tanong niya.

“Sige sir! Ano po ba yun?” tanong nito.

“Eh kasi di ko po masalin sa planggana yung tubig na kumulo.” sabi niya.

“Ganun ba? Sige po. San?” pinapasok niya si Mang Kiko sa villa and ushered him to the kitchen. Sinalin naman iyon ni Mang Kiko sa nakaready na planggana. Tapos dinala na niya ito sa sala at saka na inalalayan si Elmo sa pag-upo.

“Thank you po, Mang Kiko.”

“Wala ho yun sir. Eh nasan po ba yung mga kasama niyo?” tanong nito.

“Ah eh. Nag-eenjoy po sa labas.”

“Ganun ba?”

“Ano kasi eh. Ah…”

“Pinaalis mo sila sir no?” tanong nito sa kanya. He nodded slowly at saka natawa ang matanda.

“Sinabihan ko lang naman po si Julie na baka mamiss niya lahat ng kasiyahan sa beach eh. Ayun.”

“Nako sir. Maling-mali yan. Hindi mo dapat tinaboy si Miss Ganda. Nako.” iiling-iling na sabi ni Mang Kiko. “Baka mabasted ka niyan sir.” dagdag nito.

“H-hindi naman po siguro.” sabi niya. “Napansin ko lang kasi kanina na nanahimik si Toffer nung inasikaso na ako ni Julie.”

“Eh ayos lang yun sir! Wala naman karapatan yung amo ko sa kanya eh. Ikaw po, meron. Tsaka bakit mo naman itataboy ang taong mahal mo diba?”

*****

“Bwiset talaga. Pakshet siya.” she muttered.

“Oh. Bakit anditey ka?” Sef asked her nang makalapit siya sa kanila sa snack bar.

“Tangina ng pinsan mo Maqui ha. Tangina talaga niya.” she said.

“Hahaha. Bakit? Ano nanamang ginawa ng gago kong pinsan sayo?” Maqui asked sabay inom sa shake niya.

“Bitin nanaman girl? Sakit sa puson?” Sef kid.

“Gago hindi.” Julie said. “Tangina siya na nga inaalagaan siya pa nananaboy. Gago pala talaga siya eh!” she said.

“Chill ka lang pwede? Alam mo kung bakit ganyan yan?” Maqui asked her.

“Bakit?” she asked.

“Nagseselos yan eh. More ka pa kasi girl sa dikit kay Toffer. Kaloka ka. Akala ko ba itetest mo lang siya? Eh first day pa lang naman natest mo na eh. Obvious naman sa kanyang he’s jealous. As in head over heels jealous, nag-uumapaw pa! Oh tas ngayon na nagkakaganyan ever ang mokong na yun, nag-aalburoto ka over there?” her bestfriend said.

Hindi naman nakakibo si Julie sa sinabi ni Sef. Tama naman kasi ang bestfriend niya. She was the one who wanted to make Elmo jealous pero parang masyado niyang naenjoy ang pagselosin ito.

“Julie, we all know that Elmo likes you. Hell, he’s head over heels in love with you. Pero wag ka papakampante that he will stay in love with you. Baka magulat ka na lang na one day he’ll fall out of love at baka hindi na siya bumalik.” Maqui said. “Alam kong gago ang pinsan ko for playing with your feelings dahil alam naman nating lahat na magulo utak niya. Alam nating lahat na hindi siya sigurado sa pagkalalaki niya pero sa nakikita ko sa inyo ngayon, ako na nagsasabi na oo. Lalaki nga siya. Hindi siya confused, hindi siya silahis. Lalaki ang pinsan ko and he loves you a lot.” she added.

“And isa pa girl, nakita mo ba mga tingin niya sayo? Ang eyes twinkle twinkle little star, bff. At kulang na lang literal na matunaw ka sa mga titig niya. Hay! Haba ng hair mo girl naloloka beauty ko sayo!” sabi naman ni Sef.

“Ewan ko. Ang gulo niya. If he’s jealous, he should always want me to be by his side. Dapat aagawin niya ang attention ko. Dapat aangkinin niya ko. Hindi yung tinataboy niya ako.” she said. Maqui and Sef shrugged as they both sip from their fruitshakes. “And if he really is in love with me, day one pa lang natin dito hindi na niya hinayaang may makalapit sa akin.”

