kapaligiran

Simoy

Preskong-presko. Malakas at may pwersa ang dampi ng malamig na hangin sa aking katawan. ‘Di maikakailang mabait pa rin ang kalikasan sa kabila ng pagsasawalang bahala natin sa kalusugan nito. Ang pag-alay n'ya ng isang bugso ng sariwang hangin ay isang malaking karangalan (at kahihiyan) para sa ating mga tao. Mabuti pa ang kinalakihan nating kapaligiran, walang ibang hangad kundi ang mapanatiling komportable ang mga nakikitira sa kanya. Habang tayong mga nakikiupa lang sa kanya ay dahan-dahan s'yang nilalapastangan. Kung tutuusin ay wala tayong lisensya o kahit anong dokumento para makitira sa kanya, ngunit binigyan n'ya tayo ng karapatan. At ang kapalit lang para doon ay pangalagaan s'ya ng lubusan.

Nakakalungkot isipin na grabe tayo magpabaya sa ating kinalulugaran. Samantalang sa mga praktikal na bagay ay todo ang pag-aruga natin sa mga ito. Ano bang sinasabi mo kapag nadudumihan at nasisira ang mga gamit mo? Kung nakapagsasalita lang ang kalikasan, humingi na ito ng tulong upang s'ya'y pag-ingatan.

Sa paglingon ko sa likod ko, nakita ko ang isang magandang tanawin. Magandang tanawin na baka balang-araw, ay tuluyan na tayong lisanin. Isang maaliwalas na kalangitan, isang malumanay na batis, isang tahimik na kapaligiran. Kailan kaya natin 'to muling makakamtan?

Maingay at maliwanag ang siyudad.
Di magkanda-ugaga ang mga tao.
Pari’t parito, tila laging may hinahabol.
Pinagmasdan ko sila habang ako'y lulan ng isang bus.

Hinihinuha ang posibleng pinagmulan nila,
kinikilatis ang mga pananamit na meron sila;
kinikilala ang bawat kilos ng bawat isa.
At nagtataka kung bakit sila masaya.

Kasabay ng pagkamunghi ay ang panghanga ko
sa kung paano sila nakukuntento sa buhay nila.
Kung paano nila nakukuhang ngumiti kahit puno ng problema.
At kung bakit tila kaya nilang suungin ang kahit ano mang bagyo.

Naiinggit ako dahil hindi nila naiisip, ang naiisip ko,
naiinggit ako dahil hindi sila naghahangad ng tulad sa akin.
Nakakainggit na hindi nila pinuproblema ang problema ng kinabukasan.
Minsan naisip ko tuloy, “Sana kaya ko rin maging isang tunay na simpleng tao gaya nila..

Hindi rin masama ang pag-unlad at malayo-layo na rin ang ating narating.

Ito ang linya ng kantang “Masdan ang Kapaligiran” ng Asin. Simple pero malalim ang kahulugan na hindi pa rin yata nakukuha ng mga tao ang mensahe. Ayos nga namang umunlad pero ang responsibilidad natin upang panatilihing maganda at malinis ang ating kapaligiran ay ating nalilimutan. Mula sa simpleng pagtatapon ng mga balat ng kendi ay hindi natin magawa ng maayos. 

Sampu hakbang mula sa iyong kinalulugaran ang tamang lalagyan ng mga basura, kumaen ka ng kendi, imbis na itapon at humakbang papuntang basurahan ay itatapon sa gilid at kung saan-saan. Kung tinatamad ka, pwede mo namang ibulsa nalang at sa bahay nyo na itapon. Ang ganitong simpleng pagtatapon ng basura kung saan-saan ay nakakatulong upang lalong masira ang kalikasan natin.

Bakit hindi ba natin kayang humakbang lang ng ilan para matulungan ang pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan ng ating bansa at paligid? Ganoon ba tayo kabilis mapapagod, o hihingalin ba tayo agad sa simpleng paglalakad lang? Bilang isang tao, mamamayan, at isang estudyante, tungkulin nating maging modelo ng isa’t isa. Kung ang iba ay hindi nagiging maayos, bakit hindi mo simulan sa sarili mo? Walang ibang gagalaw kung hindi ikaw. Bayani ka na sa pagkakataong iyon.

Last August 24, I had the amazing opportunity to be judge the tshirt design category of 16th ArtPetron contest. It was a very enlightening and inspiring experience: seeing all the entries, getting to know the youth’s (youth talaga?!!) point of view about the environment. “Tuklas Kapaligiran” was the theme this year. Made me realise how much of an archipelago we are. There are diverse and varying definitions of “environment” - culture, nature, tourism, family, etc. It is also an honor to be exchanging thoughts with some of the countries most inspiring people - Jeremy Barns, Jay Aldeguer, BG Hernandez and Ana Neri. Thank you to Studio5, especially Sir Jay Bautista.

Dati, sumali at nanalo akong #ArtPetron, ngayon judge na. #FullCircle ❤️ (at Metrotent)

Made with Instagram
DALAWAMPU'T ISA

Sa larong patatagan talo ka, sa larong pagpapakatotoo burot naman ako
Binuno ang ilang buwan sa distansyang halos kainin na ako ng buo pero sa isang iglap lamang ay tinapos mo ang kahangalan ko
Nasasanay na ako at nais na sanayin pa sana ito ngunit binalik mo ito
Napakahusay na nang pag kapako ng karpintero sa mga labi na ngumingiti at ‘sang sining kung saan ginuhit sa papel at hinarap sa madla ang likod ng papel at ang lahat ay namangha!
Ang lahat ay napeke at nag wikang “napakahusay nito!”
Pinuno nila ang aking kapaligiran ng palakpakan at hiyawan ngunit sa ginagawa nila ay lalong sumikip ito
Ang dibdib na noo'y binubuhay mo
Sana narinig mo kung paano ang mga ito umawit sa twing papalo ang iyong kamay sa mesa at guguhit ng isang ritmo at sasabay ako hanggang sa isang orkestra na tayo na gustong gustong gusto ko
Tayo yung tugtog na nais kong ulit ulitin at nais kong maulit kahit laos na tayo
Ngunit hindi tayo isang sulat ng lapis na maaaring burahin pa ang mali sa tayo
Matagal ko nang tinigil ang awit, ang sining, ang tula at ang sayaw
Matagal nang tapos ang mga ito. Tinapos na natin ang mga ito
Ngunit muli ay kumapa ka ng nota na bumuo ng isang tono sa isip ko at kahit itanggi mo man ito, ay isisigaw nito ang pangalan mo, yung malakas na pagsigaw hanggang sa magigising ako
Paano mo malalaman na sa pagtapik mo ay wala kang nasaging pilat kung hindi mo muna sinilip dito
Kung nag antay ka pa sana ng kahit ilang dalawampu’t isang araw pa o kahit lima o sampung dalawampu’t isang araw pa ay maaaring hindi sana ganito at hindi ako nagkakaganito
Yung kung muli mo mang tatapikin ang mga brasong ito ay makikipagsabayan na ang ngiti ko sa ngiti mong totoo
Gusto ko din ng ngiting gaya ng sa iyo sana hayaan mo muna muli ako