joke kasi 'to

ito na ba ‘yung first heartbreak ko??? tangina i can’t let go. di s'ya pedeng maging totga ko kasi magiging akin pa s'ya. de joke may iba na kasi s'ya eh tapos ngayon ko lang narealize na gusto ko pa pala, na mahal ko na ata. pagod na s'ya. ayaw na n'ya. tapos bday ko ngayon hahahahahaha ala love na love ako ng tadhana. ganda ng regalo eh

Uy ikaw!

Hi sayo. Tanda mo pa ba ako? Ako lang naman yung nagmahal sayo ng sobra. Kamusta kana ba ngayon? Alam mo kahit minsan naiisip kong humanap o tumingin sa iba sa huli hindi ko pa rin magawa kasi sayo pa rin talaga yung buong ako. Alam mo nakakaasar nga eh. Ganyan ka ba talaga kahalaga? Kaya pati siguro ang SUD napapa walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga kasi ganon pala ang feels no? Pero tandaan mo hindi man kita kinakausap o sinunod na kita sa paglayo ko ay nasa sayo pa rin ang puso’t isipan ko. Hinihintay ko na nga lang makalimutan ka kasi wala na rin naman diba silbi to? Pero ang tagal ha naiinip nako baka mamaya bumalik nako sayo neto. Hahaha pero joke lang hindi na kasi ayoko na makagulo sayo. Siguro masaya kana ngayon. Ako naman masaya na kahit papaano kahit stay in pa rin yung sakit. Ano ba yan ang daldal ko hindi mo naman tinatanong eh hahaha So yun nga. Ingat ka at mahal kita kahit kinakalimutan ko na lang to. Hanggang sa huling pagkakataon na kaya ko pa at ramdam ko pa sasabihin kong mahal kita kahit sa hangin na lang o sa paraan ng pagsusulat. Ayun. Panda hug!

Day 01: List 10 things that make you happy

1. Sunrise. I started to appreciate sunrise now.

2. Sleep

3. Ice cream

4. Going out with friends

5. Hugs

6. Good music

7. Massage. I badly need this.

8. Phone or video calls. Idk. I like it when people calls me or spend time to talk to me.

9. Coffee

10. Silly jokes. Mabilis lang naman kasi ako patawanin kahit corny yung joke. Hahaha

#PoleAsPresident pt. 2

Ang pinakamagandang master post sa balat ng lupa! Kasi naman jusko ang saya siguro sa Pilipinas kung si Pole ang naging presidente? Inalok naman ni Miong eh bago niya tinanggap yung role ano. Willing si Miong ibigay sa kanya ang presidency tas magiging Captain General chuva lang si Miong, like tanggap talaga ni Miong. Ba’t mo tinanggihan badang!

Sanhi ng pag-uusap namin ni @d-artist-freude sa twitter :))

[ part 1, part 2, part 3 ]

What if Mabini became the first Philippine President?

Luna: Eto bagong uniform design o gawa ni kuya
Pole as president: Nice
Luna: …May star ba ako ulet

Joven: Salamat ho at pumayag kayong makapanayam ko kayo, Heneral
Luna: Walang anuman
Joven: So ano po yang mga star sa kamay ninyo
Luna: ✨✨✨

Paco: Hindi pagdurusa ang pagdaan sa matinding pasakit
Joven: Makata rin po pala kayo
Paco: Nahawa lang
Joven: Kaya po ba may star din kayo sa kamay

Pole as president: Hindi ako ang pumatay kay Luna
Joven: Pero ho may haka-haka na—
Pole as president: Buhay pa sya
Luna: Baka may star pa akong makuha

Paco: Señor, liham po mula sa heneral
Pole as president: Ilang star ba gusto nya
Miong: Ako gusto ko ng isa
Pole as president: Naaalala mo pa ba–
Miong: UGH

Pole as president: Okey cabinet meeting tayo
Cabinet: Okey
Luna: -tumayo-
Pole as president: Ang magmura walang star
Luna: -umupo-

Luna: Uh si Paco ang magiging tagapagsalita ko sa meeting
Paco: -mas maraming star sa kamay kaysa kay Luna-
Paco: So yung plano po–
Luna: SI MANUEL NA LANG PALA

Pole as president: So magpapalakas tayo ng hukbo
Paterno: Pero–
Pole as president: Ano yun?
Paterno:
Pole as president:
Sabi ko nga

Buencamino: Paano naman ang mga negosyo namin!
Pole as president: Sisantihin na lang kita focus ka sa negosyo mo
Buencamino:
Pole as president:
So anyway yung plano

Miong: Presidente–
Pole as president: Bakit
Pole as president: May taga-Kawit nanaman bang nagsumbong sayo
Miong: Uh
Pole as president: Kaya wala kang star eh

Miong: Ayaw sumunod ni Mascardo kay Luna
Pole as president: Penge papel sulatan ko na
-
Kawal: Liham po
Mascardo: ANONG MINUS ONE STAR???

Luna: O, Rusca! Anong balita!
Rusca: Heneral! Nabawasan daw po ng star si Mascardo
Luna: YESSSSS
Rusca: Paco, may dagdag ka daw na isa!
Luna: BAKIT

José B: Kuya ba’t may mga star
Manuel B: Actually di ko rin alam
Manuel B: Pero puno na ung kwarto ni Paco
Manuel B: Nag-aarrange na ata sya ng constellations

José B: Nag-aral ka ba nung Feng Shui shit nung nasa Hong Kong ka
Paco: Ba’t mo naman natanong?
José B: Wala naman

José B: Kuya gusto ko rin ng star :(
Manuel B: Ano bang nagawa mong mabuti
José B: Uh
Manuel B: Nagtaka ka pa

Pole as president: Nag-impake na ba kayo
Cabinet: Bakit ho
Pole as president: Baguio

Goyong: Nakakainis! Lagi na lang akong grounded!
Vicente: Wala ka pang star
Goyong: ISA KA PA
Vicente: May sumisigaw po!
Goyong: ANO BAAAAAA

Miong: Punta kaming Hong Kong ah
Goyong: Yay!
Pole as president: Akala ko ba Baguio

Train Guy: That’s quite absurd!
Luna:
Rusca:
Paco:
Baliw daw ho kayo Heneral
Rusca: ANO DAW
Luna: NAKIKITA MO BA YUNG MGA STAR NA TO PUNYETA KA

Pole as president: -tingin kay Miong-
Miong:
Miong:
Miong:
OO NGA INIISP KO PA RIN ANO BA
Pole as president: Joke lang kasi yun

Pole as president: Uy wag ka na magtampo
Pole as president: - very good star stamp -
Miong: -nagpipigil ng pag-iyak-
Pole as president: Wuy ngiti na yan

