journalofafilipinostudent

Dream High pa rin!

So nag-google ako at tiningnan ko ang kapalaran ng ship ko na sila Song Sam Dong at Go Hye Min/MArco at Kelly. Curious ako eh, haha. Di ko na mahintay sa ABS-CBN. Ewan ko ba kung bakit ganun ako. Palaging ini-ispoil ang sarili ko pag may bago ako tv show na kina-aadikan.

So, any way, nung una akala ko nag-sink na yung ship[ ko eh, kasi may nabasa tungko kay Marco na nung una palang nga love niya na si Kelly at pinoprotektahan niya ito. Tapos may nabasa ako na ni-regret daw niya ito nung nalaman niya na may feelings si Kelly kay Gino. WHAT?! Dafuq did I just read ang pumasok sa isip ko. Tapos may nakita akong pictures ng cast, si isa solo si Jason at Gelou, tapos sa isa si Kelly at Gino, tapos sa isa si Angelie, Gino at Marco. So mas lalong lumakas yung kutob ko na sila Gino at Kelly ang nagkatuluyan.

Tapos may nabasa ako, isang article sa Soompi.com tungkol sa isang tweet ni Suzy (played the role of Kelly):

 “‘Dream High 2’ hope you make it big! It’s so funny! But Samdong….Samdong…left Hyemi…Humph,”


So, mas lalo akong na-curious, ano ibig niyang sabihin? Tapos may pic pa silang dalawa. Huh. So binasa ko yung mga comments. This one caught my attention:

Watching that Samdong and Hyemi scene really makes me wish for more of the two of them! T^T It’s been a year, and I still can’t help feeling sad that we didn’t get to see Hyemi and Samdong be an actual couple. It’s so upsetting Hyemi only realized her feelings at the end and they couldn’t even be together! T^T Besides that, I was very satisfied with DH’s ending. I didn’t watch Dream High 2 yet (waiting for subs), and since Samdong is acting as himself in here, does that mean he was making like a movie or something of his past before becoming super famous? … ok well, I guess I should just find out myself o.o Jiyeon’s scene was funny, though. I see what they did there! xP - Dreamerx33 

Wait, si kely at Marco ang nagkatuluiyan? Sa huli na na-realie ni Kelly na si Marco ang love niya? Wait, si Kelly at Marco ang nagkatuluyan?! Si Kelly at Marco ang nagkatuluyan! HAHA! Sabi ko na eh!

With further reseach, nalaman ko na nung na-realize na ni Kelly na love niya si Marco, aalis ni si Marco sa bansa, so, parang complicated. Tapos nag-kiss sila. Nakasay si Marco sa bus tapos hinabol ni Kelly. Binigay niya yung amulet kay Marco tapos yun, nag-kiss sila. Ewan ko ba kung bakit, pero kinikilig ako! HAHA

MY GOD! I STILL FIND IT HARD TO BELIEVE!!

I passed the UPCAT and USTET!!! UP Baguio in UP and Academic Placement in UST!!

nagulat ako nung pagpasok ko, nakasalubong ko sila tonet, sarmiento at ingrid, tapos sabi nila sa akin “Pat! congrats!”, tapos sabi ko bakit? “nakapasa ka!”, “ha?!”, “di mo alam?” “nd, nd ko pa tinitingnan!!”, “nakapasa ka!!”!! na-shcok talaga ako!! si noriessa din daw at karina nakapasa!! wow!! di talaga ako makapaniwala…

nung hapon naman, may net si ate malyn, in-check ko ung UST ko, di pa ako ready, nag-drama muna ako, ang tagal ko in-click……..tapos sinara ko ung lid ng netbook habang naglo-loading, tapos nung sinilip ko…… did not qualify dun sa dalawa…. umiyak ako……lumuha ng tahimik….maya-maya, kasi gagawan ko ng e-mail si april para ipadala sa FEU, chineck ko uli yung UST ko, at nalaman ko…. ACADEMIC PROBATION AKO!!!WOOHOOO!MAY PAG-ASA PA AKO!!YEY, pinili ko nutrition and diatetics at food tech!!waahh!

UST!!

UP!!

Picture taking ng mga Graduating ngayon!

kakaiba, ang tagal-tagal naming nag-hintay para makapagpa-make up at magpa-ayos ng buhok, 100 per head  ang bayad, grabe 5:30 na ata kami nakapagpa-picture, 1pm palang naka-pila na kami, haha, ito yung mga pagmumukha namin…

Si Ayee, sobrang ganda!!mas lalo pa siyang gumanda!!

