ka'is

archiveofourown.org
Frozen - Chapter 1 - HanaSheralHaminail - Star Trek: Alternate Original Series (Movies) [Archive of Our Own]
An Archive of Our Own, a project of the Organization for Transformative Works
By Organization for Transformative Works

Summary:  “Ka'i.” I’m right here. Jim hoped the pronunciation was at least adequate. “Tushah nash-veh k'du.” I grieve with thee. Right there, right then it seemed to Spock as if the Captain’s use of Vuhlkansu had brought a significant change to how he perceived him; as if it held some kind of meaning he couldn’t quite place.

“Show me what you feel.” Jim demanded, bringing the telepath’s fingers close to his cheek.
“That… would be… unwise…” Spock hissed, still unable to resist him, “It would only. Hurt you.”
“I know how to make the pain stop,” Jim said, ignoring him, “I’ve done it before. Let me help.”

Isa, Dalawa, Tatlo

Lihim na pagbulyaw ko ng mga numero sa utak ko. Mabagal. Banayad. Marahan. Umaasang sa pangatlo'y lilingon ka. Iyon ang aking nakasanayan— sa tuwing yayaon ka'y binibilang ko ang segundo bago ka muling humarap at kumaway, kasabay ng pag-ngiti mo at pagsigaw ng “sa susunod na pagkikita.”

Noon ay ni hindi ko pa man nasasabi ang ‘tatlo’ ay nakaharap ka na. Iwinawagayway ang kamay mong may mapupulang palad. Pag tapos nito'y tatalikod ka at hahawiin ang buhok mong sumusuklob sa mga mata mo. Iyon ang mga gawain mo. Gawaing naitatak ko na sa utak ko.

Isa
Dalawa
Tatlo…

Sa paglisan mo ngayo'y bakit patuloy pa din ang paglakad mo?

Isa
Dalawa
Tatlo..

Bakit hindi mo ako binalikan ng tingin? Napansin kong matulin ang bawat hakbang ng mga paa mo. Nagmamadali. Dalus-dalos. Walang tigil. Saan ka ba patungo? Bakit ayaw mong lumingon?

Isa
Da… La.. Wa
Tat…
Tat…

Ayaw kong tapusin ang pagbibilang ko.

“Lumingon ka! Lumingon ka at kawayan mo ako! Sabihin mong paalam at sa susunod sa pagkikita!”

Tatlo..

Kasabay ng pagbigkas ko ng numerong ito ay ang mga luhang patuloy na pumapatak mula sa mga mata ko.

Wala ka na.
Hindi mo na ako binalikan.
Kahit pa sabihin ko ang,

Apat. Lima.

Wala ka na.

Kung panaginip lang ang lahat,
hindi ko na hihilinging magising pa
kahit na tawagin nila akong tanga.

Gugustuhin kong matulog nalang
upang ang pagkakataong makasama
at masulyapan ka'y hindi masayang.

Sisiguraduhin kong hindi na ako
muli pang gigising,
upang ang mga sandaling nais kong makamit,
alam ko'y hindi na maaalis.

Ang mga posibilidad,
ang tyansang mahagkan ka,
mahawakan, mayapos, maangkin,
hindi ko na palalampasin.

Kaya mas mabuti na ngang 
panaginip na lang ang lahat
dahil alam kong doon lang,
hanggang doon lang ako.

Hanggang pangarap lang kita’t alam kong
hindi magkakatotoo ang panaginip kong ito.

—  Ikaw ay isang bituing hindi ko maaabot; lm