Mama Aguinaldo: Ba’t ka naiyak, ‘nak
Miong: MAY STAR NA'KO MA

Cabinet meeting prep time
Luna: Masaya ka ata, Heneral
Miong: Hehe
Luna: Sus isa lang naman yan
Miong: Wag mo akong simulan baka mawala pa to

Pole as president: Anong ganap today
Luna: Nahukay na ang trincheras at sa Quinga na po si Del Pilar
Paco: Sa Tondo naman po kami ni Simeon
Mascardo: Um may pista po sa Arayat
Pole as president:
Mascardo:
Luna:
Miong:
Cabinet:
Mascardo:

Alejandrino: So ikaw ba yung sinigawan ni Greg
Tinio: Sinong Greg hahaha ang bantot ng pangalan
Alejandrino: I’m writing this down
-
Goyong: -ubo-

Vicente: Parang kanina ka pa nabubulunan
Goyong: -malakas na pag-ubo-
Goyong: May nakaalala ata! Leche!
Vicente: Ilang chix din yun ah
Goyong: Gago!

Vicente: Pagkain lang ang kinakain, pre
Goyong: Isusumbong kita sa kuya mo

anonymous asked:

Kuya help. Biniro ko po yung friend ko tapos napikon agad siya. Sobrang babaw naman nung biro ko sa kanya. Tapos bigla na lang niya akong pinatamaan sa twitter at binlock niya ako sa fb. Nakikipagbati na nga ako e, ayaw pa rin niya. Ang babaw lang naman kasi nung joke. Thank you po.

Anong joke?

Sakuntala

Ang dami kong pinagdaanan para lang mapanuod ang play na ito.

1) Sumakay ng MRT mula Ayala hanggang Q Ave. Anong mas siksikan, lata ng sardinas o bagon ng tren? Hindi natin malalaman. Buti na lang may mabait na kuya na nag-scoot over para makaupo ako. Kay Kuya na may wallpaper na weed, this one’s for u! Hahaha. Stay lit! 

2) Nagbook ng Uber Pool mula Q Ave patungong Studio 72. Hindi ko tinawanan mga corny jokes ng driver ko kasi sexist siya. FYI, women can wear anything they want. Keep your sexist mouth shut.

3) Nakabili ng ticket sa halagang Php 300 kumpara sa benta ng prof ko na Php 450. 

4) Kasabay ko manuod faculty ng DHum at nakakita rin ng kaunting familiar faces mula sa campus. 

5) Nagbook ng Grab Pool (kasi mas mura kaysa Uber Pool) pauwi. Sobrang chill ng Grab driver ko. Pareho kaming nagrant tungkol sa lakas ng pagsara ng car door ni ateng ka-pool ko at nagstop over pa kami sa isang gas station. Siya para jumingle, ako naman ay para bumili ng tubig.

Dahil sobrang noob ako sa directions at pagbyahe nang mag-isa, nagtanong ako paano makapunta mula elbi hanggang Diliman. Lahat sila, ang sinabi ay mag-Uber/Grab na lang. Kaso hindi lahat may kakayahan magbook ng Uber/Grab. Dapat may smartphone ka at internet. Swerte ako kasi pwedeng magbook ang Ate ko para sa akin kahit di kami magkasama. Kaso paano yung iba? Lahat naman tayo entitled sa safe and efficient na mode of transportation eh. Ano kayang hakbangin ang nagawa/gagawin para maging safe,efficient, at mabilis ang pagkocommute ng masang Pilipino? Clue: Hindi ito jeepney modernization. 

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 20

Nakauwi na sila sa bahay ni Julie at masaya silang nagkkwentuhan na dalawa habang nanunuod ng movie.

“Alam mo ba, pati si Thor nadepressed nung wala ka. He missed you kaya.” sabi ni Julie. Napangiti si Elmo at saka kinalong ang aso ni Julie.

“Really? You missed me buddy?” tanong niya sa aso at kumahol naman ito at dinilaan siya sa mukha.

“Hey! That’s mine, Thor!” saway ni Julie sa alagang aso tsaka pa mahinang pinalo ang nguso nito.

“H, grabe ka.” sabi ni Elmo kay Julie habang nagpipigil ng tawa.

“Aba. Kung ikaw bawal sayo na lumapit ako sa ibang guys, bawal ka din no. Kahit aso ko pa yan. Akin lang yan!” she said as she points his face.

“Possessive ha?”

“Wow! Nagsalita ang hindi! Gusto mo refresh ko sayo lahat ng sinabi mo saken kanina? Ha?” pang-aasar ni Julie sa kanya.

“Hahaha. Sabi ko nga possessive din ako eh. Ikaw naman di mabiro.” sabi ni Elmo. Binaba niya si Thor sa sahig at saka niyakap si Julie at pinupog ng halik sa mukha.

“Yuck, Elmo! Amoy aso ka!” reklamo ni Julie. Tumigil si Elmo sa paghalik sa kanya at saka siya tinignan ng nakakaloko.

“Amoy aso pala ha?!” sabi niya saka na hiniga si Julie at kiniliti. “Sinong amoy aso?! Sino?!” asar niya habang patuloy na kinikiliti ang dalaga.

“Hahahahahaha. Shit. Elmo stop! Hahahahahahaha. H-hindi na ko makahinga!” tumatawang sambit ni Julie habang pinipigilan ang mga kamay ni Elmo na kumikiliti sa kanya.

“Ano munang amoy ko?!” asar pa rin ni Elmo.

“Hahahahahahaha! Mabango na. Di ka na a-amoy aso. J-just stop! Hahahahaha.”

Tumigil na si Elmo sa pangingiliti tsaka tinulungan si Julie umupo ng maayos.

“Good. Akala ko mag-iinarte ka pa eh.” sabi ni Elmo.

“Kadiri naman kasi. Dinilaan ni Thor yung pagmumukha mo tapos manghahalik ka?” sagot ni Julie.

“Haha. Eh kasalanan ko bang nababakla si Thor sa akin?” sabi naman ni Elmo. Tinignan siya ng masama ni Julie at tinaasan pa ng isang kilay.

“Anong sabi mo?” tanong ng dalaga sa kanya. “Hinawa mo naman yung aso ko sayo. Hahaha.”

“Aba’t!” akmang kikilitiin nanaman sana niya si Julie nang salubungin siya nito ng halik. Nagulat siya kaya natawa ang dalaga.

“Hahahaha. Whattaface, H. First kiss lang ang peg?” asar naman ni Julie.

“Nagnanakaw ka ng halik. Alam mo bang pwede kitang ipakulong sa ginawa mo? Ha?” banta niya.

“Pakulong mo. May pang-bail ako.” ani niya.

