kagabi pa to

Guys, help me please. Yung kapatid ko nalunok niya yung memorycard 64GB. Kagabi pa siya, ayaw niya na tumigil, kinakanta niya na lahat ng kanta na naka- save dun. Natatakot ako baka umabot na siya sa video

di ko talaga alam kung lasing na ako kagabi or ano pero feeling ko oo kasi yung sa boses ko tapos nakatulog na ako agad. pero gusto ko pa rin matry yung lasing na lasing para alam ko na ginagawa ko pero feeling ko talaga matutulog lang ako kapag lasing na ako kasi tinulugan ko lang sila kagabi. tas diba lumindol pa, eh nag-iinom kami non tas agad agad naming tinago yung bote kasi akala namin pupunta sa kwarto nanay nung tropa ko pero hindi naman so okeh tayo don, nagpanic lang talaga kami ni ate kath hahahaha. tas eto na, edi umaga na no, aga ko nagising kasi tumawag tatay ko pero pinatay ko din kasi la na ko data hahaha tas nakatulog tas nagising ulit kasi may tumawag tas yon na, edi gising na ko tas naalala ko may assignment pala so habang nag-gagawa ako ng assignment, pumasok si ate nena at shookt kita niya yung bag ko na pinaglagyan ng nga bote ayon hahahaha sabi sakin, “nag-inom pala kayo” tas nginitian ko nalang hahahahaha goodmorning. hinanap ko yung natira kong smirnoff kaso wala na ko makita, inubos na din siguro nila kanina. nauna ako makatulog eh kasi feeling ko may amats na ko kagabi. weak pala hahahahaha.

4

Still can’t believe that I’m gonna see these in a week’s time!! Huhuhuhu. Really really excited for this trip!! I’ve never really imagined na makakapunta akong South Africa. Like it was just one of those “dreams” na parang impossible naman matupad. But here I am, about to go on a 5-day trip to see the Safari and have a close encounter with the wild animals. I think this will be the best trip I will ever have in my entire life. Kahit makapunta akong Paris or Greece, parang hindi nito matatalo yung Africa. Just thinking about this trip gives me the chills. Putangina, surreal! Feeling ko yun lang masasabi ko pagdating dun. Hahaha. Dejoke. Grabe, kagabi pa nga lang ‘di na ako makatulog. Ang dami ko na na-iimagine. Aasdjkashdkjasd. Grabe, sobrang thankful talaga!!

©CTTO

Hoy gago ang taas ng lagnat ko mula kagabi pero pumasok pa din ako ngayong araw, buong araw akong tahimik kaya naninibago mga katrabaho ko ang tahimik daw ng paligid, tapos paghawak nila sakin sabi “hala mam ang init mo nga”, tapos 2 gamot agad binigay ni let sakin, ngayong 8pm pinapauwi na ako ng superior ko sabi ko kakayanin pa, pero hindi ko na nakayanan ngayong 10pm nag-out na ako at kasalukuyang nasa taxi na pauwi, ang lakas pa ng ulan, wankobaaaa kung papasok ba ako bukas o hindi, nakadepende padin sa katawan ko pero tangina ginaw na ginaw na ako tapos sobrang sakit ng ulo ko :(

sobrang saya ko talaga. kagabi pa to eh, hindi ko ma-explain kung bakit pero kasi parang ok na. parang na-inspired ako ganon, parang naging maganda yung gising ko kasi dahil sa ano, hehe. kaya kayo kung single kayo dapat magkaroon kayo ng crush para maging maganda ang buhay. lol.

Hi! Habol! Hahahaha pero okay lang. Kagabi ka pa po pala nag-TA. Pasensya na po, nag-out na kasi ako kaya ngayon ko lang nagawa, hehe. Natutuwa po ako sa blog mo, lalo na kapag nagpopost ka ng mga personal entries, mga kuwento, ganiyan. Kasabayan po kita kahapon na maggawa ng mga hi hi kineme rin. Nakakapagod po, ‘no? Hahahaha! Salamat nga po pala doon sa message mo. :—) Noong una’y nag-aalangan pa akong angkinin kasi mayroon ring isa pang nagreply. Pero inangkin ko pa rin. Hahaha! Salamat po! 