Si alyssa, maganda pa rin, lalo!

si jamella! Maganda rin! Sila na!

si ate Malyn. aup, ang gaganda nila

Si allanah, sobrang GANDA lalo! wag nang pansinin si Rodge, haha

si milma, parang bride ang beauty, haha, mga abay daw niya kami

ilan lang yan sa mga kaklase ko, tinatamad akong ilagay lahat eh, haha

at ako na iniisip kung kung bakit di ako kasing ganda nila, kasing skinny nila, kasing sexy nila. Pero nabasa ko na “How others see you is not important, how you see yourself is everything”, naisip ko, we are all beautiful in our own way.

FIELDTRIP!!

DECEMBER na!! It’s the most wonderful time of the year

DECEMBER 3, 2011 PART 1

Last fieldtrip na namin as HS students (well hopefully lahat kami maka-graduate, haha), nagising ako nung duamting si gj, naligo, di ako nag-dinner the night before kaya gutom ako, pagtingin ko walang breakfast, eh gutom na gutom na ako, naligo muna ako at nagbihis at baka di pa nakakaluto, nung nakabihis na ako’t lahat-lahat, wala pa ring pagkain, tutal maaga pa naman, nagyaya si GJ na mag-7eleven muna kami, lumabas kami at nag-abang ng tricycle,may dumaan, may mga laman, may dumaan ulit, may laman nanaman, may papalapit, naghatid lang sa school, paulit-ulit ito, ang tagal naming nag-hintay, shit, sabi ko kay gj na mag-bakery nalang kami, tipid pa, pagpunta namin sarado pa, shit, balik kami, pabalik may tricycle dumaan, walang laman, takbo, shit, di namin naabutan, naghintay uli kami, puro may laman…….. maraming minuto nanaman ang lumipas hanggang sa wakas!!! nakasaky rin kami. “7 eleven po”. yey! nakarating din kami, balak ko bumili ng hot dog, gutom talaga ako, bumaba na kami, nagbayad, pagpasok sa 7eleven, s h i t, nililinis yung machine, damn naman oh! ang malas! ayaw ba akong pakainin? so cup noodles nalang, nagbayad, nilagyan ng mainit, kumain na ako sa dorm tapos pumunta na kami ni gj sa school, nakita namin mga kaklase namin, kaya naghiwalay na kami, pumunta na kami sa bus namin, bus 8 daw (o 6? basta) pumunta na kami, may laman na, kinausap namin si ma'am azul sa bus 9 or10 daw kami, sugod! pagdating sa bus 9, may laman din eh! paalisin sabi namin! sugod din kami sa 10! may laman pa rin!! damn naman oh! nakita namin si ma'am nalicat, “ma'am, ano po bang bus # namin?”, “bus 11”, “oh purwan, 11 daw, sugod!” pagdating namin, aus walang laman, kaso yung bus waley, ang pangit,ppumasok kami, may sumigaw sa labas “di pala yan!”. “ha?! ui prwan, baba daw!”. baba kami. pagbaba namin, yan daw ang bus namin, di akyat uli kami, hinanap namin upuan namin accrording sa seat plan na alam namin (kanya-kanya), ang ingay, nag-aaway sila sa upuan, “dito kami sa likod nila pat!”, “katapat kaya namin sila jessemyl!” “dyan kami!” “DYAN kami! dito kau!” ang ingay, pinababa uli lahat para maayos ang seat plan, di kami bumaba nila kevin, noriessa, jamella, tonet at april kasi sure kami sa upuan namin, tama nga, naayos na seat plan, aus! kaso bago aalis, napansin ng mga ilong namin, amoy suka yung bus!! yuck! un, naging holy water ang alcohol. sabi ni april sa akin, ang pangit daw ng bus namin, yun daw yung pinaka-“lasnit”, naka-andar na rin kami, pero bago yun, picture-picture muna syempre, ang ingay pero ang saya, taob yung mga digicam namin kasi yung kay alyssa DSLR!! woah!! pinagkaguluhan! nakaalis na kami sa school. aus, pangalawa (ata) kaming nakaalis. ang weird lang nung bus kasi parang nagba-bounce, ung parang nakasakay ka sa elevator, ang wierd, tinatawanan nalang namin, pero nakakahilo siya, lalo na nung nasa zigzag na kami, damn! nakakhilo at parang masusuka ka……shit naman oh

Spirited Away

Nung gabi ng sabado, nanood ako ng Spirited Away. Inabangan ko talaga yan! Bumili pa ako ng popcorn, haha! Napanood ko na siya nung bata ako eh, may mga scenes akong naaalala, kaso unti lang at di malinaw. Masyado pa akong bata nun eh, pero alam ko nag-enjoy ako nun. I watched Spirited Away when I was a kid, I had an awesome childhood! Kaya nung nalaman kong ipapalabas siya sa Disney, I didn’t want to miss the chance.  Maganda talaga siya. Sobra. As in. Deserving sa Oscar niya.