“Ah ganun ha!” sabi ni Elmo. Kinulong niya sa mga bisig niya si Julie at saka niya hiniga ang mga katawan nila sa sofa. Humahagikgik naman si Julie saka na sinuklian ang yakap niya.

“Dito ba ko makukulong?” Julie asked. Tinitigan niya ang dalaga at saka ito nginitian. “Kasi kung dito ako makukulong di bale nang mabulok sa kulungan. Basta sa mga yakap mo lang ako makukulong.” sabi niya.

“Ganun? Kahit di ka na magtrabaho ayos lang? Kahit di na tayo umalis dito okay lang sayo?” tanong niya. Tumango ang dalaga saka siya nginitian.

“Basta ikaw kasama ko, ikaw ang katabi ko, ikaw ang kayakap ko, ayos na ayos na ko. Feeling ko ako na pinakamayamang tao sa balat ng lupa.” she said. Napangiti naman si Elmo at saka siya hinalikan sa noo.

“Ako din. Yung moment na tinanggap mo kung sino at ano ako, I felt like I’m the richest guy on Earth. Parang mas mayaman pa ko kay Prince William, Oprah, Ellen, Manny Pacquiao, Pres. Obama in one. Kasi sila, they have all the money in the world. Pero wala naman silang Julie Anne San Jose sa buhay nila.” sabi naman niya.

“I love you baby.” Julie said and snuggled up to him saka pa nito hinalikan ang jaw niya. “Mahal na mahal kita.”

“I love you too, H. Mahal na mahal na mahal din kita.” sabi naman ni Elmo.

“Julietaaaaa! Pakape kami ni Marie Frencheska M— Ayy!!” napapitlag silang dalawa nang makita si Sef na nakatayo sa likod ng sofa na hinihigaan nila. Mataray itong nakatingin sa kanila habang ang isang kamay ay nakapatong sa dibdib niya na akala mo ay gulat na gulat sa nadatnan. “Sabi sayo Maq eh! May mga pusang naglalampungan sa bubong!” sabi nito sabay higit kay Maqui na papasok pa lang ng bahay.

“Sef?”/ “Maq?” sabay na sabi ng dalawa.

“Ay kaloka. Rehearsed lang sa pagkakasabay.” sabi ni Sef. Tumingin naman si Maqui sa kanila at napangiti.

“Hahahaha. Tama ka nga, bakla. May mga pusang malalandi nga. And baka naistorbo natin sila. Dun na lang tayo sa bahay.” sabi naman ni Maqui habang tumatawang hinahatak si Sef palabas.

“Eeeeeh!! Ayaw ko dun. Ditey tayiz sa baler ni Julieta. Aba babaita, hahayaan mo lang sila alone?! What if makabuo sila over here and andun tayo over there sa inyo? Friend, hindi pa ready maging ninang ang lola mo.” sabi ni Sef kay Maqui.

“Hahaha. Sef, matatanda na sila. Right age na kaya sila to have a baby. Tsaka teka nga. Kakasagot lang naman ni Julie sa pinsan ko. Ang advance mo mag-isip bakla ka!” sabi naman ni Maqui.

“Uhm… Magkakape ba kayo? Tara dun tayo sa kitchen.” istorbo naman ni Julie sa dalawang kaibigan. Tumingin sina Maqui at Sef sa kanila.

“Ay! Alam mo bff, sa lahat ng sinabi mo, yan ang pinakabet ko. Tarabels!” sabi ni Sef tsaka na sila naglakad na apat papuntang kusina.

*****

Nakaupo na silang apat sa bar counter habang nagkakape. Tinitignan pa rin sila nina Maqui at Sef.

“What?” tanong ni Elmo nang mapansing di sila tatantanan ng dalawa sa mga nakakalokong titig nila.

“Wala naman, Moe. Natutuwa lang ako kasi finally bati na kayo and kayo na.” sagot ni Maqui.

“Ako, wit akiz happy shalala sa inyo.” sabi naman ni Sef.

“John Paul Joseph!” sabay na sabi nina Maqui at Julie.

“Oh. Ikaw ba naman makitang more more pa sa lampungan mula elevator hanggang office at aba friend di pinalagpas ang bahay?! Sinetch ang matutuwa? Wit akiz nakapagkape on time alamoyun?!” angal niya. “Mga malalanding to. Di makapagpigil?!” tanong niya sa kanilang dalawa ni Elmo.

“Hahaha. Bakla ang OA mo.” sabi ni Julie sa kaniya.

“OA ka diyan?! Di ah. Kalokang to.” irap naman ni Sef.

“Teka nga. Bakit ba dito niyo naisipan makikape? Iniwan ka namin sa office nagkakape ka. Tapos makikikape ka nanaman dito sa bahay?” pagtataka ni Julie habang nakatingin kay Sef.

“Hahahaha. Nagkwento kasi tong si Sef saken kanina. Sabi niya nga may malalanding pusa daw siyang nawitness sa elevator ng office building niyo. Ang bakla, nagrereklamo kasi di nga daw siya nakameryenda on time at baka daw pumanget ang lola niyo. Tapos nung nagmeet kami kanina after ko sa resto, ayan. Nagyaya dito at may masamang kutob daw siya. Hahahahaha.” kwento ni Maqui.

“Oh bakit? Kung wit akiz nagyaya ditey baka may nangyaring kababalaghan na no?” sabi ni Sef.

“Hahahaha. Sef, wala naman kasing nangyayari. Para kang tanga diyan.” sabi ni Elmo na kanina pa nagpipigil ng tawa sa inaasta ng bestfriend ni Julie.

“Elmo, wala PA! May emphasis sa PA. Eh kung di kami dumating? Mamaya niyan…” he trailed off.

“Hahaha. Bakla, sasabihan naman kita kapag magddo kami ni Elmo.” asar naman ni Julie sa kanya.

“Yuuuuck! Save it, bff. Eww ka ha?” nandidiri kunyaring sabi niya.

“Hahahaha. Ang overprotective mo naman kasi kay Julie, bakla. Kasama yan sa relationship no. Pavirgin ka pa eh.” sabi ni Maqui sa kanya.

“Maqui, di pa nga kasi akiz ready.” sabi niya.

Tumawa silang tatlo sa kanya.

“Bakla, di naman ikaw ang bubuntisin. Ako naman. Tagabili ka lang ng pagkain ng magiging baby namin. Hahahahahaha.”

“Oh see?! Maqui! Gagawin akiz yaya ng junakis ni Julieta. My gosh! My beautiful being?! Sa ganda kong to, yaya lang ako ng junaknak mo? No way!”

“Ang arte!” sabi ni Maqui sabay binatukan si Sef.

“Hahaha. Sef, kapag naman nabuntis ko si Julie, sisiguraduhin ko namang hindi kayo masstress. Syempre ako mag-aalaga sa kanila ng baby namin.” sabi ni Elmo.

