kayo na lang kaya

anonymous asked:

hindi ako bitter no mayabang lang talaga kayo hahahaha!

Sino kaya yung mayayabang na sinabing makakapasa daw sila ng upcat? easy daw. balita ko hindi kayo nakapasa? totoo ba? 

Kung ako ay mawawala/wala na.

  • Gusto ko, lahat kayo may kape o sopas man lang o kaya candy habang nasa lamay ko. (atleast kahit sa lamay ko, hindi ko kayo ulit pinabayaan)
  • Gusto ko may isang tutugtog kahit gitara at kakanta sa barkada kahit sino pa ‘yan.
  • Gusto ko kapag nagkita-kita kayo sa lamay ko, nakangiti kayo kasi nagkita kayo/tayo ulit, mga kaibigan.
  • Tangina uminom kayo, yun lang kahit isang beer lang, masaya na ako, please lang.
  • Gusto ko tumingin kayo sa hinihigaan ko, kasi pucha, yun na yung huli niyo kong makikita ulit, demanding ako pero gusto ko makita niyo make-up sakin kung maayos ba o hindi. hahahaha
  • Gusto ko yung mga mag-kakaaway, mag-bati na at bumalik na sa dati, lalo na yung mga mag-kakaaway na ppunta sa lamay ko.
  • Pa-request ako sa tumutugtog at kumakanta, Himig ng Pag-ibig.
  • Gusto ko ayusin niyo na sarili niyo, kung nawawala kayo sa landas mga kaibigan, pilitin niyong ayusin, huwag masyadong madepressed at umiyak sa isang tabi. Tumayo kayo, lumaban, mag-saya dahil nabubuhay pa kayo!

umiibig-din-ang-alien  asked:

Umiibig.

Para sa mga taong umibig at nasaktan
Para sa mga taong malungkot dahil iniwan
Para sa mga taong umiibig pero bawal
Para sa mga taong nasaktan pero pinili parin magmahal

Isang salita, saludo
Biyaya ang mga tulad niyong kung magmahal ay totoo
Bihira na lang ang mga tulad niyo
Kaya salamat dahil kayo ang inspirasyon ng mga taong tulad ko

Mahirap
Masakit
Nakakawarak
Mga salitang mararanasan ng isang taong nagmamahal.

Pero hindi kayo nagpadala sa sakit
Umiibig parin kahit mapait
Umaasang ang pag-ibig ay maibalik
Na isang araw magising nang may malalaking mga ngiti

Tropa: oyy nagtatampo ako sainyo
Me: alam ko, bakit?
Tropa: wala pala kayong pasok nung sunday pero hindi kayo pumunta. Daya eh

Ayoko sana iexplain, kaya lang, nabring up na ‘yung topic haha. Ayoko na talaga ineexplain ‘yung sarili ko eh. Pakiramdam ko sayang sa oras. Alam ng mga kasama namin gaano ko/namin kagustong umuwi para makapunta sainyo. Alam nila kung gaano ako/kami naiinis sa center na sinabing may pasok tapos wala naman pala. Pero kailangan ko pa bang sabihin 'yun? Tapos pagdating namin, puyat, pagod, tapos hindi kami papansinin. Alam niyong ayokong pinagsisiksikan 'yung sarili ko sa taong ayaw sakin. Di niyo kami pinapansin pero nakikitawa padin kami kahit mukhang tanga kami. Kung nagtatampo kayo, grabe 'yung sama ng loob ko, pero may narinig kayo? Tumahimik lang ako. Yaw ku na. Masakit eh.

anonymous asked:

Pwede na ba ko magpaligaw sayo? ^____^

Ano ba mga atesiiii ligaw kaagad? Ganyan na ba kayo? Agad agad? Gusto ko marelax man lang kaya nga pinili kong mag-isa eh haha. chillllllllll. Sino ba ‘to? gad hahahaha

Nakakagigil minsan yung mga biglaan mong malalaman. Ayun yung masakit, yung pinaniwala ka sa isang bagay na akala mo hindi niya magagawa. Tapos kung hindi mo pa tinanong hindi mo pa malalaman yung katotohanan. Yung point na kailangan pa magsinungaling para lang mapagbigyan ng pagkakataon yung iba. Sana sa mga taong pumapasok pa sa relasyon nang may relasyon. Mahiya naman kayo. Hindi biro ginagawa niyo kasi may mga tao kayong nasasaktan. Hindi niyo alam yung pinagdaanan ng mga ‘yan tapos bigla kang papasok?

Nakakapagod magpatawad at masaktan. Kaya sana naman mag adjust kayo at humanap na lang ng iba.

Please lang.. Huwag mo agad ilibing yung taong ang tagal ng panahon bago naibangon yung sarili niya.

Tatlong Hakbang sa Pagmomove-on.

Ayun nagmessage saken si paralumanstreet at tinanong ako kung paano ang ginawa ko para maka move on. May tatlong hakbang akong ginawa para makamove on.