Nabasa ko din sa isang article sa Listverse na Spiriteed Away ang greatest film ni Hayao Miyazaki. Masyadong nagustuhan nung author ang movie. Eto yung review nya, “I don’t want to say too much as this film was great enough for me not to even mention anything. Spirited Away captures the essence of fantasy. The characters in the film are memorably amazing, the animation was awesome, and the story was unbelievably astonishing. The film’s elements are interesting, and the world is full of unpredictability and shockers. Some of the characters are frighteningly intriguing, and the villain seems pretty menacing. There seemed to be no flaws in this film, which is a main reason why I put this film at the top of the list. Just when you thought Miyazaki had made his best films, Spirited Away came out.”

Cool, para daw walang flaw yung movie. I agree. Isa na siya sa favorite film of all time ko, along with 3 Idiots.

Yung poster ng Spirited Away…(courtesy of Google and Wikipedia)

yung popcorn na kinain ko, sunog nga yung ¼ eh, lol (pasensya na sa pangit na graphics, cp camera lang gami eh, di afford ang DSLR)

Pinicturan ko yung TV, lol, patunay?

WALA NA.

Closed ang confirmation of slots sa University of the Philippines Baguio. Di na talaga ako pwedeng mag-UP B. Wala na.

Di na rin nagpapa-exam ang Pamatasan ng Lungsod ng Maynila. Di na akong pwedeng mag-PLM. Wala na.

Wala nang slot sa Nutrition and Diatetics sa University of Sto. Tomas. Di rin talaga ako pwedeng mag-UST. Wala na.

Far Eastern University, here I come.

Dream High!

Babago ako may tinututukang Tv show. Ang Dream High. Nagagandahan ko, tapos nakakatuwa. Ang tagal din ng panahong hindi nbanood ng TV.

Anyway, ship ko sila Marco at Kelly, ewan ko ba kung bakit pero type ko yung chemistry nila. Ang sweet sweet ni Marco! Ang Pogi pa niya! Di ko type sila Kelly at Gino. Magsama nalang sila Gino at Angelie. Ang cute din nila Jason at Gelou. Pogi rin si Jason! Cute talaga.

NASA MANILA PA RIN

Hindi tuloy ako nakapunta sa Mango Festival. Sabi ko pa naman kay April pupunta ako.

Bakit nga ba di pa ako umuuwi?

  • Medyo tinatamad pa ako.
  • Nag-eenjoy pa ako dito, free kasi ako dito, haha.
  • Wala si nanay ko dito.
  • Manonood pa kami ng “The Avengers”.
  • Pinagawa yung netbook ko kasi nasira nanaman siya.
  • Maghahanap pa kami ng matutuluyan kasi college na ako, tsk.

Speaking of matutuluyan, kailangan kong maghanap kung sakali di matuloy yung balak namin nila Jamella na sama-sama kami. Pero na talaga matuloy. Dear Lord, sana po magkasama-sama kami sa isang bahay lang.

LAST DAY OF HIGH SCHOOL, BUKAS GRADUATE NA KAMI

Kanina, naghanda ang Four-One. Hapon na yun tapos binigay na namin sa mga teacher’s yung kanila. Tapos kain na! Kaming Top 10 di na kumuha kasi nagtago na kami kanina (haha).

Nung una, nagkagulo po, akala kasi nung iba may salad lahat pero and totoo sa teacher’s lang ang salad tapos leching manok sa Four-One. Tapos okay na, kumain na sila. May kumakain, tapos may kumakanta sa videooke.

Pumunta naman kami sa Imaret para kainin yung bigay na cake ni mama ni fhem.

Maya-maya, dumating si Alyah, sabi nag-iiyakan na daw sila dun. Sabi ko maki-usyoso ako.

Pumunta ako doon at nakita ko sila na namumula at lumuluha ang mga mata, nagyayakapan, nagsasabi ng paalam sa isat-isa’t, mapa-lalake o babae.

At sa totoo lang, it was one of the most beautiful thing I have ever seen. Kahit malungkot, nakita ko na mahal talaga namin ang isa’t-isa. Na apektado kaming lahat  na graduation na bukas. Na mami-miss namin ang isa’t-isa. At para sa akin, yung part na iyon ang pinaka-magandang parte nung handaan namin.

