karitela

 Things do not change; we change. ~Henry David Thoreau

Noong araw madalas akong makakita ng karitela na nagtitinda ng mga handicraft katulad ng duyan, walis tambo, walis tingting, basket, bayong, maliliit na bangko, bunot, pamaypay at kung anu-ano pa. At ang kadalasang humihila sa karitela ay baka (cow), at sila ay matiyagang bumibiyahe sa kung saan-saang lugar hanggang sa maubos ang paninda.

Nagbago na nga ang mga Pinoy. Makikita sa larawan ang ebidensya. Trisikel na ang ipinalit sa karitela at plastic na ang ipinalit sa handicraft.