  • Una, ang PAGTANGGAP. Tanggapin ng maluwag sa loob na wala na talaga, wala na kayo, hindi na pwedeng ibalik kasi magkakasakitan lang kayo. Tanggapin mo na kaya may mga bagay at relasyong nagtatapos kasi hindi yun ang nakatadhanang magtagal. Tanggapin mo na hindi kayo ang para sa isa’t isa. Pwede siyang maging lesson sa buhay mo o’ ikaw ang maging lesson para sa kanya. Kapag natanggap mo na, diyan na papasok ang ikalawa, ang PAG BITAW
  • Ang PAG BITAW, hindi ka naman pwedeng bumitaw kapag hindi mo pa tanggap ang sitwasyon, kapag hindi mo pa tanggap ang nangyari sa inyo at kapag hindi mo pa tanggap ang kinahantungan ng relasyon niyo. Bibitaw ka sa mga alaalang pinagsaluhan niyo, mga matatamis at hindi makakalimutang sandali. Bibitaw ka sa mga pangakong pinangako niya sayo. Bibitawan mo na siya dahil bumitaw na rin siya.
  •  At ang pangatlo, ang PAG-USAD. Kapag nabitawan mo na, diyan ka na magsisimulang maka-usad, yung dahang-dahang pag-usad. Kung hindi mo bibitawan ikaw lang ang mahihirapan, parang naglalakad ka sa gitna ng kawalan na may kadena yung mga paa mo, hindi ka makalakad ng maayos, may sagabal, may pabigat. Kaya kailangang bumitaw para maka-usad ng maayos. Makausad ka sa lugmok na sitwasyon mo, makausad sa lungkot, sa sakit, sa hapdi. Hanggang sa isang araw hindi mo namamalayan na ang layo na pala ng inusad mo, anlayo na ng narating mo. Hanggang sa masasabi mo sa sarili mong “OKAY NA AKO.” :) 
heneral luna UP Diliman professors au dahil isa akong makasalanang nilalang at wala akong buhay

(Dahil isa akong malaking supot ng basura at wala akong buhay. Hello, @dettsu. Ayan na pinost ko na.

Susulat na lang ulit ako ‘pag may nanghinging ituloy ko ‘to. Padayon.)


“Profs to Pick? Ano ‘yun?”

“Nakupo. Paano ka kaya makakasurvive niyan sa UP? 'Tol, essential na malaman mo yung Profs to Pick kapag pre-enlistment. Pero dahil tapos na at wala kang alam… Good luck.”

Tinitigan ni Joven ang bagong print niyang form 5 nang may pangamba. Nakisilip si Manuel.

“Akin na nga, patingin ako,” sabi ng kaibigan niyang nakatatanda sabay hablot sa papel.

Luna?! Para sa PE2?! Magmamarksmanship ka? Tsk, tsk, tsk. Shet. Good luck talaga.”

Nagtanggal ng salamin si Joven at nagkusot ng mata. “Bakit, anong meron kay Luna?”

Ngumiti nang nangungutya si Manuel. “Wala naman. Magaling siya. Matalino rin. One-of-a-kind. Kaso… Terror. Pinakaterror sa lahat.”

Namutla ang freshie. “T-Terror?” Malimit niyang tanong.

“Oo, may mga terror na nakakalat dito’t diyan sa UP. Pero dahil may Luna ka na, ipagdasal mo na lang na mabuti yung mga nasa natitira mo. Lalo na sa Kas1. Hindi naman sa terror pero may prof daw do'n na dinadarts lang yung grades mo. Tapos may isa na…” Tuloy sa pagdada ang kaibigan, at napaurong na sa pag-iisip niya si Joven.

‘Nay, sana yata nag-Ateneo na lang ako, munting dasal niya.

“…pero may isa doon na mabait daw. Alam mo yun, mukhang terror pero matino magbigay ng grades tsaka hindi naman pa-major o ano. Sana mga gano'n yung makuha mo. UY! Si Mabini yung nakuha mo sa PolSci!”

“Ah, oo. Hindi ba siya yung nasa TV madalas?”

Patuloy ang kwentuhan ng dalawang Iskolar. Bukas makalawa ay pasukan na.

Keep reading

  • Yung feeling na hindi kame but we're acting as one?
  • Yung feeling na ang sweet sweet niyo pero hindi kayo?
  • Yung feeling na nagsasabihan kayo ng iloveyou sa isa't-isa?
  • Yung feeling na wala kang karapatang mag selos kasi nga hindi kayo.
  • Ang tawag daw dito ay "MU" (Mutual Understanding) Eto yung hindi kayo pero parang kayo. Masaya tong part sa love kasi malaya ka. Malaya kang gawin ang lahat ng mga bagay na gusto mong gawin. Tapos bago ka matulog may matatanggap ka na goodnight, sweetdreams tapos sa umaga naman goodmorning, kumain kana? Tapos pag tuwing oras na ng pagkain may mag papaalala sayo na "Uy, wag ka ngang magpapagutom, kumain ka na" May nag babawal sayo na gawin ang mga bagay na hindi tama kasi ayaw ka niyang masaktan. Minsan nga may tawagan pa kayo sa isa't isa. Minsan ang sweet niya at ganun ka rin sa kanya pero laging may tanong na nakakagulo sa isip. "Seryoso kaya siya?" O tamang trip lang. "Kayo na ba?" O gusto niya lang ata maging masaya? Minsan nga nangugulet pa siya kasi daw namimiss ka niya. Ayiee! Hahahaha. Yung laging buo ang araw mo pag kausap mo siya. Pero dadating ka din sa point na hindi kana niya kailangan, yung tipong hinihintay mo yung iloveyoutoo niya. Pero sawa na siya! Kase marami ng nagpapasaya sa kanyang iba
Now That Your ZAMBALES That I Used to Know...

Anawangin is a crescent shaped cove in San Antonio, Zambales, It is famous for its lush pine forest surrounding its white-sand beach and crystal clear waters. Astig right? ( Googled para kunwari hardcore travel blogger. )

Noong una, kala ko sobrang edited lang ng ibang pictures na nakikita ko sa internet kaya nagmukhang maganda ang Zambales. Pero nung andun na ako mismo, napa “Wow shet! Parang nasa New Zealand ako!!!”. 

Kulang na lang gampanan ko yung role ni Maria sa “The Sound of Music” with mash-up ng “Let It Go” pero nagmukha lang akong gutom na scarecrow. 

This was taken at Capones Island since ang first activity  namin for the day was island hopping. At yung tower na nakikita mo sa likod ay ang ice castle ni Queen Elsa.

Charing! Lighthouse yan!

