jowk

SM au kasi ewan ko rin

if u wanna add go lang para fun 


booksale

  • poli — he’s the one manning the cash register. medyo suplado tapos para talagang librarian kung umasta (the shhh-ing and all kapag may mga noisy customers). pero if you ask him kung may mga magaganda ba silang political and/or philosophical books, his eyes are definitely going to light up tapos siya pa mismo maga-assist sa’yo  

  • pepe — kasama ni poli. he sorts all the books and magazines in the store. he’s also overfriendly, to the point na kahit nasa isang sulok ka lang and you’re minding your own business, lalapitan ka pa rin and he’s going to ask what you’re reading tapos bibigyan ka ng suggestions. kinda scares away some customers (including me huhu i’m not really comfortable with salespeople following me around) 

sm storyland (HAHAHAHAHAHAHA)

  • goyong — he’s that miserable-looking kid who drives the smol train around the underground floor of the mall. ang saya-saya nung mga bina-blast na songs tapos ayun siya, nakasimangot at halata talaga sa itsura na kinukuwestiyon niya ang diyos dahil siya mismo hindi alam ang pinasok niya. when a kid tries to have a conversation with him, usually he’s just like, “wow nice,” “nice one,” “cool son,” or “tell me more” (sus sad lang siya kasi hindi siya makapag-damoves)

toby’s

  • tonio siya yung pa-macho e (pero love pa rin natin siya). yung tipong hesitant kang pumasok kasi nasa labas ka pa lang ng store e minamanmanan ka na. and when you do enter (…para tumingin-tingin lang), bubuntot siya sa’yo tapos puro, “yes po? ano po gusto niyo rito?” while showing you random products

  • andoy — the chill dude na paborito ng mga frequent customers. yung kahit hindi ka niya kilala, cheerful and genuine yung pagbati niya sa’yo. tapos sobrang helpful niya sa mga teenagers na pumupunta sa store with their parents. he’s also a good conversationalist. like, when he finds out what your sport is, kakamustahin ka tapos magkwe-kwento and/or magbibigay ng advice

astroplus

  • isabel how will humanity achieve world peace? BY SINGING PARAMORE HITS. haha omg crowded yung store kapag siya yung assigned sa karaoke. her favorite song by the band is ‘proof.’ imagine mong humuhugot si isabel with, “baby if i’m half the man i say i am. if i’m a woman with no fear just like i claim i am…”

muhlach ensaymada (the cutest stall aw bless)

  • rusca — umMMM…kailangan pa ba talagang i-explain ‘to? pero seriously, he’s very passionate pagdating sa ensaymada. pag trip ni kuya, ikukwento niya yung history nito at kung paano ito pumatok sa pilipinas

  • paco — ang partner-in-crime and ‘pastry bro 4 life.’ siya yung nag-aasikaso ng products habang kino-convert ni rusca ang customer sa kanyang matamis na relihiyon (jowk). they switch roles naman din. kung si rusca yung erratic sa mga pakulo niya, si paco formal mag-explain na para bang dinedefend yung thesis (on his friend’s undying love for ensaymada) 

artwork

  • jacinto — oooohhHHH a mysterious, brooding boy na immersed sa indie culture. yung super cool songs na sobrang catchy para sa’yo? galing lang naman yun sa kanyang super cool playlist. just last week you bought a shirt from the store, tapos nakita mong nakalapag sa counter yung copy niya ng ‘sa mga kuko ng liwanag’ 

liquor shop

  • graciano — HE’S NOT DRUNK GANYAN LANG TALAGA BOSES NIYA. pero yeah, maybe he should tone down with his rants against the corrupt system habang nagche-check out ng items (mahaba ang pila tsong)

blue magic

  • miong — yung buhok niya patok sa mga bata. parang pang-basketball anime raw kasi yung dating niya. ba’t hindi na lang daw siya mag-cosplay sa comic alley (tanong ng isang gag0ng high schooler na sobrang kinainisan ni agui). alam mo kung paano niya napatawa ang isang baby? hindi sa puppet, kundi nung sinabunutan siya. help him