*****

He walked with Mang Kiko towards the beach. Plano sana niyang magsorry na kay Julie. Natauhan na kasi sa mga pangaral ni Mang Kiko.

“Sir, halata ko kay Miss Ganda na pinagseselos ka lang niya. Ginagamit niya ang amo ko para dun at kung ganyan ang iaasta mo lagi, sir. Na lagi mo siyang itataboy palayo ay baka mahulog na ng tuluyan ang loob niya sa amo ko at mawala ang tinatago niyang pagmamahal para sa iyo.”

Kanina pa paulit-ulit ang mga sinabi ni Mang Kiko sa kanya. It’s as if it was recorded at nakaplay iyon sa utak niya.

“Ayun ang nga kaibigan niyo sir oh.” he woke up from stupor nang marinig ang boses ni Mang Kiko.

Tumingin siya sa tinuturo nito and saw his friends sitting by the snack bar. Nagkkwentuhan ang mga iyon. Napatingin sa gawi nila si Sef and waved at them.

“Mang Kiko, salamat po sa pagsabay sa akin ha. Punta na po ako dun.” pagpaalam niya.

“Sige ho, sir. Yung sinabi ko sir ha?” natawa si Elmo tsaka na tumango at ika-ikang lumakad papunta sa snack bar.

Hindi pa man siya nakakalapit sa kanila ay nakita na niya how Toffer sat beside Julie sabay akbay pa sa dalaga. He watched the two as Julie smiled at Toffer. Sinubuan pa ni Julie ng fries si Toffer na lalo namang nagpainit sa ulo niya. Instead of walking up to them ay tumalikod na lang siya and walked away from them.

“Elmo!!” narinig niyang tawag sa kanya ni Maqui. Napalingon siya and paused so that she could catch up with him. “San ka pupunta?” she asked.

“Uhm ano… Babalik na ko sa villa kasi… K-kasi ang sakit na ng paa ko eh.” he said.

“Wag muna. Tara muna dun, kain ka then we’ll have the bonfire later. Halika na.” she said and helped him walk back to the snack bar.

“Oh. Balak pa umescape friend? Lafang na ditey.” Sef told him.

“Ang sakit na kasi ng paa ko. Ang layo ng nilakad namin ni Mang Kiko eh.” he explained.

“Naging close kayo ni Kiko ah.” he heard Toffer said.

“Mabait naman siya eh.”

“Employees are not allowed to talk with our guests.” sabi nito. Nanliit ang mata niya sa sinabi nito.

“Oh? And what will you do if they talk to your guests? Tatanggalin sila sa trabaho? Isn’t it enough that he had to work for you habambuhay para bayaran ang utang ng tatay niya sa tatay mo tapos pati kalayaan nila ipagkakait mo pa?” Elmo said.

“Wala kang paki how I run this resort. Ako ang may-ari nito at guest ka lang!” sigaw ni Toffer. Napatingin ang ibang nandun sa kanila.

“Guest lang ako but I paid for my stay here. Kung tutuusin kaming guests ang dapat pinapakinggan dito at hindi ikaw dahil kung wala kami, lulubog ang negosyo mo.” Elmo said.

“Pwede ba tumigil na kayong dalawa?” pigil ni Julie sa kanila. “Elmo, lumayo ka muna. Magpalamig ka ng ulo mo.”

“Ge. Kampihan mo yan. Magsama kayo!” he yelled at her. Nanlaki ang mata ni Julie sa narinig niya. Agad namang naglakad palayo si Elmo sa kanila. Badtrip na badtrio siya.

“Elmo!!” narinig niyang sigaw nina Sef at Maqui. They ran after him at saka siya pinigilan ng dalawa.

“Uy.” tawag ni Sef.

“Leave me alone.” tipid na sabi niya.

“Alam mo, hayaan mo na muna sila. Hindi namin alam kung bakit nag-aaway kayo ni Toffer pero wag mo na siyang pansinin. Alam naman namin na that guy does have an attitude. Kaya relax, cousin.” sabi ni Maqui sabay tapik sa pinsan.