Kapag nagpopost ako ng mga kwento at drama dito, tapos kasunod ng post ko ay post mo, natatawa ako na ewan. Kasi ‘yong url! Hahahaha. Lalo na kapag saktong drama and shits, tapos mababasa ko ‘yong url mong “dramamoputangiina”, (sinabi na ‘yong url eh ‘no? Hahaha!) parang ang sarap burahin eh. Feeling ko na-real talk ako. Hard. Hahahahahaha! Pero okay lang po. 

Mag-iingat ka po palagi at sana’y palagi kang masaya! :—-) *sending hugs and happy pills* 

anonymous asked:

What if you don't have a child? How different will your life be?

Sorry ngayon ko lang nasagot.

Hi anon! This is one of the questions I don’t usually answer. Kasi ayoko ng what ifs, I always focus on the present or future. I don’t like dwelling on the past. Hindi ko alam kung ano/sino ako today if wala si Xai. She’s my life and my love. ☺️💗 anyway why are you curious anon?

P.S. kagabi ko pa to pinag isipan talaga e.

Hi, hello. So walang klase dahil wala daw si Sir Garcia sa hindi ko malamang kadahilanan. Ano daw? Hahaha. Ayun na nga. Aga tuloy ng uwian namin. Buti na lang rin kasi feeling ko makakatulog ako sa klase haha. Tsaka nakatipid because sa bahay na nag-lunch. Ligtas rin sa temptations char hahaha. Kagabi pa kasi ako nagke-crave sa chicken fillet ng McDo so buti na lang walang pasok kasi baka matukso ako sa coke huhu. No to soft drinks and junk foods tapos less caffeine intake na rin para di na umabot sa palpitations. Yesh, healthy living na ang ate girl niyo hahaha.

Kamusta naman araw niyo? Ang init jusq.

hi — twenty-four

punyeta akala ko last na yung kagabi kaso humabol ka pa pero syempre di ko naman pwedeng palampasin ka kasi love kita, yie kiligin ka pls. hahaha sobrang di ko ineexpect na magiging close ulit tayo kasi alam mo na medyo ilang ako sayo noon kasi uhm, alam mo na ulit. hahaha anyway, i’m always here for you no matter what, oki? basta vibe mo lang ako, magrereply naman ako agad. depends nalang kung alam mo na.. hahahaha kidding! goodluck sa studies!!! aral muna, oki? hahaha char, support ko kayo all the way. lumalayag na ship ko gagu. yung ship mo, tumaob na. di na ‘ko umaasa sa kanya, okay na ko na friends kami. mas cute yung ganon. hahaha i love you beh! pasalamat ka love kita kaya kahit tinatamad ako ngayon, tinuloy ko pa rin kasi ikaw nag-ta. ingat ka jan and see you soon! uwi kana ng pinas, please.

Gago ayoko na talaga, kagabi pa ako walang tulog pati ba naman ngayon? 5am na ako nakatulog tapos gumising ako 11am pucha ngayon mukhang ganon na naman ang kakalabasan. Partida wala pa ako review sa spec4. Tangina ayoko na magaral please lang tigilan na natin to gusto ko na matulog!!! Wala na nga ako dugo sa katawan putangina awang awa na ako sa sarili ko kakapuyat pero kingina namaaaan kapag hindi ako nagpakapuyat at hindi ko matapos lahat ng mga shitz na to paano ako papasa at ggraduate??? Tangina naman!!!!!! Tara inom nalang

THAT PAKINGSHET TRICYCLE NI MANONG

Hindi talaga matanggap ng kalooban ko na sa tuwing sasakay ako ng tricycle, palaging magkaiba yung rate ng pamasahe sa umaga at gabi. Ano yun, may special promo sa umaga at may night differential si manong sa gabi? Unang-una, ganun pa rin naman ang ruta. At pangalawa, pakshet pa rin si manong.

