katauhan

Tumblr Bloggers

Tumblr Bloggers, Iba’t ibang katauhan, iba’t ibang personalidad, iba’t ibang hilig o gusto ng bawat isa. Pero may iisang layunin sila upang maipahayag ang mga nasasaloobin nila, mga thoughts nila, mga nangyari sa pang araw araw nila diary nila ito. Dito nila pinaparating yung mga nangyaring masaya o lungkot sa kanila. Dito nila pinopost. Wala silang paki kung may magreblog o maglike ng post nila yan ang tunay na blogger. Wala silang hinihingi kung mapansin sila basta mapahayag nila yung gusto nilang maparating. Gusto nila maipost yung mga saloobin nila. Dito kasi ang takbuhan nila. Minsan na din sila naghanggad na magkaron ng notes sa ma blog nila pero hindi nila ito inisip basta makapagpost sila ng blog nila. Sila yung taong hindi snob. Lahat kinakausap nila. Mapasensya sila kahit na may mga haters sila na sobrang kung makapagsalita sa kanila wala hindi nila inintindi. Sila ang dapat tularan.

© to the owner of this picture

Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa dami ng beses ka nya pinakilig. Kundi, sa dami ng beses nya pinainig ang ulo mo at ilang beses kayo kung mag away. Pero, wala padin may gustong makipag hiwalay. Kapag nagmahal ka kasi, dapat buong pagkatao nya ang dapat mong mahalin. Hindi yung kung ano lang ang nagustuhan mo. Lalo na kung maganda at gwapo lang sya kaya gusto mo, tandaan. Kumukupas ang muka. Kukulubot sa pagdating ng panahon, ang magandang ugali ay mananataling naghahari sa kanyang katauhan.