kapiraso

Improving? Sana! :) <3

Pinost ko na ‘yung 1st chapter ng JULQUEN fanfic ko na “Kapiraso” kahapon, may nag-message sa aking reader ang sabi niya nagi-improve na raw talaga ang writing style ko at may isa pang nagsabing parang nagbabasa na raw siya ng totoong libro. Ang babaw ko siguro pero masayang masaya ako sa nabasa ko, isa sa best compliment para sa akin is “Denny, you are improving”. Kapag sinasabi sa akin iyon feeling ko I really did a good job! Noong naisipan kong isulat ang Kapiraso, alam ko na sa sarili ko na it won’t be something like the other stories I’ve written, it would be much more formal kesa sa mga naisulat ko dati at higit sa lahat mas ma-drama ito. Gusto kong maging mas mature na story ito kesa sa mga naisulat ko na at kinakabahan talaga ako kung magagawa ko talaga iyon. At isa pang ikinakakaba ko ay baka hindi matanggap ng ibang readers or manibago sila sa way ko ng pagsusulat sa kwentong ito pero paninindigan ko pa rin ito. I’m actually enjoying sa pagsusulat ng Kapiraso. I wish matapos ko ito tulad ng inaasahan ko, sana magawa ko talagang makasulat ng isang maganda at nakaka-touch na kwento kung saan mailalabas ko ang mga emosyon sa mga mambabasa. I know magiging worth it lahat ng pagpupuyat ko sa pagta-type at pagsa-sacrifice ko ng social life ko para lang maisulat ang kwentong ito someday! Kagaya ng pagiging worth it ng mga naisulat ko ng kwento. :)

Salamat kung binabasa mo ang kwentong “Kapiraso” pati na rin ang “The Most Painful Battle” at ang iba kong pang kwento. Patuloy mo sanang suportahan ang aking mga isinulat, isinusulat at isusulat. Labyuuu! :-* XD

Rawr,

Ate Denny/HaveYouSeenThisGirL

pahingi ng kapirasong tala,

nais ko lang panandaliang humiling.

pahingi ng kapirasong ulap,

nais ko lang maabot ang langit.

pahingi ng kapirasong saya,

nais ko lang ng panandaliang ngiti.

pahingi ng kapirasong sandali,

nais ko lang makapiling ka muli.

pahingi ng kapirasong pag-ibig

nais ko lang maging sayo muli.