kasamaka

Kasama ka.

sana'y masabi sa awit kong ito… lahat ng ninanais nitong puso ko… sana saan man patungo sa buhay, may pag-ibig, may pag-asa, may saya at saysay… sana sa bawat sandali'y matikman pa sarap ng pagsasama, at simpleng ligaya… tara na, sakyan lang, malay mo… andyan lang, andyan lang ang hinahanap mo…

Simple lang, Kasama ka!

Hanggang ngaun ung lagi kong ipinagdarasal na sana andiyan na, ung taong masasabi ko na akin.

Ang dami kong balak gawin kasama ka! Gusto kitang ipagluto ng mga mga pagkaing paburito mo. Lahat ng mga candid moments natin ay captured ng camera ko. Ilalabas natin ung aso ko for a walk, tutuparin nating dalawa ang mga nasa bucket list ko at aattend tayo sa church lagi.

At pag dumating ka na siempre hindi ko din hahayaang magsawa ka sakin. Ako na din ang magiging pinaka caring, sweet, makulit at kakaibang gempren sa buong mundo. Kaya lang po bro? Hindi po sa naiinip na ako.mawalang galang lang po. Pero hanggang kailan pa po? Ako po maghihintay? Bro sana malapit na. Malapit na malapit na.