kaibigan

Pinagmamalaki ko na basurero ako, pumupulot ako ng binasurang kaibigan na inabuso ang kabaitan. Pumupulot din ako ng tinapon na basahan, pinipilit kong iligtas ang mga babae na tinapon pagkatapos pagsawaan. Isa akong kaibigan na hinahanapan ng halaga ang walang kwenta. Hahayaan lang kita sa una, pero tutulungan kita pag alam kong hindi mo kaya. Bilang kapalit ay sana ganun din ang gawin mo sa iba.
—  Yan ang gusto kong isagot sa Nanay ko. Mas tinutulungan ko pa daw kasi ang iba kaysa sa aking sarili. Wala siyang magagawa, yun na kasi ang misyon ko habang ako ay nabubuhay pa sa mundo. Gusto ko maging mabuting tao kahit na hindi ako naniniwala sa Diyos.
Buti pa sila nagagawa mong maappreciate. Nagagawa mong kamustahin. Nagagawa mong kausapin. Nagagawa mong pansinin. Buti pa sila. Tapos pagdating sakin, galit ka. Inis ka. Kasi hindi ako nagpaparamdam. Nagtatampo ka. E ano bang gusto mong gawin ko? Isiksik ang sarili ko sa makitid na lugar diyan sa buhay mo? Pinipilit kong hindi makipagusap kahit gusto kitang kausapin. Pinipilit kong hindi mag-alala kahit nagaalala nako sayo at sa kalagayan mo. Pinipilit ko yung sarili kong umiwas sayo kahit ayoko. Kasi mahalaga ka sakin. Ayaw ko nang sirain yang kaligayahang matagal mo nang hinahanap na nakamit mo na ngayon, na naibigay ng ibang tao sayo. Ayaw ko nang maging pabigat sayo kasi ayoko kong nakikita o nalalaman kong nasasaktan ka o kung ano. Ayaw ko nang mangialam sa buhay mo kasi alam ko nasa mabuti kang kalagayan ngayo’t masaya ka na nang wala ako. Hindi mo nako kailangan sa buhay mo, kasi may pumalit na sa posisyon ko. Mahal kita alam mo yan. Kaya ko ‘to ginagawa.
—  111014 2309
UNWRITTEN RULES IN CHOOSING YOUR KARELASYON

Marami tayong rules sa pagkakaibigan, pero hindi natin ito isinasapuso lahat. Kung tutuusin kinakalimutan na ng iba ang kapakanan ng pagkakaibigan magkaroon lang girlfriend/boyfriend. Sa mga kaibigan ko, ito ang ilan sa nabuo naming rules in choosing your isho-syota:

  1. Iwasan makipagrelasyon sa kaibigan.
  2. Bawal makipagrelasyon sa kapatid ng kaibigan.
  3. Bawal makipag relasyon sa ex ng kaibigan.
  4. Bawal makipagrelasyon sa nagugustuhan ng kaibigan.
  5. Bawal makipagrelasyon sa nagkakagusto sa kaibigan
  6. Iwasang makipagrelasyon sa kauri mo.

Madali naman siguro. Pero di ko naman sinabing sundin niyo to. Sadyang mas mahalaga lang pagkakaibigan namin, because friends are “forevah”.

