kapit sa patalim

Pag-apina

panulaan sa panahon ng kagipitan
kapit sa patalim na nagtatalim-taliman
panulat na salat sa tintang kailangan
pusong sakit lang ang lulan
@dettsu

Mas maigi nang ganito
Lahat ng alinlangan ko baon sa buto
Lahat ng luha, lahat ng dugo,
Lahat ng hinanakit,
Tago sa puso

Mas maigi nang ganito
Nagpapakitang-tao
Nagbabalatkayo
Nagpapakasakit,
Nagpapakatuso

Mas maigi nang ganito
Paubos na sigarilyo
Hungkag na baga at kumot
Walang yumayakap
Walang bumabalot

Mas maigi nang ganito
Naghihintay sa dalaw ng antok
Utak na puro himutok
Hiningang naghihikahos
Diwang unti-unting nauubos

Kapit

Sabi nila may mga bagay na masama man pero kailangan. Ika nga nila eh KAPIT SA PATALIM.

  • Magnanakaw.
  • Mamamatay tao.
  • Holdaper.
  • Snatcher.
  • Mandurukot.
  • Manloloko.
  • At kung anu-ano pa.

Lahat sila may dahilan kung bakit nila nagagawa ang mga bagay na yan. Pero naisip ko lang anung pinagkaiba nila sa mga taong maykapit? Hindi ba Kapit din ito sa patalim? Ika nga nila PALAKASAN na ang labanan ngayon. Sabi nga “IT’S WHOM you know and not WHAT you know.”

Magaling at matalino ka man eh kung wala ka namang kilalang may kapit sa papasukan mo eh wala rin saysay. (Marahil nga hindi lahat pero karamihan ganyan ang sistema). Hindi ba Kapit din ito sa patalim? Hindi lang halata dahil wala pang namamatay na biktima sa ganitong sistema. Pero ang totoo madaming tao ang nasasagasaan sa ganitong uri ng sistema. Ang dami nang umaaray tila nakakabingi na pero kahit anong lakas ng hiyaw nila eh tila bulag at bingi ang mga tao sa taas.

Nakakalungkot lang dahil ang iba nagsisikap maghanap ng trabaho pero walang mapasukan. Tapos kung sino pa ang babagal bagal kung minsan eh iyon pa ang madaling nakakapasok sa trabaho. Nakakalungkot dahil ito ang dahilan kung bakit ang dami nang INCOMPETENT sa mga trabahong pinasukan nila. Masabi lang na may trabaho kahit hindi naman iyon ang pinag-aralan, okay lang. Kumita lang ng pera kahit hindi maayos ang trabaho, eh okay na.

Sorry! Dahil hindi ko maiwasang kumapit sa patalim. Ayoko man pero kailangan. Maganda man ang hangarin ko kung bakit ko nagawa iyon at kahit magpaliwanag man ako, eh alam kong mali pa rin iyon. Alam ko namang maganda rin ang hangarin niyo. Sabi nga “the end doesn’t justify the means”. Oo GUILTY ako. Kumapit din ako sa patalim. Kaya pasensya na ha. Pasensya sa lahat ng natapakan ko at matatapakan ko. 

Pasensya na!

POSERS NA BLOGGERS. Napansin ko lang na dumadami na sila. Hirap kasi sa iba, gagawa ng account dito sa tumblr tapos gagamit ng ibang identity. Kung hindi gwapo, maganda yung identity na gagamitin nila. Alam mo na.. para mabilis makilala at sumikat. Kapit sa patalim, mga ganun. Imposible naman kasi na nahihiya lang sila sa itsura nila kaya nagposer na lang sila eh. Pwede namang mag-anon blogger na lang. Talagang sinadya nilang maging poser. Alam kasi nila na mas madali silang sisikat kapag ganun. Talamak pa naman na kapag gwapong blogger, hakot talaga sa notes. Tapos madaming lalandiin. Hayhayahay. Wag naman ganun. Blogging site to eh. Mahiya po tayo kay Dad David Karp.
—  real talk on