kaibigan nga naman

MY PRINCE-SS CHARMING


Chapter 10

Julie woke up early the next morning. Gusto niya kasi na umaga ang mass na aattendan nila ni Elmo para madami pa silang oras para mamasyal mamaya.

She walked up to Elmo’s house and rang the doorbell. Agad naman lumabas si Maqui and let her in.

“Morning, Jules. Ang aga mo ata?” Maqui asked as they walked inside the house.

“Well, nagyaya kasi si Moe magsimba and magpapasama din ako sa grocery. Kaya yun.” she said.

“Oh okay. He’s in his room. I think tulog pa.” Maqui told her.

Tumingin siya sa wall clock na nasa living area nila Maqui and saw that it’s 8:30 already. Balak pa naman sana niya na 9am mass ang attendan nila. Mukhang nabasa naman ni Maqui ang nasa isip niya kaya siya tinawag nito.

“Jules.”

“Yeah?”

“Go up his room na lang. It’s the second door to your left. Hindi naman nagllock ng kwarto yun eh.” she said. “I have to go na din. Inventory day eh.” sabi pa nito. Tumango na si Julie tsaka na siya naglakad paakyat sa second floor.

She walked until she reached Elmo’s room. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto and saw him still sound asleep. Nakadapa ito sa kama, blanket half covering his torso. Nakalaglag pa ang isang kamay nito sa gilid ng kama and his lips slightly parted.

Natawa si Julie at how he looked but at the same time she found him cute.

“Hay nako. Bakit ka ba kasi confused na gago ka ha? Ang sarap mo rape-in.” Julie thought to herself. Napakagat na lang siya sa labi at saka na nagdiretso ng lakad palapit kay Elmo.

He was snoring softly and halata mong malalim ang tulog niya but Julie has to wake him up. Para maabutan nila ang 10am mass. She slapped him softly while calling out his name.

“Moe.” sabi niya habang tinatapik ang pisngi nito. “Elmo, wake up.” she said.

“5 more minutes mom.” he answered. Natawa si Julie but had to stifle it dahil ayaw niyang gulatin si Elmo.

“Elmo, wake up. Uy!” she called again.

Pero hindi pa rin nagmulat ng mata si Elmo. Umikot pa ito at saka nagpalit ng posisyon sa pagtulog. He’s now in fetal position.

“Elmo.” but still, Elmo remained in dreamland. Hindi na natiis ni Julie kaya naman nilakasan na niya ang pagtawag dito. “ELMO MAGALONA WAKE UP!!” she yelled.

Bigla namang napabalikwas si Elmo at saka pa ito nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto.

“Asan?! Asan na?!” he asked, yelling.

Bumalik siya sa kwarto at mas lalo pang nagising ang diwa niya when he saw Julie sitting on the foot of his bed.

“J-Julie.” he stuttered.

Julie just looked at him, one eyebrow raised and arms over her chest.

“Uhm… A-anong oras na ba?” Elmo asked. He looked at the wristwatch he’s wearing at nanlaki ang mata. 9:00.

“Bumaba ka na. I’ll make breakfast.” mataray na sabi ni Julie tsaka na nauna sa kanyang bumaba.

Elmo ran after her tsaka hinawakan ang kamay nang maabutan niya ang dalaga.

“I’ll make breakfast. Maupo ka na lang dito.” sabi niya and made her sit on the bar stool.

Dali-dali siyang kumuha ng mga lulutuin. Ham, a couple of eggs, cheese at tinapay. He even turned the coffee maker on.

“Uhm. Where’s Maqui?” he asked habang abala sa pagluluto.

“She went to work already.” Julie answered.

“Ah. Sunday is inventory day pala niya.” he said. Tumingin siya kay Julie pero masama pa rin ang tingin nito sa kanya. “Uhm… Sorry if I woke up late.” he said.

“Nagyaya-yaya kasi, hindi naman kayang gumising ng maaga.” Julie said. Napayuko lang si Elmo saka napakamot sa ulo.