Almost 1 hour din yung itinagal namin dito sa Capones. Muntik na nga kaming iwan ng tour guide dahil bawat hakbang namin, sumelfie na kami ng sumelfie. Sobrang init pero buti na lang nakasunblock ako with  SPF 50++ Ready yata to. =)

Medyo mahaba habang boat ride din yun bago kami nakarating sa Anawangin Island. Ang tutuluyan namin for 2 days and 1 night.

Ganyan talaga yung kulay ng dagat and sobrang linaw sa personal. Mas malinaw pa sa pag-iisip ng ex mo. At mas berde pa sa isip ni Mang Kanor. Srsly.

Sabi nila, may halong lahar daw ang buhangin dito kaya sobrang fine. Syempre malapit lang sa Mt. Pinatubo kaya hindi imposible yun. Sobrang sarap ding magswimming kase anlayo layo mo na pero ambabaw pa rin ng dagat. Eh hindi ako marunong lumangoy kaya advantage yun sakin. Nakakalungkot lang dahil hindi ko natagpuan yung jellyfish na kumagat kay Anne Curtis. Magpapakagat din sana ako dahil gusto kong simutin ang DNA ni Anne.

Ang lakas lang maka camp site nung nakita ko yung tutuluyan namin. May tent kasi tapos puro pine trees. Wala kasing ganito sa hardin namin kaya tuwang-tuwa ako. Tska perstaym kong makakapasok sa tent. Ganun pala yung feeling. Pramis. =) 

Walang wifi at signal. Wala ding kuryente. Bonfire lang. Pero buti na lang may powerbank ako. ( Kaya bili na kayo, nagbebenta ako sa Fb. Meron ding monopod, shutter at clip lens. PM me for those interested. hahahaha! #segue )

Medyo malamok sa gabi. Wala ding bilihan ng pagkain kaya namalengke muna kami sa bayan bago pumunta dito. Then ayun, hanggang dito sa Zambales, de lata pa rin ang ulam ko. Kaya paano ko mamimiss ang bahay namin di ba? Pero okay pa rin naman. Exciting. Kase, hindi mo usual na ginagawa. Lalo na yung mag-ihaw ng hotdog tapos masusunog lang. ( t*ng-inuuhh)

Day 2. Ang aga lang naming gumising. Mountain trekking agad-agad. Actually, dalawa lang naman yung dahilan kung bakit pinilit kong umakyat. (1) Gusto ko magselfie sa taas (2) Baka sakaling maburn yung fats ko sa tiyan pag nag-akyat baba ako ng 100x

Natupad ko naman yung unang purpose ko. Selfie sa tuktok ng bundok. Check! Pero ang pinakamasakit na part, di ko natupad yung pangalawa. Andito pa rin ang beer belly ko. Bakit ganunnnnn…

Yung parang naging kasing babaw na ako ni Kris Aquino dahil lahat na lang ng view sobrang nagandahan ako. Pero seriously, ang epic nung part na halos tanaw mo lahat.. Lahat-lahat…maliban sa mga pangarap mo. huhu

So far, “ito na yung pinakamagandang summer experience ko”. Bale sinabi ko din yata ito dati nung nag travel ako sa Ilocos last year. Pero hindi ko maiwasang sabihin ulit kase sobrang nakakaamaze lang kapag napupuntahan mo yung mga lugar na sa picture mo lang nakikita at napapatunayan mo mismo sa sarili mo na sobrang ganda pala talaga dito sa Pilipinas. Walang halong biro. =)

Thank you Zambales. Babalik ulit ako dito. =)

Cute couples are like this.
Her: Ano ba yan nakakainis.. hindi man lang nya ako yakapin..hayst.
Him: Magkatabi kami ngayon. Hindi ko pwedeng ipahalata na masaya ako.
Her: Nakakatampo. Hmp.
Him: Kahit gusto ko syang yakapin, kailangan kong pigilan.
Her: Kung ayaw mo kong yakapin, ako yayakap sayo.
Him: Nag-tulog-tulugan.
Her: Aha. ayan mayayakap na kita. mwa
Him: Pasaway talaga to.
Her: I love you.
Him: Tulog na kaya sya?
Her: ZzzZZzz..
Him: Tulog na. mwa. I love you.

Ang mga babae kapag inlove, gusto nila palaging sweet.. palaging masaya.. palaging memorable. Madali kaming magtampo sa maliliit na bagay. Konting ganito lang, nalulungkot na kami. Konting ganun lang, nasasaktan na kami. Gusto namin palaging nararamdaman na mahal kami. Dapat laging may kiss.. yakap.. holdinghands. Nagdududa na kami agad kapag hindi nyo ginagawa yun. Pakiramdam namin nanlalamig na kayo. Para kasi sa amin madali lang gawin yung mga bagay na yun, kaya walang dahilan para hindi nyo gawin. Lalo na kung mahal nyo talaga kami. Gustong-gusto namin yung feeling na safe kami dahil sa lalaking mahal namin. We act like a kid but it doesnt matter as long as were happy being like that.

Ang mga lalaki laging pa-cool. Kahit inlove sila sa babae, mahirap para sa kanila naipakita yung gay side nila. Yung iba kahit kinikilig na, todo tago pa rin ng nararamdaman. Bihira mo silang makitang sobra kung tumawa. Madalas mo silang makitang pa-astig kung magsalita. Hindi sila mahilig mag-i love you. Hindi sila mahilig umarteng parang bata. Kapag sweet yung babae, kahit gustong-gusto nila yun.. kunware ayaw nila. Pero kahit ganun sila, deep inside sobrang mahal nila yung babae. Loyal sila dun. Wala silang ibang babae na gustong makasama. It looks na hindi nya talaga mahal yung babae, pero ang totoo.. sya lang yung babaeng minahal nya ng ganun.

Panghihinayang.