“Ay. Dramahan na ditey. Joke lang kasi yun! Hahahahaha. Elmo, kahit isang dosena pa anak niyo, keriboomboom ko no. Willing akiz maging ninang ng mga bata. Spoiled pa saken yan.”

“Grabe ka sa isang dosena! Masaya na ko sa isa, Sef.” ani Julie.

“H, isa lang?!” protesta ni Elmo.

“Oh bakit?”

“Gawin naman nating 2.”

“Ay. Nakakapagod manganak kaya. Napapanuod ko sa tv kapag nanganganak akala mo ikamamatay eh. Tsaka magiging losyang ako!”

“Hahaha. Di ka naman lolosyang, Jules. Sa ganda mong yan?” sabi naman ni Maqui.

“Friend, wag na choosy. Pag nagustuhan mo naman hahanap-hanapin mo din. Pavirgin ampota!” sabi ni Sef. Hinampas naman siya ni Julie at saka pa kinurot.

“Gago ka!”

“Oh bakit? Bet mo ikwento ko kay Elmo yung cry me a river moment mo nung nagpunta ka sa condo? Hahahahaha.”

“Ano yun?” pagtataka nina Maqui at Elmo. Nanlaki ang mata ni Julie saka na pinasakan ng tinapay ang bibig ni Sef.

“Wala yun! Niloloko lang kayo ni Sef. Hahaha.” sabi niya. Pinanlakihan niya ng mata si Sef na kasalukuyang ngumunguya ng pagkain. “Diba, Sef?”

“Oo. Waley ever yun. Umiyak lang naman kasi siya kasi nga binitin mo daw gago ka.”

“SEF!!!” sigaw ni Julie. Tumawa sina Sef, Elmo at Maqui. “Pakshet ka!”

“Hahahaha. H, gusto mo ituloy natin ngayon?” sabi naman ni Elmo.

“Ay! Aaction na sila, Maq. Gorabels na tayiz!” sabi ni Sef saka na hinatak si Maqui paalis. “Byers na!”

140) Kingina gagawa nalang ata ako ng isang pang blog tapos lalaki ako dun para peymus din ako hahahaha joke de kasi pansin ko lang basta lalaki madali sumikat eh dami kasing lumalandi juicecolored nagiging dating site na ang tumblr please huhu girls hinay hinay lang po okeh wag dito lol #sorrynotsorry

THE LUCKY ONE

Chapter 11

It was another Friday night. Another barkada night for us. We were at Derrick’s place for a barbecue dinner and we’re currently grilling our food.

“Himala pare di kayo sabay ni Julie ngayon.” Derrick said.

“Ha? Ano kasi pinauna na niya ko kasi may emergency daw sa shop niya. Kaya yun.”

“Ah. Okay.” he answered as he flips the burger. After a few minutes, we heard Sef and Julie’s voice na obvious na kakadating pa lang.

“Hi, Jules!” Bati ni Kris. Nagbeso na sila and she also said hi to Derrick and me.

“Amoy barbecue kami, Jules!” Derrick yelled sabay tumawa pa. She waved at us and I smiled at her pero umiwas naman siya ng tingin.

“Ano ka na girl? Akala ko natabunan ka na ng cupcakes at kape mo.” I heard Sef say.

“Hoy kayong dalawa diyan, di pa ba luto yan? Baka naman uling na yang pagkain natin ha?” Maqui said.

“Ito na tapos na.” I answered as I placed the last piece on the plate. Pumasok na kami ni Derrick sa loob and we all sat around the table.

“Yunoh! Ito ba Elmo eh kaaya-aya ang lasa ha?” Diva asked as she gets a piece of barbecue.

“Oo naman! Specialty ko yan. Diba Jules?” I asked Julie as I nudged her. She looked at me first then smiled.

“Oo naman! Kahit hindi ko pa natitikman. Hahahaha.” sagot niya. I glared at her and she stuck her tongue out at me.

“Pag ikaw nasarapan sa luto ko, baka hanap-hanapin mo yan.” I said confidently.

“KAPAG! May emphasis sa ‘kapag’. What if hindi?” she said.

“Tikman mo kasi.” sabi ko sabay sinubuan ko siya ng barbecue. “Oh ano?” I asked her as she chews the meat.

“Ayos lang.” she said afterwards. Nagtawanan ang lahat except for me.

“Wala dude. Di pa din pasado cooking skills mo kay Master Chef. Hahahahaha.” Kris teased me.

“Hoy! Masarap naman ah!” Jmee said.

“Wala naman di masarap sayo Jmee eh.” Sef told her.

“Masarap naman guys.” Julie then said. “Galing mo na, muppet ah!” she added and even pinched my cheeks.

“Hah! Told ya.” pagyayabang ko.

“Pero medyo tough pa din yung meat. Tsaka masyadong madaming pepper yung nalagay mo tapos may part na lasang sunog.” she said after. I looked at her and she just smiled at me.

“Yun lang. Umiral nanaman pagka food critic ni Julieta.” Sef said.

“Psh. Wag kang kakain ha.” sabi ko sa kanya sabay kuha ng plate niya.

“Hoy! Masarap naman sabi ko diba?”

“Masarap daw tapos ang daming comment?! Wag kang kakain!!” I yelled.

“Ganyan ka na saken? Parang wala tayong pinagsamahan ah.” she said.

“Talaga.”

“Tsk. Muppet kasi. Gutom na kaya ako.” she said.

“Hay nako. Magluto ka ng pancit canton dun. Wag kang kakain ng niluto ko.”

“Tsk. Joke lang kasi. Elmo.” sabi niya sabay kalabit sa akin. I ignored her as I placed food on my plate. “Moe naman eh.” she said still trying to get my attention.

“Tsk.” I said as I shrugged her off.

“Hoy ano ba yan.” sabi niya tsaka pinaharap niya ko sa kanya. “Joke lang kasi. Oo nga masarap na nga. Parang timang to.”

“Ewan ko sayo.”

“Tampo kaagad? Tsk. Akin na yung plate ko.” pero di pa din nya binigay… “Moe…”

“Ayoko.”

“Nagpapalambing lang yan Julie.” Maqui said.

“Tsk. Elmo Moses naman eh. Gutom na ko. Kakagatin kita sige.”

“Kagatin mo. As if naman maaagaw– OOOOOUUUUUCH!!” I cried. “JULIE ANNE LET GO!!” sigaw ko because she’s still sinking her teeth on my arm.

“Hahahahahaha. Ano ka na ngayon boy?” Derrick said as he high-fived Kris.

“Pabebe pa kasi eh.” Diva teased.

Julie released my arm and you can see the teethmarks on it and it is also bleeding. Mahapdi sobra and I know that this isn’t just a joke. Alam kong binuhos na niya yung galit niya sa akin because of what is happening to us.

