kahit papano

Send-Off Party na bukas

Malapit na kaming tumuntong sa new stage of our lives. Mapupunta na kami sa totoong mundo hay grabe. Medyo kinakabahan ako kase feeling ko, hindi pa ako ready pero may side rin na nagsasabing dapat na akong magpakamature na. Kailangan ko nang kumita ng pera. Isang linggo na lang at gagraduate na kami. Mamimiss ko talaga yung klase namin. Yung kaingayan nila tapos kapag production din. Natatawa nga lang ako kase tumuntong na ako ng 4th year, never akong naging close sa kahit na sinong teachers. Hindi ko alam, kase parang may favoritism sila kaya di ko trip. Hays, basta dami ko rin namang natutunan kahit papano. Nakakapag-overthink ako kung ano na mangyayare saken. Baka walang tumanggap sakin na work dahil sablay ako sa naging ojt ko. Isa pang nakakadisappoint yun na parte ng buhay ko. Imbes na matapos na talaga ako, until May 6 pa ako sa school. Hahaha nevermind, matatapos rin naman to. Gege

Guys. Ingatan niyo yung mga taong dumadating sa buhay niyo. Grab the opportunity na makasama sila as much as possible. We will never know ano ang mga susunod na mangyayari. It’s either bigla silang mag-iba. O kaya naman eh may makilala siyang iba. Kaya it’s important na makita yung worth ng tao na yun. Lam mo yun? Ano man ang mangyari masasabi mo sa huli na kahit papano naging parte ka sa buhay ng tao na ‘yun. As long na naging masaya ka? Feel ko count it as a blessing na lang. Kahit na sa huli. Mas pinili nila ang saktan ka. Ganun naman ang tao eh. Sarili lang lagi nila ang iniisip nila.

Pero etong mga tunay na nagmamahal. Handa nilang ibigay lahat. Mapasaya lang yung taong mahalaga sa buhay nila. That’s unconditional love right there. Huwag kang susuko, marami na ang dating malungkot na sumaya na. Kayanin mo palagi.

This is a 2:58AM thought.

I am the type of person who always put limit on things. Hindi ko binibigay lahat, lagi akong nagtitira for the next time. For example, kakausapin kita pero hindi ko sayo sasabihin lahat ng gusto kong sabihin para sa next na pag-uusap natin, may masasabi pa ko. Another example is magb-blog ako ngayon pero hindi ko ilalagay lahat ng feels ko para sa next na blog ko, may mailalagay pa ko. And maybe that’s because I always think that there is always a next time. And besides, I don’t care din naman if this shit will satisfy you, if my words will satisfy you, if our conversation will somehow satisfy you. Basta may ginawa ako, yun na yun, wala akong pake kung matuwa ka sakin or hindi. Anyway, I never cared about anything naman pala kasi talaga. I am the type of person who is very much not interesado about anything. I know this might be so rude pero wala eh, ewan ko ba basta wala talaga akong pake. Wala akong pake sayo, wala akong pake sa mundo, wala akong pake kung wala ka ring pake sakin. Basta, wala akong pake kasi sobra talaga akong hindi interesado sa mga nangyayari sa mundo, ang iniisip ko lang palagi sarili ko kasi nakokornihan ako sa mga tao. Ganyan na ganyan ako dati. And then I met this person who turned me into something I never expected I will be. Hindi ko ugali yung pagbibigay ng best ko kasi tinatamad nga ako pero pagdating sakanya, damn, I really want to give everything I could give, I want to give the best I have in me. Sobra talaga akong interesado sakanya. Gusto kong malaman lahat ng bagay na pwede kong malaman about sakanya. Kahit kailan, hinding hindi ako mauubusan ng sasabihin sakanya. Sya yung tipo ng tao na kahit i-spend ko yung buong lifetime ko na kausap lang sya, alam kong kulang at kulang parin yun kasi sa huli, alam kong meron at meron pa rin akong mga bagay na gustong sabihin sakanya. Pagdating sakanya, gusto ko nalang gawin lahat ng pwede kong gawin na I know will make her satisfied and happy. Gusto ko nalang sabihin lahat ng bagay na pwede kong sabihin na alam kong ikakatuwa nya. Gusto ko nalang sabihin sakanya lahat ng salitang gustong gusto nyang sabihin sakanya. Gusto ko nalang sabihin lahat ng salitang makakapag-comfort sakanya. Wala akong pakealam kung maubusan ako, basta ang mahalaga nalang sakin is yung ma-satisfy ko sya at matuwa sya sakin. Gusto ko makita nya sakin yung worth nya. Gusto ko ipa-feel sakanya kung ano yung value nya as a person. I want her to see herself the way I see her. Gusto ko lahat ng pag-uusap namin maging memorable. Gusto ko pagdating samin, lahat good memories. Gusto ko ibigay sakanya lahat ng kaya kong ibigay, Gusto ko ibigay sakanya lahat ng deserve nyang ma-receive bilang tao, bilang babae, at bilang sya, She really deserves the best. Pag nag-aaway kami, gusto ko magkaayos agad kasi ayokong maalala nya ko someday as a person na kayang tiisin sya kasi hindi ako ganon pagdating sakanya. Pag nagj-joke ako okay lang kahit korni na basta mapatawa lang sya. Nag-bakla baklaan na nga ko lahat lahat kasi alam kong ganon yung mga trip nya. Nakapag-take na rin ako ng mga online disney personality quizzes kasi alam kong curious sya kung sinong disney prince ako at kung sang disney movie ako nanggaling kahit na sa sarili ko tangina tawang tawa nalang talaga ko kasi hindi ko na alam kung normal pa ba yung mga pinag-gagagawa kong yun.