Pumunta na ako dun, tapos niyakap na rin nila ako, tapos di ko na napigilan, umiyak na rin ako! Tapos iba talaga yung atmosphere! Lahat umiiyak, yung ibang boys, naluluha na, pero pinipigilan lang nila. Marami akong first time ko lang nakitang umiyak.

Di ako nag-take ng pictures. I  used the time to hug my friends and cry and say goodbye rather than wasting it by standing in a corner looking like an idiot and taking pictures of them hugging and crying. Plus, I think it would be rude because that was OUR moment. Amin-amin nalang yun.

Tapos nagkantahan na. Super Bass, halos lahat kumanta, tapos 100 nakuha namin! Akalain mo yun?! Tapos maya-maya, nagbabasaan na sila sa labas, pati kaming nasa loob, nadamay na rin. Yung iba basa, ako di masyado. It was fun while it lasted, kaso pinatigil na kami ni Ma'am Edquiba.

Nung hapon, ang dami naming naglakad papuntang palengke, sabi gala daw kami, paer nung nandun na, wala, umuwi rin sila. Natira ako, si Lady, si Jake, at si Kri. Una nag Q-zone kami. Nag-enjoy kahit papaano. Ang galing namin ni Lady sa Dance Dance Revolution, haha! Tapos enjoy ang Photo Hunt! After, bumili kami ng drinks sa 7-eleven at naki-ihi sa Jolibee. Tapos naglakad na kami papauwi. Habang naglalakad may huminto na minibus papuntang Sta. Cruz. Sumakay na si Jake. Ako nalang at si Kri at Lady. Tapos nabanggit ni Lady na pangarap niya pumunta sa oval ng gabi at humiga. Napagdesisyunan naming gawin yun kasi last na. Pagpunta namin dun, una balak namin mag-sneak in. Pero sa huli, napagdesisyunan namin na mag-paalam nalang sa guard na nasa gym. 

Paglapit namin, nakita namin na si Sir Edquiba yung isa, tapos sabi niya nandyan din yung adviser namin. Tapos nakita namin na ayos na yung Gym para sa Graduation Ceremony bukas. Nakakalungkot. Nag-picture-picture muna kami tapos nagpaalam kung pwede sa oval. Pwede daw. Takbo kami! Sumigaw ako! Ang saya! Ang gaan sa pakiramdam! Humiga kami at nag-picture-picture at tinwanan ang mga pics namin. Tapos umuwi na rin kami.

9 pm na kami naka-uwi.

MEMORABLE ANG LAST DAY OF HIGH SCHOOL KO. ANG SAYA SOBRA. TEARS AND SMILES!

RAT!

Regional Achievement Test namin ngayon. Grebe, todo-review kami ni G-J kagabi ha! Gumastos pa talaga kami sa pagkain, for burning the midnight oil. Ang hirap ng Trigo at Physics. Ok lang yung English. Pwede na yung Econ. Sa Fil, confident kami eh, feeling ko madali lang nung sinasagutan ko. Tapos nung nag-check na….

English - 39

Science - 26

Mathematics - 28

Filipino - 30

Araling Panlipunan - 31

TOTAL: 152/250

AVERAGE: 60.8 or 61

MEAN: 30.4 or 30

Nakakahiya ako. Nakakahiya kaming lahat. Nakakahiya talaga. No words can express. Yung iba naman madaya, may kodigo sila.

Wala kaming ginawa ngayon!

Nag-general cleaning lang kami sa room, kasi dun mag-stay yung regional at national supervisors, or something, kasi sa amin ang CLRAA (Central Luzon Regional Athletic Association).

Ang ganda ng room, feel na feel ang ambiance, haha.

Tapos kanina, nanood lang kami ng Quarantine 2, nakaka-gulat! Nakaka-thrill! Napapsigaw na kami. Ako tumitili pa rin kahit napanood ko na! LOL.

Dun kami naka-upo sa may hagdanan, tapos nasa may desk ng upuan sa baba yung laptop. PArang sinehan. Cool. Di nga lang namin marinig kasi maingay, kaya pinag-tiyagaan na namin, wala kasing may dalang speakers.

Mockingjay

OK!! Sa wakas natapos ko na rin ang Mockingjay, at sa totoo lang, BITIN!! nakakainis! Alam mo yun? Well, more like, di ako satisfied. Masasabing kong yan yung least favorite ko among the three. Nagbabasa ako ng mga comments ng mga tao sa Mockingjay sa Tumblr at marami sa kanila ang di satisfied. Nag-aagree ako sa isa na sinabing parang in-rush daw yung story, yun din na-feel ko.

Pinakamagandang part syempre yung sa may huli!

Peeta: You love me. Real or not real?