“Sakit.” I said as I stood up and went to the sink to wash the blood. She was beside me in an instant and she was washing the blood with soap and water. “Ouch. Julie mahapdi.” I said.

“Sorry.” sabi niya.

“It’s okay. Sorry din.”

“Ha?”

“Basta. Sorry. Alam mo na yun.”

*****

I know I shouldn’t have done that. Yung kagatin siya hanggang dumugo pero kasi it’s a way of telling him that I hate our set-up. Yung aarte na okay ang lahat when in fact, it isn’t okay. Naiinis ako sa kanya. Bakit kasi kailangan pa dumating sa ganun diba? Hay Elmo Moses.

“Halika dun muna tayo sa kwarto ni Rick. Gagamutin ko yan.” I said and dragged him upstairs.

“Hoy! Makabuo kayo dyan ha!!” we heard Derrick and Kris yelled. I ignored them and continued walking to Derrick’s room.

“Teka kukunin ko yung first aid kit. Dyan ka lang.” and I went to the first aid cabinet.

“Julie okay lang. It stopped bleeding already.” he told me while checking his wound.

“Tsk. Don’t touch it! Gusto mo bang mainfect yan?” sermon ko sa kanya sabay hampas sa kamay niya. “See? Nagdugo nanaman. Kaw kasi eh.” I said as I dabbed a cotton ball on his wound.

“Di naman kasi kailangan gamutin. Okay na nga kasi.” He said trying to take his arm away.

“Tsk. Isa Elmo kakagatin kita ulit!” banta ko sa kanya.

“Psh. Kailan ka pa naging brutal? And cannibal pa ha!” he said. I glared at him and he backed his face away. “Psh.”

“Teka wag kang magulo. I’ll put the bandage.” I said as I wrap the bandage on his arm.

“Alam mo, you ruined my skin. I have an event tomorrow you know?”

“Sorry na nga kasi.” I said.

“Papayag lang ako kapag sasama ka bukas.” sabi niya.

“I have work–”

“Julie…” he said softly.

“Fine.” I finally said. After ko lagyan ng bandage ay tumayo na ako para ibalik yung medicine kit when he held my arm and made me sit again. “What?” I asked him pero he kept silent and just stared at me. I looked him in the eye as I feel his hand slowly caressing my arm then unti-unti he is closing the gap between us. Hindi ako makagalaw. It’s as if I’m glued to my place and I have nowhere to run to. I closed my eyes waiting for him and soon, I can feel his warm breath. His warm yet minty breath. A couple of inches. Then an inch and finally I can somehow feel his lips on mine when…

“HOY!!! ANO NA KAYO DYAN? NAKABUO NA BA?!” we heard someone knocking on the door. Napapitlag kami and he suddenly stood up.

“Elmo…”

“Uhm… Tara na sa baba Jules. Wala yun okay? Sorry if I did it again.” tsaka na siya lumabas ng kwarto.

*****

“Ano dude? Naka-score?” Derrick asked as soon as I got back on the dining area.

“Baliw.” I said.

“Eh bakit namumula ka tsaka pinagpapawisan?” Kris teased.

“Ang init kaya sa kwarto ni Rick. Ayaw naman i-on ni Julie yung aircon. Badtrip.” palusot ko. I felt her sat next to me tsaka na nagsimulang sumandok ng pagkain niya. “Ako na.” I said sabay kuha ng serving spoon from her hand.

“Hahaha. Yoko na nga magcomment. Bahala kayong dalawa diyan.” Jmee said.

“Hoy hoy hoy! Jmee anetch yan?” Sef asked.

“Wala bakla. Hahahaha.” di ko na lang sila pinansin because I know they’ll just call me Mr. Defensive. Kaya kumain na lang ako ng tahimik.

After dinner, we all decided to go home. Pagod din kasi lahat from work so naisipan na lang umuwi ng maaga.

“Hatid na kita.” I told Julie.

“Ha? A-ano eh.”

“Coding ka ngayon diba? I’m sure nagtaxi ka lang kanina. Kaya halika na. Ihahatid na kita.” sabi ko sabay hatak sa kanya papunta sa kotse.

“Ingat kayo lovebirds!!” Diva and Jmee yelled at us. Tumango na lang ako saka na pinaandar ang sasakyan.

The hour-drive from Derrick’s to Julie’s house seemed like a year of driving. Wala kasing kumikibo sa aming dalawa and for the first time, it felt awkward.

When I stopped the car, no one dared to move. We stayed inside for as long as I can remember not even caring to talk. Nagpapakiramdaman kami. It’s as if we just met a couple of hours ago and naisipan ko lang siya isabay.

“Uhm… Yung kanina…” she started.

“Let’s not talk about it. It was a mistake Julie. I-I’m sorry I took advantage of you again.” I explained.

“Uhm… Ano kasi…”

“Wag ka magalit sa akin please? Sorry talaga.” I said as I faced her.

She looked at me with those brown eyes that can melt your whole being. With just her stare, everything feels right in the world. Everything felt like it is made in heaven.

“A-ano ka ba. H-hindi ako galit okay? Okay lang yun.” sabi niya saka pa natawa.

“Hay. I thought…”

“No I’m not mad Elmo. Anyway. Thanks for the ride ha. Papasok ka ba sa loob or uuwi ka na?” she asked.

'I want to go inside and kiss you senseless and sleep with you and wake up next to you and plan my future with you and have babies with you.’ I thought.

“Moe?” I heard her say again.

“Huh?” I said as I shook my head.

“You okay?” she asked as she touches my face.

'Get your hands off my face Julie Anne before I start doing things that would make you want to kill me.’ I thought again.

“O-okay lang ako. Uhm… Sige na pasok ka na. I’ll uhm… I’ll go home na. Pagod din ako eh.” I said.

“Oh. Sige. Uhm… Pag-uwi mo take a warm shower okay? To relax your muscles. Tsaka uminom ka ng gatas so you’ll have a good sleep.” she reminded me.

“Yes I will manager. Good night.” Sabi ko then planted a kiss on her temple. She stiffened for a while but loosened up after. “I’ll see you tomorrow okay? For the event?”

“I’ll try.”

“I’ll pick you up.” I offered.

“Wag na. Pupunta ako don’t worry.” she said. “Good night muppet. Drive safe ha? Call me when you get home.” and then she got out of my car and into their house.

I stared long at their house before I left.

“Good night, manager.”

*****

Staring into space for what seemed like eternity. Trying to recall the events of the night. That teasing part. The moment I bit his arm. When I applied first aid on it. The almost-kiss. The stupid guy who knocked on that door. The teasing at the dinner table. The awkward ride. His eyes. His voice. His hair. His kiss.