Sobrang ibang iba ako pagdating sakanya. Nakakapanibago man pero gustong gusto ko talaga yung sarili ko when it comes to her. Feeling ko ang bait bait ko. Feeling ko ang tino tino ko kahit papano. She made me do things I’ve never done before like this tumblr shit. I’m not that vocal, lalo namang hindi ako madrama before pero basta, gusto ko nalang talaga ipagsigawan sa buong mundo yung mga bagay na naf-feel ko sakanya. I want the whole world to know how blessed I am kasi nakakilala ako ng taong katulad nya. She brought out the best of me. And maybe that’s the reason kung bakit sya pinakilala ni God sakin: To know myself more. For me to know na kaya ko, kaya ko maging matino, kaya kong maging hindi gago even just for a while. Hindi ako sigurado pero kung ano man yung rason kung bat ko sya nakilala, gusto ko lang ipaalam na sobra talaga akong thankful sa Panginoon kasi sa dinami rami ng lalaki sa mundo, ako pa yung pinili nyang makilala sya. Sa dinami rami ng tao sa mundo, yung landas pa naming dalawa yung pinag-meet nya. Every time na makakakita ako ng photos nya, hindi ko mapigilang hindi mapaisip: “Lord, bakit ako? bakit sya? bakit kami pa?”. Every night bago matulog, lagi akong nagp-pray at wala akong ibang sinabi kay Lord kundi “I only want the best for her po”. Wala na akong pakealam kung sakin ba sya mapunta kasi alam ko rin namang lugi sya sakin eh, sasakit lang ulo nya kaya ayun, bahala na, gusto ko nalang talaga yung best para sakanya. Ang tagal na tagal na at sobra talagang nakakaloko kasi sakin, wala paring nagbago. Pag nagb-backread ako sa conversation namin, kung ano yung naramdaman ko nung una ko syang nakausap, ganon at ganon parin yung naf-feel ko. Ilang beses ko nang sinabi sakanya to pero hanggang ngayon, sya parin talaga yung pinangarap kong ipakilala sa parents ko. Sya parin yung babaeng gusto kong idahilan sa mga friends ko kung bat di ako pwede manchix today kasi mab-beast mode si inday ahaha. Sya parin yung babaeng gustong gusto kong inisin tsaka galitin kasi ang cute cute talaga haha. Alam kong ang tagal narin, more than two years na nga since nung nakilala ko sya pero hanggang ngayon, natotorpe parin ako sakanya. Hindi ko na nga talaga alam kung ano gagawin ko sa feelings ko sakanya eh. Ang hirap kasi alam kong pagdating sakanya, hinding hindi ako mauubos pero wala, gusto ko na talaga magpaka-ubos. Ayoko na mag-blog pero this is the only way para maging okay. Sabi ko sa sarili ko, suko na talaga ako. Gusto ko na mawala lahat ng to. Gusto ko na mag-start ng panibago. Gusto ko pa pero ayoko na talaga, at sigurado na ko dun. Pinaka-birthday gift ko talaga sa sarili ko eh yung maging okay na ko. Malapit na, at sana, sana lang talaga mapagbigyan ko sarili ko. Hinding hindi mawawala sakin yung feelings ko para sa taong ‘to pero muli, gusto ko pa, gustong gusto pa pero ayoko na. at sigurado na ko dun.

