juskupo

"HANGGANG VIRTUAL LAPLAPAN NA LANG BA TAYO?"

Sabi ni Vanessa Carlton dun sa kanta niya, “…‘Coz you know i’ll walk a thousand miles… if I could just see you tonight”. Lakas ng trip niya ha. Wala ba siyang pambili ng plain ticket at kelangan talagang lakadin? Anong petsa na bago pa siya makarating sa taong mahal niya? Milya milya yun. Goodluck na lang sa haggard looks at paltos niyang paa.

Ayon sa statistics, 1 out of 10 lang ang nakakasurvive sa LDR set-up. Tipong wag na lang daw iasa sa maliit na posibilidad dahil mauuwi din sa wala ang lahat. Eh tangina pala yang statistic na yan eh. Marunong pa sa dalawang taong nagmamahalan. Anong alam niya sa pag-ibig?!

I hate distance. Tanda ko dati nung minsang natapos agad yung pinapanuod ko sa T.V., saktong magsisimula na din yung paborito kong palabas sa kabilang channel pero pagkapa ko ng remote sa tagiliran ko, wala. Malayo sa pwesto ko. Ayaw na ayaw kong tumayo nun dahil like a boss na yung upo ko. Nakataas pa yung paa ko nun. Swabe at its finest. Pero pinilit ko pa rin kunin yung remote kahit malayo. Dahil gusto ko.

Walang may gusto ng ganitong set-up. Walang taong nagrequest kay tadhana na, “Juskupo. Sana LDR na lang kami para magamit ko yung free international calls ko.” Walang ginustong makipag-usap sa gadget at magcelebrate ng monthsary sa FB. At walang nangarap makipag extreme laplapan sa skype. Dahil kahit super amoled display yung tablet, iba pa rin kapag kasama mo siya sa personal. Walang bubog at screen protector na namamagitan. 

Lahat gustong makasama yung taong mahal nila. Yung relasyong otso-pesos o limang poste ng Meralco lang ang layo. Yung pwede mong ngasabin ang utong niya kahit kelan. Hindi yung parang pinapanuod mo lang yung paborito mong karakter sa isang TV series.

Siguro may mga relasyong hindi talaga pangLDR kaya sinasabi ng ibang walang nagtatagal. Pero wala yan sa distansya. Dahil kung talagang nagtitiwala kayo sa pagmamahal niyo, ang distansya ay simpleng unit of measurement lang ng mga taong bangag sa Math. Maliit na bagay lang yan kung talagang mahal mo ang isang tao. Malayo ka man sa huling beses na nakasama mo siya, papalapit ka naman sa sunod na beses na pwede mo na ulit siyang makasama. At kung totoo man yung nasa statistics na 1 out of 10 lang ang nakakasurvive sa ganitong klaseng set-up, tangina pa rin yung statistics pero sisiguraduhin kong tayo yung 1 dun.