“Kaninang umaga po 40 pesos lang ah. Bakit ngayon, 120 na agad?”

Ang manong was like,

“Ganun sadya.”

Medyo napakavalid ng sagot niya ha. Nairationalize niya ng maayos ang point niya. Sobrang bigat at matindi yung justification. “Ganun sadya”

Eh ako pa naman yung tipo ng tao na dapat may paliwanag sa mga bagay-bagay. At dahil hindi katanggap-tanggap ang dahilan niya, ako na yung nag-assume at bumuo ng sariling theory, conjecture, supposition, speculation, postulation kung bakit magkaiba yung rate ng pamasahe sa umaga at gabi.

A. Ang tricycle ni manong ay isang autobot. Nagdidisguise  ito bilang rocketship na gawa sa alulod at yero at makakarating ako sa aking point of destination in less than the speed of light. “Transformers na ituu!”

B. Solar-power operated yung tricycle ni manong. At may pa- kape at pa-footspa pa siya  sa loob.

C. May ultimate portal kaming dadaanan. Isang lihim na lagusan na walang ibang nakakaalam kundi siya lamang like “time-space warp na ituu!”

D. May dalang fairy dust si manong at iisprinkle sprinkle niya ito around his tricycle pag may time para maging royal kalesang pumpkin like, “Cinderella na ituu!”

E. Miyembro siya ng kulto at katropa-tropa-chill-chill niya ang mga first class kampon ng kadiliman na nakaupo sa senado na katulad niyang mapagsamantala, ganid at tuso sa salapi.

Nakakainis lang dahil alam niyang no choice ako dahil siya na lang yung nag-iisang tricycle dun sa kanto kaya bigla niyang tinaasan yung pamasahe. Pero hindi ako sumakay.

Mas matigas ako kesa kay Basha. At may respeto ako sa sarili ko kaya ayoko yung parang iniisahan at niloloko lang ako, kahit sa konsepto man yan ng pag-ibig. Kinukurakot na nga yung buwis na kinocontribute ko sa gobyerno, pati ba naman yung pamasahe ko sa tricycle? Hustisya!!! Dahil ang layo layo ng nilakad ko kagabi at hinabol pa ako ng tatlong aso. Ang pride ko kasi. =(

Medyo malungkot ako. At the same time masaya. Masaya ako dahil natupad ang pangarap ko na maging author ng PSICOM at mamaya eh ipapakilala kami. Malungkot ako dahil kasama ko sana yung babaeng akala ko magiging akin. Sinabi niya na pupunta siya dahil sobrang proud niya sa akin. Akala ko matutupad din yung isa kong wish na may babaeng malapit sakin na makikita ang isa sa achievement na matagal ko ng hinihintay. Parang kagabi, hiniling ko pa na sana Lunes na lang siya nag desisyon na iwan ako. Para kahit paano sobrang saya ko sa araw na pinakahihintay ko. Na sa achievement kong yun masasabi kong may saksi at may babae akong tinitignan habang nasa stage ako. Wala lang. Kailangan ko lang ilabas. Baka sakaling bumisita siya sa profile ko dahil alam niya na mamaya na yung event sa Trinoma.

Iniwan? Ay.. Hindi nga pala naging kame.

Hirap kasi nung sinanay kang andyan siya palagi. Tapos bigla na lang siya mawawala.

‘Yung anon na 'yan, kanina pa 'yan dito sa akin or baka nga, kagabi pa. Pero 'di ko nalang pinublish pa kasi 'di naman siguro 'to sa kung may point ako kung pinublish ko at sinabi ko opinyon ko or kung dapat ko bang sagutin at i-publish? Pero nagulat ako kasi biglang may nag-T.A. sa akin na siguro ngayon ngayon lang rin na ito at napakarandom [and doon sa kanya, sobrang salamat!]. Ilang hours ang interval nitong dalawang T.A. na 'to.