Bakit ka manghihinayang sa relasyon niyo kung siya na ang nag desisyong tapusin ito? Hindi ba’t dapat siya ang manghinayang dahil iniwan niya ang taong handang mag alaga sa kanya? Hindi ba’t siya ang dapat manghinayang dahil pinakawalan niya ang taong may sobrang pagmamahal sa kanya? Wag tayo manghihinayang kung wala naman tayong kasalanan. Hayaan mong sila ang mag sisi. Tandaan mong ginawa mo lang ang parte mo bilang isang gf/bf sa inyong relasyon. Na sinayang lang nang isang taong hindi alam ang salitang pagmamahal.

Minsan nakakaloko ang mga taong ito. Porket mababait ang mga taong mas higit na nagmamahal eh sinasamantala na nila o kaya naman eh inuuto. At syempre, etong mga sobrang nagmamahal eh mauuto. Malay ba nila diba? Ang gusto lang naman nila eh mahalin pabalik. Kaso minsan ang katotohanan eh andyan lang sila kasi may nakukuha silang benefit sayo. Habang sila landi na ng landi ng iba habang kayo pa. Kaya mas mabuti na lang yung maaga pa lang eh nawawala na siya sa buhay mo.

Tandaan mo. Kung mahal ka talaga ng isang tao? Hindi niya gagawin ang mga bagay na ikakalungkot mo.

Nonsense thoughts kasi hindi ako makatulog. I just wanna say "Hi!" na din sa inyo.

Ako si batangporn. Isang simplengbaliwww at angbabaengmoody 
ng Bacoor. Well, itsthenewversionofme kasi and I’m abovenormal just so you all know. babaengflatchested ako pero hindi naman ako naiinis kasi tanggap ko naman. Hindi naman ako gaanong babaengforeverbitterkahit na ako yung babaengiyakinatmadrama pero madalas ako yung babaenglaginggutom. Hindi ako anaknghari. B ang blood-type ko. Malungkot ang buhaydalaga at buhaybinata pero minsan mahirap din ang buhaytaken. Alam nyo bipolarsiako minsan batangiyakinnnnn. Ako ay bloggerminsan, minsan lang naman. Ako yung chicks-na-may-girlfriend dati, ngayon kasi dalagangchixx na ulit ako. Nakakita na ba kayo ng dahongkulaygreen? Ako din eh, Galing noh?! I crey T_T Wala akong diarynapangit kasi diaryngbaliw at diaryngpayatot lang ang meron ako and it’s the differentsideofmeeeeee naman. Kilala nyo ba si dyosangiyakin / dyosangmadrama? Hindi sya yung dyosangmgapatatas at dyosasakanto ha. Sayang noh? Sya pa naman yung dyosangseksi / dyosanangmgadyosa kaso naging dyosangbroken sya dahil kay dyosangchismosa siniraan sya doon sa crush nya kaya naging dyosangkaibiganlang lang tuloy. Kilala nyo si gwapongbanatero? Hindi sya gwaponghari kundi gwapongblogger lang. hindiakogwapo kasi magandasobra ako. inactivekunwari ako, well, kunwari lang nemern ;) naka invisibleako lagi sa skype. innosente ako pagdating sa porn… jokelangpo syempre! :D Alam mo jhellovesyou more than she loves me… I crey even more T_T Pwede nyo ako maging kaibigangbabae kaya huwag kayo mahiyang lumapit :) Hindi man ako katol-ng-buhay-mo kasi tao ako pero ako lang ang magpapatunay sayo ng forever, hindi ako naniniwala na walangforeverrrr. Minsan kilosboyish ako. Isa lamang akong ordinaryongprinsesa sa bahay. Sige kornynabata ko na kaya lemefadeawaykasi nakakashtlang yung sakit ng tiyan ko dahil gutom na ako. Huwag nyong i - ngitizoned yung post ko na ito kasi walang kangitingiti dito. optionlangnaman sa kanya… wait… waht?! haha! oohsooweird ko talaga. pakalogpiso or pacantonkanaman kahit ngayon lang. paksyit! palaginghigh talaga ako. Hindi naman ako nagddrugs pero pppayatot ako talaga. Hi queensabel :“> Ako ngapala si reynangkatamaran :D Sorry kung sadyangnagmamahal lang naman ako sa isang tulad mo. I’m a selpilurd puuu sabi ko and they’re like soanongayon kung mahilig kang magselfie? So I crey T_T tumbling-tumblingan na lang tayo please? Para masaya :) walang-masabing-matino ako ngayon kasi weirdongbaliw ako this June. Most of you will say who-youuuuu kasi di ako kilala kaya punta na lang kayo sa pinkrosesandgraveyard para ibaon na ako sa lupa <//3 youreunreachable talaga ecamazing kasi yung-url-mo is so amazing and I’m yoursweetest-downfall :) Btw before this shit ends i would like to tell that I’m yourbeautifulmonsterrr yuurimonster ;) Yung nagsabing walangforevergago or walangforevertanga, hardmoputangina! kwentomosaclouds na lang! Pero seriously ibadlywannasleep but I just can’t. matabangutak talaga ang utak ko at nagawa ko itong walang kwentang post na ito :D Natututwa ako sa mga basketbolistangbabae kasi ang tangkad nila samantalaga ako kulangsaheight pero coolangsaheight pa din kahit heightbr0ken ako. sijennawalangmalay kaya kelan magkakamalay? happinysss much na iteeeerrrr :”> angelomylovesosweet you’re so sexy and definitelyhandsome ;) Nakakainis kasi itsallaboutyue daw itong post ko pero hindi naman. May tanong ako sa lahat, lahat ba ng pusa ay malambingnapusa? mukalangmataray ako at first but i really am not. Totoo kaya na may pinakagwapongunggoy? Oy! Grabe! Nabalitaan nyo ba yung sirangeroplano? Katakot noh? May maliitnasingkit kasi sabi nila siya daw yung babaenglaginggutom sa Yakult at medyo babaengnambubully. Kasi akoisme pero waitlangdre kumain ako ng weirdonadonut and it taste so weird. Tutal I lovelays, edi un na lang kinain ko. lagingwalangmaipost dito sa blog ko na ‘to kundi katangahan. Aaminin ko na lalakepoako. Yung gagongkwago sa likod ng bahay namin ang ingay pag gabi :(( pahiramngurlmo ang qtqt kasi mahalditangloveholicxx. prinsesanginaantok bago ka antukin, will you gotopariswithme at doon ka na matulog?

