kasj

Anghel

Ganda mo'y kakaiba
At dahil doon ay nakagawa ako ng tula
Tula na di ko alam kung tungkol saan Ewan, basta ikaw nga siguro ang dahilan
Bakit di nako nakakakaen ng umagahan
makita lang ang iyong kagandahan
Di kita lubusang kilala
Ni baka nga hindi mo alam na
May isang tao sayong humahanga
Dahil abala ka sa iba
Pero kung sakali mang
Magkita tayo kahit saglit lang
Ay mag mimistula kang
Anghel na kikinang
Saking mga mata
Alam mo ba
May nahulog sayong isang makata
Na hibang
Nakatitig sayo, tulalang
Nag iisip kung paano ba, kitang
Ulit masisilayan
Dahil ganda mo'y jusko,
kakaiba yan
Paulit ulit oo, pero totoo naman.
Sana kung meron man ay wag kang saktan na yong kasintahan.
Dahil di niya alam kung gaano siya kaswerte
Magkaroon siya ng kakaibang klase
Klase ng babae
Na walang arte
Simple lang siya lage.
At wala akong ideya
Kung paano tatapusin to, hala
Baka hindi na
Matapos tong paghanga ko sa babae na
Di ko pa ganon kakilala.