Katniss: Real.

nakaka-shock din na namatay si Prim, kaso alam ko nang mamamatay siya kasi in-spoiler ako ni GJ, (at nabasa ko na wikipidia, lol), pero hindi ganun yung impact niya sa akin compared mo sa pagkamatay ni Rue. Halos maiyak ako nung namatay si Rue eh, pinigil ko lang kasi katabi ko si GJ, pero nung nakita na ni Katniss na si Prim un, “Ah, so ganun namatay si Prim, OK.”

pero na-shock ako nung nung biglang si President Coin at pinatay ni Katniss at hindi si Snow (aus lang, ayaw ko naman din si Coin, she deserved it! Haha, ang sama ko), at na si Coin ang may pakana! 

AT DUN NAGTATAPOS ANG AKING PAGBABASA NG THE HUNGER GAMES TRILOGY, SAYANG TRILOGY LANG SIYA, SANA MAY KASUNOD, IKWENTO ANG NANGYARI SA KANILA AFTER NUN, KASI HINDI SINABI KUNG ANO ANG NANGYARI KILA GALE, HAYMITCH, ANNIE, JOHANNA, ETC.

I FINISHED THE BOOKS. NOW, I'TS TIME TO FACE THE MOVIES.

MAY THE ODDS BE IN OUR FAVOR.

Mockingjay

OK!! Sa wakas natapos ko na rin ang Mockingjay, at sa totoo lang, BITIN!! nakakainis! Alam mo yun? Well, more like, di ako satisfied. Masasabing kong yan yung least favorite ko among the three. Nagbabasa ako ng mga comments ng mga tao sa Mockingjay sa Tumblr at marami sa kanila ang di satisfied. Nag-aagree ako sa isa na sinabing parang in-rush daw yung story, yun din na-feel ko.

Pinakamagandang part syempre yung sa may huli!

Peeta: You love me. Real or not real?

Katniss: Real.

nakaka-shock din na namatay si Prim, kaso alam ko nang mamamatay siya kasi in-spoiler ako ni GJ, (at nabasa ko na wikipidia, lol), pero hindi ganun yung impact niya sa akin compared mo sa pagkamatay ni Rue. Halos maiyak ako nung namatay si Rue eh, pinigil ko lang kasi katabi ko si GJ, pero nung nakita na ni Katniss na si Prim un, “Ah, so ganun namatay si Prim, OK.”

pero na-shock ako nung nung biglang si President Coin at pinatay ni Katniss at hindi si Snow (aus lang, ayaw ko naman din si Coin, she deserved it! Haha, ang sama ko), at na si Coin ang may pakana! 

AT DUN NAGTATAPOS ANG AKING PAGBABASA NG THE HUNGER GAMES TRILOGY, SAYANG TRILOGY LANG SIYA, SANA MAY KASUNOD, IKWENTO ANG NANGYARI SA KANILA AFTER NUN, KASI HINDI SINABI KUNG ANO ANG NANGYARI KILA GALE, HAYMITCH, ANNIE, JOHANNA, ETC.

I FINISHED THE BOOKS. NOW, I'TS TIME TO FACE THE MOVIES.

MAY THE ODDS BE IN OUR FAVOR.

Lumipat na ako sa aking bagong tirahan ngayong college.

Di naman ako nag-aadjust or homesick kasi sanay na ako. Nung HS palang ako, nagdo-dorm na ako. Ang kaibahan lang ngayon, sasakay pa ako ng jeep papunta sa school di tulad dati na tatawid lang ako tapos ngayon kailangan ko ng magluto ng food ko di tulad dati na pinagluluto kami.

Tapos sa June 5, may campus tour. Di sana ako pupunta, kaso nalama ko na ka-block ko si Kim Bugarin. Di man kami classmates dati, at least may kakilala na ako. Kaya yun, punta kami ng tour.

Yung feeling na wala pang pasukan, ang laki na agad ng nagastos ko sa allowance ko. MASAKIT!

Kahapon, gumala akong mag-isa sa Ali Mall at SM Cubao. Bumili ako ng panyo at foot sock. Gulat ako, umabot almost P430! Wala na akong magagawa.

Tapos naghe-hesitate ako kung bibili ako ng bagong book kasi bawas nanaman yun sa allowance ko. Nagkikipag-argue ako sa sarili ko. Pero kailangan ko na ng bagong babasahin! Pero dagdag gastos lang yan! Pero maganda daw yung “Divergent” eh! Pero mababawasan allowance mo!

Pero in the end, bumili pa rin ako ng libro. Haha.

Maganda daw yung book eh, so I knew na I had to read it.