Dear other girls,

Please be reminded na insensitive ang karamihan sa’ming mga lalake, at kahit kami mismo, hindi napapansin ‘yon. Hindi sa lahat ng oras ay alam o ramdam namin na gusto niyo lang magpalambing kaya kayo masungit o may topak. Hindi mo pwedeng asahan na bigla ka na lang niyang yayakapin kapag hindi mo siya pinansin. Baka nga lumayo pa ‘yan dahil akala niya, naiirita ka na nakadikit siya sa'yo. That’s the reality. Women, oftentimes, are moody. Men, mostly, are insensitive. Intindihan na lang.

—  Walang Taong Bobo. Tanga Meron. #100

ISA PA, PLEASE?
Lloyd Capistrano recounts the lessons we learned from Popoy and Basha

Art by Henrick Dulin
Produced for White PH

Simulan kaya sa pamatay-linyang “She loved me at my worst, you had me at my best, and you chose to break my heart.” Ang hirap eh, kapag inilista ang lahat ng linya nina Popoy at Basha, baka hindi matapos dahil lahat ‘yun ay paniguradong tagos at walang mintis.

Ganun ka ka-attached kaya ang hirap ma-detached.

Ayon sa isang survey, walo sa bawat sampung nilalang ang patuloy na inuulit-ulit panoorin ang pelikulang ito. At sa walong ‘yun, anim ang hindi pa rin maiwasang humagulgol sa love story ng dalawa. Kahit hindi ka pa nagkaroon ng karelasyon, siguradong ramdam mo ang bawat eksena. ‘Yung tipong hindi ka pa naman talaga nasaktan, pero bakit ramdam na ramdam mo rin ‘yung pagdadrama ni Popoy? Nakakainis ‘di ba.

Kung ang mga single since birth ay nakarelate, what more pa ‘yung tunay na nasaktan? What more pa ‘yung mga naka-five years na pero na-baliwala lang lahat? ‘Yung ang akalang ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, ay forever and ever na? Lalong tagos.

Nandun kayo sa puntong nagkakasawaan na, nagkakasakalan na. Mula sa simpleng away sa balat ng manok, d’yan na magsisimula ang lumalalang pagdadramahan.

“Wala nang tayo Popoy.”

“Ganun na lang ‘yun? Bash five years, itatapon mo lang lahat. Hindi mo na ‘ko pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko ‘to?”

“I already gave five years of my life ‘Poy. It’s about time you give me what I want.”

“But you’re asking for too much. Ang hinihingi mo mawala ka sa buhay ko.”

Masakit nga naman. Nasanay ka sa good morning messages. ‘Yung kain-ka-na-baby na text niya three times a day. ‘Yung hindi mo pa nababasa ang text niya, pero kinikilig ka na kaagad. ‘Yung nag-iimpake ka pa lang ng gamit mo pauwi pero nariyan na siya para sunduin ka. ‘Yung kahit halos araw-araw kayong magkasama ay hindi kayo nauubusan ng mga bagay na pinag-uusapan. Sabay kayong nangangarap, sabay kayong naniniwala na kayo na. Tapos magigising ka na lang isang araw na ayaw mo nang maniwala sa forever.

“Kailangan ko to, kailangan mo rin.”

“Pero ikaw ang kailangan ko.”

Marami sa mga taong umiibig at nagbibigay nito pabalik ang hindi lubos nauunawaan ang tunay na konsepto nito. Laging nariyan ‘yung “Ikaw ang mundo ko” and vice versa. Hindi dapat ganun. Hindi niyo mundo ang bawat isa. Sa ayaw at sa ayaw mo, may sarili kang mundo bago mo siya makilala. May sarili rin siyang mundo bago pa man kayo magpalitan ng sweet messages. Nagtagpo kayo para alalayan ang bawat isa. Hindi kayo puwedeng maging iisa.

Kahit kailan, hindi.

You should not grow as one. You should grow individually with the help of one another. ‘Yun kasi ang mali, kung iisa lang kayo, kapag nabiyak ang isang parte, domino effect.

“..na baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka mayrong bagong darating na mas okay. Na mas mamahalin tayo, yung taong ‘di tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo.”

Kapag nagmahal ka ng lubos, doon ka na rin magsisimulang matakot kapag dumating ‘yung sakit na pinakaiiwas-iwasan mo. ‘Yung sinabi mong dati ay handa ka na kasi nga nagmamahal ka, pero hindi mo maitatago na nandun ‘yung pangamba – paano kung hindi pa pala?

Mahirap. Masakit. Mapait. Makirot. Mahapdi. Mapangwasak.

Minsan mong naramdaman ang tamis ng pagmamahal. Kaya alam mo kung gaano kapait ang lasa kapag nagloko ito sa’yo. Subukan mo munang isalba. Malakas pa rin naman talaga ang powers ng “Mahal ko eh.”

Pero kung wala na, hindi naman magiging masama ang pag-give up dahil sumubok ka pa ring kumapit. Gigising ka na lang na isang araw, okay ka na. Parang new life. Pwede ring new hair na tipong siete ang gupit o kaya barbers. Posibleng may makilala kang bagong mga tao. Tapos hindi mo alam kung ano na ang next chapter ng istorya mo.

