kamie's place

malabong gabi

kwento ko lang ang gabi na kailangan kong di mag eyeglass kasi masasayang effort nang make up artist, ang gabing di ko alam ilan ang di ko napansin dahil di ko sila maklaro hahaha, ang gabing… tangina ang bigat ng eyelashes ko mas mabigat pa kasalanan natin lahat combined.

akshali ang funny ng gabing to kasi kahit di pa tapos ang party eh umiskapo na agad kaming magbabarkada at naghanap ng place na kami kami lang, a place to have wine and chill. sosyal na lugar pero mind you ako at yung isa ko pang tropa kung makaupo sa chair eh naka indian sit hahaha la kaming pake kahit may mga intsik na nasa kabilang table na nagmamandarin talaga mga tol at di namin maiwasan nang isa kong tropa na makinig at itry itranslate pinagsasabi nila. awa ng diyos “maganda” lang naintindihan namin. kami ba yun? thank you ay HAHAHAHAHAHAHA

a night to remember akshali dahil yun na ang huling gabing naging complete kaming magbabarkada.

3

It’s when your friends kidnaped you for a quick getaway somewhere in manila. They knew na sobrang stress ko na lately dahil loaded na sa mga meetings and other prior commitments. Gusto ko nalang mag walling sa sobrang stress, but instead of being so down and worried nag hanap nalang kami ng great place to relax and unwind for a little while. Okay naman, we were just sitting outside the cafe, kwentuhan while drinking our coffee’s, tawanan at kulitan. Kahit papano medyo gumaan ang pakiramdam ko. I need a break. Haha

3

Two years ago, I was smitten by him. I mean, I liked him. Pero that was before. This was a stolen shot taken by a classmate of ours. Tapos niloloko kami. Question is, saang place daw namin kasi gusto pumunta. I told him Paris sa akin and he told me na Japan sa kanya since doon naman siya talaga. (I really want to go sa Japan rin becauwe I love cherry blossoms ❤) Now, he’s actually my ex-crush. Hahahaha! Tapos kanina, kasama kasi namin siya pagpuntang santol and okay being the gentleman he is, inalalayan niya ako pababa ng sasakyan. Shocks! Huwag sana siyang ganon. Baka bumalik feels ko. Choss. But, we’re good friends and it’s more than okay. He’s half japanese, half filipino.

So eto nga..

Napanaginipan ko last night yung unang lalaking nagwasak sa munti kong puso. It’s funny. 2010 ko pa yata siya huling nakita. Kakaiba lang sa pakiramdam. He was my totga, after all. Literal! He was my first of many firsts. Unfortunately, until this very day that love remained unrequited. Nakamove on na ako at lahat lahat, hindi niya pa rin narealized na ‘baka’ mahal niya pala ako. Hahaha! He was the first guy I laid eyes on the first day of school. Eh wala e, tinamaan ang lola niyo.

Well, basically hindi ko na alam kung buhay pa ba siya or kung ano nang balita sa kanya. Hindi na rin naman ako umaasang dadating siya sa mga high school reunions namin because hey, takot na lang niya saken at sa mga classmates namin before. Idk the reason why he left but maybe, we were young that time. Baka takot siya. Atat ako. Timing’s a bitch talaga. College na kami nun, same place different school - SLU siya, UP ako but it never came to a point na binalikan niya ako. Umaasa pa rin ako sa kanya na baka pwede pa, or baka naguguluhan lang siya. Hindi naman naging kami pero may closure na naganap between us. Hahaha! Yung iba nga, naging sila pero walang closure. It was funny, really. To cut the story short, naging hanap buhay ko na ang magpakatanga hanggang salamat sa Panginoon napagod rin akong umasa. Akala ko kasi hindi na darating yung time na yun.

So up till last night, he technically again became the ‘man-of-my-dreams’. In that dream, the high school me was back. Yung clumsy, yung bubbly, yung maingay at syempre yung tanga. I was happy in that dream. Maybe because I was still in love. Kaya lang when I woke up, I felt sad. Of all the things na sayang, isa yun. But at the same time, masaya ako na nasayang yung mga good opportunities na ganun. Eh ganun talaga e, you’ll never know if someone worth it will come along. So, yeah!

5

LAND OF THE RISING SUN

Japan, land of the rising sun; their pantheon consists of many gods and goddesses, more commonly known as “Kami”, or “highly placed being.” The rank of Kami was bestowed on natural objects and beings such as mountains, rivers, animals, as well as esteemed ancestors. While Kami appear in many forms and usually have human qualities, they are powerful beings who control aspects of nature. Of the two types of Kami, the heavenly Kami are superior than their earthly counterparts and only reside in heaven, hence, they must use messengers to keep them up to date on earth and in the underworld. The main myths that accompany these religious traditions are that of the creation of the world, the founding of the Japanese Islands, and those of magical creatures, humans, and deities.