“No I’m not mad Elmo. Anyway. Thanks for the ride ha. Papasok ka ba sa loob or uuwi ka na?” I asked him.

He was just staring at me the whole time. And all that time, I took the advantage of memorizing his face. His brown eyes that melts me everytime. His long eyelashes. His perfect nose. His cute ears. His cheeks that I wanted to pinch so bad. His lips. His soft, red lips. His chin. The way he tickles me with his chin. Oh how badly I wanted him to kiss me senseless and take me inside my house and in my room and on my bed. How I wanted to wrap my arm around his body. How I wanted to snuggle up to him and feel his warmth against me again. How I wanted to sleep with him beside me. How I want to see his morning face and how badly I wanted to hear his bedroom voice. How I wanted to smell his natural scent and how I wanted him to own me again. I woke up from stupor when I realized how far my thoughts have been going. I shook my head and cleared my throat.

“Moe?” I called him. He looked surprised and even blushed the moment he heard my voice. What was he thinking?

“Huh?” he asked me his forehead creasing. His thinking face.

“You okay?” I asked as I caressed his cheeks.

“O-okay lang ako. Uhm… Sige na pasok ka na. I’ll uhm… I’ll go home na. Pagod din ako eh.” he answered.

'Then stay here with me.’ my mind said. I brushed the thought away and focused on what should be said.

“Oh. Sige. Uhm… Pag-uwi mo take a warm shower okay? To relax your muscles. Tsaka uminom ka ng gatas so you’ll have a good sleep.” I told him. 'But you can always ask me if it’s okay to sleep here. Because it is. And I want you to ask me that.’ Again, my thoughts are ruining my brain.

“Yes I will manager. Good night.” he said and he kissed my temple.

'Elmo no. Stop that or I won’t let you go home.’ stupid brain. Stop it, Julie Anne!

“I’ll see you tomorrow? For the event?” he asked me.

“I’ll try…” I replied.

“I’ll pick you up.” he said.

'No! Because I won’t let us get out of my house because I want us to spend the night together and just cuddle.’

“Wag na. Pupunta ako don’t worry.” I told him. “Good night muppet. Drive safe ha? Call me when you get home.” I added and immediately got out of his car and into my house and up my room.

And now here I am laying in bed with Elmo in my head. Couldn’t sleep because he hasn’t called me yet. And I’m starting to get worried. I was about to call him when…

BZZZZZZZZZZT!

My phone vibrated and I answered it without even checking on who the caller was. Because I know that it’s him.

“Manager, I’m home.” I heard him say.

“Good. Osige na. You sleep na okay?”

“Yeah. Uhm. Ikaw din ha? Matulog ka na. Para di ka masungit sa umaga. Haha.”

“Che! Ewan ko sayo. Sige na. Good night muppet.” I said.

“Good night manager.”

“Good night. Uhm… Baba ko na ha?”

“Haha. Sige.” he said. “Wait!”

“Oh?”

“Wala, wala. Good night. Sweetdreams manager. See you tomorrow.” he said softly. I yawned and I smiled when I heard him yawn as well.

“You too, muppet.” I said and hang up the phone.

*****

Music blasting from every amplifier installed in this place. Everyone’s bustling around trying to fix models’ hair, retouch make-ups, bring drinks and brief them with what is going to happen. I sat on one corner as I try to look for the person I’ve wanted to see so bad. But she isn’t here. Dadating ba siya? I hope so.

“Pare!” I heard someone said and paglingon ko it’s him. Enrique. Tsk. Kung minamalas ka nga naman. Bakit kasama pa siya hanggang dito?

“Uy dude!” I greeted him and shook his hand. “Andito ka din pala.”

“Yeah. Haha. Friend kasi ng cousin ko yung organizer kaya sinama nila ako dito.” he said.

“Ah. Si Maggie? Haha.”

“Yeah siya nga. Anyway. Sinong kasama mo?”

“Uhm. W-wala pa eh.” I said.

“Muppet…” I then heard her angelic voice coming from my far right. I looked at her and was amazed at how she looked. Doning her cute black dress and her hair down, she looked exactly as what you call simple yet elegant. The Julie style. Just the way I liked it.

“Wow.” I heard someone said and dun ko lang naalala na may kasama nga pala ako. I looked at him and saw his reaction. He couldn’t even take his eyes away from her. Like his imagining having sex with her just by the look in his eyes. I wanted to punch him in the face pero ayoko naman dahil wala namang nakakaalam sa nararamdaman ko so I stayed there. Watching them as their eyes meet and she even waved at him. Like yeah. What the hell Elmo.

“Muppet, late na ba ko? Nasiraan kasi ako and I had to call the auto shop pa para mapick-up yung car ko. Traffic pa sa dinaanan ng taxi.” Julie explained when she reached my place. I stood up and kissed her cheek tsaka ko siya tinitigan.

“Okay ka lang ba? I mean, bakit nasiraan ka? Di mo ba chineck yung car mo bago ka umalis? Sabi ko naman check it first before you leave diba? Tsk. Dapat talaga sinundo na lang kita eh. Nagtaxi ka pa tuloy. Magkano bill mo sa taxi?” sunud-sunod kong tanong sa kanya.

“Tsk. Ang OA mo. Okay lang ako no. Wag mo na isipin yun ha? Eh nagmamadali na nga kasi ako kaya di ko na na-check. Pero okay na. Tumawag sa akin yung sa shop habang papunta ako dito. Papalitan lang daw yung spark plug then okay na ulit.” she said sabay hawak pa sa kamay ko. “Okay na yun.” she assured me and smiled. My mood changed instantly just by seeing her smile. Kanina nag-aalala ako sa kanya, ngayon naman masaya na ko.

“You look good by the way.” I said. She blushed and gave me another smile.

“Thanks. You too! How’s your wound? Okay na ba?” she asked softly. I nodded at her and mouthed an “Okay na.”

“Ehem."we heard someone. Napalingon kami and saw Enrique still standing there. Tss. Nabuhay pa. Epal.

"Oh. Hi! Uhm… Enrique right?” Julie said and waved at him.

*****

The moment she entered the venue its as if the world started slowing down. Parang siya na lang yung tao sa mundo and everything was just a blur. Siya lang yung high definition. How hot she looked in that sexy black dress and her shiny black hair. Wow. Just wow.

“Wow.” I blurted out as my eyes kept on staring at her beauty.

“Muppet, late na ba ko? Nasiraan kasi ako and I had to call the auto shop pa para mapick-up yung car ko. Traffic pa sa dinaanan ng taxi.” I heard her say and I was brought back to reality. Oo nga pala. Andito si Elmo. Yung bestfriend niya. They stared talking as if they were the only people on Earth and I couldn’t help but feel jealous. Wala akong karapatan because we’re not even friends pero basta. Nakakaselos lang because he gets to hold her hand and kiss her cheek even without her permission. And it seems like she is enjoying it. Parang ang normal sa kanila yung ganun. Bakit naman kami ni Bru hindi ganyan?

