kabataang-pinoy

Kabataan na ayaw sa kanilang Kurso.

May mga kabataan kasi ngayon pinipilit ng magulang para makuha ang kursong gusto nila. Hindi alam ng ibang magulang na nasasakal ang kanilang anak dahil hindi yung paboritong kurso ang napili niya.

Kaya minsan madalas bumabagsak dahil hindi niya masyadong ninanais ang kursong kinukuha niya. May mga magulang naman na sige lang, kung ano ang gusto mo i enroll mo. Pero kapag bumagsak ka nasayo ang problema at wala sa kanila.

Kanya kanyang katwiran, kanya kanyang drama. Napakaraming problemang tinatahak ng mga kabataan ngayon.

Pero isang bagay ang hindi nila naisip. Ang maisip man lang sana nila na gusto man nila o hindi ang kurso ang mahalaga nakakapag-aral sila.

Kabataang pinoy (90's)

Tiningnan ko yung baul ko na panay libro. Naghalungkat ako na baka sakali may makita akong pwede ko ulit basahin at mapaglibangan. Nakuha ko yung isang libro ng idol ko na si Bob Ong. Kung sa mga sinulat niya nabanggit nya ang mga palatandaan ng isang Martial law babies (Pinapakita kung gano ka na katanda) na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong taon ba ang kapanahunan ng mga ito. So dahil hindi ako nabuhay sa mga panahong iyon, hindi na ako nag karoon ng interes na tapusin basahin yun. Pero may mga ilan na aminado ako na naka relate ako sa mga bagay na sinabi niya. So naisip ko ganon na din pala ako ka tanda? Pano masasabi? Kung sa mga panahon ng elementary days mo ay nasaksihan mo ang bagyong rosing na na nabansagang isang super typhoon. Kung ngayon usong uso si Justin Beiber, Lady Gaga, Katy Perry, Beyonce, Rihanna, Psy mga K-pop at kung sino sino pa. Nung elementary days mo ang mga usong kanta ay yung sa bandang eraserheads, siakol at rivermaya. Tanda mo pa ung Nosibalasi? Laklak? Long hair? Harana? Fruitcake? Toyang? Bakit ba? etc. Sikat na sikat sa mga araw na ‘to ang tandem nila Jolina at Marvin. Presidente ng mga panahong ito si Joseph Estrada. Paborito mo ring laruin ung taguan, agawan base, patintero, luksong baka, luksong tinik, piko, bahay-bahayan, chinese garter, jack en poy, langit lupa (Isa sa mga di ko makalimutang laro. Dahil dito naranasan qng makarating sa langit kahit sa pag apak lang sa isang hakbang ng hagdan sa bahay), ten-twenty, ung laro sa mga papel tulad ng pag gawa ng iba’t ibang eroplano, bangka at ung tutupiin mo ng pagkaliit liit na lalagyan mo pa ng mga color at number tapos lalagyan mo ng iba’t ibang adjective sa loob o di kaya ung panglan ng crush mo. Tapos papipiliin mo ng kulay at number yung classmate mo. Andito din ung text, holen, tsato at kung ano-ano pang natandaan mo na nkakarelate sa mga nasabing laro. Andito din sa mga panahong ito nauso ung cartoons na Pokemon kung san sari-saring pokemon tulad ni pikachu, ni charmander, psyduck ang nauso. At di ko alam kung ano naging basis ng pangalan na 'toh. Tinapatan pa ng Digimon. Ngayon kasi usong uso ung tinatawag natin na jejemon. Siguro idol ng mga taong 'toh ung mga pokemon noon at hinango pa sa pangalan nila. Nauso din si Doraemon (yung pusa na kulay blue na nakakapagsalita na mukang kangaroo dahil may bulsa sa tiyan na alaga ni Nobita na mahilig sa hopia) at ang counter part nitong si mojacko. Anjan din nauso ung mga robot na si Voltes V, Daimos, tapos ung Btx. Ilan pa sa mga cartoons na natatandaan ko si Julio at julia (kambal ng tadhana), Pricess Sarah, Remi (Ito ung may kasama siyang unggoy at aso), Heidie, Prinsipe Cedie (Di ata sila nagkatuluyan ni Prinsesa Sarah), Blue Blink (Isa sa mga pinaka paborito ko. Memorize ko pa din hanggang ngaun ung kanta dito), Si Mary at ang lihim na hardin, at sino ba naman ang hindi nakaka kilala kay Judy Abot-Daddy long legs, gusto ko rin ung Flinstones sa cartoon network pati ung jetson, ung Popeye, Dexter’s laboratory, Tom and Jerry (Di pa kasi masyado uso ung disney channel non kaya wala ako masyado alam don), Siguro tanda niyo pa ung little lulu show pati ung richie rich na cartoons. Anjan din ung Ninja toytoys este turtles, Yaiba, Captain planet, Skydancers (di ko pinapanood to. na alala ko lang. nililinaw ko lang po.), at sino ba naman makakalimot sa linyang 'to “ Pag-ibig , katatagan, katapangan at pag-asa ang aking panawagan” na usong uso sa cartoons na chacha, nariyan din ung Peter pan, sailor moon at dragon ball z (Kung