karenramos

Trapped

Kanina after namen magmovie marathon, pumasok ako ng CR nila Von-Von, hindi ko alam bakit pero basta ayun tas nilapat ko pero hindi ko nilock, kame-kame lang naman nandon eh di ayun ehh hindi ko alam na sira pala yung door knob nila sa may loob. Tinry ko siyang buksan pero ayaw, nagstart na akong sumigaw tas sila tawa lang ng tawa tas naiyak na talaga ako so si Von-Von natagalan pa kasi tawa pa rin ng tawa, sa isip ko, TAE TULUNGAN NIYO AKO DITO, NAKULONG NA NGA AKO TAWA PA KAYO NG TAWA DIYAN! Tas ayun nagpanic na siya kaya sumigaw na din para magpatulong kay kuya mark tas ayun nakalabas din. Iyak talaga ako ng iyak. Hindi ko alam pero takot ako sa mga ganon, nakukulong mag-isa lalo na kapag madilim.

Chinese Garter = Sakit ng katawan, lalo na sa binti

Kahapon maga pa lang nagsimula na ang paglalaro namen.. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapagten and twenty, since 2nd year pa ata ang huli kong laro kaya ngayon sobrang sakit ng katawan ko at tuwing gagalaw ako, sakit sa likod.. Hindi rin ako makababa kasi masakit yung binti ko kapag naglalakad. _ _“

Radioplay - Done

haysss, natuwa ako masyado kaya ayun pinagtyagaan ko. Hahaha, I’m so proud of myself. Lagpas pa rin yung amin pero isang minute lang ata tas may dinagdag ako. Bwahaha. Bukas maga palang sisimulan ko na yung jewelry box ko, buong araw ko kasi inedit yung radioplay namen. Hinihintay ko nalang yung picture kay ate jane :)

Cloud 9

Mehehe sobrang drama naman ng araw ko ngayon pero sobrang thank you sa mga magaganda kong ate, hinding-hindi ko talaga kayo makakalimutan. Asahan niyo pong nandito lang po ako palagi kapag may problema kayo, promise hinding-hindi ako tatakbo o magtatago :D Napangiti talaga ako sa messages niyo at sa pagchicheer up sakin :D ~Feeling Cloud 9 na

02-21-12

Wala kaming masyadong ginawa kaya sobrang nakakaantok. Himala nga at wala si Ma'am Fabs, napagod yata sa sobrang kasipagan magturo. Kanina may memo na naman na seminar na gaganapin yung sa Mapua, 2 daw kailangan, isa na si Neil na sure doon tapos nagtanong si Ma'am kung sino pwede sa isa sabi niya nung una kasi magaling daw sa animation ekek basta computer tas sabi naman ng mga kaklase ko (yung iba lang kasi konti lang talaga naniniwala saken) ako daw tas biglang sinabi ni Ma'am yung magaling daw sa Chem at Physics? Bwehehehe animation - chem&physics? Tas ayun medyo nalungkot ako kasi gusto ko talaga ng mga ganoon na seminar kaya nga kapag may Photoshop na seminar sumasali ako tas ngayon Mapua pa, sayang lang talaga kasi meron din dun yung course na kukunin ko, kasama na ang animations dun. T3T.

Sobrang saya magslide sa corridor, mehehe, nadumihan nga lang uniform ko _ _“ tapos excited na ako bumili ng libro bukas :)) ♥

Reporting

Kahit na apat na taon ko nang kasama yung mga kaklase ko, ayaw-ayaw ko talagang humarap mag-isa sa kanila. Pag nasa harap kasi ako ng klase at nagrereport ng kung anuman feeling ko buong mundo nakatingin sa mga kilos ko, para bang kada kilos na gagawin ko idya-judge nila. Kahit na madaldal ako, ayaw ko pa rin yung feeling nang nasa harap at nagsasalita. Kahit sa groupings namen, ayaw na ayaw ko na ako yung nag-eexplain.

Homeroom Recognition

Mas maganda magkwento kapag bullets ang gamit.

  • Nakipagkwentuhan saglit kay ate Joanna
  • Umakyat sa ES2 at kinulit sila Jeseth
  • Sumayaw ng Lachata
  • hinabol ng kiliti si Elora, hanggang corridor
  • Epic yung tili ni Yoya, sabay takbo
  • Boring sa simula yung program
  • nagbaliw-baliwan
  • kinantahan si Ma'am
  • Natuwa naman si Ma'am
  • Yakap Moment…

Ang liit-liit ko pa daw nung first year tapos ngayon ang laki-laki ko na T3T

  • Monde at Zest-O *u*
  • Awarding sa Top 3
  • Linis
  • Nuod samin..

Girlfriends bonding.. Paunti man kami ng paunti kada movie, sobrang saya naman.. At pinakamagandang napanood namen yung napili ko kahapon - Paradise Kiss :“> Sana maulit ulit to.

  • Super sakit ng katawan.

You have been an active tumblelogger since Thu, 04 Feb 2010 and overall you have made the total number of 2421 posts. Your last post was on Sat, 17 Mar 2012. That means 3.13 posts were made per day, and in case you haven’t noticed, your tumblelog is 2.12 years old.

The Hunger Games Meet-Up/One of the best day of my life

Mehehe first meet up na napuntahan ko.. Nung una nagkaroon pa ng misunderstanding sa meeting place namen. Pagkadating pa lang namen mukha na kaming tanga, pano nahihiya kame pumunta kay kuya patrick para kunin yung tickets, anlalaki kasi nila, parang kame lang yung bata or mukha lang talaga silang matured. Nandun din pala ang twitter famous kuno, Jude Sinahon. Nagpapicture sila sistah kaya lang ang sungit daw haha. Tapos ayun nga nagstart na kame lumandi, kung sinu-sino ang napuntahan namen. Tapos inapproach kame ni kuya Guil. Super bait niya at grabe ang kulit din niya. Tapos ihing-ihi nga kasi si Ella kaya nagCR kame, ang tungeks lang mali yung napasukan namen haha. Tapos balik sa mga picturan at grabe nakaktuwa talaga kami, para kaming mga batang excited sa laruan, mga itsura namen _ _“ The best si Ate Corinth, ang ganda langs.. Pati na din si ate Gellie basta madami pa. One of the best day of my life talaga to. Ganda lang ng Hunger Games, one word to describe it - nakakabitin. After nun hindi na rin kame nakapagbabye iba (asa naman kasi kame diba) nagmamadali na rin kasi umuwi yung 4 pa naming kasama, pero kumain pa kame sa McDo - Idol, ako at ate renz. At umuwi din :)