Masyadong maliit ang mundo. Magtatagpo kayong muli. Posibleng bigyan niyo ng malisya. O posible rin na wala lang talaga. Nandun ka na kasi sa puntong tanggap mo na ang lahat.

Yes, may part two!

Ang punto? Simple lang, ang bawat tao ay may karapatang magmahal, mahalin, masaktan. Kahit sino, walang ligtas na mabiktima ng biyayang ito – ang tanging uri ng biyaya na puwedeng kang pangitiin at paiyakin ng sabay. Nahumaling ka sa karakter ng dalawa na halaw sa malalaking screens. Sa isang istoryang may sariling script writer, direktor, producer, at artista - masyadong ideyalistiko pero makatotohanan.

Naramdaman mo, kasi hindi ka manhid. Naramdaman mo, kasi marunong kang magmahal. Naramdaman mo, kasi alam mo kung paano ang masaktan.

Naramdaman mo, kasi tao ka, isang taong walang bakod sa mundo ng pag-ibig – pwedeng lumigaya, masaktan, at muling lumigaya.

May mga bloggers talaga na kapag kinain na ng fame, hindi ka na kilala ng mga yan. Yung mga set of friends nila, mga fame na din. Hu u ka na sa kanila mga beks. Ganyan talaga yung iba dito, akala mo naman kinagaling na nila. Pero meron pa rin talaga na hindi nakakalimot kaso sobrang bilang na lang sa daliri. Fyi, kaya lang naman kayo naging fame dahil sa mga kaibigan niyo na nag s-support sa inyo noong mga panahon na hindi pa kayo kilala. Mga walang utang na loob, chas. Sabagay buhay niyo yan, pero sasabihin ko sa inyo, hindi kayo sasaya dyan dahil unti-unti rin kayong malalagasan ng mga kaibigan. Mwa.

SAY SOMETHING


“Hindi ko na alam gagawin ko, pre.” sabi niya sa kaibigan.

“Gusto mo ba resbakan na natin?” her friend asked. Tumingin siya dito at halata sa mata niya na nagtataka siya. “Eh kasi pre, sinasaktan ka lang naman niya eh.”

“Wag ganun. You know I can’t do that to Elmo.” she replied.

“Eh ano pa nga bang magagawa ko? Ikaw yan eh. Basta ha. Wag ka papaapekto masyado. We all know na he’s just doing that for the success of his show.”

“I know that. Kaya nga kahit masakit, iniintindi ko siya eh.” she replied.

They both looked at the other artists rehearsing. And she couldn’t help but feel a tiny bit of pain in her gut. Bakit? Kasi dati, sila ang magkasamang nagrereharse. Dati, sila ang magkausap kapag wala silang ginagawa. At dati, silang dalawa lang ang mahalaga sa mundo ng isa’t isa.

“Tsk.” napalingon ang kaibigan sa kanya at alam na agad nito ang dapat gawin.

“Cr tayo?” pagyaya nito. Tumango siya and they walked towards the comfort room.

“Dito ako magccr.” she said, holding the knob of the PWD cubicle.

“Kailan ka pa nalumpo ha?” her friend laughed.

“Simula nung sinaktan niya ko.” she replied. Her friend looked surprised to what she said kaya agad naman niyang binawi ito. “Charot! Hahaha. Teka lang.” and she entered the cubicle.

Alam naman ng kaibigan niya kung ano ang gagawin niya dun kaya minabuti na nitong lumabas at ibigay ang alone time sa kanya. She on the other hand took out her phone and waited. Waited for that call na kanina pa niya hinihintay.

“Tawag na please?” she said to herself. Pero wala. Walang dumating na tawag. Talaga nga atang kaya na siyang tiisin nito. She heaved a deep sigh at saka na pinunasan ang luha niya bago tuluyang lumabas ng cr.

“Ano?”

“Wala eh. Uhm. Tara na.” pagyaya niya.

“Teka. I know how much you wanted to take that out kaya halika sa taas.” she was dragged upstairs until they reached the rooftop. “Oh. Batang rooftop dito ka mag-emo ngayon.”

She stared at the busy street below them. Sa taas, kahit gaano kaingay sa baba, hindi mo maririnig lahat ng busina ng kotse o sigaw ng tao. Sa taas, tahimik.

“Divs ang hirap pala talaga no?”

“Sa situation niyo? Oo mahirap. Sobrang hirap na pati kami nahihirapan para sa inyo.” sagot nito. She walked up to her and hugged her and just cried her eyes out. “Shh. Sabi ko naman sayo suntukin na natin yun eh.”

“Sakit-sakit na grabe. Alam mo yung pilit kong wag magpaapekto pero di ko kaya. Kasi I know that at some point, affected talaga ako. Kahit magbulag-bulagan ako. Kahit magpakamanhid ako. Affected ako. Nasasaktan ako."she cried. "Diva, bakit ganun? Bakit kailangan namin maging ganito?” she asked.

“Hindi ko alam Jules. Hindi ko alam.” Diva replied as she hugged Julie. “Ang alam ko lang, kaya nagkakaganyan kayo is because he doesn’t know how to follow his own decision. Hindi siya marunong tumayo sa sarili niyang paa.”

They stayed at the rooftop for almost an hour. Pinalipas nila ang pag-iyak ni Julie. Pinalipas ang sama ng loob.

“Halika na. Baka kailangan na tayo sa baba.” pagyaya ni Diva sa kanya. Matamlay siyang tumango at saka na sila bumalik sa loob ng studio.

“Julie, rehearse na natin number natin.” Mark B said when he saw them enter. Tumango siya and they positioned themselves on the piano.

“Say something, I’m giving up on you.
And I will swallow my pride.
You’re the one that I love
And I’m saying goodbye.
Say something, I’m giving up on you.”

Naiiyak siya sa kanta. Because it explains their current situation. And slowly, her mind wanted to give up on him already. But her heart wants to hold on.