Hindi ko alam kung parte ba ng pagiging OC yung di mapigilan na ayusin yung mga bagay bagay o sadyang magulo lang talaga buhay ko kaya naghahanap ako ng isang lugar na ppwede kong ayusin at linisin para naman kahit papano, may capability pa rin akong mag ayos at mag bago

Mga Uri na nararamdaman ng Isang tao.

Crush - ito yung mga taong hindi alam kung paghanga o pagmamahal na ba ang nararamdaman nila sa taong gusto nila, ito ang madalas na pagtalunan ng puso at isipan, isang magulong salita na kailangan ng kasagutan.

Hanggang friends lang - ito yung kahit anong effort ang gawin mo, hanggang friends lang talaga ang kayang ibigay ng taong mahal mo, tipong wala eh, hindi ka niya type o kaya committed na siya kaya hindi na pwede, malay mo onting hintay pa eh kayo naman, kaso hahayaan mo bang maging martyr ka? Baka mag pari/madre ka diyan kakahintay sa isang taong hindi sigurado ang kinabukasan ng puso mo.

I love you everyday - ito yung taong talaga namang wagas magmahal, pag gising mo sa umaga kakamustahin ka, tutulog ka sa gabing mensahe pa rin niya o boses ang maririnig mo sa kanya, ito yung mga taong pasimple lang magparamdam, tipong walang effort kasi kahit papano may nararamdaman ka na rin sa kanya.

Pakipot Effect - ito yung ugali naman ng isang tao na gusto niya yung taong nanliligaw sa kanya o kaya yung taong may gusto sa kanya pero nagpapakipot siya, tipong pinapahirapan pa niya yung taong nagmamahal kahit na nararamdaman na niyang concern ito, minsan ang mga taong pakipot ang nasasaktan sa huli dahil pakipot ng pakipot, ayun nagsawa yung taong nagmamahal sa kanya ayan tuloy iniwan sila.

Paasa - ito naman yung mga taong ang daming sinabi sayong magagandang bagay tapos sa huli eh bigla kang iiwan, akala mo oxygen ang mga sinab niya sayo, yun pala carbon dioxide na nung nailabas puro kalokohan, walang magandang maitutulong sa pagkatao mo. Tipong akala mo malapit na yung hinahangad mo tapos mapuputol lang basta basta.

Wagas Magparaya- ito naman yung mga taong handang masaktan para sa taong minamahal, ito yung mga taong walang inisip mapasaya lang yung taong mahal nila, ito yung taong dapat bigyan ng medalya at kung isa ka sa mga kaibigan nang nagparaya, eh gusto mo itong sabunutan at pagalitan dahil ikaw mismo ang naawa sa nararanasan niya. Ang tanging gusto lang ng mga taong ito eh magmahal kahit hindi na sila mahalin pabalik.

Simulan mo sa pinakamasakit, sa pinakamahirap. Kapag kinaya mo, swerte ka, kasi magiging madali na para sa ‘yo ang mga susunod. Kapag hindi mo kinaya, talo ka, pero kahit papano, naranasan at nalaman mo kung gaano kasakit at kung gaano kahirap. Kaysa naman magsimula ka sa madali tapos malalaman mo sa bandang dulo na hindi mo pala kaya.

Nakakapanghinayang kasi kung ngayon pa ako bibitaw. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan halos naibigay ko na lahat? Ipaglalaban ko ‘to!

Maging mahirap man, alam kong marami akong matututuhan sa bandang dulo. Maging masakit man, nalaman ko ang pakiramdam kahit papano. Ang mahalaga, sumugal ako. Naniwala ako. Wala akong pagsisisihan balang araw.

RF: Ang mga tao hanggat binibigay mo ang gusto, lalong umaabuso...

