karera tips

Manipis na lineup, nakakawalang gana sa tataya

LAST CALL Ni Jun F. Leyva
Para sa inyong mga katanungan,
magtext sa 0915-7922612 o mag-email sa
jun.ferarris.leyva@gmail.com

——————————

BAYANG karerista, marahil ay napansin ninyo ang manipis na line up ng karera kahapon at ngayon araw na ito. Para sa kaalaman ng ating bayang karerista, noong Feb. 17, 2012, umabot sa 92 ang total number ng mga kabayong tumakbo noong araw na iyon ng Biyernes.

Samantalang ngayon araw na ito ay 54 horses lang ang naka-schedule tumakbo.

Ano kaya ang problema?

Race 1, kung saan dito magsisimula ang nagiisang WTA for today, doon po ako kakampi sa lkalahok No.6 na SOME LIKE IT HOT dahil may 1:35.5 (1500M) sa katawan ang kabayong ito. Ang mahigpit na makakalaban niya dito ay ang kalahok na No.7 na si LUNA ROSA dahil lumalabas ang galing ng kabayong ito kapag galing sa 1-2 months na pahinga.

Sa Race 2, binibigyan ko ng malaking tsansang makanakaw ng panalo sa karerang ito ang dehadong entry No.6 na INNER CLASS na nagamayan ni jockey Pat Dilema. Ang puwedeng tumalo sa kanya dito ay ang entry No.2 na THIRDY THIRDY basta’t makasabay lang sa unang lundagan ang kabayong ito ni Mr. Ed Gonzalez.

Sa Race 3, bagama’t nakakalimang dikit na panalo na si HOT (6), hindi ko para solohin ito dito sa karerang ito dahil binibigyan ko ng malaking tsansang manalo ang kalahok No.4 na SHINNING GOLD dahil may best time ito na 1:36.5 sa 1500M na ginawa niya last Nov. 8,2011 dito sa pista ng SLLP.

Sa Race 4, anybody’s race itong karerang ito, dahil kung susuriin mo ang mga pruweba ng bawa’t kalahok dito, hindi nagkakalayo ang kanilang mga best times. Ang personal choice ko po dito ay ang entry No.3 na MIKA MIKA MIKA at ang entry No. 5 na TOP MEAT.

Sa Race 5, first choice ko ang puting kabayo na si HEAVEN SENT (4) dahil sa tingin ko ay walang makakasabay sa matulin na ayre nito kaya malamang na bumanderang tapos ito. Ang second choice ko naman po ay ang entry No.1 na SLIOTAR.

Sa Race 6, mukhang uulet ng panalo si EUROMAX (5) dito sa karerang ito. Sa tingin ko ay mag-uumento pa ang takbo niya ngayon gabi lalo na’t si jockey Uno Hernandez pa ang magrerenda sa kanya. Ang magbibigay sa kanya ng matinding laban ay kalahok No.3 na SEMPER FIDELIS dahil ito ang magdidikta ng bilis ng takbuhan.

Sa Race 7, aayunan ko na po dito ang llamadong TIME TO SHINE DAD (3) at pamorkas ko lang po ang entry No. 6 na CLEAN AIR.

At sa ating last race, ang Race 8, sosolohin ko dito sa paratingan na karera ang ANDEE’s RUM (4) dahil sa hindi ko maintindihang dahilan, napakagaling ng kabayong ito kapag sa last race tumatakbo. Kaya taya po kayo dito. Sama po ninyo ang BUCO JUICE (2), SAILING AWAY (3), THE REAL THING (5) at DARE TO DREAM (7) sa inyong Pentafecta bets.

Good luck and happy weekend sa inyong lahat!

Belated birthday greetings to my inaanak, Mr. Ace Santos!