So 'yung sa anon, 'di po ako naiinggit kay Rhadson dahil sa una, 'di ako inggitero. Masaya ako ngayon sa kung ano ako at kung ano meron sa akin. 'Di importanteng mas panis sa akin si Rhadson sa ibang point ng buhay ko ngayon or mas panis ako sa kanya, pero nasa kuntento parin ng bilang pagiging tao mo. At syempre, bilang kaibigan niya, masaya ako sa kanya.

At trivia lang po kung bago ka lang at 'di mo alam 'yung pinagsamahan talaga namin… Wala pong author na matabangutak kung walang pilosopogyno at siya na mismo nagsasabi na idol niya parin ako at 'yun lang, masaya na ako dahil hindi siya nakalimot. Para kay Rhadson, congrats parin syempre at good luck!

At sa iba, opo, may balak rin po akong maging author dahil gusto ng iba pero ang point talaga nun at gusto ko rin. Bonus nalang 'yung may maishe-share ako sa inyo dahil gusto ko talagang magsulat simula dati pa. Inactive lang talaga ako ngayon dahil hindi ko feel. 'Di ko naman kailangang magpost nang magpost dito araw-araw o may update talaga. Quality over quantity.

Hindi naman ako inactive dahil walang rason. No. Pag bumalik ako dito at naging author na rin ako (at para klaro, gusto ko maging author dati pa, as in noong 'di ko pa kilala si Rhadson kaya 'wag niyo sabihin na inggit ako at gusto ko siyang gayahin), mas marami na akong alam.

Para sa nag-T.A. sa akin na ayaw magpa-publish na syempre, 'di ko parin gusto sana i-publish dahil na-compare ulit kami ni Rhadson, pero since magkatabi 'yung T.A. niyo, nakakita ako ng magandang pagkakataon para gamitin ito.

Bale, kahit na 'di ako author o 'di “kilalang” author, masaya ako para sa amin ni Rhadson. Pangarap niya 'yun at kaibigan niya ako, sino bang kaibigan 'di magiging masaya para sa kaibigan niya? Unless nalang kung nabubuhay ka sa inggit at paninira. Masaya na ako, masaya rin siya, may mga taong mas gusto siya kaysa sa akin, may mga taong mas gusto ako kaysa sa kanya. Walang big deal doon.

Pero abangan niyo kami guys sa DLSU-D dahil tuloy na po 'yung talk namin doon. Sa July po ito yata, ipo-post nalang namin 'yun details kapag nakapag-usap na kami. Kitakits po tayo doon… pati sa TSAMU pala. Hahaha!

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 18

“Aren’t you gonna follow him?” Sef asked her nang magwalkout si Elmo.

“Hayaan mo siya.” she said.

“Halika nga muna.” sabi ni Sef sabay tayo at hatak sa kanya palayo. “Frencheska!” he called Maqui na nakaupo pa rin.

“What?” Maqui asked.

“Gora ka ditey!” sigaw ni Sef. Maqui followed them and they all walked away from Toffer and Zig.

“Sef, ano bang problema?” she asked her bestfriend sabay hatak sa kamay niya.

“You’re asking me, Julie? You’re asking me?!” mataray na sagot ni Sef.

“Yes! Bakit ba parang galit na galit ka diyan bakla ha?” she asked. Napatingin siya kay Maqui na tahimik lang na nakasandal sa puno. “Come on guys. Ano ba?”

“Try asking that to yourself.” Sef replied. “Ano bang problema mo at ganyan ka kay Elmo. Kahapon ka pa ha! Girl, bestfriend kita oo. Pero I won’t tolerate your actions. May manliligaw ka pero nanlalandi ka ng ibang lalaki?!”

“Sef…” pigil ni Maqui.