When the food’s cooked ay agad naman nilang kinain ito. Hindi sila nag-uusap at alam ni Elmo na badtrip si Julie sa kanya.

“Sorry talaga, H.” he told her.

“Bilisan mong kumilos. Ako na maghuhugas dito.” sabi ni Julie habang nililigpit ang pinagkainan.

“O-okay.” he replied and went upstairs to take a bath.

*****

Hiyang-hiya siya kay Julie dahil siya ang nagyaya sa lakad nila but he didn’t woke up in time.

“Bobo ka talaga Elmo. Confused na, bobo pa. Wala ka talagang katumbas.” he told himself. “Tsk. Nakakahiya kay Julie.”

He was whistling habang naliligo para matanggal ang kaba niya dahil sa matatalim na titig ni Julie sa kanya kanina. Napabuntong-hininga na lang siya as he lathers shampoo on his head.

He was still taking a bath nang maalala ang nangyari kagabi…

FLASHBACK…

“I’m sure she is. Tara muna sa condo ko. Shot muna tayo dude.”

“Pero…” he hesitated.

“Dude, 5 years tayo di nagkita. Uso catching up.” Aldrin told him saka na naunang lumabas ng resto. Elmo didn’t have a choice. Nahihiya rin kasi siya sa kaibigan dahil nga naman ang tagal nilang hindi nagkita tapos tatanggihan niya pa ito.

They arrived at Aldrin’s condo 30 minutes later. Pumasok sila and went up to the 27th floor where Aldrin’s unit is.

“Wow. Ayos pala tong condo mo dude.” Elmo said while roaming his eyes around the place.

“Haha. Thanks.” Aldrin replied. He went back to the living area with a bottle of tequila in hand. “Ayos ba to?” he asked.

“Tequila? Dude di pwede. Baka maamoy ako ni Julie.” Elmo told him. Tinignan naman siya ni Aldrin ng masama.

“Girlfriend mo ba talaga si Julie?” Aldrin asked. Hindi naman nakakibo si Elmo. “Dude kilala kita. Wag mo na lokohin ang sarili mo.”

“I’m not. And just so you know, I really like her. Okay?” he said.

“Whatever. Tsaka konti lang naman ang iinumin eh. Bakit takot na takot ka kay Julie ha?”

“I just don’t want her to get the wrong idea.” Elmo said.

“Na bakla ako? Bakla ka?”

“I am not—”

“Uminom ka na lang.” matigas na sabi ni Aldrin and poured him a shot of tequila.

END OF FLASHBACK…

“Ts. Hindi ako bakla.”

*****

She’s been waiting for him for the past 45 minutes at hindi pa rin ito bumababa from his room.

“Grabe ang bagal kumilos. Wala na kaming maabutan na mass niyan eh.” she said.

She looked at her wrist watch and saw that it was 9:50 already. Napapalatak siya at saka inis na napahilamos ng kamay sa mukha.

“Naflush na ba yun?!” she asked herself.

Umakyat siya sa kwarto nito na inis na inis. Ang ganda-ganda ng gising niya tapos mabubwiset siya dahil lang sa kabagalan kumilos ni Elmo. She opened his door at saka nagsalita.

“Ano ba Elmo? Umiral nanaman ba kabadingan mo at naggown ka pa ata?! Magsisi—” hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil pag-angat ng ulo niya ay nakita niya si Elmo na kalalabas lang ng cr at nakatowel lang. His hair is still dripping wet at may droplets of water pa ito sa katawan.

“Oh. Bakit?” Elmo asked.

Hindi nakasagot si Julie dahil natulala siya sa katawan ni Elmo. She saw his body already. Nung photoshoot kasi ay may ibang shots na topless ang binata. But she hasn’t seen him looking like this. The body of a Greek god. Napalunok siya as she stared at his glorious sexy body.

“Julie!” Elmo snapped his fingers in front of her face at nagulat naman ang dalaga.

