kasakiman

Mahal mo na yung nawala, tapos kaibigan mo pa ang minahal niya.

May pagkakataon na kung kailan mo minahal yung tao, tska naman siya nagkakagusto sa iba, minsan laging ikaw na lang yung nagsasakripisyo, tapos ikaw pa yung binabalewala. Alam mo ba yung mas masakit pa dun? yung Taong “Mahal mo na yung nawala, tapos kaibigan mo pa ang minahal niya”.

Madalas mangyari ito sa mapagparayang kaibigan, tipong handa silang ibigay lahat para lang sa taong mahal nila, pero minsan hindi mo matanggap dahil yung kaibigan mo pang walang ginagawa ang nagustuhan niya. 

Wala kang magagawa, minsan ganyan talaga ang ikot ng mundo, hanap na lang ulet sister/brader.

Sa lugar na kung saan naranasan ko ang bigat ng mundo, lahat ng mga nakaraan ko, lahat ng mga naramdaman ko, at lahat ng taong naging bahagi ng buhay ko, dumaan man o nanatili, bumabalik ito sa tuwing ako'y pumupunta sa lugar ng kasakiman.


Bumibigat ang aking paghinga na tila bang may daladalang mabigat na bagay ang aking puso habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking sinasakyan. Pinagmasdan ko ng kaunting oras ang mga taong nakasakay. May iba’t ibang ugali. May iba’t ibang kwento ng buhay.


Sa mga lugar ng aking natatanaw, na nadadaanan ng aking sinsakyan, may bawat kwentong nailikha na ngayon ay isang alaala na lamang. May mga iba’t ibang taong nagbigay ng saya, lungkot, pag-ibig, sakit, paghihirap at kung ano ano pa.


Lugar na kung saan kamalian ang siyang naghari. Usok na galing sa dinurog na halaman, ang siyang nilulunok hanggang baga. Likidong galing sa mga prutas na pinapadaloy sa lalamunan na siyang tumatama sa utak. Sarap na ibinibigay sa nalulungkot na kaluluwa.


Sarili'y iniligaw ng landas. Inilayo at tila wala ng makapitan. Nabulag sa kadiliman at naniwala sa baha ng kasinungalingan. Nalunod sa kasamaan at pagkakamali'y hindi na maitama.


Nakakalungkot isipin na nangyari ang lahat ng ito. Parang nakakulong ako sa isang kulungan na puno ng alaala. Tila pinipilit na makawala sa nakaraan na ayaw ng kailanman balikan.