Di ba? Sa una ok pa, pero once they get into your nerves ayon na unti unti nang nagiging abusado. Masakit isipin na yan ang natural na pag-iisip ng tao. Aaminin ko minsan nagiging ganyan din ako pero naiisip ko pa rin ang mga LIMITS ko. Sana naman may matutunan tayong leksyon tungkol dito. Good luck na lang sa lahat. Maraming salamat. *Bow

Pwede bang ikaw naman.
—  Ikaw naman ang mageffort kahit minsan, gusto ko kasing maramdaman yung binibigyan halaga o pinaglalaanan ng oras at ginagawan ng effort. Minsan lang naman hindi ko hinahangad na lagi at bongga kahit simple okay na sakin maramdaman ko lang na kahit papano mahalaga pala ako sayo.
Nakakapagod na kasi. Nahihirapan na din ako.

cristi-france  asked:

Kung gusto ng ex mo na maging friends pa din kayo after break up- tama pa bang pumayag?

Yep, kaso label kayo na friends lang. Pero never naman mangyayari yung ginagawa nung mga normal friends? Nope, that will never happen dapat. Ang Ex ay Ex na. Magiging kaibigan mo lang siya kasi napatawad mo na siya, pero wala ng babalik sa normal routine as friends or close friends. Wala na :) Believe me. 

Lahat ng EX ko napatawad ko na, lahat sila nakausap ko pero iba yung feeling kapag kausap sila. Super blank. Tipong hindi mawawala sa isip mo na dumating yung araw na sinaktan ka ng mga taong yun. Kahit papano gusto ko ma guilty sila ng onti, gusto ko maramdaman nilang nakasakit sila ng tao. Yun siguro ang natututunan ko sa mga taong yun. Yung never na ako ma tatake for granted ng tao kasi alam ko na kung ano lang ang dapat ibigay.

Anonlover

Ito yung anon na sinasabi yung mga positive sayo. Sila yung “Humahanga” sayo. “Hi ate/kuya crush po kita”, “Ang galing niyo po mag blog idol na kita”, “Ang cute niyo po”, “Sana makaclose po kita” at madami pang iba. Sa kanila mo mararamdaman yung love. Sila yung mga taong nakakapag pangiti satin kapag natanggap mo yung message(s) nila. Sila yung mga taong kukumpleto sa araw mo. Sila yung mga taong nakakapagpagaan ng loob mo. Sila yung taong handang pangitiin ka araw araw. Sila yung mga taong masarap kaibiganina at makausap araw araw. At sila din yung taong gusto ng lahat. Minsan iniisip mong binobola ka lang nila pero diba kahit papano napapagaan nila loob mo. 

Anonhater

Ito yung anon na masarap ipakain sa pating. Oo minsan nakakatuwa kasi may nagsasabi sayo ng mali/negative sa ugali mo o sayo mismo. Pero kasi minsan ultimo kasingitsingitan mo pinapansin. Sila din minsan yung dahilan kung bakit may mga blogger na nagdedeactivate. Sila din yung mga taong anlakas makapanlait na akala nila perpekto sila. Sila yung mga taong masasabi kong duwag, manghehate nga nakatago naman sa isang kalbong nakasalamin at kapag hinamon mo mang off anon bigla na lang mawawala. Sila din yung mga taong ginagawang big deal ang mga maliliit na bagay lalo na yung isang pagkakamali ng isang blogger. Sila yung mga taong pakialamero, makikibasa na nga lang sa blog ng may blog magrereklamo pa keso “Ang drama mo naman”, “Ang pangit ng blog mo”. “ Wag ka mag post ng picture nakakasuka”. “Wag kang pasikat dito”. “Magdeact ka na nga lang”. Oh diba? Wala ng sinabing maganda. HATER NGA KASI.

‘Yung taong…

Nagtatampo kapag wala kang oras sa kanya.

Nagseselos sa mga lalaki/babaeng malalapit sa’yo.

Nagagalit kapag may ibang taong sumusubok na agawin ka sa kanya.

Ipagmamalaki o ipagmamayabang ka sa iba.

Ipapaalam niya sa iba kung gaano siya kaswerte na merong IKAW sa buhay niya.

Ipinagdadamot ka sa iba.

Inaalala ka sa bawat oras.

Iniiyakan ka dahil mahal ka.