“And I’m sorry that I couldn’t get to you.
And anywhere, I would have followed you.
Oh-oh-oh-oh say something, I’m giving up on you.
Say something, I’m giving up on you.
Say something…”

After nila magrehearse ay nagpaiwan si Julie sa piano. Dinner break nila but she opted to stay. Wala siyang gana kumain. She started tapping the keys and hindi na niya alam kung bakit iyon ang tinugtog niya.

“Oceans apart
Day after day
And I slowly go insane
I hear your voice
On the line
But it doesn’t stop the pain…” she began to sing.

Napatigil siya when she realized that tears have started brimming from her eyes again. She looked around pero buti na lng walang tao. She quickly wiped her tears away and tapped a different melody.

“Each day my love grows deeper
Deeper like never before
Love is not easy
But I’m holding on to this
So don’t give up
And feel my heart
Nothing else matters but you and me” again, she stopped when she realized that she’s singing another song that explains her feelings.

She looked around and saw that one by one, her co-artists are coming back from their break. And they all went back to rehearsing.

“Julie halika na uwi na tayo.” her PA said after the technical rehearsal. “Andyan na sila mama mo sa labas.”

“Ayoko.” she said softly.

“Ha?” pagtataka nito.

“Ayokong umuwi. Wag muna tayong umuwi.” she said. “Please?”

“Pero kasi andyan na sila eh.”

“Mamaya na tayo umuwi.”

“Pre, tuloy ba tayo?” Diva asked her. “Hi, ate! Uuwi na kayo?” she asked.

“Eh sana. Kaya lang ayaw pa ni Julie eh.”

“Oh. Pre, uwi na. Teka. Tuloy tayo ngayon?” tanong uli nito. Julie nodded and stood up from the bleachers.

“Oo tuloy tayo. Pero tayong tatlo lang dapat ha.” she said. Diva nodded and gave her a thumbs up.

“Sige sige. Kitakits ha? Ingat kayo.”

*****

The next day, Julie felt even more terrible. Ayaw na nga sana niyang magtrabaho pero di pwede. She can’t let her team down.

She was brought to the studio by her dad pero iniwan rin siya dahil may aasikasuhin pa sila ng mama niya at susunduin na lang siya after.

“Julie, naalala mo yung nirehearse kagabi? Yung first segment ng opening.” a staff told her nang makapasok siya sa studio.

“Opo.”

“Oh. Dun ka sa grupo nila Elmo ha? Kayo magkakasama dun.”

“Ha?” she asked, surprised.

“Bakit? May problema ba?” tanong nito.

“Ah. W-wala po.”

“Good. Osige na. Mag-ayos ka na at magsstart na tayo sa rehearsals."at saka na ito nagmadaling umalis.

"Ano pre, okay ka na ba?” Diva asked her nang makita siya nito sa dressing room. She smiled weakly at her habang nakaharap sa salamin.

“Di bale. Mamaya talaga. Ha?” tumango na lang siya at saka na nagpatuloy sa pag-aayos sa sarili.

“I’m Julie Anne San Jose. I’m 19 and I have to look pretty and unaffected. Macho ako.” she continuously thought to herself.

“Artists! Ready na!” sigaw ng staff para sa rehearsals.

After rehearsals ay agad na nagpunta si Julie sa dressing room to change her clothes. She wore this blue and yellow maxi dress and her favorite pair of heels. Pagdating niya sa backstage ay nagulat siya sa nakita. Why are they wearing the same color of clothes? Hindi na lang niya pinansin ito at saka na naglakad papunta sa pwesto niya.

It’s time for their introduction. Nagsisigawan ang mga tao when her name was called and they all screamed and cheered louder when Elmo was called after her. Ngumiti siya at saka kumaway sa audience. Then they were asked to walk to the side because new set of artists will be introduced.

She turned around and saw that his hand is ready to reach for her when Janine held his arm at ang tingin sa kanya ng binata ay napunta sa partner nito. She felt a stab in her heart and she’s starting to feel the air being blocked from her passageway.

“I’m Julie Anne San Jose. I’m 19 and I have to look pretty and unaffected. Macho ako.” she thought to herself again. Naisipan niya na isayaw na lang ang nagbabadyang pag-iyak kasabay ng mga bata sa likod niya and somehow, she ignored the two people standing a few feet from her.

*****

He was secretly watching her as she danced to the song being sung. Naiirita siya sa sarili niya for not escorting her to the side of the stage when he could. Badtrip na badtrip siya pero di pwede ipahalata. He has a partner and a show to promote.

After opening, he glanced at her and saw that she was glancing back at him. He was supposed to offer his hand again pero nilapitan na siya ni Janine.

“Moe let’s go?” sabi nito.

“Ha? Ah. Oo tara.” he said. Habang naglalakad sila ay napalingon uli siya and saw her still standing onstage. As if waiting for someone. “Uhm. Janine, wait lang ha.” he said and started walking towards her.

“Moe.” Janine called him. Napalingon siya rito then back to Julie. He caught her staring at him again. Her eyes telling him to come to her. Then he heard his name again. “Elmo.” he turned and walked back to Janine and they started walking back to the dressing room.

*****

“Nganga ako.” Julie told one of the fans. She laughed half-heartedly at saka na bumalik sa backstage.

The show went well. Their team got a lot of praises from the judges at kahit paano naman ay naenjoy niya ang araw na iyon. With her friends around, she somehow forgot about the guy that was once hers.

Closing na and they were waiting for the announcement of winners. She was talking to her teammates at nagjjoke pa ang mga ito.

“Best performer namin? Andrea Torres.” Marian said. Their team cheered for Ada and they all gave her a hug.

After closing ay naiwan pa sila sa stage for a short meeting. She hugged Diva from behind at alam na agad ng kaibigan kung ano ang nararamdaman niya. Sabi nga, back to reality because the party’s over.

“Pre?” she said softly.