“May attitude talaga. And I have no idea why Julie liked that moron.” he said bitterly.

Umupo sila sa buhanginang tatlo and watched the sunset. Walang nagsalita sa kanila. They all know that Elmo needs this moment of silence. Feeling niya kasi ang haba-haba ng araw na ‘to. Ang daming nangyari. And as they watched the setting of the sun, ay parang naramdaman niya na ang pagod. Physically, mentally and emotionally.

“Maq!!” napalingon sila nang marinig ang boses ni Julie.

It was dark already at tanging ilaw na lang nila are the torches lined up along the shore. Wala na din tao sa beach maliban sa kanilang grupo. Nakita nila na nagseset-up na si Toffer at ang kapatid nito sa bonfire nila.

“Mukhang magbobonfire na.” mahinang sabi ni Sef. “Are we gonna join them?” he asked.

“Kayo na lang. Ayoko muna sila makasama.” he said.

“Ano ka ba. Wag kang ganyan. You have to show them na di ka affected sa kanila no.” Maqui told him. Inakay na siya ng dalawa and they walked towards Julie na kanina pa naghihintay sa kanila.

“Tara start na daw ng bonfire.” she said excitedly. “Zig bought beers.” she added. Tumango na lang sila Maqui at Sef.

They all sat around the bonfire. Nakaupo sa isang log si Elmo while Maqui is on his left and Zig on his right. Si Sef naman ay katabi ni Maqui sa kaliwa niya and Julie is on Sef’s right side at syempre katabi ni Julie si Toffer.

“Let’s play a game!” Sef suggested.

“Ano namang game?” Maqui asked him.

“Lookie!!” he said sabay pakita sa kanila ng phone niya.

“Truth or Dare?” Julie asked. “That’s like what? Highschool days?” natawa pa ito.

“KJ ka lang eh.” asar ni Sef sa kanya. Binelatan niya ito saka na nilapag ni Sef ang phone niya sa lap niya. “Gameness!” and he started shaking his device.

“MAQUI!!!” sigaw nila except Elmo. He remained quiet as the game goes on.

“Gora na girl. Truth or dare?” Sef asked.

“Hmmm. Truth!” she said.

“Tss. Corny ever mo. Sabunutan kita eh.” Sef told her at tinignan pa siya ng masama.

“Truth na bakla! Daming arte oh. Ikaw ba tinatanong? Ha?” sagot naman ni Maqui.

“Fine whatever.” Sef said. He pressed the TRUTH button and waited for Maqui’s question. “Question! Would you prefer to date a guy who’s ugly and rich or attractive and poor?” Sef read the question out loud.

“Someone attractive and rich!” tumatawang sagot ni Maqui.

“Gaga! Bawal yun!” ani Sef. Nagtawanan naman silang lahat. “Dali sagot!”

“Fine! Someone ugly and rich.”

“Why?”

“Simple! Aanhin mo ang gwapong mukha kung wala namang anda?” she replied. Binatukan naman siya ni Sef.

“Gold digger!” asar ni Sef saka pa tumawa.

“Gago! Ako naman!” Maqui said saka na kinuha kay Sef ang phone niya.

“TOFFER!!” sabay-sabay nanaman nilang sigaw.

“Alright. Truth!” sabi ni Toffer.

“My god! Why are you guys so corny?! Kajirits kayo ha. Isang magtruth pa ditey, susunugin ko kayo!” angal ni Sef.

“Magtigil ka nga!” saway ni Maqui and pressed the TRUTH button again. “Okay. Toffer, here’s your question: What is your best physical feature?” she asked.

“Hm. I think it’ll be my abs.” he confidently said sabay tingin pa kay Julie. Elmo scowled saka pa nagkunyaring kumakain ng chips.

Pinasa na kay Toffer ang phone ni Sef. Inalog niya ito and they all waited for the next player.

*****

Kanina pa pansin ni Julie na nabubwiset na si Elmo. Hindi niya alam kung bakit ito nakabusangot pero ayaw din naman niyang tanungin ito. Mamaya kasi itaboy nanaman siya so she just pretended to enjoy the game.

“ELMO!!” their friends yelled nang tumigil ang pag-ikot ng virtual roulette.