“Okay na yun.” she said and even held his hand tapos ang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. Like seriously. Bestfriends lang ba talaga kayo? He smiled at her and nodded. As if they have this secret language na sila lang talaga makakaintindi. They were trapped in their own little world and I can’t help it already. I have to interrupt them.

“Ehem.” I said, clearing my throat. I saw Elmo’s reaction at natawa na lang ako. Hindi mapinta yung mukha niya. Nice job, Quen.

She looked at me and waved.

“Oh. Hi! Uhm… Enrique right?” she asked.

“Hi! Yeah ako nga. Haha. Nice seeing you here.” I told her.

“Yeah. Ikaw din.” she said.

“Manager, dun tayo oh. Gusto mo ba kumain?” Elmo asked her.

“Ha? Osige tara.” she said. “Wait lang ha?” sabi niya sa akin. I nodded and they walked away.

I watched them as they talk and laugh and damn. I just can’t take it. Bakit ba kasi ganun kasweet?! Bestfriends lang kayo for goodness’ sake. But I again reminded myself that I have no idea about what their status really is kaya wala din akong paki dapat.

“Psst Quen, di ba pupunta si Julia?” Sab asked me.

“Ha? Hindi eh. May carshow kasing aattendan yun ngayon. Alam mo naman yung pagdating sa kotse nakakalimutan na ko.”

“Hahaha. Ang drama mo boy.” Sab told me as she ruffled my hair. “Eh bakit mag-isa ka dito?”

“Wala lang.” I said. She nodded and sat next to me. “Sab, andito siya.” I said.

“Ha? Akala ko ba w–”

“Hindi si bru. Si Julie. The girl I’ve been telling you guys.” I said.

“Really?! Where? Pakilala mo ko!!” she said and even pulled my hand and started dragging me around the venue. “Asan?” she asked.

“Tsk. Ayun oh. She’s with Elmo.” I said. We stopped walking and she followed my stare.

“Oh. So that’s Elmo and Julie.” sabi niya. I nodded at her as I watched them. “Infairness. Ang cute nila together. Sila ba?” she asked.

“They’re just bestfriends.” I said.

“Really?” she asked. I nodded.

“They don’t look like they’re just bestfriends you know.”

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 9

“Ano bff? Pang Oscar na ba acting ko?” Sef asked.

Nasa coffee shop na sila nun sa kabilang side ng mall.

“Grabe. Thanks bakla ha? Savior talaga kita forevs.” Julie said.

“Akiz pa ba friend? You can call me Darna!” maarteng sabi nito. Tumawa naman si Julie at napailing.

“Haha. Tsk. Tara nga. Order tayo. Nagugutom ako eh.”

“Uyy. Di ko tatanggihan yan girl. Lamonaman ang lola mo. Tommy Hilfiger forevs.” sabi ni Sef sabay hatak kay Julie sa counter.

Nang makabalik sa upuan nila ay nagkwentuhan uli sila.

“Sinetch ba yung kasama ng suitor de beki mo?” Sef asked.

Julie sipped from her frappe bago siya sumagot.

“Si Aldrin. Highschool bestfriend daw niya.”

“Ah. Smell ko siya friend. As in nag-alarm ng ever so bongga ang gaydar ng lola mo kanina. As in superdupermajorbigtime ang sangsang ng smell niya!” sabi nito.

“Haha. Nasmell ko din siya eh.”

“Ay weh?! So hindi bobo ang gaydar mo today?” tanong ni Sef.

“Nacharge ko eh. Kaya full battery siya. Hahaha.”

“Hahaha. Gagita ka talaga. Pero promise girl. Smell na smell.”

“Yes. And ang sama ng tingin niya sa akin everytime Elmo talks to me.” Julie said. “Lalo na kanina nung sinubuan ako ni Moe ng pasta niya. Sobrang sama friend. He’s like shooting daggers at me. Feeling ko mamamatay ako sa mga tingin niya.” sumbong pa niya.

“Ay scary. Eh bff, di naman kaya may past sila ng suitor de beki mo kaya ganyan siya?” he asked. Julie shrugged and continued eating her sandwich.

“I don’t know. Pero I want to find out.”

“Hm. I think we’re on the same page.” Sef said and smiled his evil smile.

*****

“Tsk. Ano na kayang nangyari sa kanya?” Elmo thought aloud.

“Kanino?” Aldrin asked.

“Don’t be stupid Aldrin. Malamang he’s thinking about his girlfriend, Julie.” Janine said. Aldrin looked at her annoyingly at saka siya inirapan nito.

“I’d better go.” Elmo said.

“San ka pupunta?” Aldrin asked. Janine just snorted and the two guys looked at her.

“Clingy much, Aldrin? Hindi ka pa rin ba nakakamove on from Elmo?”

“Stop it Janine.” he said. “Wala akong ginagawa sayo kaya pwede ba. Tigilan mo ko.” he added.

“Whatever. Anyway. I lost my appetite just by seeing the two people that ruined my life. Aalis na ko.” she said and stormed out of the restaurant.

“Tss. Bitch.” Aldrin muttered.

“Don’t mind her. Sige dude. I’ll go ahead.”

“Already?”

“I have to check if Julie’s doing okay.” Elmo said.

“I’m sure she is. Tara muna sa condo ko. Shot muna tayo dude.”

“Pero…”

“Dude, 5 years tayo di nagkita. Uso catching up.” Aldrin said and walked out of the restaurant. Wala naman nang nagawa si Elmo kundi ang sumunod.

*****

“I called Maqui.” Sef said nang makabalik ito galing sa cr.

“Ha? Bakit?” Julie asked.

“Tatanungin natin siya about Elmo and Aldrin. Para maconfirm na natin agad-agad!”

“Sef, natatae ka ba at mas atat ka pa malaman yung totoo?” she asked. Ngumiti lang naman si Sef at saka tumango.

“Kaya gora na tayiz sa baler mo para makausap na si Maqui.” pagyaya niya saka na hinatak palabas ng coffee shop si Julie.

Pagdating nila sa bahay ay agad na tinawag ni Sef si Maqui. They gathered in Julie’s kitchen para dun magkwentuhan.

“Biglaan naman kayo magyaya. Ano bang meron?” Maqui asked.

“Ayan kasi si Sef atat eh.” sabi naman ni Julie.

“Bakit?” pagtataka ni Maqui. “Diba may dinner kayo ni Elmo?” she asked Julie.

“Meron nga.” Julie replied.

“Eh bakit di kayo magkasama?”

“Eh kasama niya pa kasi yung friend niya. Kasama namin nagdinner.” sagot ni Julie.

