jeyp

Late ako kahapon onti kaya wala akong meal allowance :( jk nagpalate talaga ko kasi pag-umuuwi ako ng bahay di matigil kwento ko kaya late na ko natutulog. Nung nag-aantay na ko ng masasakyan, napadaan si Ate Lheng na nakamotor.

Ate: Be, sabay ka na.
Me: Oh? sige haha
Ate: Hintayin mo ko magpapahangin lang ako
Me: (Nakng, late na ko eh hahaha)

So, yun hinintay ko siya kahit ang dami ko ng nakitang dumaang tricycle, nakakapanghinayang shems. Pagharap ko sa kaliwa nakita ko si Vhim palapit sakin ngumingiti. Lumaki tuloy ngiti ko sabay tanaw sa kabilang street kasi dun siya galing.

Me: Uyyy! (sabay hampas sakanya) Papasok ka na?
Vhim: Oo, late na nga ko eh
Me: Pareho tayo haha (napansin ko ang laki ng bag niya) SIpag naman, nux.
Vhim: Haha de, mag-overnight kasi kami. Kami-kami nila Gin, Jeyp.
Me: Ay ang daya naman :(
Vhim: Sama ka hahaha (may dumaang tricycle) Tara!
Me: Ha? Hala, kasabay ko si Ate Lheng hahatid niya ko.
Vhim: (lumungkot yung mukha niya hahaha) Kaya nga ko naglakad papunta dito para sabay tayo, sayang.
Me: Eh sorry na. Next time hehe.  (tas sakto may dumaan ulit na tricycle) Sakay ka na.
Vhim: Sige-ge, pangks. Ingat ah!
Me: Bye! Ingat Titoooo~

So another nakakapanghinayang na pagkakataon hahaha chichikahin ko pa naman sana sayang. Pero andaya talaga may overnight pala huhu miss ko na blockmates ko sobra :(