Para sakin, yung mga kaibigan na  pikon, madali maasar, tapos mamaya tatawa nalang, tapos may pagaawayan kayo saglit, tapos tawa ulit, tapos from high to low, funny to serious conversations, tapos mga kalokohan biglang what, di ka na papansinin ulit hanggang sa magkaroon siya ng peace of mind, sila ay yung tipo ng kaibigan na kahit di mo maintindihan minsan, madalas, o kung ano man, sila parin sa huli ang magiging kasundo mo, maaring hindi panghabambuhay, pero pangmatagalan yung pagkakaibigan niyo. Kahit pa magkaroon kayo ng tampuhan, in the end, dahil sa tiwala niyo sa isa’t isa, at dahil sanay na kayo sa moodswings ng bawat isa, kayo at kayo parin ang magkasama sa bawat kalokohan, bawat iyak, bawat saya, bawat lungkot, bawat lahat. Kahit pa hindi siya yung tipo ng aakalahin mong best friend mo, wala. Magiging best friend mo parin sila, kahit na ikaw hindi ka nila ituring na best friend. Kahit na hindi talaga klaro kung bestfriends kayo o hindi, alam narin naman niyo yun kahit walang label, o tawagan, o kung ano man. Kaya dapat yung mga ganitong kaibigan, tratuhin mo nang maayos. Hindi yung tulad ng ginagawa mo sa iba na papansinin mo lang pag gusto mong mangtrip, pag may itatanong ka, pag may event, pag may ganito ganyan. Maging kaibigan kang tunay, at totoo. Hindi yung pang-isang araw lang. 

Uri ng kaibigan
  1. Made in China - Sila ‘yung mga kaibigan na sinisiraan ka sa iba 'pag nakatalikod ka ng 'di mo alam. In short, peke! Pero s'yempre 'di mo alam 'yun. Dahil ang alam mo isa sila sa mga tunay mong kaibigan.
  2. Utangers - Sila 'yung mga kaibigan na mahilig mangutang pero nagkakaroon ng sakit na kalimot 'pag bayaran na. 'Yung iba naman nagsasabi na babayaran ka nila… pero sa next life mo nalang daw.
  3. Brutal - Sila 'yung kaibigan tinalo pa si Pakyaw kaka-suntok sa braso mo at tinalo pa ang kagat ng hantik ang kurot sa'yo sa t'wing kinikilig sila o kaya naman trip lang nila manakit para mangulit. 
  4. User - Sila naman 'yung mga kaibigan na ginagamit ka lang pero 'di mo alam. 'Yung tipong tino-tropa ka lang kasi math genius ka o 'di naman kaya masipag ka gumawa ng assignment. Para 'pag kokopya sila sa'yo 'di na sila mahihirapan kasi nga “kaibigan” mo sila. Minsan 'pag 'di mo pina-kopya susumbatan ka pa.
  5. Real na Real - Sila naman 'yung mga kaibigan na mahirap hanapin. Bago mo malaman na totoo sila sa'yo, sobrang dami n'yo pang dapat pagdaanan (at walang shortcut dito) para masubok ang pagkakaibigan n'yo. Kung ano-ano 'yun? Kayo nalang makaka-tuklas nun. 

Ang pagkakaibigan ay 'di nasusukat kung gaano s'ya kagalante sa t'wing nililibre ka n'ya, kung gaano n'yo na kakilala ang isa’t-isa at kung hanggang kailan ka n'ya kaang bigyan ng papel sa t'wing may surprise quiz kayo sa math.

Ang pagkakaibigan ay nasusukat sa simpleng respeto at tiwala n'yo sa isa’t-isa. Dahil kapag 'yun nawala, wala na. End of friendship na. 

Nakakapagod na din pala.

  • Yung sinusubukan mo yung sarili mong makisalamuha sa iba, pero parang wala lang din namang nangyayari.
  • Yung gusto mong makipagkaibigan, pero parang may mali. Parang napipilitan lang sila.
  • Yung akala mo ‘kaibigan’ mo na sila, pero AKALA lang pala talaga. Umaasa ka, pero hanggang sa pag-uusap lang pala talaga kayo. Walang friendship na nabuo.
  • Yung paulit-ulit na lang yung nangyayari. Magha-Hi ka, tapos.. Wala na tapos ang usapan. 
  • Nakakapagod. Nakakasawa.

Ang hirap makipagkaibigan.

OA ba? Hindi yun OA, importante lang talaga sakin yung salitang 'pagkakaibigan’ kasi sila yung pangalawang pinahahalagan ko sa buhay.

AYOKO NA.