“Ha? Oh?”

“Sabi ko bakit andito ka sa kwarto?” Elmo asked.

“Eh k-kasi ang b-bagal mong kumilos eh! A-anong oras na oh!” she said trying hard not to stutter. “Tsk. Bakit ba lapit ka nang lapit?!” iritang tanong niya dahil lumalapit si Elmo sa kanya habang tinitignan siya ng nakakaloko.

“Gusto mo wag na tayo magsimba? Dito na lang tayo. You can do anything you want with me.” Elmo teased her.

She backed away pero lapit pa rin nang lapit si Elmo until she reached the wall. She was cornered and Elmo’s smile grew even wider.

“A-anong wag magsimba? U-ulol mo! Bilisan mong k-kumilos.” she said.

Elmo took her hand and pulled her closer kaya napayakap siya rito.

“Jules, pwede naman tayo magsimba mamayang gabi. Dito na lang muna tayo. Remember, wala si Maqui. We have the whole house to ourselves. My bed is ready, I’m ready, and I think you are too.” he said seductively. Julie blushed when he looked at her at saka napaiwas ng tingin.

“T-tigilan mo ko ha?! Kung ayaw mo magsimba edi wag! Ako na lang mag-isa. Leche.” sabi ni Julie sabay kalas sa yakap ni Elmo and stormed out of his room.

*****

Elmo laughed the moment Julie went out. Napakacute kasi ng itsura ni Julie and she was blushing and stuttering the whole time. Especially when he pulled her closer.

“Hay Julie. Iba ka talaga.” he said as he put on his clothes.

Pagbaba niya ay nakita niya si Julie na nakaupo sa couch. Her eyes closed and cheeks still blushing. Napangiti nanaman siya and walked up to her.

“Jules?” he called her.

“Tapos ka na ba?” she asked him, eyes still closed.

“Yes and you can open your eyes now. Nakabihis na ko.” he said. Dumilat na si Julie at saka siya tinignan ng masama.

“Let’s go.” masungit na sabi niya tsaka na naglakad palabas ng bahay.

Umiling na lang si Elmo tsaka na sumunod sa kanya.

They arrived in church just in time for the procession. Nakahanap agad sila ng bakanteng upuan at nakinig na sa misa.

Hindi pa rin pinapansin ni Julie si Elmo kahit pa pasimpleng kinakalabit siya ng binata.

“At the Saviour’s command and formed by divine teaching, we dare to say” the priest said. Tumugtog na ang piano and everyone started holding hands.

Elmo offered his hand to Julie pero hindi ito kinuha ng dalaga. Kaya siya na lang ang kumuha sa kamay ni Julie and even intertwined their fingers. Wala naman nang nagawa si Julie kaya tumuloy na sila sa pagkanta ng ‘Our Father’. After the song ay hindi na pinakawalan ni Elmo ang kamay ng dalaga. Pinipilit alisin ni Julie but he has a firm grip of her hand.

“Let us offer each other the sign of peace. ” sabi ng pari.

Humarap si Elmo kay Julie na abala bumati ng ‘peace be with you’ sa mga katabi nila. Nang makaharap ito sa kanya ay agad niya itong hinalikan sa labi.

“Peace be with you, H.” he said. Umiwas naman ng tingin si Julie.

After mass ay agad na naglakad si Julie palabas ng simbahan.

“Julie!” Elmo called her pero di pa rin siya pinapansin nito. “H!” he yelled. Lumingon si Julie sa kanya na halatang naaasar.

“Ano?” she asked.

“Uy. Ayaw sa name niya. Gusto pa sa endearment ko. Ikaw talaga, H.” asar niya.

“Pwede ba Elmo? Kakatapos lang ng mass. Wag mo naman ako pagtripan.” Julie said.

“Di kita pinagttripan, H. Grabe ka naman sa akin.” he pouted. “Nilalambing ka na nga kanina tapos ayaw mo pa.” he whispered.

