kain na :]

Kelan mo kaya ulit mararamdaman yung saya dahil may maggo-good morning at magsasabi ng i love you sayo pagkagising mo palang sa umaga. Yung may magtetext sayo ng “kain ka na” “wag kang papalipas ng gutom ha” “mahal kita”. Yung oras oras nangangamusta sya. Tapos bago matulog sa gabi may text naman syang “Paggising mo bukas, mahal pa din kita. Matulog ka na.” Kelan mo kaya ulit mararamdaman yon? Uyy umaasa sya.

3

1.2.2018
Sumama ako kasi manonood sana ako ng ang larawan, eh di pala nagshowing sa robinsons :-( sad naman huhuhuh kaya ako sumama eh. Kumain na lang kami sa kaboodle kahit katatapos ng gabor na kain nung new year. Ewan kung ano trip nila. Dumaan kami ng nbs tas nakita ko tong to kill a mockingbird (!!!!!!!!) sabi ko kay ate wag na niya ako bilhan ng jacket etong book na lang hahahaha kasi antagal ko nang hinahanap tong librong to huhuhu. Ang masaya pa 325 yung nakalagay na price pero ang nakapunch sa resibo 188 lang putangina ang saya ko hahaha.

anonymous asked:

pwede din pong gunting para may style - diba po may gunting na may designs? HAHAHAHA

Pwede.. Wag na lang kaya i-slice para di tayo mahirapan. Diretso kain na agad. Kagatan na lang, wala ng slice slice. HAHAHA

Pangasinan bound. Super nakakapagod magdrive jusko. Ayuko ng magdrive ng puyat, walang tulog at walang kain! Mamamatay ako ng maaga. Tinatry ko matulog ngayon kaso ayaw akong patulugin. Kumain na lang ako sa baba. Sabi ng daddy, “kain ka ng kain” natawa na lang ako. Dati kasi sinasabi nya na kumain daw ako ng kumain para tumaba ako. Ngayon naman, pigilan ko ng kumain kasi mataba na ko. Hahahahaha. De pero yun nga. Kung mag lolong drive man ako, yung may tulog at kain ako. HAHA! Next na pupuntahan ko is Tagaytay! Woah! Charot. Pero naka lista na yan sa mga pupuntahan ko pag graduate na ko..

Lahat ng pagod, puyat, skip ng class, boses, lakas lahat ng yun ay worth it. ☺
Maraming salamat po sa lahat ng supporta, sa lahat ng taong naniwala. Sa mga taong nagtiwala na kaya ko. 😄
Simula palang to ng laban!

I will do my best to fullfill may duties and responsibilities. I will strive harder and will always be determined to give true public service to my co students. To my PAMANA family, thank you for everything. We can do this! 🔴

At sa wakaaaaas! Narito na ang inyong singkit na malupit! 😑😑😑
I am Mark Jonel Peralta
Your CITHM Business Manager Student Government 2016-2017

Nais ko lang magkwento dito hahaha! Sobrang inactive na ah huhu sorry mga trops di na me busy yahooo hahaha 😂 kain na kayo mga prends mahirap na baka mangangayayat kayo hahaha. Good evening ;)

ISA PA, PLEASE?
Lloyd Capistrano recounts the lessons we learned from Popoy and Basha

Art by Henrick Dulin
Produced for White PH

Simulan kaya sa pamatay-linyang “She loved me at my worst, you had me at my best, and you chose to break my heart.” Ang hirap eh, kapag inilista ang lahat ng linya nina Popoy at Basha, baka hindi matapos dahil lahat ‘yun ay paniguradong tagos at walang mintis.

Ganun ka ka-attached kaya ang hirap ma-detached.

Ayon sa isang survey, walo sa bawat sampung nilalang ang patuloy na inuulit-ulit panoorin ang pelikulang ito. At sa walong ‘yun, anim ang hindi pa rin maiwasang humagulgol sa love story ng dalawa. Kahit hindi ka pa nagkaroon ng karelasyon, siguradong ramdam mo ang bawat eksena. ‘Yung tipong hindi ka pa naman talaga nasaktan, pero bakit ramdam na ramdam mo rin ‘yung pagdadrama ni Popoy? Nakakainis ‘di ba.

Kung ang mga single since birth ay nakarelate, what more pa ‘yung tunay na nasaktan? What more pa ‘yung mga naka-five years na pero na-baliwala lang lahat? ‘Yung ang akalang ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, ay forever and ever na? Lalong tagos.