saan na issue 'tong dalawang 'to na may relasyon raw. Di ko lang alam kung aware si chichi sa pinag gagagawa ni goku), andito din ung Zenki, Sunny pig. Andito din ung magkakaptid na si Ultraman, si shaider, si mask raider black, mga power rangers, five man, bio man at kung bakit nasabi ko na mag kakapatid sila, ikaw na bahala mag isip. Sino ba makakalimot sa ghost fighter, trigun, lupin III,flame of recca, sakura, monster rancher, hunter X hunter,  Fushigi Yugi, One Piece pati yung detective conan (na hanggang ngaun di pa rin na sosolve yung misteryo kung pano ulit lalaki si Edogawa Conan at take note maliit pa rin siya hanggang ngayon at sa kasalukuyang nasa Episode 696 na). E sila B1 at B2?, pati si shin chan at ung magpipinsan na sina batibot, teletubbies at big bird ng sesame street. Anjan din ung sineskwela, math tinik, hiraya manawari, wansapanataym. Uso din ng mga panahon na to ung pagkaing iskul bukol, mik mik (milk and chocolate flavor), pompoms, sweet corn at mga delimon. Uso pa ung snacku, ung cheez curls, humpy dumpy, rin bee, ri-chee. Meron pang bubble gum na bazooka at ung paborito ko na yakeee tapos ung pintoora. Uso din ung candy na stork, smarties, hello at ung mga paa na pag sinasawsaw mo sa mga mahiwagang crystals at sinubo mo sa bibig mo e puputok putok pa. Tandang tanda ko pa na may mga buwan na nauuso ang kada laro. Tuwing december non, palagi kami bumibili ng mga pinsan ko ng pellet gun. Tapos nauuso na rin ung paputok. Paboritong paborito ko ung watusi at 5 star (Ba’t kaya naging 5 star to e hnd nmn mukang star at lalong hindi ito 5). Mas lalo na ung super lolo (ito ung mas malakas sa 5 star at mas malaki. Di ko alam kung bakit super lolo e ang alam ko mahina na ang lolo) at 'eto pa ang isa ,super bawang. Creative talga mga pinoy. Makapangalan lng sa isang bagay kahit ano naiisip. Tapos nauso din sa mga oras na 'toh ung beyblad at ung tamia. Hindi pa uso sa mga oras na 'toh ang cellphone. Siguro kung meron man e ung tipong may mga antena pa na kung hanggag ngaun e meron ka pa rin nito e malamang pag ninakawan ka baka ibalik pa sayo ng mandurukot ang cellphone mo. Nauso na din nung highscool days ung mga bandang imago, 6 cycle mind, hale, callialily, chicosci, mayonnaise, hotdog (gaganda ng pangalan, nakakagutom), itchyworms, mojofly, session road, moonstar 88, orange and lemons, paramita, sugarfree (ito ung banda na para sa mga may diabetes), shamrock, sponge cola, silent sanctuary, parokya ni edgar and many more. Sa mga oras na 'toh nagsisimula nagsisimula na ring umunlad ang bansa natin dahil meron na ring mga computer (tipong sin lalaki ng T.V ang monitor niyo, kung san kahit sa mga oras na ito umamin na kayo na ang ilan saten ay gumagamit pa rin ng old fashion na pc na 'toh), Nung highschool ka meron na ring magagandang model ng cellphone ang nagsilabasan. Pinutol na nila ang antena. Anjan ung 3310, 3210, 3230, 1100, 2100, 2300, 3100, 6100, 3510, 0210, an210, p210, b210, kn210, at kung ano pang sari saring numbers. Nauso rin sa mga panahong ito ung Meteor garden. Napansin ko lang din kaibahan ng mga kabataan noon sa ngayon. At kung ano man yun ikaw na lang bahala mag isip kasi masyado ng mahaba 'toh. Kung naka relate ka sa mga sinabi ko, mabuti. Kung hindi pwedeng mas matanda ka sakin or mejo mas bata bata ka ng konti. Pero kahit ano pa man, siguro maiisip niyo rin na masarap maging bata. Masarap mabuhay sa panahon na kung saan ang problema mo pa lang ay kung pano mo gagawin ang homework mo sa math o kaya pano mo ipapaliwanag ang mantsa mo sa damit sa nanay mo o kung pano ka makakalabas ng bahay niyo para makipaglaro sa bahay o di kaya mag isip ng dahilan kung pano ka makakalusot kapag ginabi ka naman. Kung noon gustong gusto ko na maranasan kung pano mag isa, mag trabaho, mabigayan ng oras ang sarili ko sa lahat ng bagay na gusto kong gawin na walang limitasyon, ngayon parang gusto ko bumalik sa pagka bata ko. Mabilis lumipas ang oras ng hindi natin namamalayan. Parang kelan lang kakaumpisa mo pa lang basahin 'toh at iniisip mo gano ba kahaba ang chang galang note na 'toh pero ngayon malapit ka na matapos. Ang Irony nga naman buhay ano? Kaya sulitin ang bawat oras hanggang pwede mo pang magawa ang mga bagay na dapat mong gawin bago pa mahuli at pagsisihan mo ang lahat. - monosoliloquy