Lahat naman ata tayo gusto ng taong ganito eh. Pero ang tanong, meron pa kaya nito? Meron pa kayang taong tatratuhin tayo ng espesyal? Kung ako ang tatanungin, gusto ko ng taong hindi man perpekto sa lahat ng bagay, pero gagawin ang lahat, para maipakita at mapatunayan niya na mahal niya ako. Tulad nito… Kaya lang, dumating sa point na, kapag nagtagal na sila sa buhay natin, bigla silang nagbabago diba?

Sa buhay natin, may mga taong nagtatagal, mga iniiwan tayo, mga taong minamahal tayo inspite of our differences at mga taong sasaktan lang tayo. People come and go at madalang lang ‘yung, “People come and stay”. Pero kung iiyak ka, may ipaglalaban ka, isasakripisyo at gagawin ang lahat, dun sa taong worth it naman oh. ‘Yung taong deserving para dyan sa mga ginagawa mo. Dahil kahit papano, ang mga bagay na ‘yan eh may kapalit. Humanap ka ng taong tulad nito, masaktan ka man niya, at the end of the day, hihingi siya ng tawad at hindi nagbago ang pagmamahal niya sa’yo.

Bakit siya pa? ‘yan lage ang tanong ko sa aking sarili. Bakit nga ba siya pa? Samantalang ako naman itong lageng nasa tabi mo, naghihintay na mapansin ang pagmamahal ko. Samantalang sa lahat ng oras ay nasa paligid mo lang ako lage, handang suportahan ka kung kailangan mo ng suporta, handang yakapin ka sa panahong kailangan mo ng makakasama, handang makinig sa’yo sa mga oras na kailangan mo ng makakausap.

Bakit siya pa? hindi ba sapat yung mga ginagawa ko sa’yo para hindi mo maramdaman at siya ang pinili mo? Hindi pa rin ba sapat ang pinapakita kong pagmamahal kaya napunta sa kanya lahat ng sukli na dapat ay para sa akin? Hindi ko maintindihan, ginawa ko naman lahat, binuhos ko lahat ng aking pagmamahal, ginawa ko lahat para mapansin at maramdaman mong mahal kita pero bakit hindi umubra? bakit wala lang sa’yo lahat ng yun? bakit hanggang ngayon e ang buong akala mo masaya ako para sa’yo–para sa lovelife mo? Akala mo ba wala akong pake dahil may mahal kang iba? Nagkakamali ka!
May pakialam ako! Hindi dahil masakit sa akin kundi nag-aalala lang ako sa’yo na baka dumating yung oras na masasaktan ka dahil hindi ako yung pinili mo.

Bakit siya pa? Bakit hindi nalang ako? Ako lang naman ang mas nakakakilala sa’yo e, ako lang naman ang nag-iisang taong handang harapin lahat ng hirap para lang sa’yo. Pero bakit siya pa rin? bakit parang naligaw naman yata yung pagmamahal mo at napunta sa iba? Mahal kita pero wala akong magagawa kase nasa iba naman ang atensyon mo, nasa ibang tao ang dahilan ng mga ngiti mo na dapat ay ako sana ang gumagawa para ‘sayo.

Bakit siya pa? Nakakainggit naman siya, mahal siya ng taong mahal ko, hinahanap siya ng taong hinahanap ko, pinapahalagahan siya ng taong pinakamahalaga sa buhay ko. Ang saya no? Napapagod ako kakaisip sa’yo pero ikaw, nasa iba yung atensyon mo, nasa kanya! Hindi mo man lang makuhang pansinin ako. Ang saya saya! Oo na! tanga na kung tanga pero mas mahal naman talaga kita!

Bakit siya pa? Sana naging ako nalang siya, para kahit papano maranasan ko yung pagmamahal mo, maramdaman ko yung saya dahil nagmamahalan tayo. Sana naging ako nalang siya, nang sa ganun hindi na kita pababayaan, hindi na kita papakawalan, hindi ko hahayaang mawala ka pa sakin. Iingatan kita, papasayahin, mahahalin. Pero sino ba naman ako para gawin yun e hindi naman ako siya. Ako lang naman ‘to. Yung kaibigan mong palaging nasa paligid mo naghihintay ng atensyon, naghihintay nga mga pagkakataong mapansin mo naman ako.