Nandun kayo sa puntong nagkakasawaan na, nagkakasakalan na. Mula sa simpleng away sa balat ng manok, d’yan na magsisimula ang lumalalang pagdadramahan.

“Wala nang tayo Popoy.”

“Ganun na lang ‘yun? Bash five years, itatapon mo lang lahat. Hindi mo na ‘ko pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko ‘to?”

“I already gave five years of my life ‘Poy. It’s about time you give me what I want.”

“But you’re asking for too much. Ang hinihingi mo mawala ka sa buhay ko.”

Masakit nga naman. Nasanay ka sa good morning messages. ‘Yung kain-ka-na-baby na text niya three times a day. ‘Yung hindi mo pa nababasa ang text niya, pero kinikilig ka na kaagad. ‘Yung nag-iimpake ka pa lang ng gamit mo pauwi pero nariyan na siya para sunduin ka. ‘Yung kahit halos araw-araw kayong magkasama ay hindi kayo nauubusan ng mga bagay na pinag-uusapan. Sabay kayong nangangarap, sabay kayong naniniwala na kayo na. Tapos magigising ka na lang isang araw na ayaw mo nang maniwala sa forever.

“Kailangan ko to, kailangan mo rin.”

“Pero ikaw ang kailangan ko.”

Marami sa mga taong umiibig at nagbibigay nito pabalik ang hindi lubos nauunawaan ang tunay na konsepto nito. Laging nariyan ‘yung “Ikaw ang mundo ko” and vice versa. Hindi dapat ganun. Hindi niyo mundo ang bawat isa. Sa ayaw at sa ayaw mo, may sarili kang mundo bago mo siya makilala. May sarili rin siyang mundo bago pa man kayo magpalitan ng sweet messages. Nagtagpo kayo para alalayan ang bawat isa. Hindi kayo puwedeng maging iisa.

Kahit kailan, hindi.

You should not grow as one. You should grow individually with the help of one another. ‘Yun kasi ang mali, kung iisa lang kayo, kapag nabiyak ang isang parte, domino effect.

“..na baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka mayrong bagong darating na mas okay. Na mas mamahalin tayo, yung taong ‘di tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo.”

Kapag nagmahal ka ng lubos, doon ka na rin magsisimulang matakot kapag dumating ‘yung sakit na pinakaiiwas-iwasan mo. ‘Yung sinabi mong dati ay handa ka na kasi nga nagmamahal ka, pero hindi mo maitatago na nandun ‘yung pangamba – paano kung hindi pa pala?

Mahirap. Masakit. Mapait. Makirot. Mahapdi. Mapangwasak.

Minsan mong naramdaman ang tamis ng pagmamahal. Kaya alam mo kung gaano kapait ang lasa kapag nagloko ito sa’yo. Subukan mo munang isalba. Malakas pa rin naman talaga ang powers ng “Mahal ko eh.”

Pero kung wala na, hindi naman magiging masama ang pag-give up dahil sumubok ka pa ring kumapit. Gigising ka na lang na isang araw, okay ka na. Parang new life. Pwede ring new hair na tipong siete ang gupit o kaya barbers. Posibleng may makilala kang bagong mga tao. Tapos hindi mo alam kung ano na ang next chapter ng istorya mo.

Masyadong maliit ang mundo. Magtatagpo kayong muli. Posibleng bigyan niyo ng malisya. O posible rin na wala lang talaga. Nandun ka na kasi sa puntong tanggap mo na ang lahat.

Yes, may part two!

Ang punto? Simple lang, ang bawat tao ay may karapatang magmahal, mahalin, masaktan. Kahit sino, walang ligtas na mabiktima ng biyayang ito – ang tanging uri ng biyaya na puwedeng kang pangitiin at paiyakin ng sabay. Nahumaling ka sa karakter ng dalawa na halaw sa malalaking screens. Sa isang istoryang may sariling script writer, direktor, producer, at artista - masyadong ideyalistiko pero makatotohanan.

Naramdaman mo, kasi hindi ka manhid. Naramdaman mo, kasi marunong kang magmahal. Naramdaman mo, kasi alam mo kung paano ang masaktan.

Naramdaman mo, kasi tao ka, isang taong walang bakod sa mundo ng pag-ibig – pwedeng lumigaya, masaktan, at muling lumigaya.