“Oh. Ikaw naman nagtatampo ngayon?” Julie asked pero hindi niya ito pinansin. Instead, he walked towards the parking lot without even waiting for her.

Nang makasakay sila sa kotse ay tinignan siya maigi ni Julie.

“Alam mo, hindi bagay sayo yung nag-iinarte.” Julie said to him.

“Ikaw na nga sinusuyo ikaw pa may ayaw.” he whispered.

“Anong sabi mo?” Julie asked.

“Wala. Sabi ko saan na tayo pupunta?”

“Let’s eat lunch first.” Julie replied. Tumango na lang si Elmo and drove their way out the church’s parking lot.

*****

Nasa restaurant na sila and are already waiting for their orders. Di pa rin pinapansin ni Elmo si Julie and the latter can’t help but to laugh at how they treat each other. Para silang tanga na nagkapalit ng mood kanina.

Nang dumating ang orders nila ay nagsimula na agad kumain si Elmo.

“Moe, tikman mo oh.” she said saka pa akmang susubuan ito.

“Ayoko.” tipid na sagot ng binata.

“Bilis. Masarap kaya.” pamimilit niya.

“Ayoko nga.” sabi pa rin ni Elmo.

“Tampo pa din ba ang H ko? Sorry na H. Bati na tayo please?” panlalambing ni Julie.

“Anong tawag mo saken?” Elmo asked. Obvious na nakuha na ni Julie ang attention niya.

“H. Diba sabi mo it’s short for honey? Oh. Ayaw mo? Babe gusto mo? Baby? Ano pa?” Julie said. Napangiti na si Elmo tsaka tumabi sa kanya.

“H, Babe, Baby. Kahit ano basta ikaw nagsasabi okay na okay na sa akin.” he said.

“So bati na tayo?” Julie asked. Tumango si Elmo tsaka na kinain ang pagkain na sinusubo sa kanya ni Julie.

“Sarap!” he said.

“Sabi sayo eh. Nag-iinarte ka pa kurutin kita eh.” she said to him. Tumawa na lang si Elmo tsaka na sila nagpatuloy sa pagkain.

If you don’t know them, at hindi mo alam na nasa ligawan stage pa lang sila, you would think that they are a couple. Parang magboyfriend kasi sila kung kumilos. They looked perfect for each other and are very sweet.

“H, gusto ko nung brownie ala mode nila.” paglalambing ni Julie sa kanya.

“Gusto mo? Osige.” sabi ni Elmo tsaka na niya tinawag ang waiter. “1 brownie ala mode.” he said.

“Yehey! Thanks, H!” Julie exclaimed at hinalikan pa siya sa pisngi.

*****

After lunch ay nagpunta na sila sa grocery para mamili ng mga kailangan ni Julie sa bahay.

Nagtatalo sila sa kung anong dapat bilhin at hindi dapat.

“Jules, mas okay ang Olay kaysa Ponds.” Elmo said.

“Yung totoo? Ikaw ba gagamit ng facial wash o ako?” Julie asked.

“I’m just saying. Mas lalambot yang skin mo with Olay.” he said. Tinignan siya ng masama ni Julie.

“So sinasabi mong magaspang balat ko?” she asked.

“No! Of course not. Sinasabi ko lang mas lalambot yang mala-baby skin mo.”

“Hindi eh. Parang iba sinasabi mo eh.” pagtataray pa ni Julie.

“Hindi ah.”

“Ewan ko sayo. Diyan ka na nga. Ikaw gumamit ng Olay.” at saka na naglakad palayo si Julie.

Hinabol siya ni Elmo habang natatawa-tawa pa ito.

“Ikaw naman matampuhin.” Elmo told her.

“Wag mo kong kausapin leche ka.”

“Hahaha. Joke lang, H.” pero di siya kinibo nito.

“Che!” sabi ni Julie sabay lakad uli palayo.

“H!” tawag ni Elmo.

“Ano nanaman?!” iritang tanong ni Julie.

“Love you!”