“Hm?”

“Nagtext siya.”

“Anong sabi?” tanong ni Diva. She released her hug and she showed her her phone and read the message sent by Elmo.

“I’m sorry…”

“Yun lang? Yun lang yon?!” Diva whispered angrily. “Sa tingin niya ba sa sorry niya okay na lahat?”

“Yaan mo na. Mamaya mag-uusap naman tayo diba?” tumango si Diva tsaka na siya inakbayan.

Pagbaba nila ng stage ay sinalubong siya ng isa pang kaibigan.

“Bunso okay ka lang?” tanong nito.

“Papi.” she said and gave him a hug.

“Pag pinaiyak ka sabihin mo agad sa akin ha? Resbakan natin agad yun. Okay?” bulong nito sa kanya. She nodded against his chest and Mark ruffled her hair. “Oh. Wag ka iiyak ha? Andito kaming lahat para sayo.” sabi nito.

“Thank you, Paps.” she said.

“Sige una na ko.” naglakad na uli siya pabalik ng dressing room to change her clothes at inayos na rin ang gamit.

“Julie andyan na sila mama mo. Tara na.” Her PA said. Tumango siya tsaka lumapit kay Diva.

“Pre, maya ha? Kita na lang tayo.” she said.

“Sige. Diretso na ko dun. Hintayin ko kayo.” tumango siya tsaka na nagpunta sa parking lot.

She was busy fiddling with her phone nang may marinig na pamilyar na boses.

“Sasabay ka ba sa akin?” tanong nito.

“Yeah sure.” she looked up and found them getting inside his car. Agad siyang umiwas ng tingin at nagmadali na sumakay sa sasakyan nila.

“Oh. Ayos ka lang?” Tito Jonathan asked.

“Opo. Uhm. Papa, magkikita kami ni Diva sa coffee shop. Okay lang po ba?” she asked.

“Osige. Ihahatid ka na lang namin dun.”

“Thank you po.”

*****

They went out of the parking lot in one car. Another order from the management. Tahimik lang siyang nakaupo and so was she.

“Uhm. Elmo, I think you should talk to her.” biglang sabi nito.

“Yeah. I think so too.” he replied. “Pero paano?”

“Go to her place. Alam mo, ibaba mo na ko. Wala naman ng fans eh. I’ll go back to my car.” she said.

“Ha?”

“Who’s more important? Ako na partner mo lang naman sa show o yung girlfriend mo?”

“Syempre siya.”

“Yun pala eh. Kaya I’ll go na ha. Thanks for the lift. Talk to her okay? Tapos balitaan mo ko.” sabi nito saka na nagmadaling lumabas ng sasakyan and lumipat sa kotse niya.

He stared at her number on his phone. Hindi niya alam kung tatawagan ba niya o hindi. Natatakot siya. Nalilito. Naguguluhan.

“Hello?” he heard from the other line.

“Asan ka?” he asked.

“Cafe Breton.”

“Wait for me. I’m coming for you.”

“Okay.” matamlay na sabi nito and hang up the phone.

“Kuya sa Tomas Morato tayo.” tumango naman ang driver niya at saka na siya hinatid sa sinabing lugar.

He found her and Diva sitting at the corner of the shop. Nakita siya ni Diva and she waved at him para lumapit sa kanila.

“Hi girls.” bati niya.

“Uhm. Pre, lamonayan ha? Good luck. Love you.” and Diva kissed her cheek saka na umalis. Elmo took the empty chair across from her. Parehas silang tahimik. Parehas walang masabi.

“Uhm… Yung kanina…” he started.

“Moe, ayoko na.” nagulat si Elmo sa narinig. Anong ibig niya sabihin?

“What?”

“I’m giving up on you Elmo. Ayoko na.” she started crying. Hindi naman siya makapagsalita agad. “Masyado na kasing masakit dito oh.” sabi nito sabay turo sa puso niya. “I tried telling myself not to get affected but I can’t. I can’t Elmo. I can’t.” she cried. Elmo sat beside her and hugged her. Alam niya nasasaktan niya ito pero he wished that with his hug, the pain will subside. Until finally, mawala na ito.

“Julie please don’t give up on me.” he said trying not to sound shaky. Naiiyak na rin siya because he hates seeing her cry. Lalo na at siya ang dahilan. “Wag Julie. Please.”

“Moe ayoko na masaktan.”

“And you think by breaking up with me, hindi ka na masasaktan?”

“It’s the best way.”

“No it’s not. Julie listen to me.” He cupped her face and made her look him in the eye. “Kahit anong mangyari. Kahit anong issue ang gawin nila, hindi tayo magpapaapekto. You know why? Because we have each other. I have you and you have me.”

“But you’re slowly slipping away from me, Elmo.” she sobbed. “And naffeel ko na ako na lang ang kumakapit sa relationship natin. Because you’re too weak to fight for me. Too weak to speak up your mind.”

“Shh. I’m sorry baby. I’m so sorry.” was all he said. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin because he felt that he is slipping away from her. Dahil sa lintek na promotion na yan. “Baby, listen to me okay? Whatever happens, ako lang ang papakinggan mo. Not them. Ako lang. And hangga’t hindi ako ang nagcconfirm about those, wag ka bibitaw. Tayo pa din okay? I won’t let you go kasi mahal kita.” he said. “Mahal na mahal kita Julie Anne.”

Iyak lang siya nang iyak habang inaalo siya ni Elmo. Nasasaktan siya, oo. Pero sa pagmamahal, kailangan mo talaga masaktan.

“Mahal kita. Mahal mo ba ko?” Elmo asked her.

Julie hugged him tightly. No words can express her real feelings. Oo she wants to give up. But she wanted to hold on as well. And she chose the latter. Because she does love him. Tanga na kung tanga pero mahal niya si Elmo.

“Oo. Mahal din kita.”


- END -