Hindi po ako hater.

Tungkol po ito sa mga 13-year-old na babaeng nakaraming boyfriends na. Tungkol po ito sa mga 16-year-old na babaeng lapitin ng mga boys. Tungkol po ito sa mga 15-year-old na lalaking malandi at paasa. Tungkol po ito sa mga 16-year-old na babaeng akala mo lage siyang tama kung makipag away sa iba. Tungkol po ito sa mga 18-year-old na babaeng simple lang pero najujudge na malandi kasi maganda at lapitin ng lalaki. Tungkol po ito sa PBB.

Kapag PBB time na, naglipana ang tweet tungkol sa PBB. Napuno ang twitter ko ng mga hatred nila. Ayan na PBB tweets. Hindi ko maintidihan. Nagagalit yung mga kabataang nasa outside world kesyo malandi daw or sinisiraan nung isa yung isa, or plastic daw. EHH? Tingnan mo kaya muna yung tweet mo? Hindi ba paninira rin yan? Kabataang Pinoy nga naman. Ayaw nating jinujudge tayo pero kung makajudge naman tayo sa ibang tao. Masyado tayong magmalinis.

Hindi ako naiinis sa mga taong nasa loob ng bahay, o sa mismong show. Naiinis ako sa society na meron tayo ngayon. Masyado tayong pavirgin! Masyado tayong nagpapakamahinhin. Para lang yang babaeng hindi makabasag pinggan, kunwari painosente pero hindi mo alam mas malandi pa talaga dun sa mga taong mukhang malandi. Kaya nga ginawa yang show na yan para ipakita sa Pilipinas kung anong kabataan na meron tayo. Hindi yan ginawa para laitin at iclassify niyo kung sino yung malandi sa hindi. Lalo yang hindi ginawa para piliin kung sino lang ang kabataang Pinoy tapos yung ibang ayaw mo kabataang hindi-Pinoy. Ginawa yan para ipakita sa atin na ganyan na tayo, AYAW LANG NATIN AMININ. 

Minsan sa buhay mo naging o may kakilala kang Clodet na papasok pa lang ng high school mas mahaba pa sa listahan ng to-dos before I die ko ang naging boyfriend. Na minsan sa buhay naging Claire tayo sa pag-aassume na type tayo/nagandahan sa atin ang isang particular guy na nakatinginan mo lang sa mall. Na minsan sa buhay natin naging Karen tayo na kung makipag-away tayo akala natin tama yung point natin. At na minsan naging Kit tayo na kapag may opportunity sa at may itsura, flinirt natin. 

Lahat tayo naging malandi. Lahat tayo naging flirt. Lahat tayo naging paasa. Lahat tayo nagmahal pero akala lang pala. Lahat tayo nag-assume. Lahat tayo naging palengkera. Kaya sino ba tayo para magjudge? Sa tingin ko ang dapat lang magjudge sa kanila yung nakaraang henerasyon dahil sobrang magkaiba. Hindi ba dapat sa lahat ng tao sa Pilipinas ang dapat nakakaintindi sa kanila ay tayo tayo ring mga kabataan? Pero talagang utak alimasag tayo eh, ang hilig natin manghila ng ibang tao pababa. 

Bata pa yang mga yan. Darating ang araw na tatawanan na lang nila yang mga kagaguhan nila. At tayo rin darating ang araw na tatawanan na lang din natin yung sarili natin kapag maalala natin paano umiinit ang ulo natin dahil sa PBB. Kaya please, can we all just understand each other?