“Truth.” simpleng sagot ni Elmo.

Pinagmasdan siya ni Julie while she waits for her marshmallow to roast. Nakatingin lang si Elmo sa apoy na nagsasayaw sa harap nila as if he can’t see her. Na parang hindi sila magkatapat.

“Hep! Bakla alam ko aangal ka. Wag na. Injured si dearest cousin.” pigil na agad ni Maqui. She shifted her gaze at the 2 tsaka napatawa. Lahat na lang kasi ng pumipili ng truth ay binabara ni Sef.

“Di naman umaangal girl. Knows ko namang injured si Moks.” he said. “Gora na. Anetch ang question?” he asked Toffer.

Binasa ni Toffer ang tanong sa phone ni Sef and Julie shifted her gaze back at Elmo. She unconsciously removed the marshmallow from the fire at saka na ito nilapit sa bibig niya.

“Have you ever kissed a guy/girl?” he asked.

“Yes.” sagot ni Elmo.

“A guy or a girl?” Sef asked.

“A girl.” Elmo said as he looked straight into Julie’s eyes. Nadikit naman ang mainit na marshmallow sa labi ni Julie kaya siya napasigaw.

“Ouch!!” she cried. Napatingin naman lahat sa kanya.

“Oh! Are you okay?” Toffer asked saka pa hinipan ang labi ni Julie. “Ayos ka lang?” he asked again. Tumango naman si Julie pero nakatingin pa rin siya kay Elmo. Nag-iwas naman agad ng tingin ang binata.

“I’m okay. Medyo napaso lang.” sabi niya.

“Sure ka ha?” Toffer asked. She nodded at saka na umupo ng maayos. “Uhm. N-next player.” sabi niya.

Pinasa na kay Elmo ang phone at saka na niya ito inalog.

“Okay!! Zig!” sigaw nila Maqui at Sef na halatang enjoy na enjoy sa ginagawa nila. The two looked at Julie after Elmo answered the question at nginitian siya ng mga ito ng nakakaasar kanina.

“Dare!” Zig said.

“Hallelujah!! Finally may pumili din ng dare.” sabi ni Sef.

“Uhm… It’s an open dare.” Elmo read what’s on the screen. Ngumiti sina Maqui at Sef.

“Gora ka muna over there, Ziggy boy. We’ll call you when the dare’s ready.” ani Sef. Tumango naman si Zig and walked a few meters away from them.

“Game. Anong dare natin sa kanya?” Maqui asked them.

“Hm. Toffer, ano bang hatest gawin ng brother mo?” Julie asked.

“He hates dancing. As in ayaw niya kasi parehas daw kaliwa mga paa niya. Hahahaha!” tawang-tawang sabi ni Toffer.

“Okay. Pasayawin natin.” palakpak ni Maqui.

“But with a twist!” Sef added. “Sasayawan niya ang unang makita niyang dadaan dito.” he said.

“Hahaha. Sige girl! Bet ko yan!” Maqui agreed at nag-apir pa silang dalawa. Natawa na lang sina Julie at Toffer. She took a quick glance at Elmo and saw him staring into space. Tulala nanaman ito.

“Tawagin mo na siya, Moe.” utos ni Maqui sa kanya.

“Ha? Sino?” Elmo asked, absent-mindedly.

“Si Ziggy boy.” she replied. Tumango na lang si Elmo and yelled Zig’s name tsaka na ito kinawayan na lumapit sa kanila.

“Game!” Zig said.

“Okay. Here’s your dare. Sasayawan mo kung sino ang unang dadaan dito sa beach. Be it a staff or a guest. Basta kung sino ang makita mong maglakad dito, lalapitan mo at sasayawan.” Maqui said.

“Whaaaaat?!!” gulat na tanong niya. “No way!” angal nito.

“Sasayaw ka o itatapon ka namin sa dagat?” banta ni Sef. Tumawa naman sina Maqui, Julie at Toffer.

“Go na, tol. Sasayaw lang naman eh.” sabi ng kapatid niya. Zig rolled his eyes tsaka naghintay sa unang taong maglalakad sa beach.