“Wag kang magulo, Maq.” Sef warned her. “Julieta, ang sabi mo, itetest lang si Elmo. I admit, idea natin yun. Pero tangina naman! Julie aakitin mo siya hindi mo pagseselosin! Iba ang nang-aakit sa nagpapaselos. Diba usapan natin magsusuot ka lang ng daring clothes? Eh pucha nilapitan ka lang nung Toffer na yun nagbago isip mo eh!” he said.

“Sef tama na.” Maqui said. “Halika na. Balik na tayo sa villa.” dagdag pa nito.

“No. Hindi tayo babalik hangga’t di natututo ‘tong mujer na ‘to.” he said firmly. “Julieta, umamin ka. Gusto mo ba talaga si Elmo? Ha?”

“O-oo naman.” she replied.

“Eh bakit ganyan ka? You’re hurting him. Alam mo ba yun?” he asked.

“Nasaktan din naman niya ko ah.” she said defensively.

“Tanginang yan! Nasaktan ka kasi nabitin ka sa kama?! Nasaktan ka because he’s confused with his sexuality?! Can’t you feel the real Elmo? Hindi mo ba maramdaman na pinili na niyang magbago para sayo? Aaminin ko girl, okay sa akin nung una na dumikit ka kay Toffer. Okay yun kasi I can see how Elmo gets jealous. Lalo na when he saw you two talking nung first day natin dito. Pero when he started distancing himself, naawa na ako. We tried telling you this a couple of times pero you seemed to be enjoying it. Parang tuwang-tuwa ka pang nilalayo na ni Elmo ang sarili niya because of jealousy.” sabi ni Sef.

“H-hindi naman ako masaya to see him like that eh. I told you diba? I want him to claim na sa kanya ako. Pero hindi niya ginagawa. Hindi niya pinaparamdam sa akin na nagseselos siya. Na ayaw niya sa ginagawa ko. He keeps on pushing me away.” she said. Naluha na siya dahil feeling niya wala na siyang kakampi.

“Manhid ka, Julieta. Manhid ka.” Sef told her. “Sinasabi ko sayo, kapag si Elmo napagod sayo hindi ka na babalikan niyan. Baka piliin na lang niyang maging bading dahil sa ginagawa mo.”

“Enough na yung sinaktan siya ni Janine before. Please, Julie. Wag mo naman saktan ang pinsan ko. Mahal ko yan eh. Parang kapatid ko na si Elmo. And everytime I see him hurting inside, nasasaktan din ako. Julie, please? Mahal ka ng pinsan ko. Di mo ba ramdam yun?”

*****

Maagang nagising si Elmo the next day. Uuwi na sila kaya naman inayos na niya ang mga gamit niya. Di naman siya nahirapan since di naman marami yung nagamit niyang damit.

Paglabas niya sa kwarto ay naabutan niyang mag-isang nakaupo si Julie sa may kitchen. Ni hindi na niya namalayan kung anong oras na nakauwi ang mga kaibigan kagabi. Halatang bagong gising pa si Julie. Tulala itong nakaupo habang naghihintay na matapos matoast ang tinapay.

“Where are they?” he asked. Nagulat si Julie tsaka napatingin sa kanya.

“Uhm. N-nasa may hotel. Dun daw sila magbbreakfast.” she said.

“Hindi ka sumama?” he asked. Umiling naman si Julie kaya tinanguan na lang niya ito. He walked limply towards the refrigerator to get himself a glass of water.

“A-ako na.” Julie offered.

“Wag na. Di naman ako paralyzed para pagsilbihan niyo.” he said.

“Pero—”

“Maga lang ang paa ko, Julie. Hindi ako comatosed or something. You don’t have to take care of me.”

Hindi na kumibo si Julie and remained seated on the bar stool.

“Uhm… About yesterday…” narinig niyang sabi ni Julie.

“Let’s forget about it.” sabi niya.

“I’m just really sorry for yelling at you, Elmo.”

“Julie, I said let’s forget about it. Hindi naman ako galit eh.”