“Sino?” tanong ni Maqui.

“Oo. Bestfriend daw niya.”

“Ah okay.” sabi ni Maqui. Umupo naman sa tabi niya si Sef at saka siya tinignan ng matagal. “What?”

“Friend, sinetch ba kasi si Aldrin sa life ng dearest cousin mo?” Sef asked.

“Aldrin?” matagal na nag-isip si Maqui. Trying to remember who that guy is.

“Uhm. Siya yung kasama namin magdinner. And highschool bestfriends daw sila ni Moe?” Julie asked.

“Ah!!! Aldrin Cruz! Yes, I remember him.” Maqui said.

“Winner! Oh gora na friend. Make kwento about him and Elmo.” sabi ni Sef.

“Hm. Ang alam ko lang, they were bestfriends nung highschool. Super close sila na even Aldrin’s mom would treat Elmo like her real son. Separated kasi ang parents ni Aldrin and only child siya. Tapos, super close nga sila ni Elmo. Hm. I think Uncle Rob dislikes Aldrin.” Maqui narrated.

“Bakit?”

“Si Uncle Rob kasi, uhm… I don’t know if this is okay to tell you. Pero kasi, Elmo was always beaten up by his dad.” halata namang nagulat ang dalawa sa sinabi niya.

“As in jombag to the left, right, up and down?!” Sef asked in disbelief.

“Yeah. Because of Aldrin. Uhm. Si Aldrin kasi, he’s…”

“Gay?” Julie asked. Maqui nodded at pumalakpak naman si Sef.

“Ay! Confirmed with pink glitter pen!” bulalas ni Sef.

“So yun nga. Diba nga close si Aldrin and Elmo? So Uncle Rob thought that Elmo is gay. Then Janine enters the picture.”

“Wait, wait. Janine?”

“Oo. Hindi niyo alam?” Maqui asked. Julie and Sef shook their heads and so Maqui continued, “Uncle Rob and Janine’s dad are friends. And the moment Uncle Rob doubted Elmo’s identity, he talked to Janine’s dad na kailangan magkakilala ng dalawa. And he wanted Janine to be Moe’s girlfriend.”

“Oh. My. Gosh. As in yung haliparot na yun?! Don’t get me wrong, Jules. Maganda siya when she was our covergirl pero ngayon? My gosh! Daughter ba siya ni Joker at always smiling siya?!”

“Tsk. Shut up, Sef.” Julie said.

“So yun. Because Elmo was scared of his dad, he courted Janine nung college na sila. I think he courted her for 2 years before siya sagutin nito. And then…”

“Julie? Julie are you home?” nagulat sila when Elmo entered the kitchen.

“Moe?” sabi nilang tatlo.

“Oh. Anong nangyari? Okay na ba yung emergency sa office niyo? What are you doing here, Maq?” Elmo asked.

“Ah. Oo okay na. Naayos naman agad.” Julie answered.

“I saw them sa labas ng office ni Julie. May pinuntahan kasi ako malapit dun and yun. Sabay-sabay na kaming umuwi dito.” Maqui reasoned out.

“Ah okay. You got me worried. Akala ko may nangyari ng masama sa office niyo.”

“Waley naman friend. Nacorrupt lang yung files and nagpanic si Mich kaya yun. Sarap nga itapon mula 24th floor eh. Kalokang babaita.” reklamo ni Sef.

“Haha. Uhm. Anong ginagawa niyo? Mind if I join you guys?” Elmo asked.

“Eh anetch pa ba magagawa namin? Anditey ka na eh.” Sef replied.

Umupo si Elmo sa tabi ni Julie.

“Anong pinagkkwentuhan niyo? I heard my name habang papasok ako.” he asked them. Nagtinginan naman ang tatlo.

“Ha? Ano kasi, sabi ko sa kanila kawawa ka naman kung naiwan ka sa resto.” Maqui answered.

“Eh I told her naman na kasama mo nga sila Aldrin so yun.” Julie added.

“Ah okay. Akala ko pinagchichismisan niyo na ko eh. Hahaha.” Elmo laughed.

“Feeler much ka ha.” kontra ni Sef.

“Joke lang kasi.”

“Hmp. Gorabels na nga akiz. Antokyo Japan na ang lola niyo.” sabi ni Sef tsaka na tumayo. He kissed Julie and Maqui at saka inirapan si Elmo.

“Hay. Ako din uuwi na. Inaantok na din ako eh.” Maqui said. Humalik na rin siya kay Julie and ruffled Elmo’s hair. “Hoy, Mokong bawal mang-rape ha.” she reminded him.

“Friend, di yan mangrrape. Baka siya pa marape ni bff.”

“Gago!” Julie said. Nagtawanan silang apat at saka na nagpaalam uli sila Sef at Maqui.

*****

“Bakit parang ang aga niyo naman natapos?” Julie asked when Maqui and Sef went home.

“Ha? I wanted to go home already. Nag-alala kasi ako sa inyo ni Sef. Akala ko sobrang emergency yung nangyari sa office niyo.” he replied.

“Hindi. Corrupted files lang yun. Sadyang nagpanic lang si Mich.” she assured him.

“Jules, about kanina pala. Uhm…”

“Okay lang yun. Syempre normal na mamiss niyo ni Aldrin ang isa’t isa. You’ve been friends for a very long time at matagal kayong hindi nagkita.”

“Pero kasi I know it’s not just that. Nakita ko naman how he looks at you eh.” he said. Napayuko si Julie nang marinig ang sinabi ni Elmo. “Please don’t get the wrong idea. Wag sana pumangit impression mo sa kanya.” he said.

“Ano ka ba. Aldrin’s nice. Siguro di lang siya sanay na makita ka with girls kasi syempre all your life na magkasama kayo, puro lalaki kayo sa barkada. Kaya yun.” Julie told him. Nginitian siya ng dalaga at medyo nawala naman ang kaba niya.

“Napakaunderstanding mo talaga.” Elmo said sabay yakap kay Julie. “Thank you.” he said after.

“Haha. You’re welcome. Pero amoy alak ka so pwede ba? Uwi ka na and maligo? Kainis yung amoy mo. Ano yan?” she sniffed the shirt he’s wearing. “Tapang! Tequila ba yan?” she asked.

“Konting shots lang naman yun.” he defended.

“Kahit na. Go home na and sleep. Bukas na lang uli tayo magkita.” Julie said.

“Alright. Simba tayo tomorrow?” Elmo asked her habang hinahawakan ang kamay ng dalaga.

“Sure. Simba tayo tomorrow. Then samahan mo ko sa grocery?” she asked.

“Okay. It’s a date.” he smiled. “Good night.” sabi niya tsaka na kiniss ang noo ng dalaga.

“Good night, Moe.”