“Ayun! Ayun!” masayang turo nina Maqui at Sef. They all looked at where they’re pointing at at saka naghagalpakan sa tawa.

“NO WAY! NO WAY!” reklamo ni Zig.

“Go na!!” tumatawang sabi ni Toffer. “Si Kiko lang naman yan!” he said.

“Tangina tol ha. Susumpa kita. Babawi ako sayo mamaya.” sabi niya sa kapatid niya sabay lakad palapit kay Mang Kiko.

Halatang nagulat ang matanda nang lumapit sa kanya si Zig at sumayaw sa harap niya. Tawa naman nang tawa ang magkakaibigan. Zig’s face was beet-red nang magmartsa na siya pabalik sa kanila.

“Ano pre, namatay ka ba?” Toffer asked.

“Ikaw mamamatay saken mamaya.” banta nito sa kanya. Padabog na umupo si Zig and shook the phone harshly.

“Ay! Ang phone ko!” sigaw ni Sef.

“Hahaha. Chillax, bff.” Julie told him.

“Julie, ikaw na!” Zig said at saka pinakita kay Julie ang phone na may nakalagay na pangalan niya.

“Okay. Dare ako!” she said.

“Yan gusto ko sayo bff eh. Tapang ha!” sabi ni Sef sabay high-five kay Julie.

“Yun oh. Hahaha.” natatawang sabi ni Zig after he read the dare.

“What is it?” Maqui asked.

“Ehem. Eskimo kiss with the player of your choice! Hahahaha.” sabi ni Zig.

“Ooooh. This is interesting.” sabi ni Sef habang tumitingin sa kanya at pumapalakpak pa.

Julie heaved at deep sigh tsaka na niya ginawa ang dare.

*****

He stood up kahit pa masakit ang paa niya. He wanted to get out of that place. Hindi na niya gusto ang nakikita niya.

“Elmo!” tawag sa kanya nila Maqui at Sef but he continued walking.

He walked limply back at their villa at padabog na sinara ang front door. Wala siyang paki kung mabulabog ang ibang guests sa kabilang villas.

“Nakakapagod ka, Julie…” sabi niya habang nakaupo sa couch.

He remembered the look on her face as she rubs her nose with Toffer’s. Alam niyang laro lang yun pero hindi niya maiwasan ang hindi magselos. And why wouldn’t he be jealous? Si Julie ang usapan dito. Hindi pa sila but he is claiming her already. Inaangkin na niya iyon. Pero parang ayaw naman ni Julie. Parang di naman talaga siya gusto nito. Bakit? Dahil ba magulo ang isip niya? Dahil ang iniisip pa rin ni Julie ay bading siya? Hell no! The moment he asked her na manliligaw siya ay sigurado na siyang lalaki siya. Sigurado na siya dahil si Julie lang ang nagbigay sa kanya ng kakaibang feeling. Pero ano na? Ano na ang mangyayari? Julie seems to like someone. Someone who’s not him.

“Sir, kapag nagkagusto si Miss Ganda sa amo ko, sigurado akong di mo siya makukuha ulit nang walang laban. Matigas ang puso ng amo ko sir. Kahit hindi siya ang nauna, aangkinin niya kung ano ang gusto niya. Kaya sir, bantayan mo si Miss Ganda. Baka mahulog siya sa patibong ni Sir Toffer.” he remembered Mang Kiko’s words. Napabuntung-hininga siya at saka napasandal at napapikit.

He saw Julie’s face the moment he closed his eyes. Nakangiti ito. Yung ngiting gustung-gusto niya. Yung ngiting minahal niya. Pero habang tumatagal ang pagpikit niya, her smile changed at nakita niyang umiiling ito. Bigla niya namang nakita ang mukha ni Toffer and saw how Julie went to him and kissed him. Bigla siyang napadilat. Ayaw niya sa nakita niya. Ayaw niyang mapunta si Julie kay Toffer. Nauna siya kay Julie at siya lang dapat ang para kay Julie. Kahit na bipolar ito, kahit na lagi siyang minumura at inaaway nito, kahit napapagod na siyang suyuin ito. Sila pa rin dapat sa huli.

“Nakakapagod ka pero mahal na nga ata talaga kita.”