“Hindi? Pero bakit ang cold mo saken. Bakit ka lumalayo sa akin?” she asked.

“Sometimes we have to distance ourselves from others para malaman natin kung gaano ba talaga kaimportante ang isa’t isa.” sabi niya tsaka na naglakad paalis ng kitchen.

*****

“Anetch na? Waley na naforget sa loob?” Sef asked as he double checked the luggages in his truck.

“Wala na bakla.” Maqui replied.

“Uhm. Maq?” she heard Elmo said.

“Yes, Moe?”

“P-pwede ba kung sa harap na lang ako uupo? Ikaw na lang dito sa likod.” sabi niya. Napayuko naman si Julie.

“Are you sure?” Maqui asked and even looked at her na nakatingin sa kanilang magpinsan.

“Yeah. Sure ako. Uhm ano kasi eh. Uhh… M-mainit dito sa likod.” he reasoned out.

“Alright.” pagpayag ni Maqui. They exchanged seats at saka na pinaandar ni Sef ang sasakyan.

“Hay. Balik stress nanaman.” reklamo ni Sef habang paalis na sa resort.

“Yeah.” Elmo said. “But atleast magiging busy na uli.” dagdag niya.

“Di ko na nga bet maging busy eh.” reklamo nito.

“Hahaha. Nawili ka dun ha. Ako kasi, madaming trabahong naiwan. I still have 3 designs to complete and also, may conference ako tomorrow.” he said.

“Workaholic masyado friend! Ayoko yan! Toxic!” natatawang sabi ni Sef.

“Haha. I have to make myself busy. Para di ko naiisip yung mga bagay na hindi maganda.”

Julie can hear the sadness in his voice at alam niyang siya ang tinutukoy nito na hindi dapat isipin. Did she really hurt him that bad na kailangan pa siyang layuan at wag na isipin ni Elmo?

“Duhruhmuhzzz!!” narinig niyang sabi ni Sef kay Elmo. “Alam mo, friend? Itulog mo yan. Baka napasukan ng konting venom ng sea urchin yang utak mo. Hahaha.” he kid.

“Tss. Adik ka talaga.” naiiling na sabi ni Elmo.

Tumingin na si Elmo sa labas ng bintana niya while Julie took her time to stare at him. Nalulungkot siya and nagsisisi sa ginawa niya. Why she made him jealous, why she didn’t listen to Maqui and Sef and why she let him get hurt.

“Hay.” she heard him sigh for the nth time. Every 10 seconds ata ay nagpapakawala ito ng malalim na buntung-hininga.

She pretended to sleep nang marinig na magsalita si Sef.

“Heavy-duty problema ah. Haha. Nalugi?”

“Ha? H-hindi. Haha.”

“You don’t have to hide it from me, Moe. I know you’re jealous of Toffer and Julie. Halata sayo eh.” she heard her bestfriend said.

“Wala yun. Kasalanan ko din naman.” Elmo said. “Kung hindi ko siguro hinayaan na mawala sa paningin ko si Julie baka hindi ganito situation namin ngayon. If only I gave her what she wanted, siguro hindi ganito yung nangyayari sa amin.” he said. “Siguro ngayon, akin lang siya and walang iba.”

“Things happen, Elmo. Maybe this is a way to test kung gaano ba kayo kaseryoso sa isa’t isa.” Sef told him.

“Ewan ko, Sef. Naguguluhan ako.”

“Magulo talaga kayo! Jusmiyo.”

“Haha. Ano sa tingin mo mangyayari if I became possessive to Julie? Sa tingin mo magugustuhan niya ba?” biglang tanong ni Elmo after a long silence.

“Tingin ko? Oo. Sus. May inner landi yang bestfriend ko. Gusto niyang inaangkin siya. Especially if she really likes that person.” Sef answered. “Bakit?”