Bakit siya pa? Napakaswerte niya talaga. Lagi mo siyang pinapasaya, lagi mo siyang nililibre, lagi kang gumagawa ng mga paraan mapasaya mo lang siya. Ang swerte niya, pero ikaw ba masaya ka ba sa kanya? Kung ako lang sana ang pinili mo, hindi mo na kailangang mag-effort, hindi mo na kailangang magpagod at gumawa ng mga paraan mapasaya mo lang ako. Kung ako lang sana yung pinili at minahal mo, hindi mo na ako kailangang ipunta sa magagarang lugar, romantic at expensive na restaurant. Simple lang naman yung nais ko, ang pagmamahal mo lang, ang masuklian mo yung matagal ko nang nararamdaman sa’yo, simple lang naman yung gusto ko: Ang makasama ka habangbuhay.

Bakit siya pa? Kahit ilang ulit pa kitang tanungin e wala pa rin akong magagawa, siguro tatanggapin ko nalang na iba talaga ang taong para sa akin, ibang tao ang nararapat para sa akin. Pero kaya ko namang maghintay e, kaya naman kita saluhin kapag dumating yung araw na binitawan ka na niya, kaya kitang sagipin. Pero yung problema, pag sinalo ba kita, mamahalin mo na rin ba ako? Masusuklian mo na ba yung pagmamahal ko sa’yo? Baka kase pag sinagip kita e magpapasalamat ka lang at hindi mo marerealize na kaya kita sinagip kase mahal kita. Ang manhid mo! Siguro nga oras na para tanggapin na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin mo sakin, hanggang tropa lang yung tingin mo sa relasyon natin. Sorry pala ha, kung minsan KJ talaga ako sa mga lakad natin, hindi ko lang kase talaga kayang makinig sa mga kwento mong may kinalaman sa kanya. Ang sakit kase, hindi lang sa tenga, abot hanggang puso yung sakit. Hanggang dito nalang, susubukan kong kalimutan ka, susubukan kong layuan ka. Labag man sa puso ko, pero wala namang masama ang magsimula ulit diba? Wala namang masama ang kalimutan ang taong minsan ay minahal ko. Walang masama kung itatapon ko yung pagmamahal ko. Alam kong nagpapakatanga ako at dati yun. Hanggang dun nalang yun.

Bakit siya pa? Ay mali! Hindi na yan yung katanungan sa isipan ko. Bakit ikaw pa?. Oo! Bakit ba kase ikaw pa? Bakit ikaw pa na manhid at hindi kayang pansinin ang nararamdaman ko? Bakit maling tao pa? Bakit yung taong hindi naman ako kayang mahalin ang minahal ko? Alam ko na, magkaibigan kase tayo kaya na-inlove ako sa’yo. Pero pakshet! ang tanga ko talaga, wala namang magkaibigan na babae at lalake na hanggang magkaibigan lang ang tingin sa isa’t-isa. Siyempre dadating sa puntong isa sa kanila ang mahuhulog, isa sa kanila ang masasaktan at isa sa kanila ang maiiwang luhaan.

Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na kaibigan ko ang minahal ko? Bakit sa’yo pa ako nahulog? Mapaglaro ang tadhana, kaya dapat mag-ingat din tayo sa mga taong pinipili natin. Kaya tayo nasasaktan kase minamahal natin yung taong dapat ay kinakaibigan lang.

“I fell out out of love na.”

An honest answer is the best way to explain yourself. Sabi nila mahirap daw kasing sabihin. Pero bakit yung pang-iiwan mo, hindi ba mahirap gawin? If you want a new beginning, sana tapusin mo yung isang  bagay the right way.

Can anyone explain why people cheat? Why people are untrue? Paano nasisiskmura ng isang tao ang magalit sa iba kung sya mismo hindi naman pala totoo lahat ng sinasabi? Ganon ba talaga kahirap makita ang sariling mali?

“I fell out of love na.” If I’m your girlfriend, I won’t fight anymore because yan na yun e. Ano ba bang karugtong nyan na pwede mong asahan para maayos pa yung gusto mong isalba? Kahit itanong ko pa kung bakit, kahit anong isagot mo don, isa lang naman ang bagsak non - hindi mo na ko mahal.

Salamat nalang sa panahon na sobrang parang roller coaster, pero masaya naman kahit papano. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero hindi ko alam kung kailangan ko ba magbago para sa isang tao na hindi ako o ang bagay between us ay hindi nya tanggap.