In the beginning of Heaven and Earth there were five Heavenly Deities in the plain of High Heaven, each born without sire and each disappearing thereafter. Following them were born the gods and goddesses of the Seven Divine Generations, the last of which were Izanagi - He Who Invites - and Izanami - She Who Invites. These two drew forth the first Island with a jeweled spear, and upon this island were married and gave birth to the remaining slands and deities until - while giving birth to Kagu-tsuchi, the god of fire - Izanami’s insides were burned. Izanami died shortly after, and her husband, having entered the underworld in a failed attempt to bring back his wife, cleansed himself and in doing so gave birth to Amaterasu (washed from his left eye), Tsukiyomi (from his right), and Susano-o (from his nose).

Sometime later Susano-o, God of Summer Storms, was visiting his sister Amaterasu, Goddess of the Sun, when he saw the manner in which the goddess of food produced their meals. He flew into a rage, destroying his sister’s rice fields and looms, and attacking one of her servants. For this he was banished to earth, where he slew a great serpent only to find a sword deep in it’s belly. At this same time his sister hid herself in a cave, depriving the earth of her warmth and light until all the other gods tricked her out using a mirror to convince her they’d found a new sun.

Amaterasu is still known as one of the most famous Kami, eventually passing down this sword, mirror, and a magatama gem to her grandson, whose great grandson in turn was the first emperor of Japan. Shinto myths usually tell of how Amaterasu’s descendants unified the Japanese people into one nation, and the three treasures are still enshrined in Japan to this day, were Amaterasu and her family continue to be venerated in contemporary Japanese mythology, a blend of Shinto, “the way of the gods,” Buddha, and lesser spirits such as Kappa and Tanuki.

MY PERFECT BOYFRIEND

Madalas kapag magkasama kami, bigla na lang syang sisigaw ng ILOVEYOU!!!, kahit na nasa public place kami tapos wala syang pakialam kung maraming makakarinig sa kanya at wala rin syang pakialam kung pagtinginan kami ng lahat. Kapag naglalakad kami sa daan hindi nya nakakalimutang hawakan yung kamay ko at kahit na may kailangan syang kunin, hinding hindi nya yun bibitawan. Kapag tahimik ako, bigla nalang nyang kakantahin yung favorite song ko at kahit na sabihin ko sa kanyang ang panget ng boses nya kakanta pa rin sya hanggang sa ngumiti na ako. Madalas syang magrequest na kantahan ko sya kahit alam naman nyang hindi ako kumakanta. At kapag kumanta na ako, pinapakinggan nya yun.. never nyang sinabi sa akin na masakit sa tenga yung boses ko. Kapag magkasama kami at nakatambay lang sa tapat ng bahay ko, never nyang nabanggit sa akin na nabobored sya dahil wala kaming ginagawa kundi nakaupo lang. Pinapasuot nya ako ng mga damit nya kahit na ang lalaki naman sa akin na mukha na akong gangster pero sinasabi pa rin nyang ang ganda mo. Wala pang umaga na gumising ako at tumingin sa cellphone ko na walang goodmorning baby, iloveyou. Tuwing weekends naman pumupunta sya sa bahay ng sobrang maaga, magugulat na lang ako kasi sya yung una kong nakikita pagdilat ko ng mga mata ko, nakangiti sya sa akin tapos hahalikan ako sa noo. Lagi syang nag-aayang magdate kami sa park, tapos para kaming mga bata na naglalaro sa swings. Tuwing kasama sya sa family bonding ng pamilya ko, never syang nahiya. Kapag umasta sya, talagang parang parte na sya ng pamilya namin. Tinatawag nyang ma yung mama ko at pa yung papa ko. Kapag sinasabi ng mga kaibigan ko na lolokohin lang nya ako, makikipagaway sya sa mga yun at papatunayang nagkakamali sila. Iniiwasan nyang mangako, pero dahil mahal daw nya ako..mangangako sya ng mangangako at ginagawa naman nya lahat ng pangakong yon. Kapag magkikita kami, lagi nya akong niyayakap ng mahigpit. Hindi sya kj pagdating sa sayawan, sya pa nga yung nag-aayang isayaw ako eh. Nakakatuwa pa kasi tuwing birthday ko, hindi nya nakakalimutang surpresahin ako. Minsan pa nga kakotsaba pa nya yung pamilya ko. Sya yung taong mas excited pa sa anniversary namin kaysa sa akin. Never nyang nakalimutang tumawag sa gabi bago kami matulog. Kapag napagtripan kong maglagay ng make up sa kanya, game na game sya. Hindi sya naiinis kapag ginagawa ko yun. Kapag madami akong dala, sya nagbubuhat ng mga yun kahit na may sarili rin syang gamit na dala-dala. Kapag malungkot ako, hindi nya tinatanong kung okay lang ba ako o kung bakit ako malungkot. yayakapin lang nya ako at hahalikan sa noo. Hindi sya yung lalaking napakaseloso, alam naman nya kasing sya lang yung mahal ko. Never syang gumawa ng mga bagay na ikakaselos ko. At palagi nyang ipina-paalala sa akin na forever na kaming dalawa at wag na wag kong kakalimutan kung gaano nya ako kamahal.