“Wala. Naisip ko lang. Siguro kung naging possessive ako sa kanya, baka di kami ganito no? Kaya lang tanga ako eh. Gustung-gusto ko siyang angkinin but I can’t kasi di pa naman kami. Gusto ko ako lang yung titignan niyang lalaki. Ako lang hahawakan niya. Ako lang lalambingin niya. Ako lang lahat. Kung pwede lang sa akin na lang umikot yung mundo niya, gagawin ko. But I can’t. Kasi I know that at some point magsasawa siya. Dadating yung time na baka masakal siya and iwanan ako. Ayoko na ng ganun. Ayoko na maiwanan, Sef. My family left me already dahil hindi maintindihan ng dad ko kung ano ba talaga ako. And walang magawa ang mom at kuya ko because they’re scared of him. Si Maqui na lang ang meron ako ngayon. Kayo na lang mga kaibigan ko.” sabi niya.

Hindi na napigilan ni Julie ang mapaluha. She quickly wiped the stray tear from her eye which caused Elmo and Sef to stop talking.

“San na tayo?” she asked, acting like she just woke up from nap.

“Expressway friend. Why?” tanong ni Sef. “Tommy Hilfiger ka na?”

“Yeah. Tsaka I need to pee. Stop over muna tayo sa Petron.” sabi niya.

“Keriboomboom pa ba? 500 meters pa friend.”

“Yeah. Kaya pa naman.” she said. Napatingin siya sa gawi ni Elmo na tahimik lang na nakatingin sa labas.

*****

They stooped at a gasoline station para kumain and para na rin magcr. 3 hours na silang bumibyahe and natural lang na magutom sila.

They went inside a coffee shop para dun magmeryenda. Tahimik na nakaupo si Elmo sa couch while Maqui and Sef argue about their orders and Julie played with her straw habang naghihintay ng pagkain nila.

“Musta na paa mo?” she awkwardly asked. Nagtaas naman ng kilay si Elmo sa kanya.

“Uhm. O-okay naman. Hindi na masyadong maga.” he replied. Tumango naman si Julie.

“Moe?” tawag niya uli dito.

“Hm?”

“Paano ka ba natusok ng sea urchin?” she asked.

“Ha? Uhm… Ano kasi. I was walking along the shore tapos ayun. Pag-apak ko di ko nakita na may sea urchin pala.” he said.

“Bakit kasi di ka nagslippers. Ayan tuloy.”

“Nangyari na eh. We can’t bring back what happened before. Buti nga di na namamaga eh.” Elmo said.

“Oh. Ito na orders niyo.” Maqui said as she placed the tray on their table bago ito bumalik sa table nila ni Sef.

Tahimik na kumain ang dalawa. He watched the people outside as they sit, talk, smoke or whatever they do pero he never looked at Julie’s way. Hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kanya yung mga nangyari kagabi.

“Moe.” tawag sa kanya ni Julie. Tumingin siya rito at nagtaas uli ng kilay. “Galit ka pa ba sa akin?” she asked.

Hindi naman kumibo si Elmo and looked outside again.

“Moe…”

“Labas muna ako.” paalam niya sabay tayo at lakad palabas ng coffee shop.

“San gora?” Sef asked.

“Yosi lang ako.” sabi niya.

“Mmkay.” kibit-balikat na sabi ni Maqui at Sef.

He stood by Sef’s car habang humihithit ng yosi.

“Bakit nagyoyosi ka? That’s bad for you, Moe.” narinig niyang sabi ng pamilyar na boses. He looked back and saw Julie standing behind him.

“Stress-reliever lang."sagot niya sabay patay sa yosi niya.

"Please don’t smoke, H.”

“Di naman madalas, Julie.” sabi niya. “What are you doing here anyway?” he asked.

“Kausapin mo naman ako.”

“Di pa ba tayo nag-uusap sa lagay na to?” she heard him say.

“Moe s—”

“Save it Julie. I have to tell you honestly, I don’t think I can accept your apology nang ganito kabilis. Masyadong masakit dito oh.” he said as he point to his heart. “Space, Julie. Let’s give each other some space first.”